CHAPTER NINE

2314 Words
“Excuse me?” singit ni Andy, agad siyang unusog palapit sa bintana para lumayo. “Anong gusto?! As if!” “Eh bakit kanina pa ‘ko pinagpipiyestahan ng mga mata mo?” balik tanong ni Xander na sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi. “Ha?!” Nagulat si Andy, napatingin sa kanya. “Saan mo naman nakuha ‘yan?” "Kanina pa kita nahuhuling sumusulyap, oh…” Xander flashed a smug smile. “Aminin mo na kasi.” “Ang kapal ng mukha mo!” Andy huffed, pero kahit anong gawin niyang pagtatago, ramdam niyang namumula na naman siya. Parang may init na gumapang mula sa leeg at kumalat sa pisngi niya. ““Defensive, huh?” Xander teased. “Bakit? Guilty?” “Guilty ka dyan!” Ang sinabi ni Andy ay may halong defiance, pero hindi niya kayang itago ang pamumula ng mukha niya “Sure ka?” Xander’s grin widened. “Baka naman—" Bigla na lang hinampas ni Andy ang dashboard. “Xander, kung gusto mo talagang maligtas ka ngayong gabi… PAANDARIN MO NA ANG SASAKYAN AT IHATID MO ‘KO SA BAHAY!” Iniiwasan ni Andy ang mga mata ni Xander, parang nagkakasala sa tuwing magtatagpo ang kanilang mga mata. Nanlaki ang mata ni Xander bago napahalakhak. “Okay, okay! Huwag ka nang magalit.” Binuhay ni Xander ang makina, pero bago pa nito buhayin ang sasakyan, dumukwang ito ulit kay Andy, sobrang lapit na halos magdikit ang ilong nila. “Pero Andy…” bulong ni Xander, mababa at malambing. “Huwag mong tatanggalin ‘yung jacket ko ha? Naguluhan si Andy, napatingin kay Xander. “Bakit?” Ngumisi si Xander at dahan-dahang bumulong sa tenga ni Andy. “Para kahit hindi ako kasama… maaalala mo pa rin ako.” Parang gusto na niyang himatayin sa kilig, pero pilit pa Rin iyong itinago ni Andy. Bakit parang gusto kong itapon ‘tong jacket na ‘to, pero ayaw ng puso ko?! Kahit sii Andy ay nalilito na rin. Hindi na niya alam kung bakit ganun ang nararamdaman niya “Paandarin mo na!" mariing sabi ni Andy, pilit pinapakalma ang sarili. Sumulyap siya kay Xander, bigla na naman ang pagtambol ng puso niya. Ngumiti si Xander, iniiwas ang mga mata sa kanya bago binuhay ulit ang makina ng kotse. “Okay, pero sigurado ka bang ayaw mo pang aminin?” “Ano na naman?” iritado nang tanong ni Andy, kahit na alam na niyang pang-aasar na naman ito. "Na kinikilig ka,” sagot ni Xander, sabay kindat. “HA?! Ako? Kinikilig?” Andy scoffed, pero ang mga labi niya ay may ngiti na hindi niya kayang itago. “Ang kapal ng mukha mo talaga!” "In denial ka talaga " Xander chuckled. “Baka naman sa susunod, ‘di mo na kayang matulog kakaisip sa’kin.” Napalingon si Andy, nanlaki ang mata. Bakit naman kita iisipin? “Ewan ko,” Xander shrugged, kunwari inosente. “Baka kasi…” Tumagilid si Xander para tingnan siya, may mapang-asar na ngiti sa labi. “...ikaw na ‘yung may crush sa’kin.” “Talaga ba?!” Andy’s eyes widened in disbelief. “Sige ka, baka bukas, makita na lang kita sa campus, nakatitig sa’kin na parang na love-struck.” “LOVE-STRUCK?!” Andy gasped, agad na bumaling dito. “Xander, manahimik ka na lang kung ayaw mong ipalapa kita sa aso namin!” “Aso lang pala, eh,” Xander winked, parang walang takot. “Sige, papakilala ko na lang sarili ko. Baka maging best friends pa kami.” “Grabe ka talaga!” Andy tried to suppress her laughter, but a small giggle escaped her lips. “Uy, ngumiti ka na oh,” tukso ni Xander, eyes twinkling. “Ayan na… unti-unti mo na ‘kong nagugustuhan.” “Alam mo kung anong unti-unti?” singit ni Andy, sabay inirapan si Xander. “Unti-unti kitang titirisin kapag hindi ka tumigil!” Ngumisi lang si Xander, halatang enjoy na enjoy sa pag-aasar. “Tirisin mo man ako, Andy…” He leaned a little closer, eyes never leaving hers. “Hindi mo mabubura ‘yung kilig na nararamdaman mo ngayon.” Napanganga si Andy. Speechless. Mabilis niyang itinakip ang towel sa mukha niya. “Wala akong kilig!” sigaw niya mula sa ilalim nito. Natawa si Xander, pero hindi pa rin tumigil. Bahagya itong yumuko, bumulong ulit ang tinig nito halos kasabay ng t***k ng puso ni Andy. “Wag kang mag-alala… ako na bahala sa’yo.” At doon na tuluyang nag-crash ang system ni Andy. Lintek na puso… tumigil ka naman kahit minsan! Dahan-dahan niyang tinanggal ang towel sa mukha, pilit pinapakalma ang sarili habang ang pagkabog ng kanyang dibdib. Sumulyap siya kay Xander na kunwari’y busy sa pagmamaneho, pero hindi niya naiwasang mapansin ang ngiti nito, parang alam nitong panalo na siya. “Hoy…” basag ni Andy sa katahimikan. “Ano bang trip mo?” “Trip ko?” Xander glanced at her with a smug look. “Ikaw. Halos mabitawan ni Andy ang towel. “Xander, ang dami mong kaibigan. Sige na, dun ka na lang mang-asar!” “Bakit naman ako mag-aaksaya ng oras sa iba…” Xander paused, voice dropping a note lower. “Kung may Ice Queen na sobrang saya kong kulitin?” “Wow, special mention pa ako?” Andy crossed her arms, chin up. “Ako na talaga ang paborito mong asarin, ha?” “Correction,” Xander chuckled. “Ikaw lang naman ang ‘Ice Queen’ na tinatablan sa charm ko.” “Charm?!” Andy snorted. “Sa’n banda?” “Dito.” Mabilis na itinuro ni Xander ang mukha niya. “Check mo na lang mamaya. Baka abot-tenga na ‘yung ngiti mo.” “Sus!” Andy rolled her eyes, pero ang totoo, nahuli siya, dahil oo, naka-ngiti nga siya. Takte. Huminto ang sasakyan sa harap ng bahay ni Andy. “Andy…” tawag ni Xander, this time with a softer tone. Napalunok si Andy. Uh-oh… serious mode. “Ano na naman?” tanong niya, pilit na chill ang boses kahit alam niyang may kung anong bumigat sa loob niya. Ngumiti si Xander, hindi na ‘yung usual pilyo. Kundi ‘yung totoo. ‘Yung bihirang makita. “Salamat sa pagtiyaga sa kakulitan ko.” “Ha?” Andy blinked. Anong drama ‘to bigla “Alam mo…” Xander’s gaze softened. “Alam kong inis ka sa’kin, pero… gusto ko lang sabihin na… masaya ako kapag kasama kita.” Andy’s heart did an unexpected backflip. PUTIK. NGAYON PA TALAGA ‘TO?! “Masaya ka?” Andy cleared her throat, tinatago ang biglang lamig sa palad. “O masaya kang inaasar ako?” “Pareho,” Xander grinned. “Pero mas masaya ako kasi... ikaw ‘yung naaasar ko.” “Gago ka talaga,” sabi ni Andy, pero hindi na niya kayang pigilan ang ngiti niya. “Sige na,” Xander leaned closer, bahagyang binaba ang tono ng boses. “Pumasok ka na… baka mahulog ka pa sa’kin kung magtatagal ka rito.” “Pwes,” Andy smirked, naglakas-loob na sumagot, “Mas gugustuhin ko pang mahulog sa kanal kesa sa’yo!” Ngumiti si Xander, pero bago pa makababa si Andy, mabilis nitong hinawakan ang kamay niya. “Sigurado ka?” bulong nito, mapanukso ang tono. “Eh bakit parang ako ‘yung laman ng utak mo lately?” Natigilan si Andy, halos mag-crash na naman ang sistema niya. “Hoy, bitawan mo nga ako!” Itinulak niya ang kamay ni Xander — pero halatang kulang sa effort. “Okay, okay!” Xander laughed, pero bago pa siya makalayo, dinampot nito ang towel na naiwan sa upuan. “Oh, eto,” inabot ni Xander. “Para sa basang sisiw na in denial.” Napanganga si Andy. “Grabe ka!” Pero habang pababa na siya ng kotse, narinig niya ulit ang boses ni Xander, mahina, pero sapat para magpaikot sa buong sistema niya. “Goodnight, Andy.” At para sa hindi maipaliwanag na dahilan… Masarap sa tenga. UMAGANG umaga pa lang, pero abala na si Andy sa kusina, nagtitimpla ng kape habang inaantok pa. Suot pa niya ang oversized na pajama shirt at naka-bun pa ang buhok na mukhang pinagpiyestahan ng hangin. "Aahhh..." Nag-inat siya, sabay higop ng kape. Today’s gonna be a peaceful day. "ANDYYYYY! MAY NAGHAHANAP SAIYO DITO SA LABAS!" Sigaw ni Aling Lourdes, ang nanay niya mula sa gate. Napakunot-noo si Andy. Sinong maghahanap sa kanya ng ganitong oras? Lumabas siya ng bahay habang nag-aayos ng gusot na buhok. Nasa harap ng gate nila si Xander Villacruz naka-white shirt, ripped jeans, at sunglasses na parang leading man sa pelikula. At siyempre, may dala pa itong iced coffee at isang paper bag ng paborito niyang cheese roll. "Ano ‘yan? Bribery?" asar na tanong ni Andy. "Para sa’yo," nakangising sagot ni Xander, sabay abot ng iced coffee at cheese roll. "Special delivery, babe." Kinuha naman ni Andy ang coffee at tinignan ang paper bag. "Bakit may ganito?" Xander smirked. "Alam kong hindi kita mapapaamo sa bulaklak... pero sa cheese roll?" Kumindat siya. "Baka sakali." Napairap si Andy. "Wow. Sino may sabi na kailangan ko ng driver?" "Bakit?" Xander tumaas ang kilay. "May problema ba kung may poging sumundo sa’yo?" "Tumigil ka nga diyan, baka mamaya may ma-in love sa'yo dito sa kapitbahay namin," sabi ni Andy, sabay turo sa kanto kung saan may tatlong ‘Titas of Manila’ na abalang nanonood sa kanila. "Ay, siya ba ‘yung gwapong kasama mo nung nakaraang event?" bulong ng isa sa mga tita. "Naku, bagay sila!" dagdag pa ng isa. Ano ba 'yan, bulong ni Andy sa sarili. Lintek na Xander ‘to, may fan club pa sa street namin! Xander chuckled, sumandal sa gate, at ngumiti nang mayabang. "So ano? Sasama ka na o hihintayin mo pang may mag-viral na tsismis tungkol sa'kin na 'future boyfriend mo'?" "Sinong may sabing magiging boyfriend kita?" Ngumiti si Xander, dahan-dahang lumapit sa kanya at bumulong. "Ikaw." Natigilan si Andy, pero hindi siya papatalo. Lumapit din siya, halos magdikit na ang mga mukha nila, at ngumiti ng nakakaloko. "Suntukan na lang tayo, gusto mo?" Tumawa si Xander. "Game. Pero warning lang, baka sa halip na suntukan, mahulog ka na lang bigla... sa'kin." "Duh!" sabi ni Andy, pero ang totoo? Kinakabahan siya. "Titaaa, saklolooo!" sigaw niya sa mga Titas sa kanto. "Go, Andy! Sagutin mo na siya!" sigaw pa ng isa, sabay kaway ng panyo na parang nasa kasal. Napailing si Andy. Lintek na umaga ‘to… Ngunit nang sumulyap siya kay Xander na masayang tumatawa, hindi niya mapigilang mapangiti. Bakit parang masarap din minsan magpaubaya? Hindi pa man nakakalayo si Andy, naririnig pa rin niya ang mahihinang tili ng mga Titas sa kanto. " Ay naku, bagay na bagay talaga sila!" "Andy, kami na bahala sa bridal shower mo, ha?" "Iba talaga kapag guwapo, ang swerte mo!" LORD, KUNIN MO NA AKO! Napahinto si Andy sa harap ng pinto, pinagdadasal na sana ay magising siya at bangungot lang ang lahat ng ‘to. Pero bago pa siya makapasok. "Andy!" Oh, no… Napapikit siya ng mariin bago dahan-dahang lumingon. Si Xander hindi pa tapos sa panggugulo. Ngayon ay may hawak na cellphone, abalang kumukuha ng selfie habang iniinom ang sariling iced coffee . "Ano na naman ‘yan?" asar na tanong ni Andy. "Memory," sagot nito, sabay pakita ng screen. Sa picture, nakangiti si Xander habang si Andy naman ay nakakunot-noo, halatang iritable. "Perfect shot," ani Xander, proud na proud pa. "Hoy!" Mabilis niyang sinubukang hablutin ang phone pero mabilis itong umiwas. "Wag ka nang magalit," natatawang sabi ni Xander. "Isipin mo na lang... may souvenir ka na ng ‘first date’ natin." "FIRST DATE?!" Halos mabulunan si Andy. "Yeah," Xander grinned, sabay kindat. "Kasi simula ngayon, araw-araw na kitang susunduin." "Ano?! Bakit naman?!" "Gusto ko lang siguraduhin na safe ka." "Safe saan?" "Safe... sa pang-aakit ko." Napatulala si Andy. Napakurap siya, pilit inuunawa kung seryoso ba si Xander o talagang trip lang siyang inisin nito. Pero bago pa siya makasagot, bumukas ang pinto at sumulpot si Aling Lourdes, bitbit ang isang sachet ng kape. "Andy, anak, kung magpapa-cute ka lang d'yan mas mabuti pang mag ayos ka na. Wag mong paghintayin sa labas ang pogi mong manliligaw baka masalisihan yan." "NAAY!" Halos mapasigaw si Andy sa sinabi ng ina. "Hindi ko manliligaw ‘yan!" Ngunit mukhang hindi siya pinapansin ni Aling Lourdes dahil lumapit pa ito kay Xander at inabot ang sachet ng kape. "O, hijo, mukhang maaga ka pa nagpunta rito. Kape ka muna habang hinihintay mong lumambot ang anak ko." "Salamat po, Aling Lourdes," nakangising sagot ni Xander, kitang-kita ang tuwa sa mukha nito. "Pero hindi ko naman kailangang maghintay. Feeling ko, malapit-lapit na rin niyang mahulog." Napairap si Andy. "Ano ka ba, isama mo pa si Nay sa kalokohan mo!" Ngunit imbes na sumagot, tinungga ni Xander ang iced coffee niya at saka tiningnan si Andy na may nakakalokong ngiti. "So, ano? Sasama ka na o gusto mong magpaiwan habang pinagpi-piyestahan ka ng mga Tita sa kanto?" Lumingon si Andy at nakita niyang mas lalong dumami ang mga nanonood sa kanila ngayon pati si Mang Berto, ‘yung naglalako ng taho, ay tila abala sa pakikinig sa drama nila. Napahinga siya nang malalim bago pumikit saglit. "Fine. Pero tandaan mo, Xander. isang maling galaw mo lang, babalatan kita ng buhay." Ngumiti ito, hindi natinag sa banta niya. "Noted, babe." Sumigaw ang isang Tita mula sa kanto. "Andy, pa-update ha! Kailan ang kasal?" Nagkatinginan sila ni Xander. At bago pa siya makasagot, bumulong si Xander sa kanya "Hmm… good question." Muntik na niya itong batukan. Hindi ito pinansin ni Andy. Nagpatiuna na siyang pumasok sa loob ng bahay. Sumunod naman sa kanya si Xander.Dali dali na siyang pumasok sa silid niya para maligo at mag ayos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD