Chapter 39

1750 Words
SCARMEY POV Matapos kaming puntahan ni Aizen at sabihing nandito sila Francess ay naglakad na kami patungo sa malaking gate ng Campus. Kasabay ko sa paglalakad si Steffy at pasimple siyang ngumiti sa akin. Nang malapit na kami sa malaking gate ay natigilan ako. Natanaw ko mula rito ang ilang membro ng L.K, kasama na roon si Ranzy. Napabuntong-hininga ako. "Bakit sila naroon," tanong ko kay Aizen at tumingin sa kinaroroonan nila Ranzy. "Kami ang tinawagan ng guards, na may naghahanap saiyo. Kaya maging sila ay pumunta doon," sagot ni Aizen sa akin. Napatango ako at nagpatuloy sa paglakad, hanggang sa makalapit kami sa kanila. "Sinusundo ka na ng mga kasamahan mo," nang aasar na sabi sa akin ni Ranzy. Kaya napairap ako sa sinabi niya. Talagang aasarin pa niya ako sa sitwasyong ito. "Anong gagawin mo?" narinig kong tanong ni Steffy. "Hindi ko alam," tanging sagot ko. "Hindi mo alam? Talaga? Bakit parang galit na galit si Candice? Hmm, mukhang alam na nila na tinaydor mo sila," nakangising sabi sa akin ni Aubrey. Nakita kong siniko siya ng isa niyang kasama upang patahimikin. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Nakaramdam ako ng kakaiba ngayon. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko, na parang bang kinakabahan ako. Bahagya akong napabuntong hininga. Inutusan nila ang guard na buksan ang gate. Nang tuluyan na itong nabuksan ay isang tao agad ang nakita kong napatingin sa amin. Si Francess. Seryoso akong nakatingin sa kanya, pero naagaw ng tingin ko ang isa pang taong nasa tabi niya. Nabigla ako nang makita siya. Si Shan. He's here? Maging ang kasama ko napatingin kay Shan, na nagtatakang nakatingin sa akin. Nagkagulatan kami at napapatingin sa bawat isa. "Scarmey," napatingin ako sa bumanggit ng pangalan ko. Si Candice. Seryoso siyang nakatingin sa akin, na para bang sinasabi na dapat niyang malaman ang totoo. Nilabanan ko ang tingin niya at taas-noo ko rin siyang tiningnan. "Tell us the truth, are you the one who betray us?" mariin niyang tanong. Bahagya akong napangisi, mukhang inunahan ako ng babaeng iyon. Nasisiguro akong siya ang nagsabi sa mga ito, kung ano talaga ako. Taas'kilay ko siyang tiningnan na para bang pinapamukha sa kanyang wala akong kinakatakutan, na wala akong pakialam kung ano man ang mangyayari. "Betray? Why did you said that? I'm not betraying all of you. I don't have a reason to do that," nakangisi kong sabi na mukhang mas lalo niyang kinagalit. "Really? In the first place, I really don't trust you. Kahit kailan wala pang nagtraydor sa grupo namin. Ngayon lang na dumating ka," sabi ni Beatriz na masama ang tingin sa akin. "Then? What now? Kung trinaydor ko kayo, bakit pa kayo nandito?Malamang may isang taong nagsabi sainyo kaya kayo nandito, right Francess?" sabi ko at bumaling ako kay Francess na kanina ko pa napapansing tahimik. Tinitigan niya lang ako at hindi nagsalita. Para bang iniisip niya kung ako nga ba ang nakilala niyang Scarmey. "I trust you," narinig kong sabing muli ni Candice kaya napalingon ako sa kanya. Natigilan ako saglit nang makita ang namumuong luha sa mga mata niya. I know you trust me, Candice. "All I want is to gain your trust for my personal intention. Do I need to apologize?" nakataas-kilay kong sabi sa kanya. "How dare you!" biglang sabi ni Marga at mabilis na nakalapit sa akin. Sasampalin niya sana ako, ngunit mabilis