"Ano ka ba, Mia? Hindi ko 'yun manliligaw!" mariing sabi ni Andy habang binibilisan ang lakad para makaiwas sa usisa ng kaibigan.
"Eh bakit parang natutunaw ka kanina?" tukso ni Mia habang sumasabay sa kanya. "Grabe, girl! Para kang naging tomato sa pula!"
"Hoy!" Pinanlakihan ito ng mata ni Andy. "Mainit lang kaya! Tsaka...baka allergic ako sa pabango ng lalaking 'yun!"
Mia crossed her arms at ngumiti nang mapanukso. "Allergic? Hmm... mukhang 'love allergy' yan, besh."
"Huwag na huwag mo ngang sasabihin yan!" babala ni Andy, pero bago pa siya makapag-paliwanag may biglang tumawag sa kanya.
"Andy!"
Napapikit si Andy sa inis.
Oh no... 'eto na naman siya.
Lumingon siya at bumungad si Xander, papalapit habang bitbit ang paper bag na may lamang cheese roll.
"Cheese Roll mo." sigaw ni Xander habang iwinawagayway ang paper bag na may lamang cheese roll na nahulog pala sa sasakyan.
"Ano ba 'yan! Bakit mo pa dinala 'yan dito?!" naiinis na tanong ni Andy.
"Sayang kasi," ani Xander na para bang napakaseryoso ng misyon nito sa pagligtas sa cheese roll. "Baka makalimutan mo kasi na ako ang 'paborito mong supplier ng happiness.'"
"Supplier ng happiness?!" halos malaglag ang panga ni Andy. "Supplier ka ng bwisit, 'yun ang sigurado!"
"Wow. Ang harsh mo naman," kunwari'y nasaktan si Xander, hawak pa ang dibdib nito. "Pati ba naman cheese roll, pinagkakait mo pa sa'kin?"
"Bakit? Ikaw ba 'yung cheese roll?" irap ni Andy.
Ngumiti si Xander, masyadong kampante. "Depende... kung ako ba 'yung tipong gusto mong kagatin."
"Yuck!" sigaw ni Andy, sabay agaw ng cheese roll.
Pero bago pa siya makalayo, hinabol siya ni Xander at bumulong:
"Babe, kahit magpanggap kang galit ka... nahahalata kong natutuwa ka na sa'kin."
"Tama na nga!" Napapailing na lang na lumakad palayo si Andy, pero hindi niya mapigilan ang sumilay na ngiti sa labi niya.
Si Mia, na saksi sa lahat, ay sinamaan siya ng tingin.
"Girl..." bulong nito. "Mukhang tapos na laban mo."
"Tapos na saan?"
"Sa puso mo," tukso ni Mia. "I think you're falling, Andy... falling hard."
"No way!?" sigaw ni Andy, pero kahit anong tanggi niya hindi niya rin maitago ang bilis ng t***k ng puso niya. "Wala akong feelings kay Xander!" mariing sabi niya habang naglalakad sila ni Mia papunta sa next class.
"Sure ka?" Mia smirked. "Kasi 'yung tenga mo oh, namumula na parang stoplight."
"Hindi ako kinikilig, Mia!" mariing sagot ni Andy, sabay takip sa tenga niya.
"Sige, sabihin na nating hindi..." Mia huminto saglit at sumeryoso. "Pero 'di ba sabi mo dati, hinding-hindi ka matutuwa sa mga effort ng lalaking 'yun?"
"Bakit naman ako matutuwa?" inis na tanong ni Andy.
"Simpleng logic lang, besh," ani Mia. "Kung walang epekto si Xander sa'yo... bakit mo pa siya pinag-aaksayahan ng energy?"
Andy froze. Oo nga no?!
"Baka bored lang ako," palusot niya.
"Bored?!" Tumawa si Mia. "Eh kanina nga muntik ka nang malunod sa sarili mong laway nung lumapit siya!"
"Hindi ako nahulog sa kanya?!" madiing sagot ni Andy.
Bigla nilang narinig ang pamilyar na boses mula sa likuran.
"Sure ka d'yan?"
Sabay na napalingon si Andy at Mia sa likuran. Si Xander, nasa likod pala nila at may bitbit na mineral water.
"Hoy, bakit ka nakikinig sa usapan namin?" irap ni Andy.
"Relax ka lang," natatawang sagot ni Xander. "Narinig ko lang na ako pala pinag-uusapan n'yo. Ang sweet naman."
"Excuse me!" Pinandilatan siya ni Andy. "Wala akong sinasabing..."
"Bakit ka namumula?" singit ni Xander, sabay nguso sa pisngi ni Andy.
"Ha?! Hindi ako namumula!" Mabilis na tinakpan ni Andy ang mukha niya gamit ang libro.
"Ano ba 'yan, Andy?" Xander chuckled. "Nagagalit ka pero nahahalata kong kinikilig ka na."
"Hoy, hindi ako kinikilig!" Mariing tanggi niya.
Ngumiti si Xander, iyong paborito nitong pilyong ngiti na laging may kasamang kalokohan.
"Sige, sabihin na nating hindi..." Ibinigay ni Xander ang bote ng mineral water kay Andy. Napilitan siyang abutin iyon.
"Tubig para sa'yo. Baka kasi masyado ka nang 'hot' sa galit," Kumindat pa ito bago tumalikod at naglakad palayo.
Naiwang tulala si Andy, hawak pa rin tubig na binigay nito. Ang mga mata ni Andy, bahagyang kumislap—hindi niya alam kung paano papatayin ang nakakakiliting epekto ng mga banat ni Xander.
Mia leaned closer, mas lalong natuwa sa nakita. "Hot ka daw, besh," tukso nito. "Sabi ni Xander, ha. Confirmed na 'yan, may crush siya sa'yo!"
Andy groaned, mabilis na binuksan ang bottled water at uminom. Pero kahit malamig na tubig na ang iniinom niya, bakit parang mas uminit pa lalo pakiramdam niya?
"May dugo ka pa sa ilong, Andy!?" pang aasar ni Mia habang naglalakad sila papasok sa classroom.
"Ha?!" Mabilis na hinipo ni Andy ang ilong niya. "Wala naman ah!"
Mahinang tumawa si Mia
"Wala nga... pero parang 'di mo na kinakaya 'yung mga banat ni Xander."
"Ikaw kaya ang nasa sitwasyon ko!" asar na sagot ni Andy. "Ang kulit na nga, masyado pang confident!"
"Sabi ko naman sa'yo, ikaw na ang next target ng campus playboy," sabi ni Mia, pinipigilan ang ngiti.
"Naku, hindi ako basta-basta mahuhulog sa lalaking 'yon." Nagsalubong ang kilay ni Andy, sabay bagsak ng bag niya sa desk. "Wala siyang laban sa'kin."
Pero bago pa siya makapagpatuloy sa sermon kay Mia, bumukas ang pinto ng classroom at pumasok si Xander, hawak ang isang basket ng cheese rolls.
"Delivery para kay Miss Ramirez!" sigaw ni Xander, na parang nasa palengke lang.
Ang buong klase? Biglang napatigil. May mga nagtawanan, may mga kinikilig, at may ilang sumisigaw ng:
"ANDYYYYY, MAY MANLILIGAW KA NA!"
"Tumigil nga kayo!" reklamo ni Andy, habang pasimpleng tinakpan ang mukha niya gamit ang notebook.
Pero si Xander? Diretso sa upuan niya, saka ibinaba sa mesa ang basket ng cheese rolls na parang proud na proud sa ginawa nito.
"Ikaw ba nagpadala nito?" inis na tanong ni Andy.
"Oo naman," sagot ni Xander, sabay taas ng kilay. "Gusto ko lang ipaalala na kahit in denial ka pa, sweet pa rin ako sa'yo."
"Sweet?!" Andy crossed her arms. "Alam mo ba kung anong tingin ko sa mga taong tulad mo?"
Xander smirked. "Gwapong matalino?"
"Hindi." Andy tumayo, itinuro si Xander gamit ang hawak na cheese roll. "Trouble Maker. 'Yan ka sa buhay ko."
Pero imbes na ma-offend, ngumisi lang si Xander.
"Babe, kahit pa tawagin mo akong 'Trouble Maker o kahit ano pang gusto mong itawag sa akin..." Lumapit ito, saka bumulong malapit sa tenga ni Andy. "Aminin mo, ako pa rin 'yung problema na gusto mong isipin...."
Napanganga si Andy. "HUH?!"
Ngumiti si Xander, sabay kindat at lumayo na parang wala lang nangyari.
Mia leaned closer, mas lalong nanggigil sa kilig. "Bes... pwede ba akong humingi ng isa sa cheese rolls mo?"
"Sige," ani Andy, pilit na pinapakalma ang sarili pero habang hinahati niya ang isa sa mga cheese rolls, hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari.
Napansin niyang may maliit na note na nakasulat sa loob ng basket:
I'm not just 'trouble.' I'm your favorite kind of trouble. Nabasa niyang note ni Xander na may smile emoji pa.
Halos mabitawan ni Andy ang cheese roll. Hindi niya mapigilang mapangiti, at kahit sinubukan niyang iwasan ang kilig, parang tama nga si Xander. Bakit kaya ganun ang epekto nito sa kanya?
OPERATION: Iwas Trouble.
Okay... Kaya ko to...bulong ni Andy sa sarili habang naglalakad sa hallway, mahigpit na yakap ang libro niya na parang shield.
Ang mission niya ngayong araw? IWASAN SI XANDER VILLACRUZ AT ALL COSTS.
Walang tinginan. Walang sagutan. Walang cheese roll moments na makakapagpa-kaba ng puso niya.
Focus lang, Andy. Focus sa pag-aaral, hindi sa mga cheesy banat ni Xander..
Pero pagdating niya sa may bulletin board...
"Hi, Babe!"
OH. MY. GOSH!
Mabilis na bumaling si Andy sa kaliwa. Si Xander, spotted, 10 meters away. Hindi siya puwedeng mahuli. Hindi ngayon. Mabilis siyang lumiko pakanan.
"Andy?!" sigaw ulit ni Xander.
Nagmamadali siyang lumiko sa kaliwa...
"Ice Queeeen!"
Takte!
Naririnig niya ang mga hakbang ni Xander na mas bumibilis!
Sa sobrang panic, lumusot si Andy sa pinakamalapit na pinto at napadpad sa library. YES! Safe zone!
Mabilis siyang nagtago sa pagitan ng mga bookshelf, niyakap ang libro niya, at napahinga ng malalim. Mission successful. Sa wakas, nakapagtago siya!.
Ang buong akala niya ay hindi siya masusundan nito pero nahanap siya ni Xander.
"Anong ginagawa mo d'yan?" bungad na tanong sa kanya ni Xander. Para siyang pinako sa kinatatayuan nang marinig ang boses nito.
Dahan-dahan siyang lumingon, at ayun nga si Xander, nakatayo sa kabilang side ng bookshelf, nakasilip sa pagitan ng mga libro, na may pilyo at nakakalokong ngisi sa mga labi.
"May tinatago ka bang sekreto, Andy?" pang aasar pa nito, makahulugang tumitig ito sa kanya.
Bakit ba ang lakas ng kabog ng puso ko?
Pinilit niyang supilin ang naglalabang emosyon at ibalik ang kanyang nawawalang composure.
"Ikaw ang dahilan kung bakit nandito ako!" asik ni Andy.
Hindi niya ipinahalata ang pagkataranta sa presensya nito, kahit pa parang drumline ang kabog ng kanyang puso
"Awww... namiss mo na agad ako?" patay malisyang biro ni Xander, ngunit may halong pang-aasar.
"Miss agad? At bakit naman kita mami-missed?" Andy rolled her eyes, hindi niya kayang itago ang matinding epekto ng presensya ni Xander, na para bang may mga butterflies na lumilipad sa kanyang tiyan. "Pinag-iinitan mo na yata ako, eh. Ang lakas din ng trip mo?!"
"Ikaw naman kasi," ani Xander, Ipinatong ni Xander ang dalawang kamay sa bookshelf, idinikit ang kanyang baba sa gitna ng mga iyon habang nakangiting pinagmamasdan si Andy. "Pinapaalala mo sa'kin 'yung cheese roll..."
Tumitig ito kay Andy, ang mga mata nito, tila nagsasabi ng hindi kayang ipahayag ng mga salita.
"Bakit naman?!" naguguluhang tanong ni Andy, sabay tawa.
Xander smirked. "Kasi ikaw 'yung tipong mahirap iresist... parang cheese roll."
"Ang baduy mo!" Napahagikgik si Andy, pero agad din niyang tinakpan ang bibig nang mapansin niyang nagsisimula nang magtinginan ang ibang estudyante sa library. "Ssshh!" singhal niya, pero hindi pa rin tumigil si Xander sa pagpapalakas ng boses.
Ngumiti si Xander, saka bumulong. "Tingnan mo nga... kahit iwas na iwas ka, hinahanap mo pa rin ako."
Bakit parang may biglang kaba na tumama sa dibdib niya? Hindi maipaliwanag ni Andy ang mga emosyon na hindi niya inaasahan, ngunit unti-unti'y nangingibabaw sa kanyang isipan.
"Hindi kita hinahanap." mariing sagot ni Andy, Kung puwede lang sanang mawala na siyang parang bula ginawa na niya..Sobrang naiilang na siya sa presensiya ni Xander. Parang gusto na niyang maglaho sa harapan nito.
Lumapit si Xander kay Andy, halos magdikit ang kanilang mga mukha. Kinabahan si Andy, hindi alam kung hihinga ba siya o tatakbo, habang naglalaro ang kaba at kilig sa kanyang dibdib.
"Talaga? Bakit parang kinakabahan ka ngayon?' nakangising tanong ni Xander, habang bahagyang inilalapit pa ang kanyang mukha, tila ba nang-aasar pa.
"Kinakabahan agad?" Si Andy tumikhim, kunwari'y kalmado lang, pero ramdam niya ang kabang pilit niyang itinatago sa kanyang dibdib. "Hindi ako kinakabahan... mainit lang."
palusot niya.
Xander chuckled, saka marahang itinuro ang dibdib ni Andy.
"Andy... 'yung puso mo oh. Bakit ang lakas ng kabog...?!"
OH. NO.
Pakiramdam ni Andy, parang may drum and bugle corps na nagmamartsa sa kanyang dibdib. Halatang-halata ang pag-indayog ng lanyard ng kanyang ID, kasabay ng malakas at mabilis na pintig ng kanyang puso.
Napalunok si Andy. "I-ikaw kasi eh! Ewan ko ba sa tuwing nakikita kita nagpapanic ako. Para ka kasing serial killer na handa akong patayin sa kaba!"
Natawa si Xander at umiling. "Serial killer agad? Grabe ka naman. Kung papatayin man kita... sa kilig siguro."
Napangiwi si Andy, pero hindi niya maitago ang pamumula ng kanyang pisngi. "Yuck, ang corny mo!"
"Pero totoo," bulong ni Xander, sabay kindat, dahilan para lalong umikot ang mundo ni Andy.
At bago pa makasagot si Andy, biglang umatras si Xander, naglakad palayo habang nakangiti pa rin na parang nanalo sa laro. Then, she realized, she was caught off guard. Naisahan na naman ako ng Xander na iyon?!
Naiwang nakatayo si Andy sa gitna ng library, tulala, habang mahigpit na yakap ang libro niya. Ramdam na ramdam niya ang mabilis na t***k ng puso, parang may mga paru-paro sa tiyan na hindi mawala.
Naglalakad si Andy sa hallway bitbit ang bagong mission niya: Mission: Iwas Trouble, Part 2.
Focus na talaga ako this time. Walang gulo. Walang Xander..
Wala pang limang hakbang, may nakita siyang pamilyar na white shirt at pabango na masyadong pamilyar sa kanya. Xander-coded.
Oh no...
Mabilis na kumaliwa si Andy at pumasok sa unang bukas na pintuan—ang Janitor's Closet
Okay na 'to, kahit amoy bleach pa rito.
Kailangan niyang mawala sa paningin ni Xander. Kahit saglit lang. At habang nandoon siya, narinig niya ang tinig ni Xander mula sa labas ng pintuan.
"Nakita n'yo ba si Andy?" tanong nito sa nakasalubong na student.
"Teka... parang nakita ko siyang dumaan dito kanina," sagot pa nito.
Napakapit si Andy sa sarili niyang bag, pilit pinipigilan ang kabog ng kanyang dibdib. Pigil ang hininga, at halos hindi gumagalaw, takot na baka maramdaman ni Xander ang presensiya niya..
Invisibility mode, activated.