FRANCESS POV
"What are we going to do now? Baka kung anong gawin nila kay Scarmey, we need to save her," nag aalalang sabi ni Lendon.
Kagabi pa kami nandito at inaalala namin si Scarmey. Ano kayang nangyari sa kanya doon? Hindi kaya siya sinaktan ng mga iyon? Maging ako nalilito, dapat kasi hindi namin siya iniwan doon. Mahirap pa namang pasukin ang lugar ng mga assassin. Masyado kaming naging pabaya sa nangyari.
"We really need to save her," seryosong sabi ni Candice.
"Yeah, we need to save her. Ngunit sino nga ba ang nagbigay ng impormasyon sa L.K na papasukin natin sila. Tayo lang naman ang nakakaalam di ba? Ibig sabihin isa sa atin ang nagbigay sa kanila ng impormasyon," nagtatakang sabi ni Cristofer.
Sabay kaming napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya. Mukhang nakalimuta namin ang bagay na iyon. Tama siya, kami lang ang nakakaalam na papasukin namin ang L.K. Ngunit sino ang magbibigay ng impormasyon sa kanila?
"Magkakagrupo tayo, ni minsan walang nagtraydor sa atin. Ngayon lang na dumating sa grupo natin si Scarmey. Hindi niyo ba naisip, na maaring siya ang nagbigay ng impormasyon sa L.K?" narinig naming sabi ni Beatriz.
Natigilan naman ako sinabi niya.
"What are you talking about? That Scarmey betray us?" nakataas-kilay na sabi Candice sa kanya.
Hindi ko magawang makapagsalita. She can't betray as right? No, hindi ko magawang isipin na mag t-traydor siya sa amin. Kahit kailan hindi iyon pumasok sa isip ko.
"Yes. That's what I think. I saw her reaction last night, she's being calm. Na para bang alam na niya ang pweding mangyari sa atin," mariing sabi ni Beatriz.
"No, hindi niya magagawang magtraydor sa atin. She's my friend and I know she can't do that. May galit siya sa mga assassin kaya hindi niya iyon magagawa," katwiran ni Candice.
"Wala siyang dahilan para gawin iyan sa atin," mariin kong sabi.
Napatingin sila sa akin.
"Paano mo iyan nasasabi? Sino nga ba ang pweding magtraydor sa atin?" sabi sa akin ni Marga.
"Because she lost her memories," sagot ko.
Nagtatakang nakatingin sila sa akin, pwera kay Candice. Alam kong hindi na siya magugulat sa sinabi kong iyon, dahil siya ang unang nakaalam tungkol sa sitwasyon ni Scarmey.
"Kung ganoon, baka biglang bumalik na ang alaala niya at isa pala talaga siyang spy ng mga assassin?" muling sabi ni Beatriz.
"No. She also said that to me and I know she's telling the truth," mariing tangi ni Candice.
Napatingin ako kay Candice. Maging siya naaapektuhan sa sinasabi nila, maging ako man. Hindi niya magagawa ang bagay na iyon. She won't betray us.
"Yes, she lost her memories and I can prove that."
Natigilan ako saka napatingin sa pamilyar na boses. Nagulat ako nang makita siya.
"Ate Francine?" sabay nilang sabi.
"Ate," sambit ko.
Naglakad siya palapit sa amin saka umupo sa bakanteng sofa. Mariin siyang nakatingin sa amin.
"And yes, she betrayed all of you," sabi ni ate Francine.
Paano naman niya nasabi ang bagay na iyan? Kilala niya ba si Scarmey?
"Haha! No, she can't," napapailing na tangi ni Candice.
Ngumiti lang si ate sa sinabi ni Candice saka seryosong bumaling sa akin. Tinitigan niya ako, na tila ba nagsasabi siya ng totoo. I know what kind of look is that.
"She betray you, because that's the other way to leave this place. Kung aalis siya bigla dito malamang hahanapin niyo siya. Tatanungin ng kung ano-ano, so she did that. She is a spy of assassin. Nakipaglapit siya para makuha ang loob niyo at para malaman kung anong mayroon tayo," mariing sabi ni Ate.
Naikuyom ko ang kamay ko saka napatayo.
"No, your lying," mariin kong sabi sa kanya.
"I'm not," sagot niya.
"Kilala mo na ba siya?" seryosong tanong ko.
Tinitigan niya ako.
"I know her better than you. Kaya nga sinasabi ko ito ay dahil iyon ang totoo. Kung gusto niyong malinawan, kausapin niyo siya," sagot niya sa akin.
"I need to talk her," biglang sabi ni Candice saka tumayo.
Naramdaman ko ang galit mula sa kanya.
"Are you serious? Bakit ka pa pupunta doon kung talagang traydor siya?" pigil ni Beatriz kay Candice.
"She's not! And she will not!" sigaw ni Candice saka mabilis na naglakad palabas.
"This is s**t!" singhal ni Cristoffer.
Sabay silang tumayo at sinundan si Candice. Akmang susunod ako ng magsalita si ate.
"Do you love her?" bigla niyang sabi na kinatigil ko.
"If you have feelings to her. I'm warning you. Just stop it. Both of you doesn't deserve to be together. You can love your enemy," mariin niyang sabi.
Hindi ako nakapagsalita dahil para bang hindi ko kayang gawin ang sinasabi niya. Mabilis akong naglakad palabas upang sumunod sa kanila.
I don't know what's going on with me. If she betray us, maybe she really have a reason. And I want to know if that's true. She's the only one who can tell us the truth.
"Candice! Pwedi ba huminahon ka?"
Lumabas ako sa kotse at nakita kong mabilis na naglakad si Candice sa gate ng .M.A.U at pinipigilan siya nina Beatriz. Napatingin ako sa gate ng makitang may mga Assassin guard na nakatayo doon at may hawak na mga baril at tinutok sa amin.
"Anong ginagawa niyo dito? Hindi niyo ba alam ang lugar na ito?" tanong ngg isang babaeng guard.
"I know what's this place! But I don't want your nonsense words! Ilabas niyo si Scarmey! We need to talk to her!" sigaw ni Candice sa mga ito.
Ngayon ko lang ulit nakitang ganito si Candice. Nasisiguro kong itinuring niyang kaibigan si Scarmey. Kaya ganito ang nararamdaman niya. Lumapit na ako upang pigilan soya at hinarap ang mga guards.
"Ayaw namin ng gulo, nais lang naming makita at makausap saglit si Scarmey Fuentes. Tell them, I'm Francess Amonte we are here to talk to them," seryoso kong sabi habang nakakuyom ang kamay ko.
Nagkatinginan sila, saka tumango. Narinig kong may papalapit na sasakyan kaya napatingin ako dito. Huminto ito at may lumabas. Nakita ko ang pagkabigla niya nang makita kami, pero saglit lang at naglakad siya palapit sa kinaroroonan namin.
"Francess, bakit kayo nandito? seryoso at nagtataka niyang tanong sa akon
"Shan Zeffrey," mariin kong sabi.
Nagkatitigan kaming dalawa. Nakikita ko sa mga mata niya ang galit, na tila ba gusto niya akong patayin ngayon mismo. Ganoon din ang pinaramdaman ko sa kanya. Ngunit pareho naming naalis ang tingin sa isa't isa, nang bumukas ang malaking gate ng M.A.U.
At sa pagbukas nito, nakita ko agad siya, maging ang mga kasama niya na seryosong nakatingin sa amin. Ngunit nakita ko rin ang pagkagulat niya, nang makita ang katabi ko.
"Scarmey?" mahinang sambit ni Zeffrey, ngunit narinig ko pa rin.
Hindi ko alam pero, nakaramdam ako nang pagkadismaya sa aking nakikita.