na nakalapit si Steffy sa akin at pinigilan ang atakeng iyon ni Marga. "Huh! What? Sila ba ang ipinagmamalaki mong kakampi ngayon?" sabi ni Marga sa akin at mabilis na binawi ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Steffy. "Hindi ko sila kakampi, ngunit hindi ko rin naman sila kaaway. Hindi ko sila kilala, ngunit makikilala pa lang. Tulad nang pagkakakilala ko sainyo, ganoon rin ang pagkakakilala ko sa kanila. Ang kaibahan lang, kalaban ko kayo," mariing sagot ko kay Marga, na bahagyang natigilan sa sinabi ko. "What do you mean by that?" narinig kong seryosong tanong ni Lendon. Sasagot na sana ako nang muling nagsalita si Candice. "I treat you as a friend, but you betray me. You use us, how dare you," mariin at umiiyak na niyang sabi. Biglang tumatak sa isipan ko ang salitang 'Use' . Naikuyom ko ng mahigpit ang kamay ko. Tila ba biglang kumulo ang dugo ko sa salitang iyon. Mariin ko siyang tinitigan at bahagyang lumapit sa kanya. Hindi siya natinag sa paglapit ko, sa halip ay nilaban niya ang tingin ko. "Use? Haha!" sabi ko at tumawa nang malakas sa mukha niya. Dinuro ko ang sarili ko at tumingin sa kanila. "How dare me? Use? Haha! Candice, I think, I will be the one to say that! What? Kaya ba kayo galit dahil ginamit ko kayo? Kinuha ko ang tiwala niyo? Haha! You don't have a right to say that 'Use' word! My life was destroyed because of that word!" sigaw ko sa huli kong sinabi. Bahagya pa akong hinawakan sa kamay ni Steffy pero hindi ako nagpapigil. Tumingin ako sa kanilang lahat. "Total nandito kayong lahat, mas mabuting alam niyo ang totoo. Yes! I betray all of you. Ngunit hindi pa iyan sapat sa lahat ng paghihirap ko sa kamay ng mga magulang niyo, nang pamilya niyo!" mariin kong sigaw na kinabigla nila. Bumaling ako kay Candice na bahagyang natigilan. Nasa mga mata niya ang pagtataka sa mga sinabi ko. "Candice, I treat you as friend. No'ng una wala akong dahilan para traydurin kayo. I just want to learn some skill being a gangster. Ngunit nang malaman ko, na ang nagmamay ari ng school na iyon ay siyang dahilan kung bakit nasira ang buhay ko. Doon nagsimula ang plano kong makipaglapit sa inyo. Alam niyo ba kung bakit galit na galit ako? I will ask a question. Do you know the feeling of being a human tester?" seryoso kong tanong kasabay ng luhang tumulo sa pisngi ko. "Scarmey," narinig kong sambit ni Steffy sa pangalan ko. "Do you that feeling? Huh, Francess?" muling sabi at bumaling ako kay Francess, na hindi makapaniwalang nakatingin sa akin ngayon. "H-Human tester?" mahina nila sabi maging si Francess. Napansin ko rin ang biglang pananahimik ng L.K na nasa likod ko, maging si Shan na nagugulat na nakatingi sa akin. "Your sister is a scientist. Im one of they're experiment. They use my body as a human tester," mariin kong sabi. Napailing siya dahil sa sinabi ko. "N-No, s-she's not like that. Hindi niya magagawa ang ganyan," naguguluhan sabi ni Francess. "Y-Your lying," sabi rin ni Candice at bakas pa rin ang pagkagulat sa mga mata niya. Napangisi ako. "Then, I will show you how cruel they are," seryoso kong sabi. Iniharap ko ang braso sa kanila saka may tinanggal doon, na tila kakulay lang ng balat ko. Nakatingin silang lahat doon at nakita nila ang ilang peklat na naroon. Iniangat ko ang sout kong blouse saka hinubad. May tinanggal ulit ako bawat parte ng katawan ko, maging sa ibaba ng leeg ko Tumingin ako sa kanila. Lahat sila hindi makapaniwalang nakatingin ngayon sa katawan ko. Maging ang L.K ay nagugulat sa nakikita nila ngayon. "This scars in my body is the evidence how cruel your family are. They use my body for long time being a human tester. And I'm lucky that someone came to rescue me. That's why I survive. Now tell me, wala ba akong karapatang makaramdam ng galit sa inyo? Wala ba akong karapatang maghiyante? I lost my memories. I lost everything I have. I don't even know who's my family, if I still have and I don't know whom I can trust," sabi ko sa kanila, kasabay ng pagtulo ng mga luha sa mata ko. Sinout kong muli ang damit ko at hinintay kong magsasalita pa ba sila. Ngunit wala akong nakuhang salita at pareho silang natahimik. "Kung wala na kayong sasabihin pa, umalis na kayo. Dahil wala na akong magagawa pa kung may gawin sila sa inyo. When we meet again, uou'll know that we are enemies," mariin kong sabi at tumalikod na sa kanila. Naglakad ako paalis pero natigilan ako nang magsalita siya. Si Francess. "W-Wait, I-I will ask one question," . Hinintay ko kung anong itatanong niya. Matagal bago siya magsalita, na parang pinag isipan pa niyang mabuti kong itatanong ba niya iyon. Tss! "I don't know if I need to ask this. Ngunit gusto kong malinawan. D-Do you have feelings for me? Do you love me?" tanong niya. Bigla akong nanigas sa sinabi niya. Ano nga ulit ang sinabi niya? Is he asking me if I have feelings for him?That I love him? Isang kakaibang pakiramdam ang naramdaman ko, na tila iyong lakas at tapang na pinapakita ko sa kanila ay biglang nawala dahil sa sinabi niya. Parang sa ano mang oras matutumba ako. Why do I feel like this? Nilakasan ko ang loob ko at hinanap ang lakas na natitira sa akin. Bahagya akong tumawa para makita nilang naroon parin ang lakas ko. "Haha! W-What did you say? Are you f*****g serious, Francess? Do you know what are you saying? Why would I love you? Why would I love my enemy?" natatawa kong sabi at bumaling sa kanya. Nakita ko ang panghihina sa mga mata niya. Napansin ko ang pagkuyom ng kamay niya saka bahagyang napangiti at tumango. "I understand now, I'm sorry for what they do to you. I know, sorry is not enough to ease your hatred to us. But still I'm sorry, lets go. Lets forget everything what happen, goodbye," sabi niya Tumalikod na siya at naunang umalis sa mga kasama niya. Walang salitang tumalikod na din ako. Hindi ko maintindihan kong bakit parang ang sakit. Sakit na tila gustong durugin iyong puso ko. Naramdaman ko ang pagpatak ng luha sa pisngi ko. Marahan ko iyong pinahid at sa paglakad ko, bigla akong napaupo. "Scarmey.." Agad akong nilapitan ni Steffy upang tulungang makatayo. Ngunit hindi ako nagpahawak at tumayo akong mag isa. "I-I need to be alone," tanging sabi ko sa kanya. "Pwedi ba kita samahan?" boses ni Shan ang narinig ko. Hindi ako nagsalita at naglakad na paalis. I feel like, I'm broken. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganoon na lang ang nararamdaman ko, matapos iyong sabihin sa akin ni Francess. Wala naman akong nararamdaman sa kanya. Kaya bakit parang nanghina ako kanina. Bakit ganoon ang naging pakiramdam ko. Hindi ako maaaring makaramdam ng pagkagusto at pagmamahal sa isang tulad niya. Napakalaking kalukuhan kapag ganoon man ang maramdaman ko. It can't be! No way!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD