Chapter 34

1693 Words
         Napatingin ako sa itaas. Nababalot ng dilim ang paligid, ngunit makikita ang liwanag ng kalangitan dahil sa mga bituin na naroon. Mariin ang hawak ko sa baril na nasa kamay ko. Habang pinagmamasdan ang paligid. Kakaiba ang aura sa paligid. Maybe, dahil sa territoryo ito ng mga assassin. Sabi nila ito ang boundary ng mga assassin. May alam silang daan para pasukin ang M.A.U. I sighed. Para sa akin, kabobohan ang ganitong misyon. "Candice, Cristofer, Beatriz and kirk, kunin niyo kung ano ang inutos sa inyo," narinig kong sabi ni Francess kaya napalingon ako sa kanila. "Yes," sabay nilang sabi. "Then, me, Lendon, Tyrone, Marga and.." Lumingon siya sa akin. "And Scarmey, will do our part to get the Database we need in the L.K tower," patuloy niyang sabi. Nagtataka akong tumingin sa kanila. Ang tanging alam ko ay manggugulo lang kami. Then what is he talking about? "What do you mean by that? I never know that there's another plan you have?" nagtataka kong tanong sa kanya. Napabuntong-hininga siya at napatingin sa amin, maging sa akin. "My mom said that earlier, that's why it's late to tell you about this. But now we need to go in our plan, let's get ready," sagot niya sa akin. I sighed. Bahala na kong anong mangyayari ngayong gabi. Naghanda na kami para sa pagpasok sa M.A.U. Dala-dala ko ang baril, habang naglalakad kami sa isang tunnel. Madilim pero may ilaw ang hawak naming mga baril. I don't know if they are ready for our presence here. Dahil kung handa nga sila, malamang tahimik talaga ang paligid. Kaya siguradong magtataka sila Francess sa katahimikan ng paligid. "It's quit and strange," puna ni Candice. Habang sinisipat ang daan gamit ang baril niya, na may ilaw. "Yeah, nakakapagtaka," sabi rin ni Marga. Tahimik lang akong nagmamasid sa kanila. Nakakapagtaka talaga ang katahimikan sa paligid. Kung hindi ko lang alam ang pweding mangyari at kung wala lang akong kakilala sa mga assassin, talagang nakakapagtaka. Sadyang kakabahan talaga, kapag ganito ka tahimik ang paligid. Mukha namang hindi sila kinakabahan at talagang desidido sa kung anong gagawin namin ngayon. I wonder, kung ano kayang itsura ng M.A.U. Hindi ko pa kasi ito nakikita. Kung malaki din ba ito tulad ng Monte University. Ngunit kung iisipin kong mabuti, nasisiguro akong mas malaki ito sa Monte. Bukod sa mga assassin, ay may Mafia at Gangsters din na nag aaral sa M.A.U. Tulad ng sinabin ni tita Audrey noon, may Gangsters, killers, Reapers at Spy. Kaya sigurado talagang malaki ang University nila. "Ssss!" Napatigil ako sa pag iisip, nang may marinig akong kakaibang tunog. "Oh my god!" Napahinto kami at tumingin sa kung anong bagay ang nasa harapan namin. Nakatutok ang mga baril namin sa isang ahas na nakaharang sa amin. Hindi siya gaanong kalaki pero iyong kakaibang aura at tingin niya nakakatakot. Maging ako nakaramdam ng takot sa kanya. "Sssss!" Napaatras kami dahil sa pag gapang niya patungo sa amin at talagang nakatayo pa siya habang pagapang ang buntot niya. Kaya halos mapaatras kaming muli sa paglapit niya. "S-Should we shoot that thing?" natatakot na sabi ni Beatriz. "M-Maybe," sabi rin ni Marga at napapaatras pa. Muntik na akong mapasinghal. They are afraid of a f*****g snake? Yes, I admit that I am also, but there strange about this snake. Huminto siya sa paggapang at tila ba sinuri niya kaming mabuti. Hanggang sa dumapo sa akin ang tingin niya. Kung may kilay lang siya ay talagang makikita ang pagtaas ng bahagya nito. Muli siya gumapang npatungo sa amin, pero... pero sa dereksyon ko siya patungo. Kaya hindi ko maiwasang itutok sa kanya ang baril na hawak ko. "Sssss!" " Be careful!" Agad na nakalapit sa akin si Francess at tinago ako sa likod niya. "Sssss!" Kunot'noo akong napatitig sa ahas na nasa harapan namin. Kung tititigan mo siya sa mata, mapapansin mong may pinapahiwatig siya at iyon ang nakikita ko ngayon. Napatingin ako sa balat niya, kulay yellow na may halong itim. May ribbon siya sa bantang ulo niya, na tila hindi siya basta-bastang galang-ahas. May nagmamay ari sa kanya! "Sa tingin ko, hindi siya ligaw na ahas. She have a ribbon in her head," sabi ko. Napatingin naman sila sa tinutukoy ko at mukhang may naalala sila. "Isa lang ang alam kong may alagang ahas. She's one of the L.K council before. Her name is Leshyen Marcus and she name her snake, Sissy. Sissy is older now and that little snake, maybe it's her pets baby," seryosong sabi ni Candice. "You called that a baby? Are you serious?" hindi makapaniwalang sabi ni Marga. "Sssss!" Natahimik sila dahil sa ginawa nito. Siguro naingayan o hindi nagustuhan ang sinabi nila. Umalis ako sa likuran ni Francess at humarap ako sa ahas. "What are you doing?" pigil sa akin ni Francess. Hindi ko siya pinansin. Muli kong tinitigan ang ahas. Nagtitigan kaming dalawa. Malamang kilala ni tita Audrey ang may ari ng ahas na ito at kung dito ako nagmula. Makikilala din ako ng ahas na ito. Gumapang siya palapit sa akin. Nilapit ko ang kamay ko para hawakan siya. "Scarmey!" sabay nilang sigaw. I secretly smiled. Hinaplos niya ang ulo niya sa kamay ko, saka muling gumapang sa kamay ko patungo sa balikat ko at hinarap ako ng malapitan. Muli kaming nagtitigan. Hindi ko alam pero nakikita ko sa mga mata niyang masaya siya ng makita ako. Kaya napangiti ako. Muli siyang gumapang pababa at lumayo na sa amin. "What was that?" nagtatakang puna ni Candice. "Maybe, she's a friendly snake," tanging sabi ko. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "That's snake is wierd. Just like her owner, tsk!" napapailing na sabi ni Beatriz. "You are right," sang ayon naman ni Marga. "Siguro naman wala nang haharang sa atin na katulad no'n di ba?" narinig kong sabi ni Lendon. "Bakit? Takot ka sa ahas?" sabi ni Tyron, na mukhang inaasar pa si Lendon. "Hindi no! Baka ikaw?" sagot ni Lendon dito. Natatawa lang si Tyron sa sinabi ni Lendon, na mukhang hindi naniwala. "Manahimik na nga kayo," pigil naman ni Cristoffer. "Lets go," sabi ni Francess. Muli kaming naglakad papasok, hanggang sa bumungad sa amin ang kagubatan. "Let's split up, be careful guys. Lets meet here in hour," sabi ni Francess. "Okay!" Umalis na sila Candice, naglakad sila sa ibang dereksyon at kami naman ay sa iba din. This place, its really familiar too me. Sumunod na ako kina Francess. Habang naglalakad kami tumitingin ako sa paligid. Hanggang sa mapansin ko ang isang mataas na tila tower. Siya lang ang nag iisang mataas. Naaninag ko ang pangalan ng tower. L.K TOWER Ohh, so that's the L.K tower? Tumingin ako sa nakapaligid dito. Kahit medyo madilim ay naaninag ko pa rin ang ilang building na nasa likod. Hindi ko masabi kung malawak ba ito, dahil nga gabi na. Halos nakapatay pa ang mga ilaw at tanging ilaw na nagmumula sa toktok ng L.K tower ay nagkaroon ng liwanag. Inalis ko ang tingin doon, nang maramdamang may humawak sa kamay ko. Kaya tumingin ako sa taong humawak sa kamay ko. "What are you doing?" nagtataka at mahina kong tanong kay Francess, na siyang humawak sa kamay ko. "Stay behind me," sabi niya Francess. Napairap ako at binawi ang kamay ko. Ngunit mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. The heck? Pasimple akong tumingin sa kanya. B igla ko tuloy naalala ang sinabi ng ate niya sa akin. Lalo na doon sa sinabi niyang hindi ko maaaring mahalin si Francess. Tss! I know that we can't be together and also I know that I can't love him. Of course, why would I love him? Why would I love the person that he's family cause my life, miserble. I don't dare! No way! "Paano tayo makakapasok" tanong ko habang nakatago kami sa gilid ng isang building. "Marga know's that," sagot ni Francess. "Yes, I'm here. Kayong apat ang papasok sa loob. Kailangan niyo lang dalian, dahil mabilis ko lang itong ma -hack. Hindi ito magtatagal," sabi ni Marga. Nilabas niya ang dala niyang laptop at nagsimulang mag type doon. Muli akong tumingin sa paligid. Napakatahimik, may ilang ilaw sa paligid pero imposibleng walang nakatingin sa amin ngayon. They are a mafia-assassin. I'm sure, may nakabantay kapag gabi. Pwera lang ngayon, muli akong tumingin sa tower. Napakurap ako ng may naaninag akong anino na mabilis lang ding nawala. May tao sa tower. I'm sure of that! "There! Pwedi na kayong pumasok sa tower, 15 minutes lang guys. Kung hindi niyo makuha ang kailangan natin doon. Umalis na lang kayo, okay?" seryosong sabi ni Marga. "Okay," sabay nilang sabi. Isinoot namin ang bonnet namin at maingat na naglakad patungo sa L.K tower. "Tyrone, mauna ka. Alam mo na ang gagawin." Utos ni Francess. Nauna si Tyrone, sumunod sa kanya si Lendon, bago kami ni Francess. Marahan pero mabilis ang naging kilos namin. Hindi kami pweding gumamit ng elevator. Kaya sa hagdan kami dumaan, ngunit umiba ng daan si Tyron. Akmang susunod ako sa kanya ng pigilan ako ni Francess. Sabay kaming tumakbo patungo sa itaas. Infairness, nakakapagod siya. Sa taas ba naman nitong tower, malamang mapapagod ka. Hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang pinto. "Wait!" Napahinto si Lendon sa pagbukas ng pinto. Nang magsalita si Marga sa listening device na suot namin. "What happen?" tanong Francess. "There something wrong, Tyrone. 'Wag mong ituloy ang gagawin mo .Francess, 'wag na kayong tumuloy," sabi ni Marga at naramdaman ko ang pagiging seryoso niya. "Why?" nagtatakang tanong ni Francess. "I don't know but, s**t!" sabi ni Marga at biglang nawala ang boses niya. Kaya napataas ang kilay ko. "Wait! Marga what's happening there!" sigaw ni Francess. "Papasok pa ba tayo?" tanong ni Lendon. "Hindi natin alam kung anong nangyari kay Marga. I think,we need to go back," seryosong sabi Francess. "Right," sang ayon ko. Akmang baba na kami sa hagdan, pabalik ng biglang bumukas ang pinto kasabay ng pagliwanag nang paligid ng tower. "Where are you going? We are here to welcome you guys," nakangising sabi ng isang babaeng may hawak na Machine Gun. Ohh? Pareho kaming napahinto at nagugulat na nakatingin dito. Well, we're doomed!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD