Chapter 40

1800 Words
      THIRD PERSON'S POV Nakatingin lang si Shan sa kanya, habang nakayuko at nakaupo sa ilalim ng puno. Napabuntong-hininga si Zeffrey, nakaupo din ito malapit sa kanya pero wala pa siyang naririnig na salita mula dito.. Hindi niya alam na ganoong eksena ang maabutan niya kanina. Nagulat siya sa mga nalaman niya kanina mula rito. Hindi niya aakalaing ganoon kahirap ang dinanas nito. Sinabi sa kanya ni Aizen na nasa M.A.U siya. Hindi agad siya naniwala dahil imposibleng nandito ito. But Aizen explain everything to him. He don't know who really she is, but he really feel comfortable with her. Hindi niya rin alam, kung ano nga bang mayroon sa kanila ni Francess. Dahil ang tanging alam niya ay ginagamit lang sila ni Scarmey, lalo na si Francess. Nagulat rin siya sa tanong ni Francess kanina at base sa nakita kong reaksyon ni Scarmey, alam niuang tinatago nito ang totoo nitong nararamdaman. He feel it, that she have a feelings with him. Hindi lang niya ito maamin sa sarili at lalo hindi matanggap. "I was surprise that your here, but I'm glad to see you again," sabi niya. Ngunit hindi ito kumibo sa sinabi niya. "He meant for you, right?" muli niyang sabi. Napansin niyang natigilan ito sa sinabi niya. Kaya napangiti siya. "I can see it in your eyes, that he meant for you," giit niya Napasinghal ito at nag angat nang tingin sa kanya. Napailing si Scarmey habang nakatingin kay Shan. "Kailangan ko pa bang iulit ang sagot ko kanina? He is not and I don't," katwiran ni Scarmey. Napangiti si Shan sa sinabi ni Scarmey at hindi kuntento sa sagot nito. Samantala, nagtataka namang nakatingin si Scarmey sa kanya, dahil sa pag ngiti niya dito "Yes, you can say that. Ngunit kung hindi, bakit ka nagkakaganyan? Why you look like broken? Bakit parang nasasaktan ka ngayon?" sabi ni Shan. Umiwas nang tingin si Scarmey sa kanya. Hindi alam ni Scarmey kung ano ang isasagot dahil maging siya ay nalilito sa nangyayari. "Hindi ko rin alam kung bakit kailangan magkaganito ako. I hate them, but something inside in me that they meant for me. They are my enemies. Kaya dapat galit ang mararamdaman ko, hindi paghihinayang. I don't know what's going on with me," naguguluhang sabi ni Scarmey at muling napayuko. Napabuntong-hininga si Shan. Lumapit siya dito at marahang hinaplos ang buhok nito. "You will realize it soon," tanging sabi niya habang hinahaplos ang buhok nito. Hindi sumagot si Scarmey at nanatiling nakayuko. 'Scarmey, who really are you?' wala sa sariling sambit ni Shan, habang hinahaplos pa rin ang buhok nito. May nabubuong sagot sa isipan niya, ngunit hindi ito malinaw. Hindi niya kung ano iyon, basta magaan ang pakiramdam niya kapag kasama si Scarmey at tila ba ayaw niyang mawala ito sa paningin niya. Lalo na ngayon at nandito na ito sa M.A.U.     Samantala, hindi halos magawang iayos ni Francess ang hakbang ng kanyang mga paa. Tila ano mang oras matutumba na siya. Hindi siya makapaniwala sa lahat nang nalaman niya tungkol kay Scarmey. Hindi niya magawang magalit sa ginawa nito. Tanging awa ang nararamdaman niya sa nangyari dito. Human Tester? Tila bumalik sa isipan niya ang mga sinabi ni Scarmey. Human tester, he know that feeling. Dahil minsan na siyang nakapunta sa laboratory ng kanyang ate, na si Francine. Ngunit tanging mga patay na katawan ng tao ang nakikita niyang ginagawa nitong human tester, hindi buhay. Minsan may nakikita siyang mga robot at mga hayop na ginagawa nitong tester. Ngunit si Scarmey? He really can't believe that she's also one of them. He feel ashamed for what he found out. "Human tester," narinig niyang sabi ni Candice, habang pareho silang nakaupo sa couch sa hideout nila. Hindi na niya nakita pa ang iba nilang kasama. Sa tingin niya hindi rin makapaniwala ang mga ito sa nalaman nila, mula kay Scarmey. Dahil talagang nakakagulat nga naman iyon para sa kanila, na walang alam kung ano ang ginagawa ng kanilang mga magulang. "My mother is one of Montemayor's scientist. For sure, she know who is Scarmey," sabi ni Candice Hindi siya nagsalita at nanatiling tahimik. Wala siyang maisip na gawin, ngunit isang taong ang nais niyang makausap. Naramdaman niya ang tumayo ni Candice at naglakad paalis. Napabuntong-hininga siya at napapikit. Hindi niya malaman kung saan siya magsisimula o kung ano ang dapat niyang gawin para kay Scarmey. "Sinabi ba niya sainyo ang lahat?" Napaangat ang tingin niya at nakita niya ang kanyang nakakatandang kapatid na si Francine, nakatingin ngayon ito sa kanya. Mariin siyang napatitig dito. "Is she's telling the truth? That she became one of your experiment? That she become a human tester?" seryosong tanong niya dito. Napaiwas ito nang tingin at napatango. Kaya naikuyom niya ang sariling kamay at hindi makapaniwalang tumingin dito. "Hindi ka ganyang klaseng tao ate. I know you, but how did you do that?Why are you being like that?" Seryoso niyangng sabi dito. Napangisi ito at bumaling sa kanya. Tinitigan siya nito sa mata, na parang sinasabing ganoong klaseng tao nga ito. "Yes, I know. Napakasama ko at nagawa ko ang mga bagay na ganyan. I'm still a human, but I did that. Alam mo bang napapagod na rin ako sa ginagawa ko? Sa Ginagawa ng pamilya natin? Francess, you are the youngest among of us, but you are the one who doesn't know what kind of family we are," seryosong pag amin nito sa kanya. Natigilan naman siya sa sinabi nito. Hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi nito, lalo na sa kung anong pamilya mayroon sila. "We are doing illegals. Sabagay, marami naman talaga tayong gawaing illegal dahil sa Organisasyon natin. But we are the worst, we are using a human body; an alive human body for being human tester. 'Yong nakikita mong patay na ginagawang tester, pantakip lang iyon sa totoo naming gawain. It's too cruel to do that, but that's what we are doing and about scarmey, isa siya sa naging special na human tester namin," muling paliwanag nito sa kanya. Hindi siya nakapagsalita dahil sa gulat. Masyado siyang nagulat sa mga nalaman niya mula rito. Hindi siya makapaniwala na gumagawa ng illegal na ganoon ang pamilya niya. Ngayon isa si Scarmey sa naging biktima ng mga ito. Kinuha nila ang normal na buhay, na dapat ay maramdaman ni Scarmey. Nakaramdam siya ng galit para dito. "I can't believe that you will become like that. You are a good scientist but now, you are so cruel," mariin niyang sabi dito. Napasinghal lang ito at napangisi sa mga komento niya. "I know how cruel I am. But there something you must know, Francess," seryosong sabi nito. Napansin niyang may kinuha ito. "Do you still remember who is this little girl?" tanong nito sa kanya. May pinakita itong isang litrato at napatitig siya doon. Kinilala niya kung sino ang tatlong tao na naroon. Hanggang sa makilala niya ang ate niya, ang batang siya at isang batang babae. Mas lalo siyang natigilan nang tuluyan itong makilala. 'Dhreammy?' sambit niya sa sarili. "Dhreammy? Siya ba ang batang ito na katabi ko?" tanong niya at bumaling sa ate niya. Tumango ito kaya muli siyang napatingin sa picture. Hindi niya inaasahang sa ganitong sitwasyon pa ito pinakita ng ate niya. Matagal na iyon, ngunit nakatatak pa rin sa isipan niya ang alaala niya sa batang si Dhreammy. "I made a mistake that caused me a problem now. You know who is that young girl? She is the Daughter of Acapella's empress," narinig niyang sabi ng ate niya, kaya gulat siyang napatingin dito. "W-What?" nagugulat niyang sabi. "Huli na nang malaman kong siya ang anak ni Dhrevey; ang empress ng Acapella. No'ng naging human tester na siya. Nakatakas siya noon pero nahanap pa rin siya, dahil sa tracking device na nakadikit sa kanya. Nais ko man siyang ibalik nooy ay wala na akong nagawa pa, dahil nakuha at ginamit na siya nina mommy," paliwanag nito. Mariin niyang kinuyom ang kamao niya at nanginginig sa galit dahil sa mga sinabi nito. Maging ina niya ay nakaramdam din siya ng galit. Lalo na at naalala niya ang mga sinabi niya noon kay Dhreammy. "I admire you a lot. You know that Dhreammy is special too me. I made a promise to her before, that I will protect her but I failed and now you're telling me that?" galit niyang sabi dito. Hindi ito halos makatingin sa kanya at bakas rin ang pagsisisi sa nangyari sa batang si Dhreammy. "I'm sorry, Francess. Wala na akong magagawa. Just look at her again. You will recognize who she is now," seryoso nitong sabi. Muli siyang napatingin sa picture nila ni Dhreammy. Gaya nang sabi nito mariin niya itong tinitigan. May napapansin siyangng kakaiba, dahil parang may nakikilala siyang tao. Ngunit hindi niya matukoy kung sino. "Hindi mo na ba nakikilala ang batang gusto mong protektahan noon? You already meet her. She is Scarmey now," muling sabi ni Francine kay Francess. Natigilan si Francess at nahulog sa mga kamay niya ang hawak niyangng picture at dahan-dahang napatingin sa kapatid dahil sa pangalang binanggit nito. "W-What did you say?S-scarmey?" hindi makapaniwalang sabi niya "Yes, she is. Kaya maiintindihan mo na ngayon kung bakit siya galit sa pamilya natin. She become our human tester," mahinahong sabi nito at naroon ang lungkot sa mga sinabi nito. "No way," tanging sambit niya. "Ngayong alam mo na kong sino siya. I'm warning you. She is our enemy. You can't be together and you can't love her. Oo, tinuring ko siyang kapatid noon kaya may puwang siya sa puso ko. Nag sisisi ako sa nangyari sa kanya. I'm glad that she leave this place. Dahil kapag hindi siya umalis dito at makilala siya nina mommy. Maari siyang gamitin laban sa sarili niyang pamilya. For now, all we have to do is stay quit and forget her," seryoso nitong sabi saka umalis at iniwan siya. Naiwan siyang napatulala sa mga nalaman niya mula rito. Hindi niya inaasahang si Scarmey na ngayon ang batang babaeng pinangakuan niya noon. Hindi niya lubos maisip na iisa lang si Scarmey at Dhreammy. Dhreammy was special to him, since he meet her in paris. They become friend and he made a promise, that he will protect her. Ngunit nang mawala si Scarmey noon. He really want to find her but he still a kid before. Wala pa siyang kakayahan. Pinahanap niya ito sa kay Francine, pero hindi nito nahanap. Paano nga pala nito hahanapin, eh alam naman nito kung nasaan si Dhreammy. Kaya ngayon nag aalala siya, na kapag nalaman ni Scarmey ang ugnayan nilang dalawa noon ay nasisiguro niyang makakaramdam na naman ito nang matinding galit. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanilang dalawa. Napaisip na lang siya kung itinadhana ba silang magsasamang muli o itinadhang maging magkalaban.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD