CHAPTER SEVEN

1994 Words
Samantala, sa loob ng classroom… “ANDY, ANO YON?!” “GRABE! Ang lakas maka-‘enemies to lovers’!” “Nakakaloka kayo! HINDI TALAGA KAYO?!?!” Nagkagulo ang buong klase. May nagtatatalon, may humahawak sa dibdib na parang hinihingal, at meron ding halos mabali ang leeg kakasilip sa bintana kung nasa labas pa rin si Xander. Si Andy? Napabuntong-hininga. Bakit ba kasi ang OA ng mga ‘to?! Wala siyang sinagot. Nakatungo siya sa desk, pilit pinapakalma ang puso niyang masyadong nagpapadala sa eksena. Pero sa sulok ng labi niya, isang maliit na smirk ang hindi niya napigilan. Practice lang, huh? Napatingin siya sa bouquet na hawak niya. Mabango. Malalaki ang petals. At aminin man niya o hindi, ang ganda. Parang kumukurap-kurap ang puso niya. Ano ba ‘to, Andy? Wala lang ‘to! Drama lang ‘to! Walang personalan! Pero bakit parang hindi siya makapaniwala sa sarili niyang sinasabi? Napansin ng best friend niyang si Mia ang kakaibang ningning sa mata niya. “Hoy, hoy, HOY!” Mariing tinapik siya nito sa braso. “Anong ngiti-ngiti ‘yan, ha?! Kinikilig ka, noh?!” “Ha?! Hindi ah!” Mabilis niyang pinunasan ang labi niya na parang may ebidensya ng pagkahulog. “Oh, really?” Tinaas ni Mia ang isang kilay. “Eh ba’t parang ang saya-saya mo?” Andy rolled her eyes. “Diyos ko naman, Mia. Hindi ako kinikilig, naiinis ako! Hindi mo ba nakita kung paano niya ako ginamit sa stunt niya?!” “Hmm…” Mia crossed her arms, scrutinizing her. “Pero bakit hindi mo siya ni-reject sa harap ng lahat? Bakit ang lakas mong sumakay sa trip niya?” Napasinghap si Andy. “Excuse me?!” “Kasi kung gusto mo talagang putulin ‘yang ‘fake love story’ ninyo, dapat sinigawan mo siya at sinabing wala kang kinalaman diyan.” Mia smirked. “Pero hindi mo ginawa.” Napanganga si Andy. May point. “Eh kasi—” "AH-HA! YOU LIKE HIM!” sigaw ni Mia, dahilan para lalong lumakas ang hiyawan sa classroom. “ANO?!” “Oo nga, Andy! Confess ka naaaa!” “Si Xander na yan, girl! Pag pinakawalan mo pa, ikaw na ang pinakatangang babae sa mundo!” Napahawak si Andy sa sentido. Ano bang nangyayari?! Bakit parang nagmistulang reality show ang buhay niya?! Mula sa bintana, nakita niyang hindi pa rin umaalis si Xander. Naka-sandal pa rin sa pader, hawak ang bouquet na isinampal niya kanina sa binata. Pero imbes na magmukhang dismayado, nakangiti ito. Yung tipong… successful prank. Or worse—successful flirt. Mabilis niyang iniwas ang tingin. Okay, Andy. Huwag mong bigyan ng dahilan ‘yang lalaki na isipin niyang nananalo siya. Hindi puwedeng siya ang unang mahulog. Kaya ba niyang panindigan ‘yon? Huminga siya nang malalim at umirap. Game on, Xander. ANG simoy ng hangin ay malamig, dumadampi sa mukha ni Andy habang nakaupo siya sa isang sulok ng rooftop deck. Mula rito, tanaw niya ang buong campus ang mga estudyanteng naglalakad sa courtyard, ang mga nagtatawanan sa bench, at ang mga nagkukumpulan sa harap ng bulletin board. Malayo sila, pero sapat na para marinig niya ang bahagyang ingay ng kanilang tawanan. Paulit ulit na bumabalik sa isip niya Ang ginawa ni Xander. She was caught off guard. Hindi niya akalain na sisimulan na ni Xander ang pagpapanggap sa pustahan nila. Bakit ko pa kasi pinatulan si Xander? Napabuntong-hininga si Andy at idinikit ang noo sa mga tuhod niya. Ang rooftop deck ay simple lang may ilang wooden benches sa tabi, mga paso ng halaman na pinaghirapan ng campus gardening club, at mga string lights na nakasabit sa mga metal railing. Hindi pa ito bukas dahil tanghali pa lang, pero kahit na, may kakaibang lamig sa hangin parang nilalamig pati ang emosyon niya. Nang mapagod sa pag-upo, tumayo siya at lumapit sa bakal na railing. Tumingala siya sa langit grayish blue iyon na parang babagsak anumang oras. Wala pang ulan, pero ramdam na niya ‘yung bigat ng mga ulap parang dibdib niyang tila may bumabara. Hindi niya alam kung bakit siya naiiyak. Siguro dahil napahiya siya. Siguro dahil mas lalo siyang naiinis sa sarili niya na kahit alam niyang hindi dapat siya nagpapaapekto kay Xander, parang lagi pa rin siyang natatamaan. Bakit ba kasi parang lagi na lang ako talo sa bangayan namin? Hinawakan niya ang malamig na railing, pinikit ang mga mata, at sinubukang pakalmahin ang sarili. Inhale… exhale… Pero kahit anong gawin niya, parang bumabalik pa rin sa isipan niya ang mga malulutong na tawanan kanina. Yung mga titig ng mga tao. Yung pilyong ngiti ni Xander parang panalong-panalo na naman ito. "Ugh!" Napairap siya, kinuyom ang kamao, at huminga nang malalim. Sa malayo, naririnig niya ang mahina ngunit banayad na pag-ugong ng mga sasakyan sa highway. Sa ibaba, isang paborito niyang eksena mga dahon ng puno na marahang sumasayaw sa hangin. Isang bagay na laging nagpapakalmado sa kanya. Dahan-dahan siyang ngumiti kahit papaano, may kaunting ginhawa. Okay lang ‘to, Andy... Hindi pa tapos ang laban. Nakatitig pa rin si Andy sa mga dahon ng punong sumasayaw sa hangin nang biglang may boses na sumingit sa katahimikan. "Kanina pa kita hinahanap, Andy. Nandito ka lang pala." Napalingon si Andy at bumungad si Mia Torres, may dalang dalawang cup ng kape at isang paper bag na halatang puno ng snacks. "Mia..." Napa-upo ulit si Andy sa bench, kasabay ng pagbagsak ng balikat niya. "Wala ako sa mood makipagkulitan ngayon." Ngumisi si Mia at naupo sa tabi niya, iniabot ang isang cup ng kape. "Kaya nga ako nandito, eh. Para samahan ka sa pag eemote mo." Walang choice si Andy kundi tanggapin ang kape. Mainit pa ito tamang-tama sa malamig na hangin sa roofdeck. "Anong drama mo kanina, Andy?" panimula ni Mia habang sinisilip ang laman ng paper bag. May ilang donuts at cookies Ang naroon. Kumuha ito ng isang donut at kumagat bago nagpatuloy. "Gusto mo bang malaman kung anong score n’yo na ni Xander?" Napatigil si Andy sa pagsipsip ng kape. "Score?" "Mmm-hmm." Ngumisi si Mia, nakataas pa ang kilay. "I mean, ikaw at si Xander ‘yung love-hate drama n’yo. Ang dami nang tumataya sa'yo sa campus page. Sa tingin ko, naka-5 points na si Xander sa pagpapahiya sa’yo." "Hoy!" Napairap si Andy. "Hindi ako natatalo! Tsaka… bakit may score-score na kami?!" Tumawa si Mia, halos matapon ang kape sa kakatawa. "Eh kasi naman, Andy, para kayong weekly teleserye! May action, may comedy, at siyempre... may kilig." "Kilig?!" Halos mabilaukan si Andy. "Hindi ako kinikilig sa lalaking iyon?!" "Suuure." Ngumisi ulit si Mia bago muling kumagat ng donut. "Sabihin mo na lang kung gusto mo nang bumawi. Para naman makadagdag ka kahit 1 point." Natigilan si Andy. Bumawi? Hmm... Unti-unting gumuhit ang mapang-asar na ngiti sa labi niya. "Pwes," bulong ni Andy habang nakangiti ng masama. "Papanindigan ko ‘yung next move ko... at siguradong ako ang makakaiskor." Mia’s eyes widened. "Ooh! Gusto ko ‘yan! Ano plano mo?" Andy sipped her coffee, eyes gleaming with mischief. "Secret." Game on, Xander Villamor. This time... ako naman ang panalo. "Sigurado ka bang wala lang talaga sayo yung ginawa ni, Xander, as in? Walang halong eme?" napapangiting tanong ni Mia na may pinipigil na ngiti sa mga labi. “Wala,” sagot ni Andy, sabay tago ng mukha sa mga braso niya. “Hindi ko na gusto pag-usapan, Mia.” "Talaga ba?! After mong makatanggap ng ganyang grand gesture mula kay Xander Villacruz, tapos sasabihin mong ‘wala’ lang ‘yon?” "Grand gesture?!” Halos mabulunan si Andy. “Mia, binigyan niya ako ng bouquet na kasinlaki ng whiteboard natin! ‘Yan ba ang ‘grand gesture’ para sa’yo?!” “Eh kasi naman...” Mia leaned closer, para bang may malaking sikreto. “Gwapo kasi.” “MIA!” “Anong mali doon?” depensa ni Mia, humigop ng iced coffee. “Kung hindi ka lang in denial, aaminin mong may something rin naman kayong dalawa.” “Walang something! Negative Zero." mariing sabi ni Andy. “Si Xander? Gwapo nga... pero ‘yun lang ‘yon. Playboy ‘yon, Mia! Kilala mo naman ‘yon may listahan ng ex na parang pila sa cafeteria!” Mia smirked. “Pero ikaw lang ang may bouquet, bes.” “Argh!” Andy buried her face in her hands. “Please lang, Mia... huwag mo nang dagdagan ‘to.” Pero hindi pa tapos si Mia. “Pero seryoso, Andy. Bakit mo ba talaga siya iniiwasan?” Nag-freeze si Andy. “Hala…” bulong ni Mia, bumaluktot sa upuan na parang detective na may bagong lead. "Nagkakagusto ka na ‘no?!” “HA? ANONG NAKAKAGUSTO?!” Napataas agad ang boses ni Andy. “Imposible ‘yan! Over my dead body!” “Hmm…” Mia tapped her chin, kunwari’y nag-iisip. “Pero bakit ka ba super defensive?” “Dahil nakakainis siya! Masyado siyang mayabang! Masyadong feeling gwapo!” “Eh ‘di wag mo pansinin?” “Eh kasi—!” Biglang napatigil si Andy. “Oooohhh...” Ngiting-ngiti si Mia. “Ayaw mong aminin pero nahuhulog ka na, no?” “Hindi ako nahuhulog!” Halos masamid si Andy. “Kung may mahuhulog man, siya ‘yun, sa hagdan!” “Bakit naman siya mahuhulog?” “Eh kasi...” Andy paused. Dahil…? Walang matinong sagot na lumabas sa bibig niya. "Tingnan mo na!” sabi ni Mia, humagalpak sa tawa. “Babe, kung galit ka pa rin kahit wala na siya, ibig sabihin nasa isip mo pa rin siya.” “HUWAG MONG GAMITIN ‘YUNG REVERSE PSYCHOLOGY SA AKIN!” “Pwes, Andy Ramirez…” Umakto si Mia na parang nag-aannounce sa stage. “Si Xander Villacruz ay officially nasa utak mo na! Congratulations!” “MIA!!!” At habang hinahabol ni Andy ang tumatakbong si Mia, isa lang ang sigurado niya. Hindi siya maiinis kay Xander kung hindi siya naapektuhan. At ‘yun ang mas nakakainis sa lahat. BUMUBUHOS ang ulan sa rooftop deck ng Westbridge University—malakas, mabigat, at parang wala nang balak tumigil. Ang mga patak nito ay kumakalampag sa mga bakal na railing at tumatama sa mga tiles, lumilikha ng malamig na mist na parang eksena sa pelikula. Si Andy, basang-basa na, ay nakatayo sa may dulo ng deck, nakasandal sa railing habang hawak-hawak ang mga braso niya para kahit papaano'y mainitan ang sarili. Bakit pa kasi ako umakyat dito? Wala siyang dalang payong. Wala rin yang balak bumaba... hindi pa ngayon. Mas okay nang magbabad sa ulan kaysa harapin ang kahihiyan pagkatapos ng ginawa ni Xander kanina. Ngunit tila may radar ang lalaking 'iyon para manggulo sa mga tahimik niyang moments. "Hoy, Ice Queen!" Napangiwi si Andy nang marinig ang malakas na boses ni Xander. Ano na naman bang ginagawa ng lalaking ito? Para itong bula na bigla na lang lumilitaw mula sa kung saan. Paglingon niya, heto na nga si Xander, nakatayo sa may hagdanan na parang bida sa sariling teleserye, may hawak na itim na payong at mayabang na nakangisi. "Don't tell me," panimula ni Xander habang nilalapitan siya, "Tatalon ka sa roof deck at magpapakamatay dahil lang sa frustration?" Napanganga si Andy. "Ano? Bakit naman ako tatalon? Sira ka ba?!" Ngumisi si Xander, itinataas ang payong para masakop silang dalawa. "Puwede kang mahulog..." sabay taas ng kilay nito na parang may plano. "Pero sa puso ko lang..." "YUCK!!" Napairap si Andy. "Gusto mo, ikaw na lang kaya itulak ko para malaman mo kung paano mahulog sa roof deck." Tumawa si Xander. Iyong tipong nakakainis pero somehow... charming. "Babe, kung itutulak mo 'ko, sisiguraduhin kong kasama kita sa pagbagsak." "Mag-isa ka." sagot ni Andy, mabilis na humakbang palayo kay Xander. "Andy, ano ba?!" habol ni Xander, sumusunod pa rin habang hawak ang payong na ngayon ay parang props na lang dahil basang-basa na rin ito. "Umalis ka na nga!" asar na sigaw ni Andy habang patuloy na naglalakad palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD