CHAPTER THIRTEEN

2190 Words
Tumingin si Xander kay Andy ng may nakakaakit na ngiti, saka iniwan ang paper bag ng cheese roll sa mesa niya. "Okay, Andy," sabi nito, ang tono ay puno ng confidence habang paalis. "Kahit anong gawin mong tanggi ako pa rin 'yung laging nasa isip mo." Ano bang problema ng lalaking ’to?! Andy stared at the cheese roll like it had just confessed a secret she wasn’t ready to hear. Para bang bawat butil ng asukal sa ibabaw nito ay may sariling opinyon tungkol sa love life niya. Pero mas malaki ang tanong: Mas naiinis ba ako kay Xander, o sa sarili ko? May kung anong pumipintig sa dibdib niya—hindi inis, hindi galit, pero siguradong hindi rin simpleng kabag. Para bang… excitement na ayaw niyang aminin? Isang linggo na mula nang magsimula ang #Xandy trend sa campus, at parang araw-araw, sumasakit yung bangs niya sa konsumisyon. Bakit? Dahil si Xander Villacruz—ang certified playboy, walking heart emoji, at self-proclaimed “future boyfriend” niya ay parang alarm clock na walang snooze button. Walang humpay sa pambubuwisit sa kanya. Kapag naroon siya sa Cafeteria? May iced coffee sa mesa niya, may note pang: “For my favorite girl. Yes, ikaw.” Pag tumatambay naman siya sa Library, bigla itong susulpot sa kabilang shelf na parang may sariling teleportation powers may dalang highlighter. Color-coded pa. Sa Hallway? Madalas niya itong makasalubong at tawagin siyang “Hi, Babe?!”, ang term of endearment na ‘yon ang nagpapakilig sa buong campus pero nagpapataas ng blood pressure ni Andy. At ngayong araw, mukhang hindi pa rin tapos ang misyon ni Xander. "Andy!" sigaw nito mula sa kabilang dulo ng hallway. Parang may sariling background music. Andy groaned, binilisan ang lakad. Wala siyang narinig. Pero mabilis siyang sinundan ni Xander at agad siyang naabutan. "Hi!" bungad nito sa kanya. Just like that, he was already beside her. Bitbit ang cheese roll na may nakadrawing na smiley face gamit ang ketchup. May effort. May artistry. May borderline-stalker energy. "Ano na naman ’yan?" tanong ni Andy, sabay irap. Tiningnan niya ang cheese roll na parang bomba matamis pero delikado. "Peace offering," sabi ni Xander, pilit isiniksik ang pastry sa kamay niya. Ang ngiti ni Xander? Parang may sariling commercial. Nakakainis. Nakakahulog. "Peace offering?! Para saan?" Nag-cross arms si Andy, pero bahagyang humigpit ang hawak niya sa cheese roll. Xander leaned closer, eyes glinting. "Para sa lahat ng heart attacks na dulot ng kaguwapuhan ko. And maybe... para sa lahat ng pangungulit. Pero mostly, para sa’yo. Kasi alam mo, Andy..." Marahang hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa kanyang mukha at masuyong hinaplos ang kanyang pisngi. "Ang hot mo kapag naiinis ka." "Ano?!" Parang may dumaloy na init sa buong katawan ni Andy nang maramdaman ang palad ni Xander sa pisngi niya. Napalunok siya, halos hindi makagalaw at biglang nalimutan kung paano huminga. "Baliw ka ba?!" She rolled her eyes, though her voice cracked with something suspiciously close to panic. "Hindi ko 'yan kakainin!" "Ah, ganun?" Kinuha ni Xander pabalik ang cheese roll at biglang naging seryoso. "Kung ayaw mo, eh ’di ako na lang ang kakain..." Bago pa makareact si Andy, kumagat ito ng maliit na piraso. "Hoy, akin na 'yan?!" Halos mapatalon si Andy. Mabilis niyang hinablot ang cheese roll mula sa kamay ni Xander. Ngumiti si Xander, halos hindi maitago ang tagumpay. "Sabi ko na eh… gusto mo rin." "Hindi, ah!" Sumubo si Andy ng isang malaking kagat, halos pumutok ang pisngi niya sa laki ng subo. "Ayoko lang na may masayang 'yung pagkain!" Pero ramdam niya ang tingin ni Xander tila ba aliw na aliw itong pagmasdan siya, at may bahagyang ngiti ang sumilay sa mga labi nito. Hindi kagat ang gusto nitong panoorin—kundi siya. Xander leaned in, mahina itong bumulong sa tenga niya. "Kung ayaw mong masayang ang pagkain..." Dama ni Andy ang mainit nitong hininga na humahaplos sa kanyang pisngi, at para bang may kuryenteng dumaloy mula leeg niya pababa sa tiyan. Napapikit siya, hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa gulo ng damdamin na biglang umusbong sa dibdib niya. "Bakit parang ako yung laging nilalapitan mo...?" Napaatras si Andy. Marahan niya itong tinulak palayo. Kahit siya ay naguguluhan hindi sa kilos ni Xander kundi sa reaksyon ng kanyang puso. "Ang kapal talaga ng mukha mo!" naiilang na sambit niya. "Ikaw na yata ang pinaka conceited na lalaking nakilala ko." Xander winked. Tinawanan lang nito ang sinabi niya."Hindi makapal 'to, Babe. Confident lang." At parang wala lang, naglakad na si Xander palayo, para itong heartthrob na kumaway pa sa mga estudyanteng nakasaksi. Halos lahat, nagpipigil ng kilig at hiyawan. Si Andy? Naiwan sa gitna ng hallway, hawak ang kalahating cheese roll at ang pisngi niya, kasing-init ng hininga ni Xander kanina. At kung mas matagal pa siyang tititig sa pastry na ’yon, baka pati puso niya matunaw na rin. Ano ba, Andy? Pull yourself together! Buong araw, umiwas si Andy, walang eye contact, walang conversation, at lalong walang cheese roll moments. Hindi siya dumaan sa cafeteria. Nag short-cut pa siya sa likod ng admin building kahit alam niyang may multo raw doon. Pero kahit anong iwas niya, may isang katotohanang gumugulo sa isip niya: Paano kung... gusto ko rin? At ‘yon ang delikado. Kasi kung totoo 'yon…Kung gusto rin niya si Xander...Paano kung totoo lahat ng biro nito? Paano kung hindi lang siya ‘yung pinaglalaruan? Paano kung, this whole time… siya rin ang tinitibok? Hindi niya alam ang sagot. Pero isang bagay ang malinaw habang tinititigan niya ang natirang cheese roll sa kamay niya: Mas matagal nang iniwasan ni Andy ang puso niya kaysa kay Xander. Pero iisang tanong lang ang hindi niya kayang takasan, ready na ba akong umamin? Mission: IGNORE XANDER. ACTIVATED. Nasa cafeteria si Andy, tahimik na kumakain ng lunch kasama si Mia, habang pinipilit pakalmahin ang utak at puso. "Okay, bes… spill," sabi ni Mia, sabay kurot ng fries. "Ba’t para kang time bomb? Si Xander na naman ba ang culprit?" "Hindi ako tense," ani Andy, a little too quickly. Masyado siyang defensive para sa taong "walang pake.""Busy lang ako… sa pag-aaral. Sa buhay. Sa paghahanap ng inner peace." "Peace of mind o ‘Xander-free zone’?" tukso ni Mia, kasabay ng malanding taas ng kilay. Andy groaned. "Ano ba talaga'ng kailangan kong gawin para tantanan na ako ng lalaking ‘yon?" "Simple lang." Ngumisi si Mia na parang may sariling teleserye soundtrack. "Maghanap ka ng mas matinong manliligaw." "Very funny," walang emosyon na sagot ni Andy. Inirapan niya si Mia at pinandilatan ng mga mata. Pero bago pa siya makareklamo ulit, isang pamilyar na presensya ang dumaan sa harap nila—may dalang tray, may ngiti sa mga labi at may kasamang signature Xander energy. "Ay, wala akong energy rito…" Si Andy ibinaba ang kutsara at tinakpan ang mukha gamit ang kamay. Kung puwede lang siyang mag-phase out. "Good afternoon, ladies!" malambing na bungad ni Xander habang pabirong siniksik ang sarili sa tabi ni Andy. Binalingan niya ito. "Hoy, Xander!" reklamo ni Andy. "Wala bang ibang bakanteng upuan?" "Wala akong makita," patay-malisyang sagot ni Xander kahit halatang may limang bakanteng mesa sa likod. "Tsaka dito mas presko..." Sabay paypay sa sarili gamit ang kwelyo. "Presko kasi ikaw ‘yung katabi ko." "Eeewww!" sabay na sigaw nina Andy at Mia. Xander just grinned, like chaos incarnate. "Relax lang kayo. May peace offering naman ako, oh." Inilabas nito ang paper bag na para bang trophy. "Ano na naman ‘yan?" tanong ni Andy, pinipilit huwag magpakita ng interest. Pero may slight panic sa mata niya. Xander flashed a grin—teasing, like he knew exactly what he was doing. Binuksan nito ang dalang paper bag at lumitaw ang mainit-init na cheese roll, umuusok pa, at may amoy na parang sinasadya talagang guluhin ang kaluluwa ni Andy. "Ayan ka na naman!" naiiritang wika ni Andy, napapaatras siya sa kinauupuan. "Ikaw na nga ‘tong problema ko, tapos ikaw pa ‘tong nagbibigay ng paborito kong pagkain!" "Ang weird, no?"Xander leaned in slightly, ang ngiting parang may sariling fan club. "Ako ‘yung problema mo… pero ako rin ‘yung solution." Si Mia? Halos malunod sa kakatawa sa tabi nila. Si Andy naman, pilit pinipigilan ang ngiti pero hindi na maitago ang pamumula ng mukha niya na parang sinampal ng strawberry milkshake. "Andy," mahinang bulong ni Xander, bahagyang tumagilid para mas lalo pang magkalapit ang mukha nila. Mababa ang boses nito, parang may sariling gravity na humihigop sa atensyon ni Andy. Napatingin si Andy sa kaharap, at sa sobrang lapit ng mukha nila, naramdaman niya ang hininga nito sa kanyang balat. Para bang may biglang nag-error sa sistema ng puso niya. "Kainin mo na ‘yan," wika ni Xander. Mapanukso itong ngumiti sa kanya."Unless... ako talaga ’yung gusto mong tikman." Kinindatan pa siya nito Parang may biglang sumigaw ng "CUT!" sa utak ni Andy. Hindi ito scripted. Hindi siya ready. At hindi siya prepared sa epekto ng isang Xander Villacruz. "Ano daw?!" Halos malaglag si Andy sa upuan. May sumigaw ng "OMGGGG!" mula sa kabilang table, at may nag-record pa yata ng reaction niya. Si Xander? Parang walang nangyari. Chill lang. Parang hindi lang ito nag-drop ng flirt bomb sa cafeteria. Si Mia naman? Literal na napasandal sa upuan sa kakatawa, parang wala nang bukas. Samantalang si Andy? Pilit niyang pinapakalma ang puso niyang kumakabog na parang drumline ng marching band. At sa bawat ngiti ni Xander, isang pader ang unti-unting gumuguho. Pero hindi siya basta susuko. Hindi pa ngayon habang may natitira pang pride si Andy Ramirez. Nagdesisyon si Andy: No more Xander. Period. Kaya buong araw siyang naging ninja: Nagpalit ng ruta papuntang classroom? Check. Umupo sa pinakadulong sulok ng library? Check. Nag-earphones kahit walang music? Check. Nag-Airplane Mode? Check. Kung pwede lang mag-install ng anti-kilig firewall, ginawa na niya. Mission: IGNORE XANDER SUCCESSFUL. Pero pagkalabas niya ng classroom, may kakaibang energy ang sumalubong sa kanya. Yung mga estudyante, nakangiti. May nagbubulungan. May naghihiyawan sa kilig. At ang pinakamasama? May isa pang nag-picture sa kanya habang naglalakad. Anong problema ng mga ’to? bulong ni Andy sa sarili, paranoid na tumingin sa paligid. Pagdating niya sa locker, may box ng cheese rolls sa ibabaw ng bag niya. Hindi lang basta nasa box—aesthetic pa. Naka-ribbon, at may pa-note pa sa ibabaw: For the Ice Queen: From your #1 Fanboy — Xander "What the...?!?!" Napalinga si Andy, para bang may hidden camera na sumusubaybay sa breakdown niya. At parang may cue sa script, may babaeng lumapit mula sa kabilang hallway—excited na parang best friend sa romcom movie. "Uy, Andy!" Halos himatayin sa kilig na approach nito. "Awww, sweet naman ni Xander, noh? Kung ako sayo, Hindi ko na yan pakakawalan, itatali ko na yan sa beywang ko." Andy stared at the note like it just personally offended her. Ano?! Sweet daw? Ito na ba ang simula ng emotional collapse niya sa public? “Si Xander na Naman?!" sigaw ni Andy, halos magwala sa inis. “Girl, trending na naman kayo sa campus page!” singit ng isa, sabay abot ng phone na may screenshot ng post. Napaatras si Andy, nanlaki ang mata, parang binuhusan ng malamig na tubig. ‘Wag mong pansinin… chill ka lang… deep breaths…’ Pero bago pa siya makatalikod, nakita niya ang paglapit ni Xander wearing that killer smile on his face. “Hi, Babe.” nakangiting bati nito. Lumitaw si Xander na parang favorite plot twist—smooth, timing na timing, at may ngiting kayang mag-crash ng server. Si Xander Villacruz. Nakatayo ito sa dulo ng hallway, kumakaway na para bang buong campus ang naging audience niya. Bigla siyang pinanghinaan ng tuhod. Abot-abot na naman ang kaba sa dibdib niya. Bakit kasi sobrang perfect ni Xander?! Ngiti pa lang, makalaglag panty na. Ipinilig ni Andy ang ulo. Ano ba itong naiisip ko? Parang nawawala na siya sa katinuan. Hindi naman siya ganito dati. Napabuntong-hininga siya at kinalma ang nagwawalang puso. Sinubukang mag-focus. Think straight, Andy... "Tikman mo na 'yung cheese roll na binigay ko," malambing na wika ni Xander. "Ginawa ko 'yan para sa'yo, promise." Napatigil si Andy. "Talaga ba? Ikaw? Nag-bake?" Ngumiti si Xander, lumakad papalapit, at kitang-kita ang ginamit na apron na suot nito. "Wait lang… ikaw talaga gumawa nito?" tanong ni Andy, hindi makapaniwala. "Oo naman!" sagot ni Xander, may ngiti sa mga labi. "Sabi mo kasi gusto mo ‘yung cheesy, kaya ginawa ko ‘to para sa'yo." Napailing si Andy. "Psh! Kapag kinain ko ‘to tapos nasira tiyan ko, babalik ako sa'yo para multuhin kita." Ngumiti si Xander, sabay kindat. "Okay lang… basta multuhin mo ako araw-araw." Napailing si Andy, ngunit imbes na magalit, bigla siyang napangiti. "Ang cheesy mo," sabi niya, pero hindi na niya maitago ang ngiti sa mga labi. Habang naglalakad palayo si Xander, narinig pa ni Andy ang pabulong nitong boses: "Sabi ko na eh... gusto mo rin ako. In denial ka lang." Naiwan si Andy sa gitna ng hallway, may cheese roll sa isang kamay, at may kakaibang kaba sa dibdib. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit parang unti-unti ko na siyang nagugustuhan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD