SCARMEY POV
Nang dahil sa nangyari kahapon ay hindi na ako gaanong lumabas sa villa. Mabuti na lang at hinayaan lang nila ako, lalo na at lagi akong pinupuntahan ni Ranzy. Hindi ko rin alam kung umalis na ba si Shan, basta simula nang magkausap kami kahapon ay hinatid lang niya ako sa villa. Nanatili naman ako doon at walang ginawa, ni pag inum ng alak ay hindi ko ginawa.
Ngayon nandito ako sa isang burol. Nanatili akong nakatingin sa malayo, habang nakaupo sa ilalim ng puno. Pinagmamasdan ko ang mga puno sa di-kalayuan. Nahanap ko ang lugar na ito sa kalalakad kanina at nakaramdam ng ginhawa dahil sa ganda ng tanawin dito. Saglit kong kinalimutan ang mga nangyari kahapon.
Hays, heto na naman sa 'twing naalala ko ang sinabi niya, lagi akong napapabuntong-hininga. I really don't know why I feel like, I lost him. Tsk! Nakakalito ang nararamdaman kong ito.
"It's refreshing right?"
Mabilis akong napalingon sa taong biglang nagsalita. Kuno't noo akong napatingin sa kanya. Bakit hindi ko siya naramdaman na lumapit?
"Who are you?" tanong ko sa kanya.
He's wearing a half mask in his face. Nakita ko siyang ngumiti at tumingin sa malayo. Nanatili naman akong nakatingin sa kanya at hinihintay ang sagot niya.
"Hindi na importante kong sino ako. For now we are strangers," tanging sabi niya.
Iniwas ko ang tingin sa kanya at hindi na nagsalita. Feeling ko mas gumaan ang pakiramdam ko dahil sa taong ito, kahit na hindi ko siya kilala. Nawewerduhan na tuloy ako sa sarili ko.
"I saw what happen yesterday, when you talk to them. It's so heart breaking to know how you suffered, but you have also feelings. I know it's hurt to say those words to them," narinig kong sabi niya.
Kaya napatingin ako sa kanya. Naroon siya? Imposoble. Isa rin ba siyang Assassin? Ganito ba ang mga assassin? Bigla na lang lilitaw sa harapan ko, tulad ni Steffy kahapon at hindi ko man lang naramdaman ang kanilang paglapit? Bahagya akong natawa dahil sa sinabi niya. Lalo na sa salitang sinabi niya na nasaktan ako.
"Bakit naman ako masasaktan sa sinabi ko sa kanila? Hindi naman sila importante sa akin," napapailing na sabi ko sa kanya.
"Nasasabi mo iyan dahil sa galit mo sa magulang nila. But you know that they are innocent. Specially that guy, Francess. I know he loves you," sabi niya saka tumingin sa akin kaya napaiwas ako nang tingin.
"Yeah, I know that they are innocent. But I don't have feelings for him. Hindi ko siya gusto at hinding-hindi kailanman," mariin kong sabi.
Hindi na siya nagsalita pa at nanahimik sandali. Ganoon din ang ginawa ko. Bakit ba nila nasasabing may gusto nga ako kay Francess?Hinding-hindi iyon mangyayari. Hindi ko kayang mahalin ang anak ng mga taong sumira ng buhay ko. They are my enemies!
"We are humans and we have feelings. Even if we deny it a thousand times, it will grow and we will realize soon. That those person was special to us. I will share something to you, about the person I love before and now," sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
Ngumiti siya at napansin kong may hinawakan siyang sing-sing. Hindi ko maiwasang mapatitig doon. Hindi ko alam pero, parang gustong-gusto ko rin itong hawakan.
"When I was 13 years old. I become a gangster and a killer," simula niya kaya gulat akong nakatingin sa kanya.
What did he say?
A gangster and a killer?
Namamangha akong napatingin sa kanya. Really? Sa ganoong edad ay gangster at killer na siya?
"I trained to be a killer gangster, because I want to protect and save a person that important to me. Itis my mother. She's been a hostage for a long time. That's why I promise to myself that I will save her. There someone who's helping me. She's the one who train me to be a gangster-killer. Lahat ng utos niya sinusunod ko, dahil alam ko na siya lang ang makakatulong sa akin. She give me a mission, to be a spy of our enemy. Kalaban namin kung saan naroon din ang ina ko, nakakulong kaya ginawa ko lahat. Naging isang kakampi ako at kalaban ng mga assassin," sabi niya.
Nanatili akong nakinig sa kanya. Dahil sa tingin ko may malalaman ako tungkol sa pagtao niya at sa mga assassin. Ngunit hindi pa rin ako makapaniwala. Naging spiya siya sa ganoong kahirap na sitwasyon, para lang sa ina niya.
"I'm a gangster reaper of our enemy and that's Yumirae mafia. Then I'm a gangster killer of Acapella and I'm a secret spy of a person I love, here in Mafia-Assassin Organization," sabi niya at napangiti sa huli nyang sinabi.
Kinilabutan ako sa sinabi niya. Yumirae Mafia? Acapella? Mafia-Assassin Organization? He become a spy of that three Organization? Nakaya niya ang trabahong iyon? Ngunit may isang bagay na na tumatak sa akin.
A person he loved.
Napa-swerte naman ng babaeng iyon, dahil kahit na mahirap ang trabaho niya ay gumagawa pa rin siya nang paraan para mahalin at protektahan ito.
"At the young age, I fell inlove with a girl. I admire her the most. Do you want to know where we meet? We me at gangster academy, na isa na ngayong Monte University," sabi niya at bumaling sa akin.
Monte University?
"Hindi ko alam kung paano napunta sa mga montemayor ang lugar na iyon. But I want to get back, because I treasure that place. Dahil diyan kami nagkakilala ng babaeng minahal ko ng subra, na ngayon ay hindi ko na halos maabot dahil sa subra na niyang taas," sabi niya.
Naramdaman ko ang lungkot sa huli niyang sinabi. Ngunit naging interesado ako kung sino ito.
"Bakit? Sino na ba siya ngayon?" tanong ko sa kanya.
Muli siyang ngumiti at tumingin sa sing-sing na bahagyang pinakita sa akin.
"She's a person that hard to reach now, because of her grudge and anger to me. I made a mistake before to her. I left her. Iniwan ko siya sa panahong kailan niya ako. Iniwan ko siya na hindi ko alam na magiging ama na pala ako," malungkot niyang sabi.
Naikuyom niya ang sariling kamay at bahagyang napayuko. Nararamdaman ko ang sakit sa mga sinabi niya.
"Mahal na mahal ko siya. Simula noong una ko siyang nakilala. Kahit pilit kaming pinaghihiwalay noon, lumaban kaming dalawa. Ngunit sa huli ay ako iyong nang iwan sa kanya. Gusto ko siyang lapitan at humingi nang tawad sa kanya. Ngunit alam ko, galit niya ang sasalubong sa akin at baka nga patayin pa niya ako," natawa siya sa huli niyang sinabi.
Nagtataka pa akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya.
"Bakit ka naman niya papatayin?" nagtatakang tanong ko.
"Dahil sa ginawa kong kasalanan sa kanya. Iniwan ko siya at pinaniwala na patay na ako," sagot niya.
Natigilan ako. Seryoso? Ginawa niya iyon sa babaeng mahal niya? Napabuntong-hininga siya at tumingin sa akin.
"Pero alam mo, handa na naman akong mamatay sa kamay niya. Sapat na sa akin na makita ang kambal kong anak sa kanya na maayos. Our daughter is missing a long time ago, but I found her and I'm glad that someone save her from the death," nakangiti niyang sabi haban nakatingin sa akin. Saglit akong natigilan sa kakaiba niyang ngiti sa akin, para bang may ibig sabihin iyon. I sighed.
"What if, she still love you? What will you do?" sa halip na tanong ko.
"Well, that's great if she still love me and I will do everything just to be with her. But those mistake I made, maybe she will never forgive me. That's why I'm ready to die with her hands if that day will come," seryoso niyang sagot sa tanong ko.
Bahagya siyang tumayo at nakangiting tumingin sa akin.
"I'm glad that I meet you and share something about me. I hope we will meet again. When that day come, you will know who I am, Scarmey," nakangiting sabi niya.
Napatayo ako ng tumalikod siya.
"Wait, what's your name?" tanong ko.
Bumaling siya sa akin at bahagya niyang hinubad ang mask niya, kaya nakita ko ng buo ang mukha niya. Napansin ko kaagad na may kahawig siya.
"Kapag nakita mo na ang mukhang ito makikilala mo ako. I'm sure, Audrey will tell you who I am. Bye for now, my princess," pagkasabi niya no'n, mabilis siyang nawala sa paningin ko, na tila tinangay sya ng hangin paalis sa lugar na ito.
But wait, si tita Audrey ba ang tinutukoy niya? Kilala niya si tita Audrey?