Nagulat si Andy nang biglang bumukas ang pinto ng janitor’s closet at bumungad si Xander. Nakangiti ito na parang bida sa sariling romcom. Kulang na lang spotlight at background music.
“Found you,” anito, parang eksena sa pelikula, ang mga mata ni Xander ay kumikislap sa amusement. "Why hiding from me, Andy?!"
Muntik ng mapasigaw si Andy, pero napigil niya ang sarili nang makita kung sino ang sumiksik sa makipot na espasyo. Sa isang iglap, parang ang mundo niya ay nagslow motion, at siya lang at si Xander ang natira sa paligid.
“X-Xander?!” mahina pero mariing tanong ni Andy. Nanlalaki ang mata, parang hindi pa rin makapaniwala na nasa harapan niya ito. Napaatras siya
hanggang sa maramdaman ang malamig na pader sa kanyang likod. Nabitin ang hininga niya at halos hindi siya makagalaw. “Anong ginagawa mo dito?” tanong niya, sa mahinang boses.
Ngumisi si Xander, sabay itinukod ang isang braso sa dingding malapit sa ulo niya. A classic trap move.
“Eh ‘di sinusundan kita,” nakangiting sagot ni Xander. "Bakit ayaw mo ba?" sagot nito, may pilyong ngiti ang sumilay sa mga labi nito.
Pakiramdam ni Andy ay unti-unting lumiit ang janitor's closet—o baka si Xander lang talaga ang dahilan. Nakasiksik siya sa dibdib nito, at kahit ang gahibla ng pagitan nila, ang init ng katawan ni Xander ay para bang tumutulak sa kanya palapit. Parang may hindi matitinag na puwersa sa pagitan nila, isang emosyon na hindi niya kayang iwasan.
Bakit ang bilis ng t***k ng puso ko? Ang lakas ng kaba sa dibdib niya, ngunit may kasamang hindi matukoy na saya. Natatakot siyang marinig ni Xander, pero mas takot siyang aminin sa sarili kung bakit.
“Akala mo ba makakatakas ka sa’kin?”
“Hindi ako tumatakas. Naglalakad lang ako… nang mabilis,”
“So you’re power walking away from your feelings?” Tinaasan siya ni Xander ng kilay, kaswal ang tono pero ang mga mata, masyadong malalim, parang may mga tanong na mas mahirap sagutin.
“Feelings? Kaninong feelings?”
“Well, definitely not mine. I’m emotionally stable.” biro pa ni Xander, sabay kindat. "Ikaw lang naman ‘tong hindi makatingin nang diretso,”
Umirap si Andy pero hindi siya makaiwas ng tingin. “Excuse me, baka ikaw ang may hindi kayang i-handle ang presence ko.”
“Oh, I can handle you. Anytime. Anywhere,” Binaba ni Xander ang boses nito, sinadyang gawing suggestive. Nakakunot ang noo ni Andy, pero kita sa mga labi niya ang pilit na tinatagong ngiti.
“Ang yabang mo talaga,” bulong niya, pero parang siya na rin ang natatawa.
“Confidence ‘yon. At saka, aminin mo, kinikilig ka.”
“Ako? Kinikilig? Sa’yo? Sa presensya ng isang overconfident, annoyingly charming—”
“—devastatingly handsome?” dagdag ni Xander agad, nakangisi.
“More like devastatingly delusional,”
Tumawa si Xander, malakas at totoo. At kahit pa napapailing si Andy, hindi niya maiwasang mapangiti rin.
“Layuan mo nga ako!" iritadong sambit ni Andy, marahang tinulak si Xander palayo. Halos hindi na siya makagalaw sa sobrang lapit ng kanilang mga mukha, ramdam na ramdam niya ang init ng hininga ni Xander sa kanyang pisngi. "Ano bang problema mo?!"
Iniiwasan niyang tingnan ang lalaki, pero hindi niya kayang itago ang kilig at inis na nararamdaman.
"Simple lang," sagot ni Xander, ang mata nito ay kumikislap, pilit na pinipigilan ang tawa. "Ikaw 'yung paborito kong asarin."
“Ngayong nakapang asar ka na, puwede ka na bang umalis bago pa ako tuluyang mainis sa’yo?" mariing sabi ni Andy, ngunit hindi umatras si Xander. Sa halip, lalo pa itong lumapit, ang tingin kay Andy ay may halong kuryusidad at saya.
"Bakit ka ba palaging umiiwas sa’kin?" nang aarok na tanong ni Xander. Napaatras si Andy, pero nang maramdaman ang pader sa likod, wala na siyang mapupuntahan.
"Ikaw kasi, ang kulit mo!" sagot ni Andy, ngunit habang lumalapit si Xander, parang lumiliit ang espasyo sa pagitan nilang dalawa.
Nagkatinginan sila, halos magdikit na ang kanilang mga ilong. Si Andy, pilit nilalabanan ang kumakalat na init sa katawan, si Xander, tila enjoy na enjoy sa bawat awkward moments niya.
"Andy..." bulong ni Xander, malamig at malambing, "Tama na 'yang kakaiwas mo."
"Ha? A-Ano?" Nataranta si Andy, napatagilid ang ulo, isang pilit na pagtatangka na umiwas ng tingin.
"Alam mo bang namiss kita?"
"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan!" Sumabog ang tenga ni Andy sa kabang nararamdaman, ang puso niya parang malakas na tambol sa dibdib. "Tumigil ka nga, hindi ka na nakakatuwa."
Ngumisi si Xander, halatang enjoy na enjoy sa pagkalito ni Andy. "Nagulat ka ba? Pero bakit kinikilig ka?"
"Sinong kinikilig?" pilit na itinago ni Andy ang pamumula sa kanyang pisngi, pero hindi na niya kayang ipagkaila ang nararamdaman.
Dahan-dahang binuksan ni Xander ang pinto ng closet, ngunit bago ito tuluyang umalis, tumingin ito kay Andy, sabay kindat.
"Mas maganda ka kapag hindi mo ako iniiwasan."
Naiwan si Andy, nakatayo sa loob ng closet, tulala at hindi makapaniwala sa sinabi ni Xander. Hawak pa rin ang bag niyang muntik nang mahulog. Delikado talaga si Xander. Hindi dahil sa kung anuman… kundi dahil kaya niyang guluhin ang mundo ko nang isang tingin lang.
Paglabas ni Andy mula sa janitor’s closet, para siyang nasa eksena sa crime documentary mabagal ang lakad, mabilis ang kaba, at pakiramdam niya lahat ng mata ay nakatutok sa kaniya.
Ang masaklap? Siya mismo ang ebidensya.
“Hoy, bakit ganyan ang itsura mo?” tanong ni Mia, biglang sumulpot mula sa likod ng locker na parang jumpscare sa horror movie. “Mukha kang caught in the act.”
“Nagtatago lang ako,” sagot ni Andy, pilit isiniksik ang mukha sa librong hawak-hawak kahit baligtad ito.
“Let me guess…” Mia leaned in, eyes twinkling. “Kay Xander?”
“Shhh…wag kang maingay.” mahinang sambit ni Andy. Tinakpan nito ang bibig ng.kaibigan pero huli na ang lahat.
“Too late,” sabat ni Rina, na halos lumutang sa tuwa habang hawak ang cellphone. “Guess who just made it to the Westbridge Hall of Fame?”
Ipinakita nito ang screen—HD photo nila ni Xander, nasa loob ng janitor’s closet, kuhang-kuha mula sa maliit na bintana. Maliwanag pa ang ilaw. May konting blur effect. Pang-romcom talaga.
Janitor’s Closet: Where Love Gets Swept Up? #XandyFiles #Broomance”
“WHAT?!” halos mapasigaw si Andy. “Sino’ng may pakana nito?!”
“Westbridge Gossip Page,” sagot ni Mia, natawa na sa sobrang gulo. “Ten thousand reactions in an hour. Trending ka, girl!”
“Hindi ‘to nakakatawa!” ani Andy, halatang natataranta at tinatakpan ang mukha. “Walang nangyari, okay?! As in wala!”
“Hmm. Defensive,” sabi ni Mia, nakakunot ang noo na parang may sariling polygraph test. “’Wala’ ba talaga, o ‘wala… pa’?”
Bago pa siya makasagot, narinig nila ang isang pamilyar na boses mula sa likod.
Tahimik ang hallway nang ilang segundo, tapos biglang dumating si Xander.
“Speaking of the devil,” bulong ni Mia, habang pilit tinatago ang kilig sa tawa.
Lumapit si Xander Kay Andy na parang walang nangyari, parang walang nagva-viral na scandal photo sa internet.
“Relax ka lang, Andy. Sikat ka na. Pero ‘wag kang mag-alala… mas marami pa tayong moments na paparating.” Tumigil ito sa tapat ni Andy, ngumiti ng malambing. “Mas maganda ka pala sa candid.”
Hindi nakasagot si Andy. Hindi dahil wala siyang masasabi pero dahil para siyang binagsakan ng spotlight na hindi niya hinihingi. At worst? Deep inside… kinikilig siya.
Pero hindi niya ‘yon aaminin. Kahit kailan.
Kinabukasan, parang buong campus naging instant teleserye panel. Sa hallway, sa CR, sa cafeteria, lahat updated sa #Xandy developments.
Andy walked faster, pero kahit sa anino ng lockers naririnig niya ang bulungan.
“Ang cute nila, no?”
“Grabe ‘yung chemistry, parang K-drama!”
Lord, buntong-hininga niya habang nagtatago sa likod ng hallway post, Puwede bang i-expel ‘tong lalaki na ’to sa puso ko?
Napadpad siya sa student council office, umaasang Hindi niya makikita room si Xander. Pero nagkamali pala siya. Kasi pagkapasok niya naroon si Xander. Hinihintay ang pagdating niya.
“Hi, Babe,” nakangiting bati ni Xander, hawak ang iced coffee na may extra caramel drizzle. “Na-miss mo ako?”
Napairap siya. “Wala akong oras sa’yo, Villacruz.”
“Stress ka ba sa pagiging campus celeb natin?” Marahang nilapag ni Xander ng kape sa mesa, kaswal na parang walang viral scandal kahapon.
“Walang tayo, Xander!’” sigaw ni Andy. Pero kahit may fire sa boses niya, may crack din sa dulo at hindi iyon lingid kay Xander.
“Sigurado ka ba?” Nilapitan siya nito, bahagyang tumagilid ang ulo. “Kasi parang… may ‘tayo’ na.”
Napaatras si Andy. “In your dreams.”
Pero bakit parang may kaunting pagdududa sa sarili niyang sigaw?
Halos magdikit ang kanilang mga mukha. Si Andy, halos matapilok na siya sa kaba. Si Xander, parang nag-eenjoy sa pagpanic niya.
“Bakit ka namumula?” tanong nito, kunwari inosente.
“Hindi ako namumula!” Tinakpan niya ang mukha gamit ang folder.
“Bakit ganyan ‘yung boses mo?”
“Ganyan talaga ako magsalita!”
“Mas cute ka pala pag defensive,” ngisi ni Xander. “Noted.”
Iniabot ni Xander ang iced coffee sa kanya. “Paborito mo, ‘di ba?”
“P-Paano mo nalaman?”
“Secret.” Kumindat ito. “’Wag mo akong masyadong isipin, Babe."
Nagpaalam ito na lalabas saglit. Hindi pa nga niya nauubos ang iced coffee, bumalik si Xander at ngayon may dalang itong cheese roll.
“Para hindi mo sabihing pinapabayaan kita,” sabi pa nito.
Andy crossed her arms. “Hindi ako madaling bolahin.”
“Bolahin?” Xander leaned in. “Nagbibigay lang ako ng meryenda sa future girlfriend ko.”
“Future girlfriend agad?! Huwag ka ngang assuming!”
"Assuming?” ulit ni Xander sa sinabi niya, at napangiti. “Eh ‘yung iced coffee mo, ubos na. Akala mo ba hindi ko napansin?”
Bago pa siya makareact ay biglang nagsita si Mia.
“Besh! Ubus mo pala oh!” sigaw ni Mia sa may pinto. “Kinikilig ka rin!”
“Huwag kang epal, Mia!”
Ngumisi ulit si Xander, at this time, mas malambing ang tono.“Aminin mo na, Babe…”
“Aminin ang ano?!”
“Na gusto mo rin akong makita araw-araw.”
Tumigil si Andy. Heartbeat: drumline mode. Panic with a beat.
Tinakpan niya ang dibdib. “Hindi ako kinakabahan!”
“Pero bakit ganyan ‘yung ngiti mo?”
“Hindi ako ngumingiti!”
“Babe…” Xander stepped closer. “You’re falling.”
Tumigil ang mundo ni Andy.
At ako nga ba…? Bakit parang oo na ang sagot ko kahit ayoko pa?