Chapter 14: Lolo Gabriel

1117 Words
Nagpatuloy ako sa pagsunod kay Cynrad kahit na nais ko pang makasama at makita ng matagal si Pavel ay mas pinili ko na sumunod kay Cynrad, gaya ng sinabi ko, gagawa ako ng paraan para makabalik sa katawan ko at muling makasama si Pavel, Hindi ako papayag na magtagal pa sa katawan ko si Alada sapagkat maraming mga malalapit sa akin ang nakakapansin na nagbago ang aking pakikitungo sa kanila.  Pumasok sa isang pinto si Cynrad kaya naman sumunod ako doon,  pagpasok ko sa pinto ay agad na hinanap ng aking mga mata si Tanda, mula sa aking kinatatayuan ay nakita ko siya na nakahiga sa kanyang kama. "Nag papahinga po ang punong ministro." Sabi ng yuniko nito kay Cynrad, tumango si Cynrad saka tumingin sa gawi ni tanda saka muling binalik ang paningin sa yuniko ni tanda. "Pakisabi sa kanya paggising niya na nag tungo ako." Sabi ni Cynrad.  "Masusunod po." Sabi ng yuniko saka nagbigay galang, akmang tatalikod na si Cynrad ng biglang magising si Tanda at hinahabol ang kanyang paghinga. "Lolo Gabriel!"Nag aalalang tawag ni Cynrad saka nag mamadaling lumapit kay tanda, pinanuod ko kung paano alalayan ni Cynrad si tanda saka kung paano niya ito bigyan ng tubig. Pinanuod ko kung paano habulin ni tanda ang kanyang paghinga saka tumingin kay Cynrad. "Ayus lang po ba kayo?" Tanong ni Cynrad kay tanda, tumango tango si tanda bilang sagot saka huminga ng malalim at pinakalma ang kanyang sarili.  "Nasaan si Ksara?"Tanong ni tanda kaya kumunot ang nuo ko, bakit ako hinahanap ni tanda?  "Nasa silid niya po ata, bakit po?" Tanong ni Cynrad, tumingin ng deretso si tanda sa mga mata ni Cynrad saka hinawakan ang kamay nito na naka alalay sa kanya. "Nanaginip ako ng sobrang sama." Sabi ni tanda, lumingon si Cynrad sa mga tagapagsilbi na nasa paligid saka sa yuniko ni tanda. "Iwan niyo muna kami." utos ni Cynrad sa mga ito, agad naman silang sumunod at nag bigay galang bago lumabas sa silid ni tanda, ng silang dalawa na lamang ang natira ay umupo ng maayos si tanda at Cynrad. "Ano pong panaginip yun Lolo Gabriel?"Tanong ni Cynrad, napalunok si tanda kaya naman mas lalo akong kinabahan habang nakatingin sa kanya at hinihintay ang sasabihin niya. "May nangyayaring kasiyahan dito sa palasyo, isang kasiyahan kung saan hindi ko nakitang kasama natin si Ksara pero may isang nilalang tayong kasama na laging nakatabi kay Pavel, hindi ko alam kung sino siya pero narinig ko na tinawag siyang Karma ni Pavel." Kumunot ang nuo ko sa kinuwento ni Tanda. Hinda kaya si Alada ang tinututkoy ni Tanda na kasama ni Pavel sa kanyang panaginip at tinawag ni Pavel na Karma.  "Hanggang sa nagkaruon ng gulo sa palasyo, hindi ko alam kung dahil ba ito sa babaeng iyon pero nang magsimula ang gulo nakita ko si Ksara." Nanginig ang boses niya ng banggitin niya ang aking pangalan. Mas lalong sumeryoso ang aking awra habang nakatingin sa kanilang dalawa. "Nakita ko siyang.... pinatay si Pavel." bigla akong nanigas dahil sa sinabi niya. "A-ano?" gulat kong tanong habang nakatingin sa kanya, umiling ako saka natawa. "Hindi ko magagawa yan tanda." Sabi ko kahit na alam kong hindi nila ako maririnig. "Nakita ko kung paano niya saksakin si Pavel."Dagdag ni tanda kaya agad akong lumapit sa kanya at sinampal siya pero tumagos lamang ang aking kamay sa kanyang mukha. "HINDI KO NGA SABING MAGAGAWA YAN!"sigaw ko saka biglang hinawi ang gamit na malapit sa akin dahilan para matumba ito, nagulat ako dahil sa pag tumba nito habang sila tanda at Cynrad naman ay napatingin sa gamit na hinawi ko, napatingin ako sa kamay ko saka muling tumingin sa gamit.  Tumayo si Cynrad para lapitan ang baso na nasa lapag saka ito kinuha at tumingin kay Tanda. "Nakasarado ang mga bintana, imposibleng hangin ang gagawa nito." Sabi ni Cynrad, nakita ko ang pagiging seryoso ni Tanda. "May kasama tayong hindi natin nakikita." Seryosong sabi ni tanda saka pumikit. "Tanda, kailangan ko ng tulong mo." sabi ko at akmang lalapit sa kanya ng biglang manghina ang katawan ko. Napatingin ako kay tanda na may kung anong mga binubulong habang nakapikit. "Tanda kailangan ko ng... tulong." nahihirapang sabi ko ng sumikip ang atmospera ng hangin sa kinatatayuan ko. "May espiritong naririto." Seryosong sabi ni tanda saka minulat ang mga mata. "Kung sino ka 'man umalis ka ngayon sa aking kwarto!"Sigaw ni tanda dahilan para mas lalo akong manghina. "Tanda...kailangan ko ng... ng tulong."Tumulo ang aking luha habang hinahabol ang aking paghinga.  Hindi ko alam kung bakit tila nanumbalik sa akin ang aking mga ala-ala na kasama ko sila tanda sa labas ng winsoul, mga ala-ala na unang pagkikita namin nila tanda at babaeng banal. Tila naging isang panaginip ang biglaang pag papakita ng mga ala-alang iyon sa akin. Hanggang sa biglang naging kalmado ang paligid, naging tahimik at hindi ko na marinig ang mahinang pag dasal ni tanda. Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata, mula sa kinaluluhuran ko, nakita kong nakatingin sa akin si tanda na may gulat sa kanyang mga mata. "Lolo Gabriel... ayus ka lang po ba?"Tanong ni Cynrad at lumapit kay tanda na nakatingin sa akin. Patuloy sa pag agus ang aking luha habang nakatitig sa kanyang mga mata. "Tanda..... kailangan ko ng tulong mo."Umiiyak kong sabi habang nakatingin sa kanya. "Ikaw lang ang... makakatulong sa akin para makabalik sa aking katawan."dagdag ko. "Ksara." Tawag niya sa aking pangalan saka dahan dahang lumapit sa akin. "Lolo Gabriel.."Tawag ni Cynrad, umupo siya sa aking harap saka pinagmasdan ako. "Ksara... ikaw nga." sabi niya habang inagmamasdan ako. "Nasaan siya? Lolo Gabriel ano bang sinasabi mo? "Nagugulohang tanong ni Pavel kay tanda, patuloy ang pag agus ng aking luha habang nakatingin kay tanda. "Tahan na Ksara.... hindi ko sinasadyang saktan ka." Sabi niya ngunit mas lalo lamang tumulo ang aking luha dahil sa sayang aking nararamdaman dahil sa wakas nakahanap na ako ng kakampi ko.  "Tanda..."Tawag ko at kahit na gusto ko siyang yakapin ay hindi ko magawa dahil alam kong tatagos lamang ako sa kanyang katawan. "Lolo Gabriel... "Sabay kaming tumingin ni tanda kay Cynrad, nagugulohan ang kanyang awra habang nakatingin kay tanda.  "Nakikita niyo si Ksara? ngunit wala sa harap niyo si Ksara." Sabi ni Cynrad, umiling si tanda.  "Nandito siya Cynrad... sya ang kasama natin." Sabi ni tanda saka tumingin sa akin, nadama ko mula kay Cynrad ang takot. "At sa palagay ko ay sinundan ka niya papunta dito... dahil kailangan niya ng tulong." Dagdag ni tanda habang nakatingin sa akin, natahimik ang kwarto ni tanda, wala ni isa sa amin ang nagsasalita. "K-Kung totoong nakikita niyo siya... sino yung Ksara na nasa silid niya ngayon?"Tanong ni Cynrad kaya napatingin si tanda sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD