THIRD PERSON'S POV
Tahimik lang na naglalakad si Candice patungo sa classroom nila. Simula ng malaman niya ang totoong motibo ni Scarmey ay bigla siyang naghinayang. Itinuring niyang kaibigan si Scarmey at dito lamang niya naramdaman na magtiwala ulit. Ngunit muli siyang nabigo dito. Kahit na nalaman niya kung sino talaga ito at ang dahilan nito. Hindi pa rin mawala sa kanya na pinagkatiwalaan niya ito. Nalungkot siya at ayaw niyang makipag usap sa mga kasama niya. Ganoon rin naman ang nararamdaman ng mga kasama niya. Hindi nila pinag uusapan ang nangyari sa pagitan nila at ni Scarmey. Dahil sa tuwing naaalala niya iyon ay nakakaramdam siya ng awa para dito. Hindi sila makapaniwala na nagawa ng mga magulang ang ganoon kay Scarmey.
Biglang napahinto si Candice, nang may humarang sa dinaraanan niya. Nag angat ang tingin niya dito at bahagyang napairap ng makita kung sino ang nasa harapan niya. Ang Bratenilla.
"What now?" walang ganang tanong niya sa mga ito.
Napangisi si Allyana sa kanya.
"I heard about what happen between you and that b*tch. That was a great news for me, that she's not here anymore," nakangising sabi ni Allyana.
Nakataas-kilay namang tumingin si Candice kay Allyana.
"So? Anong pakialam ko sa mga nalaman mo?" tugon ni Candice dito.
Napasinghal naman si Allyana sa sinabi niya, maging ang mga kasama nito.
"Of course you have, because you lost someone trust again," sabi sa kanya ni Allyana.
Nagbago bigla ang pakiramdam ni Candice at naikuyom niya ang sariling kamay. Sinamaan niya nang tingin si Allyana at lumapit dito. Kaya bahagyang napaatras si Allyana sa ginawa niya.
"Stop talking nonsense about it, Allyana. Wala kang pakialam kung ano ang nararamdaman ko. Sino ka ba? Oh, right! Ikaw lang naman ang minahal ni Francess noon at nililigawan, habang nakikipaglandian sa kuya niya na may asawa na. What a nice move, right? Tapos ngayon kung makahabol ka sa kaibigan ko, na parang pinahalagahan mo siya. You are the worst, Allyana," nakangising sabi ni Candice.
Napamaang naman si Allyana sa sinabi ni Candice. Binangga pa siya ni Candice upang madaan at lumayo na sa mga ito. Napasinghal na lang si Candice dahil sa inis na nararamdaman niya kay Allyana.
Nang makaalis naman si Candice ay napatingin si Allyana sa paligid. Nakita niya kung paano siya tingnan ng mga kapwa niya studyante, na parang hindi makapaniwala sa ginawa niya kay Francess.
"Hindi kawalan si Scarmey, ikaw ang kawalan Allyana. You are the b*tch!"
"Yeah right! Kung makahabol kay Francess, akala mo minahal talaga.."
"She's a gross, let's go girls.."
Narinig niyang sabi ng isang grupo, kaya sinamaan niya iyon nang tingin na inirapan lang siya. Naiinis na umalis na lang si Allyana at sumunod sa kanya ang mga kasama niya na tahimik lang. Ayaw nitong magsalita dahil nasisiguro nilang magagalit lang ito sa kanila.
Samantala.. habang kumakain si Scarmey sa Cafeteria ay may biglang umupo sa bakanteng upuan, na nasa harapan niya. Si Ranzy. Kuno't noo niya itong tiningnan.
"Bakit bigla ka na lang sumusulpot?" tanong niya dito.
Ngumiti si Ranzy sa kanya at nilapag ang dala nitong pagkain.
"Nakita kasi kitang nag iisa, kaya lumapit na ako para samahan ka," nakangiti nitong sagot sa kanya.
Napaismid siya dito at nagpatuloy sa kanyang kinakain.
"Hindi ko naman kailangan ng kasama. Sanay na akong mag isa, kaya huwag mo na akong lapitan pa. Isa pa, gusto kong mapag isa, kung maaari," mataray na sabi ni Scarmey sa kanya.
Ngunit tinawanan lang siya ni Ranzy at nagugustuhan ang reaksyon niya. Naiinis naman siyang muling tumingin dito.
"Lumayo ka na nga," sabi niya rito.
Umiling lang si Ranzy.
"I can't leave you here. Sinabi sa akin ni Shan na bantayan ka dito, kaya magiging bodyguard mo ako habang nandito ka," nakangiting sabi ni Ranzy at sumubo ng pagkain.
Natigilan naman si Scarmey, matapos marinig ang pangalan ni Shan. Hindi na siya umimik pa dahil doon. Bigla niya kasing naaalala ang mga nalaman niya, lalo na at magkapatid sila ni Shan. Napansin naman ni Ranzy ang pananahimik niya.
"Huwag kang masyadong mag isip, dahan-dahanin mo lang para hindi ka masyadong ma-stress," sabi ni Ranzy. Kaya napatingin si Scarmey sa kanya. Akmang magsasalita siya, nang mabilis nilagyan ni Ranzy ng pagkain ang bibig niya saka siya nito kinindatan.
Hindi na lang nagsalita pa si Scarmey at nagtatakang nakatingin kay Ranzy. Pakiramdam niya ay may alam si Ranzy, ngunit ayaw lang nito magsalita tungkol doon.
"Gusto mo bang makita ang L.K tower?" mayamaya ay sabi ni Ranzy, habang naglalakad sila palabas ng cafeteria. Nakasunod pa rin si Ranzy dito.
Napatingin si Scarmey sa kanya. Napataas ang kilay niya dahil sa sinabi nito.
"Bakit? Maaari ba akong pumunta roon? Balita ko hindi pwedi ang hindi membro ng L.K, na pumasok roon," sabi ni Scarmey sa kanya.
Napangiti ito at napakamot sa batok.
"Well, that's true. But base on your identity, you can enter there," sabi ni Ranzy.
"Talaga?"
Tumango si Ranzy at biglang hinawakan ang kamay niya. Tumakbo ito habang hila-hila siya, kaya wala siyang nagawa kundi ang tumakbo na rin kasabay nito. Nang makarating sila sa ground ay doon lang niya napansing hawak pala nito ang kamay niya, kaya mabilis niya itong hinila. Napahinto naman sa pagtakbo si Ranzy at napatingin sa kanya.
"Pwedi naman sigurong hindi mo hawakan ang kamay ko di ba? Tsss!" sabi niya dito at naunang naglakad.
Napatikom ng bibig si Ranzy at pinipigalang mapangiti, saka sumunod dito.
Naglakad sila patungo sa L.K tower at nang makarating sila ay napahinto si Scarmey. Naalala niya noong una siyang pumasok dito, hindi iyon masyadong maliwanag kaya hindi niya ito gaanong makita.
"No'ng pumasok kayo dito, hindi mo ito masyadong nakita di ba? Kaya ngayon ipapakita ko saiyo ang L.K tower, let's go!" anyaya ni Ranzy at naunang naglakad patungo sa elevator. Sumunod naman si Scarmey sa kanya at sabay na silang pumasok sa loob. Nakita niyang may pinindot ito sa gilid.
"10 floor?" nagtatakang sabi ni Scarmey.
"Yes, naroon ang office namin, maging ang sarili naming kwarto," sagot ni Ranzy.
'Kwarto?' sambit ni Scarmey sa sarili, habang nakatingin pa rin kay Ranzy. Napansin naman siya ni Ranzy at mukhang nahulaan nito ang nasa isip niya.
"Well, may sarili kaming mga kwarto doon. Kapag napapagod o ayaw naming umuwi ay dito na rin kami natutulog," paliwanag ni Ranzy. Napatango na lang si Scarmey.
Naging tahimik ulit sila sa loob ng elevator, hanggang sa bumukas ito. Kaya sabay na silang lumabas. Nakita ni Scarmey ang glasswall sa gilid, kaya nakita niya nasa ibaba nito. Di niya maiwasang hindi mamangha sa kanyang nakita. Bahagya pa siyang napangiti at nakita iyon ni Ranzy.
"Maganda di ba? Kaya ma-swerte ka at nakapasok ka dito," puna sa kanya ni Ranzy.
"Tsss," tanging tugon ni Scarmey at naroon pa rin ang ngiti.
Naglakad silang dalawa patungo sa isang pinto. Naalala ni Scarmey na ito ang pinto na balak nilang pasukin noong gabing iyon. Huminto sila dito at binuksan ito ni Ranzy.
Tumango si Ranzy sa kanya, kaya sumunod siya dito. Ngunit pareho silang natigilan, nang makita nilang tila hinihintay sila ng mga ito. Kuno't noo'ng nakatingin ang mga ito sa kanila, bukod kay Steffy na agad lumapit.
"Hai Scarmey, welcome to the L.K tower," bati sa kanya ni Steffy.
Naiilang na napatingin siya kay Steffy at napangiti. Hinawakan siya sa braso ni Steffy at inilapit sa mga kasama niya.
"Look, naiintindihan ko naman na kaibigan din siya ni Shan at protektado mo siya Ranzy. Ngunit hindi siya pwedi dito, naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?" sabi ni Aubrey at napapailing na napatingin kay Scarmey.
"Right, know your limits, Ranzy," sabi naman ni Aizen.
Napabuntong-hininga si Ranzy sa sinabi ng mga ito. Naiintindihan niya ang reaksyon ng mga ito.
"I know guys, ngunit si tita Audrey ang nagsabi sa akin na maaaring pumunta si Scarmey sa lugar na pinupuntahan din natin. Kaya dinala ko siya dito. I have a permission," paliwanag ni Ranzy sa kanila.
Natigilan naman ang mga ito at nagtatakang napatingin kay Scarmey, na bahagyang napalingon kay Ranzy.
"And don't ask questions," muling sabi nito.
Napabuntong-hininga ang mga ito at sumang ayon na lang sa gusto nito.
"Fine, but before of that, I want to talk to her in private. Come with me, Scarmey," seryosong sabi ni Aubrey at tumalikod. Naglakad ito patungo sa Veranda ng tower.
Napatingin siya sa lahat at bahagyang tumango ang mga ito sa kanya. Kaya naman sumunod siya kay Aubrey at nasisiguro siyang magtatanong ito tungkol sa ugnayan nila ng ina nito.