THIRD PERSON POV
Hindi nila alam na kanina pa sila pinapanood ng Legend Killer o mas kilalang L.K, gamit ang mga hidden camera sa paligid ng M.A.U. Hawak na rin ng ibang L.K ang grupo nina Candice, na inaabangan lang sila sa lugar na papasukin nila. Hindi naman aakalain nina Candice na nakaabang lang pala ang mga ito sa kanila at nag aalala siya sa grupo nina Francess. Sa sitwasyon nila ngayon ay talagang dehado sila.
Samantala, habang nakatingin sa laptop si Marga ay nasa likod na niya ang dalawang membro ng L.K. Hinihintay lang ng mga ito na makapasok sa L.K tower ang kasama nito saka nila ito nilapitan. Bago pa makapagsalita si Marga ay hawak na siya ng mga ito. Habang sina Francess, ay napahinto sa pagbukas ng pinto at naroon nakatayo ang tatlo pang membro ng L.K na kanina pa sila hinihintay.
"Where are you going? We are here to welcome you guys?" nakangising sabi ni Ferlezza Arreson, habang hawak ang machine gun niya.
Hindi agad sila nakakilos dahil sa pagkabigla. Samantala, nakatingin lang sa mga ito si Scarmey. Hindi niya pa nakikilala ang L.K, may nakita na siya pero hindi niya matandaan kung sino ang mga lalaking iyon. Dahil lalaki ang mga iyon, habang tatlong babae ang nasa harap nila ngayon.
"Well, don't try to runaway because we already capture your team, Francess Amonte," nakangising sabi ni Stefy Kendra Montenegro.Ang leader ng L.K.
"What?" hindi makapaniwalang sabi ni Francess sa mga ito.
Naikuyom ni Francess ang kamao niya dahil sa nalaman. Habang wala namang pakialam si Scarmey na tahimik lang na nakikinig. Pinapakiramdaman niya ang tatlong babaeng nasa harapan nila. Nasisiguro niyang hindi lang sila simple kung kumilos.
"Sumunod kayo sa amin, kung ayaw niyong may gawin kaming masama sa kasama niyo," seryosong sabi ni Khezza Jead Parker.
Wala silang nagawa kundi ang sumunod sa mga ito. Naunang naglakad si Steffy at nakangising nakatingin kay Francess. Nasa likod naman ang dalawang pang babae at binabantayan sila.
Nakarating sila sa infinity room at doon nakita nila Francess ang mga kasama nila.
"Francess!" agad na sigaw ni Candice.
"Are you okay guys?" nag aalalang tanong ni Beatriz.
Hindi nagsalita sila Francess at seryosong tumingin sa L.K member na nakatingin din sa kanila. May hawak itong mga sandata at wala silang matatakasan, bukod sa nag iisang pinto ng siling kung nasaan sila ngayon.
"You really have a guts to enter our territory huh?" nakangising sani ni Steffy.
"May gusto kayong kunin tama? Ano sa tingin niyo ang M.A.U? Ganoon na lang kung pasukin niyo? Haha! Kbobohan!" natatawang sabi ni Ferlezza sa kanila.
"M.A.U is not a playground that you can enter and play. Kung mahirap pumasok sa territoryo niyo mas lalo na dito. Kung hindi lang namin alam na papasukin niyo kami, mlamang hindi tayo aabot sa ganito na kakausapin pa kayo," sabat naman ni Aubrey Dela cruz.
Natigilan naman sila Francess dahil sa sinabi nito. Samantalang napatitig naman si Scarmey kay Aubrey dahil pamilyar sa kanya ang mukha nito.
'Bakit parang nakikita ko sa mukha niya si tita Audrey?' nagtatakang tanong niya sa sarili.
"What did you say? May nagsabi sa inyo?" kuno't noong sabi ni Candice.
"Yes, baby Candice," sagot naman ni Aizen Traden.
"This is bullshit!" naiinis na singhal ni Cristoffer.
"So? What are you going to do with us now?" tanong ni Scarmey sa mga ito.
Naagaw niya ang atensyon ng L.K. Tinitigan siya ng mga ito at nagtatakang tiningnan sila Francess.
"Oh? Who is she? A new member?" tanong pa Audrey.
Tiningnan isa-isa ni Scarmey ang membro ng L.K. Hanggang sa mapansin niya ang dalawang lalaking pamilyar sa kanya. Bahagya pang ngumiti ang isa sa kanya, na munkhang kilala siya.
"Wala kaming gagawin sainyo, ngunit may isang mananatili dito na kasama niyo," biglang sabi ni Ranzy Trigo.
Nagkatinginan sila nina Francess, bago siya humakbang.
"Mananatili ako," seryosong sabi ni Francess.
Natigilan naman ang mga kasaman niya sa kanyang sinabi.
"What? No! You can't Francess, I will stay," agad na sabi ni Candice.
"No, I will!" sabi rin ni Lendon.
"Bakit kailangang may manatili? We can easily kill them here," nakataas-kilay na sabi ni Ferlezza kay Ranzy.
"Yes we can, but not now," sagot ni Ranzy.
"And why?" mariing tanong ni Aubrey.
Napangisi lang ito at naglakad patungo kay Scarmey. Ngubit bago pa siya makalapit kay Scarmey ay hinarang ni Francess ang sarili niya.
"Stay away from her," seryosong sabi Francess at hinawakan ang kamay ni Scarmey.
"Oh? You care for that b***h? My dear Francess?" nakangising sabi ni Aubrey.
"No one can touch her, don't you dare," seryosong sabi ni Francess, maging sina Candice ay humarang din maging sila Lendon.
Bahagyang napangisi si Ranzy kay Francess.
"Then, I want her to stay here," sabi ni Ranzy.
"No!" sabay namang sabi nina Francess
Dahil sa pagpigil nila. Nagsilabasan sila ng kanya-kanyang sandata at tinutok kina Francess. Mariing napatitig sina Francess sa mga ito. May sarili din naman silang sandata, ngunit sa sitwasyon nila ay mas dehado sila.
"I will stay, just don't hurt them," seryosong sabi ni Scarmey.
Napatingin naman si Francess sa kanya.
"No, you can't stay here," mariing pigil ni Francess. Hinawakan niya kamay ni Scarmey upang pigilan ito. Ngunit binawi lang ito ni Scarmey at ngumiti kay Francess.
"Don't worry about me, both of you will need to go back safety. I am nobody. You are the son and daughter of a well-known family. Your lives is important than mine I can handle myself," sabi niya at naglakad patungo kay Ranzy na agad siyang hinawakan sa braso.
"Don't touch her!" sigaw ni Francess.
"Paalisin niyo na sila."
"Move!" Utos ni Aizen habang nakatutok ang baril sa mga ito. Walang nagawa sila Francess kundi ang maglakad palabas.
"We will save you, Scarmey! Wait for us!" sigaw ni Candice.
Tumango lang si Scarmey habang nakatingin sa mga ito palabas. Naiwan sa infinity room sina Aubrey, Ferlezza, Steffy at Ranzy.
"You know what, Ranzy, kanina pa ako naiinis saiyo. Ano ba talaga gusto mong mangyari? You're the one who said that they are coming and now we can easily kill them. Then what now?You just let them leave and you choose to stay that b*tch?" naiinis na sabi ni Aubrey.
"Shut up, Aubrey," tugon ni Ranzydito.
"Enough guys, so what's the plan Kuya Ranzy?" sa halip na tanong ni Ferlezza.
Bumaling si Ranzy kay Scarmey na seryosong nakatingin sa kanya, saka lang niya ito binitawan at bahagyang natawa sa kanya.
"Don't be to serious, Scarmey. I know you like it, don't you?" nakangising sabi ni Ranzy.
Inirapan lang siya ni Scarmey.
"For all I know, isa lang ang sinabihan ko sa plano nina Francess. Then, how did you know?" seryosong sabi ni Scarmey.
"Wait, Wait! Who are you? Kung ikaw ang may alam talaga sa plano nila. Then, why did you do this? Why did you betray them?" nagtatakang sabi ni Steffy.
Maging si Ferlezza at Aubrey ay naghihintay ng sagot niya.
"I don't trust all of you. So, why should I tell you anyway," seryosong sagot ni
"Huh! Aba't may gana ka pa talagang magsalita ng ganyan? Remember, this is not your place," mariing sabi ni Aubrey.
Napangisi si Scarmey at tiningnan sa mata si Aubrey.
"This place is also mine. At wala kang pakialam kung anong sasabihin ko. You don't know how I suffered. You don't know my grudge and you don't know who I am," mariing sabi ni Scarmey at tumalikod sa mga ito.
Hindi agad nakapagsalita sina Aubrey at medyo nagulat sa mga sinabi ni Scarmey.
"Guys, that girl is my mission. May ugnayan rin siya kay Shan, and don't ask again," sabi ni Ranzy.
Sumunod agad si Ranzy kay Scarmey at nang maabutan niya ito ay inis na bumaling si Scarmey sa kanya.
"Huwag mo nga akong sundan," naiinis niyang sabi dito.
Natawa lang sa kanya si Ranzy, habang sumabay sa kanya sa paglalakad.
"Don't worry, ihahatid lang kita sa villa mo," sabi niRanzy.
"Villa?" nagtatakang sabi niya.
"Yes, tita audrey told me everything, At ipinagkatiwala ka niya sa akin. You said earlier that this place is also yours. Kaya ihahatid muna kita sa villa mo," muling sabi ni Ranzy.
"Fine," tanging sabi ni Scarmey.
Napangiti na lang si Ranzy, habang napapatingin sa dalaga. Ngayon lang nakita ni Ranzy nang malapitan si Scarmey at hindi na nga siya magtataka pa kung bakit ito pinupuntahan ng kaibigan niyang si Shan.
"That b*tch is getting into my nerves," naiinis na sabi ni Aubrey at pabagsak na umupo sa couch.
"I feel something about her. She's Familiar. Her eyes, the way she speak. It's familiar," kunot-noong sabi ni Steffy, habang nakalagay sa ilalim ng baba ang daliri niya.
"Bakit? Sino ba siya sa tingin mo?" tanong naman ni Ferlezza.
"Nakikita ko sa kanya na may similarity sila ni Tita Dhrevey," sagot ni Steffy.
Sabay na natigilan ang dalawa at tumingin kay Steffy.
"Are you f*cking serious?" singahal nAubrey.
"That's Imposible.." tugon ni Ferlezza.
"I know, but that's how I feel. Hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang plano ni Ranzy sa kanya at kung sino ang tinutukoy ng babaeng iyon,na may alam ng plano nina Frances," sabi ni Steffy.
Pareho silang napaisip At hindi nila malaman kung sino nga ba. Hanggang sa maalala nila ang sinabi ni Ranzy.
"Ang sabi ni Ranzy ay misyon niya ang babaeng iyon at may ugnayan kay Shan. Kung ganoon sino siya?" sambit ni Ferlezza.
Hindi nila alam kung sino talaga si Scarmey. Kaya naisipan na lamang nilang hayaan si Ranzy na magbantay dito.
"I want to be close with her," biglang sabi ni Steffy.
Napabuntong-hininga ang dalawa at sumang ayon na lang sa gusto ng kaibigan.