CHAPTER TEN

1609 Words
Nang makita siya ni Xander, agad itong tumayo, nakangiting parang bida sa pelikula. "Oh, ayan na pala siya! Fresh na fresh! Parang bagong laba sa downy." Napairap si Andy. "Anong pinagsasabi mo d'yan?" Pinagmasdan siya ni Xander mula ulo hanggang paa, tila ba ini-evaluate ang outfit niya. "Pwede na… pero mas maganda sana kung suot mo ‘yung regalo kong shirt. Yung may print na ‘Property of Xander Villacruz’—" "Manahimik ka nga!" Tinapik ito ni Andy sa braso, pero halata ang pamumula ng pisngi niya. "At ikaw, Mama! Bakit mo pinapasok si Xander?" Kumindat si Aling Lourdes. "Eh kasi anak, ang sarap niya palang kausap. Ang kulit pa! Saka sabi niya, gusto ka raw niyang alagaan—" "Mama!" "Hoy, huwag ka ngang ganyan," sabat ni Xander, kunwari’y nasaktan. "Ang bait-bait ko kay Tita tapos ganyan ka makitungo sa akin? Ang sakit, babe." "Babe ka d’yan! At ikaw naman, Mama, wag kang makiki-team-up sa kanya!" Natatawa lang si Aling Lourdes habang iniinom ang kape. "Eh kung bagay naman kasi kayo…" "Psssh. Tara na, Xander!" Hinila na ni Andy si Xander palabas bago pa siya maubusan ng dignidad. Bago lumabas ng pinto, ngumiti si Xander kay Aling Lourdes. "Tita, salamat po sa kape! Hihiramin ko lang po muna si Andy, pero promise po iuuwi ko siya ng buo." "Teka lang, Xander! May isa pa akong tanong!" sigaw ni Aling Lourdes bago sila makalabas. Napahinto si Andy at Xander sa may pinto, magkasunod na napatingin kay Aling Lourdes. "Ano 'yon, Tita?" nakangiting tanong ni Xander. "Anong plano mo kay Andy, ha? May balak ka bang manligaw sa anak ko?” "Anong klaseng tanong yan, Mama?!" Napanganga si Andy sa tinuran ng ina. Parang gusto na niyang lumubog sa kahihiyan! Si Xander, hindi napigilan, tumawa at kinindatan si Aling Lourdes. "Ah, well..." bungad ni Xander na ibitin ang sasabihin. “I guess, tingnan ko na lang. Hindi ko pa naman alam kung anong mangyayari, di ba?" "HOY!" singit ni Andy, sabay sikò kay Xander. "Huwag mong gawing biro 'yan." "Eh, 'di ko pa naman alam kung anong gagawin ko, babe," sagot ni Xander, hindi maitago ang ngiti sa mga labi nito. "Kung sakaling manligaw ba ako sayo, Andy, may pag asa ba ako sayo?!” Muntik na siyang mabilaukan bago nakabawi at naiiritang sumagot Kay Xander. “Ang dami mong dama, Xander!” Inirapan ito ni Andy. "Anak, huwag kang ganyan minsan lang may guwapong manliligaw sayo, wag mo ng pakawalan. Add to cart mo na agad baka mapunta pa sa iba.” napapangiting sabi ni Aling Lourdes, sabay taas ng tasa ng kape nito sa harapan nila na parang nag-toast pa sa kanila. "Ano 'yan, Shopee delivery? Wala akong cart na ipi-checkout kay Xander!" nainis na sagot ni Andy. Halos hilain na niya si Xander palayo. Ang aga aga sinisira na nito ang araw niya. "Babe, free shipping ako, no minimum spend!" pang aasar pa ni Xander habang tumatawa at sumunod sa kanya. "Baliw ka talaga!" natatawang hampas ni Andy sa braso niya, pero hindi niya na kayang itago ang ngiti. Hinila na talaga siya ni Andy palabas. "Tama na ‘yang kadaldalan mo, bago pa kita iwanan dito sa amin!" "Andy, anak, huwag kang masyadong mataray, baka lumayas ‘yang manliligaw mo!" "Good luck sa akin!" bulong ni Xander, sabay kindat kay Andy. Napabuntong hininga si Andy Lintek na umaga ‘to… pero bakit parang hindi naman siya galit? Habang papalayo sila, narinig pa nila si Aling Lourdes na humahalakhak. Pagkapasok ni Andy sa kotse, agad siyang sumandal at napabuntong-hininga. Hindi pa man nagsisimula ang araw niya, parang gusto na niyang bumalik sa kama. Xander, on the other hand, looked very pleased with himself. Nakangiti itong nakatingin sa daan habang pinaandar ang sasakyan. “Ang tahimik mo,” puna nito. “Gusto mo ba ng background music? O gusto mong pag-usapan natin ang bagong paborito kong tao?” Napairap si Andy. “Sino?” “Si Tita Lourdes, syempre!” Xander grinned. “She’s amazing. Napaka-warm, welcoming, at best of all… gusto niya ako para sa’yo.” "Excuse me?!” “Hindi mo ba narinig?” patuloy ni Xander. “Sabi niya may potential akong maging asawa mo.” Andy groaned. “Kung potential disaster ang ibig niyang sabihin, baka nga.” Xander laughed. “Grabe ka namang maka-disaster. Gusto mo bang i-consider ang alternative?” “Ano?” “Potential happy ever after." Napatingin si Andy sa kanya, isang matalim na tingin na tipong kayang humiwa ng bakal. “Xander, kung may balak kang manligaw, siguraduhin mong may insurance ka.” “Bakit?” “Kasi baka isang araw, hindi mo na lang mamalayan… nailibing na kita nang buhay.” “Ang brutal mo naman.” Xander shook his head. “Pero fine, noted. So, saan mo ako unang ililibing? Sa puso mo?” “Tumahimik ka nga!” Xander burst out laughing. “Ang cute mo talaga kapag nagagalit.” Andy crossed her arms and looked out the window, willing herself to ignore him. Kaso, kahit anong gawin niya, hindi niya mapigilang mapansin ang malakas na kilig na sumisiksik sa gilid ng puso niya. Kahit anong tanggi niya… May something sa Xander na ‘to. At iyon ang mas kinaiinisan niya. Maya maya bigla niyang naalala na hindi pa pala siya kumakain kaya kinuha niya ang paper bag na may lamang cheese roll na binigay sa kanya kanina ni Xander. Kumagat siya ng cheese roll at kinuha niya sa rack ng kotse ni Xander ang isang plastic bottle ng ice coffee na nabili nila nang mapadaan sila sa isang coffee shop. Binuksan niya iyon at dahan dahang ininom. "Ang tahimik mo naman," basag ni Xander, panandaliang tumingin sa kanya mula sa manibela habang nagda drive. "Ngayon ko lang ata nakita si Ice Queen na walang angas." "Tsk. Masarap kasi ‘tong cheese roll," sagot ni Andy habang umiiwas ng tingin. "Mas okay ‘tong kainin kaysa makipag-usap sa ‘yo." "Ganun?" Xander smirked. "Buti na lang ako bumili niyan... ibig sabihin, indirectly, ako pa rin ‘yung dahilan ng good mood mo." "Bakit? Akala mo ba ganyan ka ka-charming?" irap ni Andy. "News flash, Villacruz ‘yung cheese roll lang ang type ko, hindi ikaw." "Grabe ka naman!" kunwari’y nagdamdam si Xander, "Wala man lang ba akong charm points sa’yo?" Andy rolled her eyes. "Meron naman…" Xander perked up. "Oh?" "Pero negative nga lang." "Ouch!" Xander chuckled. "Sige lang, Ramirez. Magmamatigas ka ngayon, pero tandaan mo ‘to…" Huminto si Xander sa stoplight at saka ibinaling ang tingin kay Andy, seryoso pero may pilyong ngiti. "Darating din ‘yung araw na magiging ‘crush mo ko’...” Napalunok si Andy, muntik nang mabulunan sa cheese roll. "Ako? Magkakagusto sayo?! HINDI MANGYAYARI ‘YON!" "Sure ka?" Nakangisi si Xander, tapos bigla nitong inilapit ang mukha sa kanya sobrang lapit na halos magdikit na ang mga ilong nila. "Sobrang sure!" ani Andy, sabay tulak sa noo ni Xander para lumayo. "Bakit namumula ka?" hirit ni Xander habang bumabalik sa pagmamaneho. "Mainit kasi!" palusot ni Andy, sabay hawi ng buhok para takpan ang namumulang mukha. Xander chuckled. "Mainit, ha? Alam mo, Andy..." Tumingin ito sa kanya, sabay kindat. "Di ba, sabi ko dati? Puwede kang mahulog..." Dahan-dahang ngumiti. "Pero sa puso ko lang." "Ang corny mo!" sigaw ni Andy sabay binalibag ang paper bag ng cheese roll sa braso ni Xander. Pero kahit asar siya... hindi niya mapigilang mapangiti. Lintek na Xander ‘to... bakit parang unti-unti na siyang nagiging masarap ding katulad ng cheese roll? Pagdating nila sa campus, akala ni Andy ay makakababa na siya nang maayos. Pero syempre, kung may chance mang manggulo si Xander hindi nito palalagpasin ‘yon. "Bababa na ko," sabi ni Andy habang binubuksan ang pinto ng kotse. Pero bago pa niya maitulak nang tuluyan ang pinto, biglang hinila ni Xander ang strap ng bag niya. "Uy!" reklamo ni Andy. "Ano ba?!" "Wait lang," sabi ni Xander, habang pilit na iniaabot sa kamay niya ang natirang cheese roll. "Kainin mo muna ‘to. Sayang." "Gusto mo ikaw na lang kumain niyan?" irap ni Andy. "Naku, Andy…" Xander smirked. "Hindi bagay sa’kin ‘yan. Sweet kasi." "Nakakainis ka?!" halos mapasigaw si Andy, sabay hampas ng cheese roll sa balikat nito. Pero bago pa siya makababa, biglang bumukas ang passenger door at wala siyang choice kundi mapalapit kay Xander… masyadong malapit. Halos magdikit na ang mukha nila. Si Andy, nanlalaki ang mata. Si Xander, nanunukso pa rin ang ngiti. "Bakit parang kinakabahan ka?" bulong ni Xander. "Kinakabahan agad?!" Kunwari’y kalmado si Andy, pero sa totoo lang, ramdam niya ang kabog ng puso niya na parang drumline sa pep rally. Ngumiti si Xander, tapos biglang bumulong ulit, mas malapit pa sa tenga niya. "Andy, tumitibok na puso mo oh." "Huh?!” "Oo." Ngumisi si Xander, sabay turo sa dibdib ni Andy kung saan naroon ang.ID niya. Hinablot ni Andy ang ID niya sa kamay ni Xander. "Akala mo naman ikaw dahilan kung bakit ‘to tumitibok!" Nagkunwaring nag-iisip si Xander. "Kung hindi ako…" Tumango siya na parang sigurado. "So... ako nga." "Xander!" Asar na pinukpok ni Andy ng cheese roll sa balikat nito bago tuluyang bumaba ng kotse. Pero bago siya makalayo, sumigaw si Xander. "Hoy, Andy!" Napalingon siya, kita pa rin ang ngiti ni Xander na laging may kasamang bwisit na charm. "Huwag kang matakot sa feelings mo ha?" Nag-pause si Andy. Hindi dahil kinikilig… kunwari lang siyang in shock. "Hoy, Andy!" singit ni Mia na biglang sumulpot. "Sino ‘yun?! Uy, manliligaw mo ba ‘yun?!” "HINDI!" madiing sagot ni Andy, pero ang pulang-pula niyang mukha? Ibang usapan na ‘yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD