CHAPTER SIX

1992 Words
"HOY, Andy! Have you seen the latest campus post?!” Hindi pa man lumalabas ng student council office si Andy Ramirez ay sinalubong na siya ng best friend niyang si Mia Torres, dala ang phone at mukhang sobra ang excitement. “Wala akong oras sa mga kalokohan mo, Mia,” sagot ni Andy, nag-aayos ng mga papel. “And please, huwag mong sabihin na may bagong chismis na naman si—” "BREAKING NEWS: THE ICE QUEEN AND THE CAMPUS PLAYBOY – THE PERFECT MATCH?” Napakurap si Andy. Ano raw?! Dahil hindi siya kumikibo, agad na tinapat ni Mia ang phone sa mukha niya. At doon, nakita niya ang pinaka-buong gulo. Sa larawan, kitang-kita sina Andy at Xander sa gitna ng Gala Night, hindi lang basta magkasama, kundi sumasayaw ng sweet dance. The lighting was soft, golden and almost wrapping around them. Si Andy, nakasuot ng eleganteng navy blue dress, mukhang prinsesa sa fairy tale. Si Xander naman, naka-black suit, ang kamay ay mahigpit na nakahawak sa bewang ni Andy, masyadong close. At yung titig ni Xander? Para bang siya lang ang lang ang nag eexist ng gabing iyon. Biglang naiinis si Andy sa nakitang caption sa ibaba ng stolen shot nila ni Xander. "The Ice Queen and The Campus Playboy melting hearts one dance step at a time." #XandyForLife #SweetestGalaMoment" "ANONG KALOKOHAN ‘TO?!" Halos mabitawan na ni Andy ang phone. High pitched agad ang boses niya. "Grabe ka, Andy!" sabi ni Mia na parang nanunukso pa. "Pati stolen shot, cinematic!" "Kasi naman! Hindi 'to sweet dance! Eh kung alam lang nila." "Kahit ano pang sabihin mo, Andy, kung ang akala ng buong campus na may namamagitan sa inyong dalawa ni Xander iyon talaga ang iisipin nila. Wala ka ng magagawa pa." sabi pa nito.. “MIA, HINDI ITO NAKAKATAWA!” Ngunit bago pa makapagsalita si Mia, biglang bumukas ang pintuan. “Yo, babe.” At pumasok si Xander Villacruz na parang siya ang may-ari ng student council office. Napasimangot si Andy ng makita ito. "Hoy, bakit ka nandito?” usisa niya. Ngumisi si Xander, lumapit ito kay Andy at tiningnan ang phone na hawak niya. Wala naman siyang nagawa nang makita nito ang post ng stolen shot nila last night. Awtomatikong ini-scroll ng mga daliri nito ang mga comment sa post at pahapyaw na binasa. They look so cute together! Ang lakas ng chemistry! Sana totoo na ‘to! XANDY FOR LIFE! From enemies to lovers? YES PLEASE! “Mukhang may fanbase na tayo, Ice Queen,” nanunuksong sabi ni Xander bago siya tiningnan. Napangiwi si Andy. “WHAT. THE. HELL.” "Bakit ayaw mo ba? We look good together, don't you think?" "Bagay? Saan Banda? Eh nakakasura ka nga. Kung sino man yung nagpost niya ipadelete mo na yan." Humalakhak lang si Xander. “Huli na, babe. Kumalat na sa buong campus. Mukhang may love team na tayo.” At sa unang pagkakataon, hindi alam ni Andy kung paano siya makakawala sa kalokohang ‘to Halos lumipad ang hawak na ballpen ni Andy matapos marinig ang nakakabaliw na sinabi ni Xander Villacruz. Hinila nito ang Isang upuan at relax na relax habang nilalaro ang keychain ng kotse nito. "Huwag ka ngang sumigaw, babe. Naririnig ka na ng buong university," natatawang sabi ni Xander, pinapanood ang reaksyon ni Andy. "Relax ka lang." "RELAX?!" Napahawak si Andy sa sentido. "Ikaw na nga ‘tong pasimuno ng gulong ‘to, tapos gusto mo pang palakihin?" “Hindi naman ako pasimuno. Pero aminado akong gusto kong i-take advantage ‘tong sitwasyon.” Matalim ang tingin ni Andy. "Ano'ng ibig mong sabihin?" Ngumisi si Xander. "Simple lang. Since buong campus na ang nag-aakalang may something tayo, why not gawin nating official? Let’s pretend we’re dating." "Excuse me?!" "It’s a win-win situation, Ice Queen. Ikaw, makakaiwas sa ibang lalaking nangungulit sa ‘yo dahil iisipin nilang taken ka na. Ako naman, makakaiwas sa mga ex na ayaw akong tigilan." Napanganga si Andy. "So ang solusyon mo sa pagiging babaero mo ay gawing fake girlfriend ako?! AYOKO!" “Oh? Sure ka ba? Kasi kung iisipin mo, mas mabuti na ‘tong plan kaysa sa hayaang lumawak pa ang mga chismis.” "Kahit ano'ng mangyari, HindiI kita magiging fake boyfriend!" Ngunit bago pa makalabas ng pinto si Andy, sumandal si Xander sa desk, sinuklay ang buhok gamit ang kamay, at malakas na bumuntong-hininga. "Fine, Kung ayaw mo, suit yourself. Pero isipin mo ‘to" kaswal na sabi Xander pagkatapos ay nagkibit balikat. "Kapag hindi tayo nag-cooperate, mas lalo lang lalaki ang issue. At sigurado akong hindi mo gugustuhin ‘yun." Napakagat-labi si Andy. Alam niyang hindi dapat siya magpaapekto, pero iniisip pa lang niya ang dami ng chismis na lalong kakalat, parang gusto na niyang lumubog sa lupa. "Kahit na! Hindi ako magpapagamit sa'yo!" mariing sabi niya, sabay tiklop ng mga braso. Xander smirked. "Gamitin? Babe, kung may makikinabang dito, ikaw 'yon. Ako? Willing akong tiisin ‘to para sa ‘yo." "TIISIN?! Akala mo naman ang swerte ko!" "Hindi nga ba?" Sinamaan niya ito ng tingin. "Tingnan mo 'to, Xander Villacruz, mas gugustuhin ko pang magbakasyon sa isang isla na walang WiFi, aircon, at room service kesa maging fake girlfriend mo!" Bumuntong-hininga si Andy, nagpipigil ng inis. Alam niyang hindi siya matatalo sa kahit anong debate pero bakit parang bumibigay ang utak niya sa presensya ng lalaking ‘to? Si Mia, na kanina pa nagpipigil ng kilig, sumingit bigla. "Alam mo, Andy, may point siya. At saka... amininnn, bagay naman kayo!" "ANO?!" Parang gusto ng mapikon ni Andy. Si Xander naman ay chill lang. Patawa tawag lang. Mia winked. "Sabi ko nga, ‘Xandy for life!’” "HINDI." "BAKA NAMAN," napapangiting pang aasar ni Xander. "Bakit kailangan pang magkunwari kung puwede namang gawing totoo." Kinindatan pa siya nito Inirapan ito ni Andy. Kumukulo talaga ange dugo niya Kay Xander. Kung puwede niya lang itong sipain palabas ng Student Council office kanina pa niya ginawa. Napabuntong hininga na lang siya. Muli silang nagkatinginan ni Xander. Si Andy, iritable; si Xander, mukhang enjoy na enjoy. At doon lang niya na-realize ang isang bagay: mukhang hindi lang siya maiinis sa araw-araw. Malamang, mas lalo pang gugulo ang buhay niya. UNANG subject ni Andy ngayong araw ay Literature Class, isa sa mga klase kung saan mahirap maging invisible dahil ang professor nila, si Miss Clarisse, ay may ugali ng biglaang recitation attack. Kaya naman habang naglalakad si Andy papasok sa classroom, mahigpit niyang yakap ang libro niya. Today is a normal day, bulong niya sa sarili. Walang Xander. Walang gulo. Normal lang... Tahimik niyang binuksan ang pinto at pumasok. Maagang dumating ang ilan niyang kaklase karamihan ay nagbabasa, nagme-memorize ng mga poetry lines, o ‘di kaya’y busy sa pag-tsismis tungkol sa mga campus updates. Umupo si Andy sa dulong bahagi ng classroom malapit sa bintana para presko at malayo sa spotlight. Safe zone. O AKALA NIYA LANG. Dahil ilang minuto lang ang lumipas nang biglang bumukas ang pinto malakas, parang may bagyong pumasok. "Special delivery po!” sigaw ng isang delivery guy na may suot na pulang uniporme ng Petal Express. Nagtaasan ng kilay ang mga kaklase ni Andy. "Para kanino ‘yan?" tanong ni Rina, na palaging updated sa mga chika “Kay... Andy Ramirez!” masayang anunsyo ng delivery guy habang pilit na pinapasok sa classroom ang isang gigantic bouquet ng pulang rosas na kasing laki ng whiteboard! "WAAAAAHHH!" Hiyawan agad ang buong klase. “ANDY?! PARA SA'YO YAN?!” “SANA ALL!” SI XANDER NA NAMAN BA ‘TO?! Nag-freeze si Andy sa kanyang upuan, nanlalaki ang mga mata. Parang gusto niyang mahimatay on the spot. “Kuya, sigurado ka bang sa akin ‘yan?” tanong niya, bigla ay para siyang nahirapang huminga. Ngumiti ang delivery guy at inabot ang maliit na envelope na may golden embossed letters. Kasabay nito ay pilit niyang iniabot kay Andy ang bouquet. Binasa ni Andy ang note sa card. To my Ice Queen, Para sa babaeng hindi ko mapigilan isipin. Love, Xander "ANAK NG...!" Parang may bulkang sasabog sa dibdib niya. Ano na Naman ba itong pakulo ni Xander?! Hindi na ba siya nito titigilan?! Andy, still frozen in shock, could barely function. What the hell is this guy playing at?! She turned sharply to the delivery guy. "Puwede bang i-refund ‘to?!” The guy shook his head. "Paid na po yan, Mam. No return, no exchange.” Diyos ko, anong kasalanan ko sa nakaraang buhay?! "Teka lang…” sumingit si Miss Clarisse, ang kanilang professor, na tila aliw na aliw sa eksena. “Wow, may secret admirer ka pala, Miss Ramirez?” “Ma’am, hindi po siya admirer, ASUNGOT!" sigaw ni Andy, galit na inipit ang note ni Xander sa notebook niya. Ngunit bago pa siya makapagsalita uli. “ANDY, DUMUNGAW KA SA BINTANA!” sigaw ni Rina, halos mahulog na sa upuan. At ayun na nga. Nakasandal si Xander sa pader sa labas ng classroom, naka-unbutton ang uniform coat, hawak-hawak ang car keys habang nilalaro sa mga daliri. Parang eksena sa isang luxury car commercial, kulang na lang, slow motion at dramatic na background music. May pa-ngiti pa sa labi, ‘yung tipong alam niyang gwapo siya, at alam niyang kinikilig silang lahat. At hindi nga siya nagkamali. “OH MY GOD, SI XANDER!” “ANG GWAPO TALAGA, GRABE!” “Yieeeehhh, Andy! Nagpaparamdam na naman si jowa mo!” Si Andy? Nakasubsob sa desk, pilit iwinawaksi ang presensyang bumalot sa buong classroom. ‘Wag mong pansinin, Andy… ‘wag mong pansinin… Pero dahil sa collective hysteria ng buong klase, wala siyang nagawa nang halos lahat sila ay lumipad papunta sa bintana para sumilip. At si Xander? Lalong lumapad ang ngiti nang makita siyang hindi na makapagtago. "Uy, babe!" sigaw ni Xander, may halong nakakalokong tono. "Nagustuhan mo ba ‘yung pinadala ko?" Napatingin si Andy sa mesa niya, kung saan nakapatong ang isang malaking bouquet ng red roses na hindi naman niya in-order. “XANDER!” Malakas pero mariing kastigo niya. Siniko niya ang kaibigan niyang nasa tabi pagkatapos ay mabilis na tumayo. “Tingnan mo nga ‘yan! Para akong nasa teleserye!” “Uh-huh, at ikaw ang main character, sis!” tukso pa ni Mia bago siya itinulak palapit sa bintana. “ANO BANG PROBLEMA MO, HA?!” singhal niya nang hindi na nakatiis nang makalapit siya kay Xander. “Wala naman!” sagot ni Xander, kunot-noo pero may halong pang-aasar. "Nagpapractice lang ako..." "Nagpapractice? Ng ano? Magpa-cute?!" “Nang drama natin sa talent show, syempre,” natatawang sagot ni Xander habang nakapamulsa, tila aliw sa nakikitang inis sa mukha ni Andy. "Kung gusto nating maging kapani-paniwala ‘yung ‘fake love story’ natin, dapat may chemistry tayo." “PRACTICE?!” bulalas ni Andy. “Kailangan ba talagang may ganito EKSENA?! Bakit hindi na lang natin i-rehearse ang script?” Nagkibit-balikat si Xander. "Eh paano kung walang script sa totoong buhay? Mas okay ‘yung natural." Isang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa labi niya. "Gusto mo ng natural, ha?" Dahan-dahang lumapit si Andy, abot-kamay na si Xander. Ang mga kaklase niya, pigil-hininga sa anticipation. Kahit si Mia, napalunok. Ngumiti si Xander, hindi natinag. "Oo naman." Isang segundo. Dalawa. Tatlo. Biglang humakbang pa si Andy, halos isang dangkal na lang ang pagitan nila. Halos marinig niya ang malalim na hinga ni Xander, at sa unang pagkakataon, parang nawalan ito ng kasiguraduhan sa sarili. Pero sa halip na gawin ang iniisip ng lahat—isang kilig moment na pang-romance drama—isang matunog na hampas ng bouquet ang sumalubong kay Xander sa dibdib! “Eto ang natural. Practice makes perfect, babe,” aniya bago siya bumalik sa upuan, iniwan si Xander na hawak ang dibdib nito, halatang gulat pero mas lalong natuwa. Pinahid ni Xander ang bibig gamit ang hinlalaki, nakangisi habang sinusundan siya ng tingin. “Damn…” mahina pero natatawang sambit nito. “Masyadong magaling umarte si Ice Queen.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD