Muli kaming bumalik ni Mira sa bayan ng Winsoul, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak ni Mira ngayong alam na namin na si Alada ang dahilan kung bakit namatay ang kanyang kapatid na si Avila,Simula ng lisanin namin ang bahay nila Castiel ay tahimik si Mira pero dama mo sa kanya ang nananalaytay na galit at puot.
Hindi ko siya masisisi sa bagay na iyan, normal lang na maramdaman niya ang bagay na iyan, pero kailangan naming mag ingat ni Mira sa pagkat baka masira ang plano na mabawi ang aking katawan. Patuloy lamang kami sa paglalakad, matapos namin malaman ang kwento ni Castiel ay agad na kaming umalis doon dahil agad na nag wala si Mira sa kanyang mga nalaman.
"Anong plano Mira?" Tanong ko pero nanatili siyang tahimik dahilan para lumingon ako sa kanya.
"Mira--"
"Manahimik ka muna tao." Galit niyang sabi habang seryosong nag lalakad,kumunot ang nuo ko.
"Hindi ako mananahimik, kailangan kong malaman ang plano mo." Sabi ko.Tumingin siya sa akin ng napakasama kaya natigilan ako, tumigil siya sa pag lalakad at sa isang iglap ay bigla nya na lamang akong sinakal pataas sa ere.
"Tumahimik ka muna dahil nag iisip ako." Galit niyang sabi saka ako binitawan dahilan para mapaupo ako sa kumpol na dahon, nag simula na ulit siyang maglakad habang ako naman ay nakatingin lamang sa kanya at hinahabol ang aking paghinga.
Muli akong tumayo at sumabay sa kanyang paglalakad habang tahimik parin siya at nagiisip. Buong paglalakad namin pabalik sa winsoul ay tahimik siya at malalim ang iniisip, hanggang sa nasa harap na kami ng gate ng palasyo, lumingon siya sa akin.
"Ang katawan mo at mawala ang sumpa sa pagitan niyo ni Pavel lang naman ang habol mo hindi ba?' Tanong niya, tumango ako bilang sagot.
"Mag usap tayo mamaya sa aking silid pag tapos naming kumain lahat, sa ngayon ay wag ka na munang mag pakita kay Alada, may nabuo na akong plano." Sabi niya saka naunang pumasok sa gate ng palasyo, pinanuod ko siyang mag lakad at batiin ng mga gwardya, huminga ako ng malalim saka napalingon sa pinto ng palasyo, mula rito sa kinatatayuan ko nakita ko sila Cynrad, Bael at si babaeng banal na nag lalakad at mukhang patungo sa kabilang gusali.
Dahil isa lamang akong kaluluwa ay madali akong nakapasok at nakalapit sa kanila upang marinig ang kanilang mga pinag uusapan.
"Ganon naman na ata ang kanyang ugali, likas naman na masungit si Ksara." Sabi Bael.
"Hindi ganon si Ksara, Bael." Sabi ni Cynrad habang nakakunot ang kanyang nuo.
"Hindi niya tayo kayang sigawan."Dagdag niya kaya natigilan ako, sakto rin na tumigil sila sa paglalakad.
Kaharap ni Bael si Cynrad habang katabi naman ni Bael si Babaeng banal.
"Pansin ko rin na nag bago siya simula ng magising siya." Sabi ni babaeng banal.
"Halos hindi na siya humiwalay kay prinsepe Pavel." Dagdag nito kauya napayukom ang aking kamao.
Alada, nakakahiya ka, binibigyan mo ng kahihiyan ang aking pangalan at pagkatao.
"At kung sagot sagotin niya ang reyna at hari kanina ay parang siya pa ang mas mataas ang ranggo sa mga ito, isa lamang siyang hamak na yuniko pero ganon na ang pag asta niya."Sabi ni Bael.
"May mali talaga sa kanya." Sabi ni Cynrad kaya napatigin ang dalawa sa kanya.
"Pakiramdam ko ibang Ksara ang kasama natin." Bigla akong nabuhayan ng loob ng sabihin yan ni Cynrad.
"Oo Cynrad, hindi ako ang nasa katawan ko. "Sabi ko na para bang naririnig nila ako.
Nakita ko ang paghinga ng malalim ni Babaeng banal.
"Nasaan na pala si lolo Gabriel?"tanong ni Bael kay babaeng banal. Bigla akong natigilan at nabuhayan pa lalo ang aking loob ng marinig ko ang pangalan ni lolo Gabriel.
"Nasa kanyang silid, pinag papahinga siya ng hari." sagot ni babaeng banal.
"Tayo na sa pupuntahan natin, baka tayo ay mahuli." sabi ni Bael saka tumingin kay Cynrad.
"Sya nga pala, saan ka nga ulit tutungo?"tanong ni Bael kay Cynrad.
"Kay lolo Gabriel, dadalawin ko." mas lalo akong nasiyahan sa narinig ko kay Cynrad. Sigurado ako na matutulongan ako ni Tanda at malalaman niya na hindi ako ang nasa katawan ko. Tiyak ako na mararamdaman niya ang presensya ko kapag sumama ako kay Cynrad sa pag punta kay tanda.
Nagpaalam na si Cynrad kila Bael at babaeng banal, sumunod ako kay Cynrad na habang naglalakad ay malalim ang iniisip.
"Cynrad, may ginawa bang mali sa inyo si Alada?" Tanong ko kahit na alam kong hindi niya naman ako naririnig, huming ako ng malalim saka sumunod na lamang kay Cynrad sa paglalakad patungo sa silid ni tanda ng sabay kaming mapatigil ni Cynrad dahil sa nakasalubong namin si Pavel na magisa lamang.
Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi ng makita ko si Pavel, ngunit agad rin nawala ang mga ito ng makita ko ang malungkot na pagmumukha ni Pavel.
"Prinsepe Pavel, ano't wala ka sa iyong silid?" Tanong ni Cynrad, ngumiti ng kaunti si Pavel kay Cynrad.
"Nais ko lamang mag pahangin." Sabi ni Pavel.
"Bakit ang lungkot mo Pavel?"Tanong ko kahit na alam kong hindi niya ako masasagot.
"Ano't tila malungkot ang prinsepe ng winsoul?" Tanong ni Cynrad bagay na kinatuwa ko.
"Wala, nagka tampohan lamang kami ni Karma.... este Ksara." Sagot ni Pavel kaya napawi ang ngiti sa aking labi at naiyukom ang aking palad.
"Maaari ko bang malaman kung bakit?" Tanong ni Cynrad, umiling lamang si Pavel saka tinapik ang balikat ni Cynrad.
"Unting bagay lamang ito, sya nga pala, nasaan si Siir? Balita ko ay nais niya ako makausap?" Tanong ni Pavel.
"Hindi ko pa siya nakikita, siguro ay kasama niya ang iyong ina." Sagot ni Cynrad, tumango tango si Pavel.
"Sya nga pala, saan ka tutungo?" Tanong ni Pavel.
"Kay lolo Gabriel, dadalawin ko." Sabi ni Cynrad, tumango si Pavel.
"Pakisabi ay maraming salamat." Sabi ni Pavel tumang lang si Cynrad saka nagbigay pugay kay Pavel bago ito lagpasan, nanatili akong nakatayo sa harap ni Pavel na pinapanuod si Cynrad na mag lakad, lumapit ako sa kanya saka akamang hahawakan ang kanyang pisngi ng tumagos lamang ang aking kamay mula sa kanyang katawan.
"Gusto na kitang mayakap."Tumulo ang luha ko habang nakatingin sa mukha niyang may bahid parin ng lungot.
Napayuko siya saka huminga ng malalim.
"Gagawa ako ng paraan para muling makuha ang aking katawan... mahal ko."