Chapter 36

1254 Words
  SCARMEY POV Bumangon ako sa kama at tumingin sa labas ng bintana ng Villa. Napapikit ako at nilanghap ang malamig na simoy ng hangin. Bagong lugar, bagong makakasama. Higit sa lahat, bagong pagsubok ang nararamdaman ko sa lugar na ito. Ibang-iba ang nararamdaman ko sa lugar na ito. Tila ba, napaka-komportable ng pakiramdam ko. Parang walang dapat alalahanin. I also feel that, I'm safe in this place. Kahit na ngayon pa lang naman ako nakapunta dito. Tumayo ako at lumabas sa kwarto, para makapaghanda sa araw na ito. Ngunit napahinto ako, nang makita kung sino ang nakaupo sa couch habang may hawak ng isang tasang kape. Kuno't noo ko siyang tiningnan. "What are you doing here?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Binaba niya ang kanyang hawak at ngumiti sa akin. "Is that how you greet a person, early in this morning?" nakangiting abi niya. Napasinghal ako. "Whatever, bakit ka ba nandito? At paano ka nakapasok?" muling tanong ko at naglakad patungo sa kanya. Tinuro niya ang pinto, kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Malamang dumaan ako sa pinto. Nakalimutan mo bang ako ang naghatid saiyo dito? Kaya malamang may susi ako," sagot niya. Inirapan ko siya. "Tsss, bakit ka nga ba nandito?" tanong ko sa kanya. "You are a new here. So, I will be your guide in this place," sabi niya. Kuno't noo akong napatingin sa kanya. Bigla ko tuloy naaalala ang unang araw ko sa Monte at sinabi rin iyon ni Candice sa akin. Napailing ako at inalis iyon sa alaala ko. "Guide? Are you serious? I don't need, that just leave," tanging sabi ko at tumalikod sa kanya. Naglakad ako patungo sa kitchen. Ngunit napahinto ako, nang makitang may nakahandang pagkain sa mesa. "See? I even cook for you. That's how I serve a new friend," narinig kong sabi niya habang tumabi sa akin. Bahagya akong lumayo sa kanya. Napapailing akong napatingin sa kanya. "Oh? Really? A friend, since when?" sabi ko. "Since last night, I consider it that we are friends," nakangiti niyang sabi at kumindat pa sa akin. Inirapan ko siya at naglakad na patungo sa mesa at umupo para kumain. "Fine. Well, lets eat anyway," anyaya ko sa kanya. Naglakad siya at umupo paharap sa akin, saka nagsimulang kumain. Tahimik akong kumakain, nang mapatingin ako sa kanya. Doon ko lang naalala na hindi ko pa pala siya kilala. "What's your name?" tanong ko sa kanya. Napatingin siya sa akin at mukhang pati siya naalala, na hindi pa siya nagpapakilala sa akin. Bigla siyang tumawa. "Haha! Oonga pala, hindi pa pala ako nagpapakilala. By the way I'm Ranzy Lace Taller Trigo, one of the L.K member. You can call me Ranzy," pakilala niya sa kanyang sarili. "Hmm okay, nice to meet you," tugon ko at nagpatuloy sa pagkain. Ngunit muli akong napahinto nang may maalala ako. "That day, when I'm with francess. Tatlo kayo na nakita ko at si Shan lang ang kilala ko sainyo. Then, where is Shan?" seryoso kong tanong. "Si Shan? Naku, kahit libutin mo ang buong M.A.U, hindi mo siya makikita dito. Dependi na lang kong siya ang magpapakita saiyo," sagot niya. Napataas ang kilay ko. "What do you mean?" nagtatakang tanong ko. Uminom muna siya ng tubig bago nagsalita. "I don't have a right to say something about Shan. But you can ask tita Audrey about that. Well, if Shan know's that you are here. I'm sure, pupunta siya kaagad dito," sa halip na sabi niya. Napatango na lang ako. Nakakapagtaka, unang-una magkaibigan sila pero wala si Shan dito. For sure, pareho lang sila ni shan, they are both mafia's or assassin's. Then, bakit kailangang si tita Audrey pa ang magsabi tungkol kay shan, eh magkaibigan naman sila. Hmm.. "Anong mayroon sainyo ni Shan?" bigla niyang tanong. Natigilan naman ako sa tanong niyang iyon. Ano nga bang mayroon sa amin ni Shan? Maging ako hindi ko rin alam, basta ang alam ko magaan ang loob namin sa isa't isa at wala akong nararamdamang iba bukod pa doon. "Nothing. We just treat ourselves as a friend, nothing more. Ngunit masasabi kong magaan ang loob ko sa kanya. Para bang, kapatid na ang turing ko sa kanya wala ng iba," sabi ko sa kanya. Napatango siya sa naging sagot ko. "Sabagay, iyon din ang sabi niya sa amin na parang kapatid rin ang turing niya saiyo," sabi rin niya. Ibig sabihin, nagk-kwento rin si Shan sa kanila tungkol sa akin? "Anong plano mo ngayon na nandito ka na?" tanong ni Ranzy. Napailing ako. "Plano? Of course wala pa. I need to talk too tita Audrey first. Wala akong alam sa lugar na ito. Kaya kailangan ko munang magkaroon ng kaunting kaalaman sa lugar na ito," sabi ko. Tumayo ako upang iligpit ang pinagkainan. Maging siya tumulong na rin sa akin.  Kailangan ko talagang makausap si tita Audrey, para malaman ko kung ano ang dapat kong gawin. Hindi ako makakapagsimula kung wala akong alam sa lugar na ito. "Nasaan si tita Audrey?" tanong ko sa kanya nang nandito na kami sa sala. "Nasa Europe si tita, pero pauwi na siya. Hintayin mo lang siya," sagot niya. Tumango ako. Muli akong pumasok sa kwarto at nagbihis. Paglabas ko naroon pa rin siya. "Gusto kong maglibot sa lugar na ito. Pwedi naman siguro di ba?" paalam ko sa kanya. "Yes, Of course. Gusto mo samahan pa kita?" sabi niya pa. "I want to be alone." Napabuntong-hininga siya at tumango. "Fine, you can go," nakataas-kamay niyang sabi Tumango ako saka lumabas sa pinto. Naglakad ako palabas at napapansin kong marami din na katulad ng bahay na tinutuluyan ko, ang nasa paligid. May distansya sa bawat bahay. For sure, lahat ng nakatira dito ay mga mafia at assassin. Hindi ko aakalaing may ganito silang Villa. Siguro napakayaman nila dahil nakakapagpatayo sila ng ganito. Naglakad-lakad ako hanggang sa matanaw ko ang mahabang pader sa di-kalayuan. Mukhang may hangganan ang villa na ito. Masyadong mataas ang pader kaya imposibleng makakalabas agad, kung sino man ang nais dumaan dito. Pwera na lang kung may gamit na device para diyan dumaan. Nagpatuloy ako sa paglalakad, hanggang sa makalabas ako sa gate. May mahabang glass wall akong madadaan. Kaya napahinto ako. Oonga pala, dito kami dumaan kagabi. Hindi ko masyadong maaninag ang paligid kasi madilim, pero ngayon nakikita ko na. Isang mahabang pasilyo ang dadaanan ko at glass wall ang nasa bawat gilid, na makikita naman sa bawat gilid ang gubat. Mukhang sinadya ito upang gawing daan patungo sa University. Nagpatuloy ako at namamangha sa mga nakikita ko sa paligid. Nang makalabas na ako doon ay bumungad ang malawak na ground sa harapan ko. Medyo natigilan pa ako dahil may nakikita akong mga naglalakad sa paligid. Masyado pang maaga kaya kaunti pa lamang ang nakikita kong studyante. Lumihis ako ng daan para hindi nila ako mapansin.       Umupo ako sa ilalim ng puno. Mula rito natatanaw ko ang L.K Tower. Maganda siyang tingnan mula rito. Sa haba ng nilakad ko, biglang nawala ang pagod nang matanaw ko ito. Hindi ko alam kung bakit pero napakagaan sa pakiramdam, habang nakikita ko ito. Napapikit ako at nilanghap ang malamig na simoy ng hangin. Para bang nakalutang ako ngayon at nawala ang mga dinadala kong mabibigat na palaisipan. "Hai, you are Scarmey right? The girl last night?" Napadilat ako bigla at napatingin sa taong biglang nagsalita. Natigilan ako nang makilala siya. Bakit hindi ko siya naramdamang lumapit? Siya iyong kasama nina Ranzy kagabi. Ngumiti siya sa akin. Kaya naiilang akong napaiwas nang tingin sa kanya. 'Bakit ba siya nandito?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD