Sa pangalawang pagkakataon ay muli akong napabuntong hininga, muli akong sumilay sa dereksyon ni Mira na hanggang ngayon ay hindi parin umaalis sa harap ng puntod ni Avila.
Papasikat na ang araw, pinauna ko ng umuwi si Castiel sa kanyang tahanan at ako naman ay nag paiwan dito sa ilalim ng puno at hinihintay na pumunta rito si Mira sa gawi ko. Simula ng marinig niya ang pangalan na Alada ay hindi ko na muling nakausap si Mira ng maayus, tinatanong ko siya kung anong oras nya balak umalis ngunit hindi siya sumasagot at nanatili lamang na nakatingin sa pangalan ni Avila.
Hanggang ngayon ay dama ko parin ang galit at puot ni Mira, dumagdag pa roon ang lungkot dahil hindi nya manlang nasilayan sa huling pagkakataon si Avila. Sigurado ako na nagsisisi siya dahil hindi niya ginamit ang mga oras niya nuon para hanapin si Avila, sigurado ako na nagsisisi siya dahil mas inuna niya ang pride niya kesa sa hanapin si Avila.
Napatingin ako sa langit, madilim pero alam kong papasikat na ang araw, itong lugar na ito lamang hindi nasisinagan ng araw, kaya nag tataka ako kung bakit dito pinili nila Avila at Castiel na lumugar kung maaari naman na makasalamuha sila sa ibang mga tao. Tumayo ako dala ng aking pagkabagot, nag lakad ako patungo sa tabi ni Mira saka tinignan sya saglit bago tumingin sa pangalan ni Avila.
Huminga ako ng malalim ng mapagtanto ko na hindi ko pa nakikitang umiyak si Mira simula kahapon ng malaman namin ang balita, tanging galit lamang ang nakikita ko sa kanya at hindi mga luha. Hindi ko alam kung pinipigilan niya ba ang umiyak o ano, pero sigurado ako na mabigat ang nararamdaman ni Mira ngayong mga oras na ito. "
Mira." Tawag ko sa kanya habang nakatingin sa pangalan ni Avila, hindi ko naramdaman na lumingon siya sa akin.
"Alam ko na mabigat para sayo na wala na ang kapatid mo." Sabi ko, yumuko ako saka sumilip sa kanya.
"Alam ko rin na isa kang demonyo at masamang nilalang." Dagdag ko saka muling tumingin sa puntod ni Avila. "Pero hindi ibig sabihin noon na wala ka ng karapatang umiyak at ilabas ang sakit na nararamdaman mo." sabi ko, naramdaman ko ang patingin niya sa akin kaya naman tumingin rin ako sa kanya.
Walang bahid ng emosyon ang kanyang mga mata, kung ano ang huli kong nakitang reaksyon niya kahapon ay naruruon parin.
"Kung nais mong umiyak, gawin mo na. Hindi kita huhusgahan ng dahil lang sa pagiyak mo." Sabi ko saka muling tumingin sa lapida ni Avila. Natahimik ang paligid, tanging ang makapal na hangin na umiihip ang maingay, maya maya pa ay bumuhos ang ulan pero nanatili kaming nakatayo at walang gumagalaw sa amin sa harap ng lapida ni Avila. Muli akong napalingon kay Mira ng marinig ko ang mga mumunting hikbi niya. Nakita ko kung paano tumakas ang mga luha niya habang sinasabayan ng ulan ang kanyang paghikbi.
Huminga ako ng malalim saka muling tumingin sa lapida ni Avila.
Avila, aalamin ko kung ano ang kinamatay mo. Aalamin ko kung bakit binawian ka ng buhay. Pangako yan.
Ilang minuto ang lumipas, nag paalam ako kay Mira na magtutungo muna ako sa bahay nila Castiel, mukhang wala pa kasi siyang balak umalis sa harap ng puntod ni Avila kaya naman nag tungo muna ako sa bahay nila Castiel upang simulan na ang pag alam kung ano ang kinamatay ni Avila.
"Nag tataka lamang ako sa pagkat kahapon ng yakapin kita ay hindi ko marandaman ang pagtibok ng puso mo." sabi ni Castiel ng makaupo ako sa silya, umupo siya sa harap ko saka tumingin sa akin.
"Nasaan ang katawan mo?"takang tanong niya.
"Inagaw sa akin."sagot ko kaya napaawang ang labi niya.
"Inagaw? nino?"tanong niya. Tumingin ako sa mga mata niya.
"Ni Alada." sagot ko, bigla siyang natahimik ng marinig niya ang pangalan ni Alada. Hindi ako kombinsido na nagtungo lang si Alada dito sa bahay nila bago mawalan ng hininga si Avila. Sigurado ako na may ibang dahilan.
"Kailan pala kayo babalik sa winsoul?"pagiiba niya. Tumingin ako sa harap saka huminga ng malalim.
"Mag tapat ka nga sa akin Castiel, ano ang tunay na ginawa ni Alada dito?"tanong ko. Biglang naging balisa ang mga titig nya sa akin. Huminga ako ng malalim. Alam ko na may iba pang ginawa si Alada maliban sa nagpunta lamang siya dito.
"May kinalaman ba si Alada sa pagkamatay ni Avila?"tanong ko. Hindi siya sunagot, tinitigan ko lamang siya hanggang sa mapansin ko na may pasa siya sa gilid ng kanyang leeg.
"Anong nangyare sa iyong leeg?"tanong ko kaya medyo nataranta siya at tumayo. Kumunot ang nuo ko saka napatayo dahil sa kinilos niya.
"Castiel, umamin ka sa akin. Ano ang tunay na nangyare?" tanong ko. Muling nabuo ang luha sa kanyang mga mata saka yumuko.
"P-Patawad." umiiyak niyang sabi kaya kumunot ang aking nuo. "Patawad sa pagkat ginawa ko ang lahat ng aking makakaya upang protektahan ang inyong kapatid ngunit sadyang napaka lakas niya." Umiiyak nyang sabi. Napakunot ang nuo ko dahil sa mga sinabi niya. "Patawad."Umiiyak na sabi niya. "Nag... nag punta dito si Alada sa pagkat nais niyang malaman kung paano mangaagaw ng katawan ng tao, bagay na si Avila lamang ang nakaka alam." kwento niya kaya natigilan ako. "Ginaya niya ang... anyo mo nong siya ay nag punta rito, buong puso ko siyang pinapasok sa aming tahanan sa pagkat buong akala ko ay ikaw siya, ngunit ng makaharap niya na si Avila ay bigla na lamang nag iba ang kanyang wangis." paliwanag niya. "Bigla niyang sinakal si Avila at... at wala akong ibang magawa noong mga oras na iyon sa pagkat ginamitan niya ako ng kanyang kapangyarihan." umiiyak niyang sabi. Agad na namuo ang luha ko habang nakatingin sa kanya at nakikinig sa mga sinasabi niya. "Tinanong niya kung paano niya maaagaw ang katawan ng isang nilalang, nanatiling tahimik si Avila ng mga oras na iyon at hindi nag sasalita kaya naman.... kinuha niya ang natitirang kapangyarihan ni Avila at ang buhay ni Avila." umiiyak na sabi nya. Naiyukom ko ang aking kamao habang nakatingin sa kanya. "M-matapos noon ay iniwan niya na kami."umiiyak na sabi ni Castiel. Tuloyan ng tumulo ang luha ko dahil sa mga narinig ko. Talaga ngang may kinalaman si Alada sa lahat. Alada, talagang napaka sama mo. Biglang bumukas ng malakas ang pinto ng bahay ni Castiel kaya sabay kaming napatingin doon at mula rito sa aming kinatatayuan kitang kita ko ang galit na galit na si Mira na naka anyong demonyo. "Magbabayad si Alada sa ginawa niya sa aking kapatid!" Sigaw ni Mira. Hindi na ako magtataka kung bakit ganyan ang kanyang reaksyon, sigurado ako na narinig niya ang aming usapan ni Castiel. "PAG BABAYARAN NIYA ANG GINAWA NIYA KAY AVILA!"sigaw ni Mira at biglang nag liyab ang katawan niya sa galit.