Chapter 42

2245 Words
Matapos kong manatili sa lugar na iyon ay nagpasya na akong umalis. Hindi ko na rin nakita ang lalaking nakausap ko kanina. Nang makabalik ako sa campus ay nakita kong maraming mga studyante na naglalakad. Nakaramdam ako ng gutom kaya naman naglakad ako patungo sa gate, patungo sa villa. Ngunit bago pa ako makapunta doon ay may humarang sa akin. Si Shan. "Scarmey," sambit niya sa pangalan ko. "Hmm?" tugon ko sa kanya. "It's almost lunch, kaya yayayain sana kitang kumain sa cafeteria," nakangiti niyang sabi sa akin. Napatingin ako sa mga napapatingin sa gawi namin. Nakita ko ang pagtataka sa mukha nila. "Kilala ka ba dito?" sa halip na tanong ko. "Ha?" tugon niya at tumingin din sa paligid. Kaya napangiti siya at muling tumingin sa akin. "Well, yes. Minsan lang ako dito pero kilala nila ako, bilang kaibigan lang ng L.K," sagot niya sa akin. Napatango ako. "So? Pwedi ka bang ayain kumain kasama ko?" muling anyaya niya Napabuntong-hininga ako at tumango. Kaya muli siyang napangiti at giniya ako papunta sa cafeteria. Hindi ko pa naman alam ang lugar na ito kaya hindi ko masabi kung saan naroon ang cafeteria. Habang naglalakad kami ay abala naman ang mga mata ko sa kakatingin sa paligid. Maraming matataas na building at may nakita pa akong malaking arena. Ang masasabi ko lang ngayon sa nakikita ko ay mas malaki nga ito sa Monte University. "It's huge, right?" puna sa akin ni Shan, nang mapansing tumitingin ako sa paligid. "Bakit minsan ka lang dito?" tanong ko sa kanya. Napaiwas siya nang tingin at napakamot sa noo. "Kasi hindi ako pwedi dito, ngayon nga tumakas na naman ako para lang makapunta dito," pag amin niya. Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Tumakas na naman siya, para lang makapunta dito? Tss! Napapailing akong nakatingin sa kanya. Patuloy kaming nag uusap habang naglalakad. Hanggang sa mapansin ang isang malaking glass wall at nakikita ko sa loob nito ang ilang studyante na kumakain. Siguro iyon na ang tinatawag nilang Cafeteria. Ngunit natigilan ako nang matanaw ang pamilyar na mga mukha, ang L.K. Napalingon sa gawi namin si Steffy at napangiti nang makita ako saka kumaway. Napatingin na rin sa gawi namin ang kasama niya. "Kasama ba natin sila?" tanong ko kay Shan at bumaling ako sa kanya. Napansin niya kung sino ang tinutukoy ko, dahil napatingin rin siya sa tinitingnan ko. "Hmmm, actually yes. Okay lang naman siguro saiyo na kasama sila di ba?" sabi niya sa akin. Napabuntong-hininga ako at tumango. Mas mabuti na rin siguro na paminsan-minsan ay nakakasama ko sila, para na rin makilala ko ang bawat isa sa kanila. "Hai, Scarmey!" agad na bati sa akin ni Steffy. Ngumiti lang ako sa kanya at tumingin sa mga kasama niya. Natigil sila sa mga ginagawa nila at ngumiti sa akin. "Hai, Scarmey! Halika sabay na kayo sa amin," sabi ng isang babaeng pamilyar din sa akin pero hindi ko alam ang pangalan niya. "Ssss!" Sabay kaming napatingin sa biglang huni ng isang ahas. Napalingon ako sa likod ko at nakita ang isang ahas na nakita namin sa tunnel kung saan kami dumaan ng gabing iyon. "Sassy? Bakit ka na naman nandito?" narinig kong sabi ng boses lalaki mula sa L.K. Hindi ko rin alam ang pangalan niya, ngunit pamilyar siya sa akin. "Ssss!" tanging tugon nito. Gumapang ang ahas patungo sa akin. Gumapang siya sa paa ko paitaas. "Oh my god!" "I-I can believe this!" "Sassy!" Narinig kong komento nito habang gumagapang ang ahas sa akin. Huminto siya sa paggapang nang nasa kamay ko na siya at marahan niyang hinaplos ang ulo niya sa kamay ko. "Kilala mo ba si Sassy?" narinig kong tanong ni Steffy. Bumaling ako sa kanya at napailing. "Hindi, ngunit humarang siya sa amin noong gabing pumasok kami dito at ganito rin ang ginawa niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit siya ganito," sagot ko sa kanila. Naramdaman ko ang paglapit ni Shan mula sa likuran ko at hinaplos ang ulo ng ahas, na tila nagustuhan naman nito. "Bihira lang sa mga ahas ni mommy ang lumalapit sa amin. Napakailap nila, ngunit isang tao lang ang nakakapagpaamo sa kanila. Bukod kay Shan at saiyo," nagtatakang sabi ng lalaking iyon. "Kuya Aizen! Nakita mo ba si Sassy? Nagwawala na naman daw si Sissy, hinahanap si Sassy!" Sabay kaming napalingon sa biglang dumating. Tumatakbo ito palapit sa amin at nang masulyapan ang ahas na nasa kamay ko ay napahinto siya. Nagugulat siyang napatingin sa akin. "K-Kuya, bakit hawak niya si Sassy?" nagugulat na tanong nito habang itinuro ang ahas na nasa kamay ko. So, Sassy ang pangalan nito, tulad nang naririg ko sa kanila. "I don't know, lumapit lang siya dito at siya ang nilapitan," sabi no'ng tinawag niyang Aizen. "Oh really? Uhm can I get that back? Before her mother's came?" sabi nito sa akin. Napatango ako at ibinigay ang ahas sa kanya. "Sassy naman, huwag ka nang aalis bigla. Alam mo naman iyong mommy mo, nakakatakot iyon kapag nagalit. Hays! Sige bye! Ibabalik ko na ito baka si Sissy pa ang pumunta dito," paalam nito at tumakbo na paalis. Nakita ko pang umiiwas sa kanya ang mga nakakasalubong niya dahil nga sa hawak niyang ahas. "Gaano ba kalaki at haba na ang mommy ni Sassy?" tanong ko sa kanila at umupo sa upuang binigay sa akin ni Steffy. "Naku! Huwag mo nang itanong pa," mataray na sabi noong isang babaeng parang kamukha ni tita Audrey. "May napanood ka bang palabas na Anconda? Kunte na lang ganoon na kalaki si Sissy," sagot sa akin no'ng Aizen. Anaconda? Nagtataka naman akong napatingin sa kanya. Obviously, hindi ko pa napapanood ang sinasabi niya. "Hindi mo ma-imagine? Haha, kalahati ng L.K tower ang taas at kasing taba no'ng pine tree na nasa labas," sagot no'ng Aizen. Napalingon pa ako sa labas at tiningnan ang pine tree, maging ang L.K tower. Woah! Seryoso ba siya sa sinabi niya? Ganoon na ang ina ni Sassy? Hmmm, siguro matanda na iyong Sissy na iyon. Matapos naming pag usapan ang ahas ay nag order sila ng pagkain. Libre na raw nila ako kaya hinayaan ko na lang sila. Habang hinihintay namin ang order ay isa-isa naman silang nagpakilala sa akin. Kaya nalaman ko na ang pangalan nilang lahat. Lalo na si Aubrey, napagtanto ko na, na anak nga siya ni tita Audrey. Nang dumating ang in-order nila ay sabay na kaming kumain. Tahimik lang akong kumakain habang pinagmamasdan sila. Bigla ko tuloy naalala sina Candice, kaya napabuntong-hininga ako. Hindi ko na dapat sila inaalala. Ito na ang bagong makakasama ko, kaya kailangan ko na silang ialis sa isipan ko.      " So, ito pala ang villa na binigay saiyo ni Ranzy?" tanong ni Shan, nang makapasok siya sa villa ko. Tumango ako at inaya ko siyang umupo. "I don't know, kung magtatagal ako dito," sabi ko. "Mas gusto ko na magtagal ka dito, dahil mas safe ka sa lugar na ito," sabi ni Shan. Ngumiti lang ako. "I'm not really sure, if I should be here. But for now, I'll stay here. By the way, may I ask something?" tanong ko. "What is it?" tugon niya at umupo sa couch. "Where are you living? It seems like, you're not staying here," tanong ko sa kanya. Bahagya siyang napangiti at napailing. "Yes, I'm not staying here. Hindi rin dapat ako nandito. Bawal ako dito, and I can't tell you where I'm living," seryoso niyang sabi. Napatango ako, mukha ngang hindi niya maaring sabihin kong saan siya nakatira. It's okay with me. "Since you know that you're not to be here, then you need to leave now." Natigilan ako ng marinig ang pamilyar na boses. Sabay kaming napatingin sa pinto ni Shan at nakita ko si tita Audrey, na seryosong nakatingin sa amin. Agad namang napatayo si Shan ng makita si tita at mukhang nataranta. "T-Tita Audrey," tawag ni Shan. Naglakad siya palapit sa amin at nilapag sa mesa ang dala niyang bag, saka siya muling tumingin sa amin. "It's good to see you both here, but Shan, you know that you're forbidden here. So, you need to leave now before she knows," sabi ni tita Audrey kay Shan. Bumaling sa akin si Shan at alanganing ngumiti. "Pwedi naman kayong magkita ulit, 'wag lang sa lugar na ito. So Shan, go. I still want to talk to scarmey, alone," sabi sa kanya ni tita Audrey. Tumango lang siya saka naglakad na palabas. Nang mawala na siya sa paningin ko, bumaling ako kay tita na mariing nakatingin sa amin. Bahagya akong umiwas at muling umupo. Naramdaman kong umupo rin siya kaharap ko at may kinuha sa dala niyang bag. Nilapag niya iyon sa mesa sa harap namin. Mga pictures na nakataob, kaya tumingin ako sa kanya ng nagtataka. "What's that?" tukoy ko dito. "I don't know how to start, but I'm glad that I found you. I know you're waiting for so long to know who you are. Then it's time to tell you who really are you," seryoso niyang sabi. Hindi ako nakapagsalita, dahil pakiramdam ko marami siyang sasabihin sa akin. Ngunit hindi ko alam kung handa na ba ako sa bagay na iyon. "For the past 13 years we are searching where have you been. We we're sorry for all happens to you. Scarmey, we are related in blood. Your blood of being Carteen is running into me and Sandellan's blood is also running onto you. But the worst blood running into you was the blood of Novoh and Montemayor," pagsisimula niya. Natigilan ako sa sinabi niya. What did she say? A Carteen? A Sandellan? And a blood of M-Montemayor? The family who made me suffer, is related to me? "I-Imposible, bakit?" wala sa sariling tanong ko dahil sa gulat. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa sinabi niya. Tila ba masyadong naging mabilis iyon para sa akin. "Yes. Our enemies blood is running on you, before I tell you everything. Open one of the pictures first," sabi niya. Kaya napatingin ako sa nakalapag na picture sa harap namin. Anim ang nakataob na pictures, kaya inuna kong tiningnan ang unang picture. And I saw a family picture "W-Who are they?" tanong ko kay tita. Ngunit nasa picture ang tingin ko. Mariin ko iyong tiningnan. Hindi ako pweding magkamali, ang isang tila matandang babae sa picture ay medyo kahawig sa akin. Anim silang naroon. Dalawang lalaki at dalawang babae, kasama roon ang dalawa ring batang kambal na babae. Ngunit hindi ko maalis ang tingin doon sa mukhang matandang babae. Ngunit naroon pa rin ang tinataglay nitong ganda. "It's your great grandfather and mother. Arjead Montemayor Sr and Dheammey Carteen Montemayor," sabi ni tita at tininuro ang dalawang tao na nasa gilid. Hindi ako nagsalita at nakatingin sa hawak kong litrato. If they are my grandmother and father. Then, am I really have a look a like of my grandmother? "This two, was also your great grandmother and Father. This lady was Sharlyn Novoh and that man was Arjead Montemayor Jr. This twin was this child," muling sabi ni tita habang tinuturo ang mga ito. Nanatili akong tahimik habang natingin sa mga ito. Talagang nakakagulat ito para sa akin. "I will tell you who are the enemies and allys of our family. Carteen, Sandellan and Mener was our ally. Novoh, Scott and Montemayor was our enemy. But not all of them is our enemy. The grudge between Carteen and Montemayor was all started when Sharlyen Novoh appears in Montemayor. She become a spy of a Novoh, but she fell inlove with a Montemayor. She betrayed her own family just to be with Arjead Montemayor. But then when the Montemayor knows who she is. They wanted her dead, even her twin daughter. They want them dead even the Novoh clan which Sharlyn's Family. Nais nilang mawala ang bunga ng pagtataksil. Ang kanilang kambal na sina Sheanna At Shearra, maging si Sharlyn. Nang dahil sa nangyari noon, nagkalayo ang kambal. Namatay Si Sharlyn at Arjead. Pagkamatay nila, ang kambal naman ang hinanap nila. Nakuha nila ang isa sa kambal na si Sherra. Inalipin at pinarusahan. Ngunit nakatakas ito at bumuo ng sarili nyang Organisasyon at nanahimik pansamantala. Habang ang isang Kambal na si Sheanna ay nasa kamay ng mga carteen. Pinalitan ang pangalan at namuhay bilang isang Gangster at Empress ng mga Assassin," mahabang kwento ni tita Audrey kaya napatingin ako sa kanya. Hindi ko pa rin alam kung ano ang sasabihi ko. Kaya nagtanong na lang ako. "N-Nagkita ba sila ulit?" tukoy ko sa kambal Tumango siya. Hindi na siya nagsalita at tinuro niya ang isang picture. Kaya binuksan ko at nakita kung sino ang nasa litrato. "She is the Legendary Gangster leader and also the assassin Empress. She is Sheanna Montemayor pero mas kilala bilang Dhrea Scarlette Carteen Sandellan and also she's your Grandmother," sabi ni tita. Natigan ako at muling tumingin sa picture. My grandmother? Wait! "Your saying that She's the empress of Assassin's, t-then is she's also a queen?" wala sa sariling tanong ko dahil sa nagugulat ako at nabibigla sa mga nalaman. "Well, yes. She's a queen of Mafia Assassin's, since her daughter become the next Empress and his son become an emperor," sagot ni tita Audrey. Napatango ako at inalala ang sinabi ni Steffy sa akin kahapon. Ang Queen na tinutukoy niya ay ang lola ko? That means, I'm also a heiress of the Mafia-Assassin Organization. Is this real? I belong to a well-known Family?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD