CHAPTER EIGHT

2285 Words
At doon na nga nangyari ang hindi inaasahan. Dahil sa lakas ng ulan, nadulas si Andy. Napatili siya habang parang pelikulang naka-slow motion ang lahat. Sa isang iglap, naramdaman niya ang bisig ni Xander na mabilis siyang sinalo bago pa siya tuluyang bumagsak sa tiles. Mainit. Malapit. At tila may sariling soundtrack ng dramatic rain effects sa paligid. Magkahawak sila ngayon, si Andy ay nakasandal sa dibdib ni Xander habang mahigpit naman siyang hawak nito sa bewang. Nararamdaman ni Andy ang mabilis na t***k ng puso ni Xander, na parang sumasabay sa pagtibok nito sa pag pintig ng puso niya. Sa ilalim ng malamig na ulan, tila ang init ng katawan ng lalaki ang nagbibigay ng kakaibang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag kasabay ng pagdaloy nang hindi inaasahang emosyon. Nag-angat ng tingin si Andy, at halos magkadikit na ang mga mukha nila—isang dangkal na lang ang pagitan. Halos maramdaman niya ang hininga ni Xander na humahaplos sa pisngi niya. Hindi niya alam kung dahil ba sa init ng katawan ni Xander o sa tensyon sa hangin, pero ang bawat sandali ay parang tumigil ang oras. Awkward. Matagal. May kakaibang spark. Parang biglang huminto ang mundo, o baka naman utak lang ni Andy ang nag-shutdown dahil sa lapit ng mukha ni Xander. "Ang bigat mo pala," bulong ni Xander, na may halong pang-asar para basagin ang tensyon "Mukha mo," sagot ni Andy, pilit na iniiwas ang tingin at tinangka niyang bumangon, pero hindi makayanan ang bigat ng katawan ng lalaki Ngumisi si Xander, ngunit sa mga mata nito ay may naramdaman siyang kakaibang sigla. Pero hindi pa doon nagtatapos ang awkward moments. Bumaba pa lalo ang mukha nito at halos kahibla na lang ang layo mula sa mukha ni Andy. "Dapat sinadya mo na lang para makayakap ka sa'kin," tukso ni Xander. Ambisyoso ka talaga," sagot ni Andy, mabilis na gumalaw at pilit na iniiwas ang katawan Kay Xander. Tumayo siya at bahagya itong tinulak palayo. Marahan siyang lumakad palayo. Pero bago pa siya makalayo, biglang lumakas pa lalo ang ulan, parang sinadya ng tadhana para pigilan siyang makalayo. "Halika ka na nga," mahinahong sabi ni Xander. Hinatak siya nito pabalik sa lilim ng payong. "Ayoko!" naiinis na si Andy, pero hindi na siya pumalag nang ilapit ni Xander ang payong para makasilong silang dalawa. "Wala akong pake," matigas ang sagot ni Andy, kahit ramdam na ramdam niya ang init ng kamay ni Xander na dumadama sa braso niya, kabaligtaran ng malamig na ulan na bumabalot sa katawan niya Ang init ng katawan ni Xander ay parang isang proteksyon laban sa nakakangilong lamig ng hangin.. "Ayokong magkasakit ka..." bulong ni Xander, halos mahina pero sapat na marinig ni Andy, at may kasamang pag-aalala tinig nito. "Kahit na ang sungit mo." Nagkatinginan sila—matagal, tahimik, at ang buong mundo ay tila huminto. Walang sinuman sa kanila ang nagsasalita, ngunit pareho nilang nararamdaman ang malamig na hangin at ang hindi matitinag na tensyon na bumabalot sa kanilang katahimikan. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, biglang lumambot ang matigas na puso ni Andy. Ang galit at inis ay unti-unting nawawala nang bigla niyang maisip na nag aalala lang naman si Xander sa kanya. Kahit na pasaway siya, ang kapakanan pa rin niya ang iniisip nito. "Sige na nga..." aniya, bahagyang bumaba ang balikat niya at ang tinig ay hindi na tulad ng dati—mas kalmado, mas malambot, nawalan na ng ganang makipagtalo pa. Ngumiti si Xander, tila proud na proud sa sarili. "See? Alam kong hindi mo 'ko kayang tiisin." "Shut up," asar na sagot ni Andy, pero ang mga mata niya ay biglang nagkaroon ng kislap. "Kapag hindi ka pa tumigil, iiwan kitang mag-isa." "Sure," sagot ni Xander, ngumisi pa nang mas pilyo. "Pero babe...Baka mahulog ka na sa akin bago mo pa ako magawang iwasan." Lumingon si Andy, at nakita niya ang pilyong ngiti ni Xander. Isang ngiti na laging nagdadala ng gulo sa kanyang utak—ngunit may konting kaba na tumatama sa dibdib niya. Pilit niyang inirapan si Xander, pero sa kaloob-looban niya, hindi niya maiiwasang tanungin: Bakit parang may tama siya doon? Patuloy na bumuhos ang malakas na ulan, kaya’t halos hindi na makita ni Andy ang daan sa likod ng bintana ng kotse. Inalok siya ni Xander na ihatid siya pauwi, at kahit na anong pag-iwas niya, hindi na siya nakatanggi. Si Xander na mismo ang nag-alok, at wala na siyang nagawa kundi sumama. Pero ngayon, habang tahimik silang dalawa sa loob ng kotse, parang mas okay pa yata'ng nagpaulan na lang siya. Kaysa naman, naiilang siya ng ganito. "You’re dripping wet," nag-alalang basag ni Xander sa katahimikan. Umupo ito sa driver's seat at sinulyapan siya. "Kailan mo pa'ng magpapalit?" Napakunot-noo si Andy. "Ano?" Bumaba ang tingin ni Xander sa damit niya at doon niya lang nito napansin na basang-basa na pala siya. Halos bumakat na ang puting blouse na suot niya. SHIT! Napamura siya sa isip. Bigla siyang nataranta. Itinakip ni Andy ang bag sa dibdib niya. “Teka lang!” Sinubukan niyang ayusin ang blouse niya, pero lalo lang siyang nag-panic. Para siyang robot na hindi alam kung paano tatakpan ang sarili. "Relax ka, Andy," natatawang sabi ni Xander sa pagiging frantic niya. "Paano ako magrerelax eh mukha na akong basang sisiw dito!" halos pabulong, pero puno ng kaba, na sabi ni Andy. Ngumisi si Xander at hinubad ang suot nitong gray na jacket at marahang itinakip ito sa balikat ni Andy. “Ayan... ayos na.” Dahan-dahan isinara ni Xander ang zipper ng jacket. “See? Safe ka na.” Ngumiti si Xander, pero halata sa mga mata nito na hindi lang concern ang dahilan. “S-salamat,” mahinang sabi ni Andy. Pero hindi pa doon natapos. “Ang cute mo pala kapag kinakabahan,” bulong ni Xander, malapit na malapit sa tenga niya. Halos mapatalon si Andy. “Hindi ako kinakabahan!” “Ah talaga?” Kumindat si Xander. “Bakit parang nag-iiba ‘yung boses mo?” “Ano ka ba, nilalamig lang ako!” sagot ni Andy, pilit na iniipit ang jacket sa katawan niya. Ngumisi si Xander, saka mas dumukwang pa, sapat para mapaatras si Andy sa upuan niya. “Ayokong magkasakit ka, baka mag-alala pa ako.” Nataranta na naman si Andy. Masyado nang malapit si Xander. Sobrang lapit na parang nararamdaman na niya ang init ng hininga nito. “Umatras ka nga!” Hinawi niya ito gamit ang isang kamay, pero imbes na lumayo si Xander, lalo lang itong dumukwang. “Bakit?” ngiting-ngiti pa rin ito. “Baka may masamang mangyari sa’yo ‘pag nagkasakit ka.” “Paanong may ‘masamang mangyari’?” nag-dududang tanong ni Andy. “Eh ‘di baka hanapin kita gabi-gabi para ipagluto ng lugaw.” “Lugaw agad?!” Andy rolled her eyes. “Sige, subukan mo. Baka ikaw pa ang malason.” “Wow…” Xander tumawa ng mahina, pero sa halip na umatras, mas lalo pa itong lumapit “Xander…” babala ni Andy. Nakatitig pa rin ito sa kanya, pero napansin niyang dumapo ang tingin nito sa suot niyang jacket. Amoy na amoy ang pabango nito. “Amoy lalaki na ‘ko,” reklamo niya, sinasadya nang ibahin ang usapan. “Anong ‘amoy lalaki’?” Xander chuckled, saka inilapit pa ang mukha niya sa balikat ni Andy. “Amoy gwapo ‘yan, babe.” “Babe ka d'n!” Pinandilatan ito ng mga mata ni Andy. “Fine,” Xander shrugged. “Pero bagay sa’yo ‘yang jacket ko. Para kang…” ngumiti ito,, isang ngiting may halong biro at panunukso. “Para kang girlfriend ko.” Halos manlaki ang mata ni Andy. “Grabe ka sa imagination!” “Hindi naman masama ‘yung idea,” sabat ni Xander, kumindat pa. “Bagay naman talaga tayo.” “Bagay?!” Napailing si Andy. “Bagay tayong magbangayan, ‘yun ang totoo!” Pero imbes na mapikon, mas lalo lang ngumiti si Xander. “Oo nga, bagay nga tayo.” Napapikit si Andy, pilit pinipigilan ang kilig na nararamdaman. Hala ka, Andy… huwag kang mahulog sa patibong ng gwapong ‘to. “Saka nga pala…” biglang sabi ni Xander, muling dumukwang palapit. “Dapat mag-ingat ka sa jacket ko…” “Ha? Bakit naman?” Ngumisi si Xander, saka bumulong sa tenga niya mababa, mapanukso, at sapat para mapahigpit ang kapit ni Andy sa bag niya. “Baka masanay ka na sa amoy ko.” Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ‘to! “Hoy, Xander!” Mabilis na tinulak ni Andy ang balikat nito, pero hindi siya handa sa sumunod na nangyari, bumaligtad ang sitwasyon. Sa sobrang biglaan, imbes na umatras si Xander, napadikit pa lalo ang mukha nito sa kanya. Less than an inch. HOLY CRAP! Halos mag-shutdown ang utak ni Andy. Para siyang robot na biglang nag-malfunction, blangko, tulala, at ramdam niya ang init na umaakyat sa pisngi niya “Uy…” bulong ni Xander, ang boses nito ay mababa at parang may laman. “Ba’t namumula ka?” “H-Hindi ako namumula!” mariing sagot ni Andy habang pilit na iniiwas ang tingin “Talaga?” Xander chuckled. “Ba’t parang nagiging tomato ka na?” “Excuse me!” Kinapa ni Andy ang mukha niya, mainit nga! LINTIK NA KILIG ‘TO! “Relax ka lang,” “H-Hindi ako kinakabahan,” mahinang sagot ni Andy. “Talaga? Pwes, eto pa…” At bago pa siya makasagot, dinampot ni Xander ang towel na nasa backseat at banayad na idinikit iyon sa basa niyang buhok. “Wag kang gagalaw,” saad nito habang dahan-dahan nitong pinupunasan ang buhok ni Andy, sobrang banayad na para bang… Para bang special siya. “Xander…” mahina ngunit may pag-aalinlangan na sabi ni Andy. Hindi pa rin tumitigil sa pagpupunas. “Bakit mo ginagawa ‘to?” Itinigil ni Xander ang ginagawa, saka tumingin sa kanya, deretso sa mga mata niya, parang may kung anong gustong sabihin pero nag-aalangan. “Kasi…” Bumuntong-hininga ito. “Kasi gusto ko.” "Gusto mong ano?” “Gusto kitang alagaan.” Halos mahulog si Andy sa kinauupuan niya. Ano daw?! "Gusto kitang alagaan,” ulit ni Xander, pero mas mababa na ang boses nito ngayon, seryoso, tapat, at may kakaibang bigat. “Pfft!” Andy tried to laugh. “Joke ba ‘yan?” Ngumisi si Xander, pero iba na ‘yung ngiti nito ngayon. Hindi na mapanukso, hindi na mayabang. “Hindi ako nagbibiro.” At sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, parang may kung anong lumukso sa dibdib ni Andy, hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa takot. Takot na baka… mahulog siya nang tuluyan. Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ni Andy ang mga salitang ‘yon. Hindi ako nagbibiro… “Ewan ko sa’yo!” Umiwas siya sabay talikod para takpan ang mukha niya. Naramdaman niyang nagsisimula nang uminit ang pisngi niya at sa dami ng nararamdaman niya ngayon, hindi na niya alam kung dahil ba ‘to sa jacket, sa towel, o sa lalaking ito na tila eksperto sa pagpa-fast forward ng t***k ng puso niya. Pero bago pa siya tuluyang makabawi sa sarili, bigla siyang nakaramdam ng paggalaw. Si Xander… dumikit ulit. “Bakit parang kinakabahan ka?” tanong nito, may halong biro sa boses. "Ako? Kinakabahan?” Andy snorted. “Sa’yo? No way.” Xander leaned in closer, halos maramdaman na ni Andy ang labi nito sa gilid ng pisngi niya. “Sure ka?” “Positive,” sagot niya, pero halos pabulong na lang. “Okay…” Xander’s lips curled into a smirk. “Kung hindi ka kinakabahan…” Bigla nitong hinila ng bahagya ang zipper ng jacket ni Andy, sapat para magising ang sistema niya. “XANDER!” sigaw ni Andy, mabilis na hinawakan ang kamay nito. “Anong ginagawa mo? Napahalakhak si Xander, halatang aliw na aliw sa reaksyon ni Andy. “Relax ka lang,” natatawang sabi ng binata. “Inaayos ko lang ‘yung pagkaka-zipper. Ang luwag kasi, baka magkasakit ka.” “Eh ‘di sabihin mo agad!” asar na sagot ni Andy, ngunit nanatili pa rin siyang nakahawak sa kamay ni Xander. “Paano kung gusto ko munang makita kung paano ka mag-panic?” Xander winked. “Ang cute mo kasi kapag natataranta.” “Hoy!” Mabilis na binawi ni Andy ang kamay niya, saka bumalik sa pagkakaupo, mahigpit na niyayakap ang bag niya na parang iyon na lang ang tanging depensa niya laban sa panunukso ni Xander. Ngumiti si Xander, tila kontento sa pang-aasar nito. “Sabi ko naman sa’yo, mahuhulog ka rin sa’kin.” Andy turned her head to glare at him. “In your dreams, Villacruz!” Xander’s grin widened. “Hindi mo ba alam na kasama ka sa mga pangarap ko., Andy." “SiRAULO KA TALAGA!” sigaw ni Andy, pero kahit anong pilit niyang magalit, hindi niya mapigilang mapangiti. Lintek na puso ‘to… bakit ka ba ang bilis bumigay? “Ano ‘yon?” tanong ni Xander, halatang napansin ang bahagyang ngiti ni Andy. “Wala!” mabilis siyang sambit, pilit na pinapanatili ang seryosong mukha. “Tumahimik ka na lang d'yanVillacruz!” “Villacruz?” Xander chuckled. “Ang formal naman. Puwede namang ‘babe’ na lang.” "Babe mo mukha mo!” Andy rolled her eyes, pero halatang pinipigilan niyang matawa. Pero si Xander? Hindi papayag na tapos na ang asaran. Dumikit ulit ito, mas malapit pa sa dati iyong tipong halos mahulog na si Andy sa pinto ng kotse. “Alam mo…” Xander’s voice dropped low, malalim at puno ng pang-aasar. “Bakit hindi mo pa rin maamin na may nararamdaman ka rin sa’kin, Andy?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD