Chapter 15: Cynrad

1374 Words
Ngayon ay tahimik ang kwarto ni tanda, nakaupo sa harap ni Tanda si Cynrad na nagugulohan parin at may bahid parin ng takot na nararamdaman. Habang ako naman ay nakatayo lamang sa gitna nila Tanda at Cynrad. Huminga ng malalim si Cynrad saka pinakalma ang kanyang sarili.  "Sinasabi niyo po na naririto sa kwarto ang kaluluwa ni Ksara?"tanong ni Cynrad kay Tanda, tumango tango si tanda saka napatingin sa akin.   "Nasa gitna natin siya Cynrad." sagot ni Tanda. Hindi ko alam kung papaano ako nakita ni Tanda ngayon, ang mahalaga ay may isa na akong kakampi.   "Kalokohan lolo Gabriel, si Ksara ay nasa kanyang silid, sa papaanong paraan na naririto ang kanyang kaluluwa?"tanong ni Cynrad. Tumingin sa akin si Tanda at nag hihintay ng aking sagot.   "Inagaw sa akin ang aking katawan." sagot ko kaya muling tumingin si Tanda kay Cynrad at sinabi ang aking sinabi. Kumunot lalo ang nuo ni Cynrad at hindi makapaniwalang nakatingin kay tanda."Inagaw?" Tanong ni Cynrad saka napatingin sa malayo. Natahimik ang kwarto ni tanda, parehas kami ni tanda na nakatingin kay Cynrad na nag iisip habang nakakunot ang nuo nito. "Si Alada ang nasa loob ng katawan ko ngayon at hindi ako." Sabi ko kaya napatingin si tanda sa akin.  "Ang sabi ni Ksara, si Alada ang nasa loob ng katawan niya ngayon at hindi sya." sabi ni tanda kay Cynrad, napatingin si Cynrad kay tanda.  "Gusto kong makita si Ksara." Sabi ni Cynrad kay tanda kaya napatingin ako kay tanda na seryosong nakatingin kay Cynrad. "Seryoso ka ba sa bagay na iyan?"Tanong ni tanda, tumango si Cynrad bilang sagot. "Gusto ko makita ng dalawang mata ko si Ksara bago ako maniwala, pasensya na lolo Gabriel." Sabi ni Cynrad, tumango tango naman si Tanda saka huminga ng malalim. "May paraan para makita mo ang kaluluwa ni Ksara." Sabi ni tanda kay Cynrad.  "Kung ganon ano po iyon Lolo Gabriel?"Tanong ni Cynrad. "Bubuksan ko ang third eye mo, sa oras na mabuksan ko ang third eye mo maaaring makakita ka ng ilang spirito na hindi nakikita ng pangkaraniwang mata." Sabi ni tanda, nakita ko ang paglunok ni Cynrad kaya medyo natawa ako. "Nakangiti si Ksara ngayon."Sabi ni tanda, kaya napaangat ng tingin si Cynrad saka tumango tango.  "Sige po Lolo Gabriel, buksan niyo po ang third eye ko para makita ko si Ksara." Walang pag aalinlangan na sagot ni Cynrad, bigla akong nakaramdam ng saya habang nakatingin kay Cynrad.  Kahit papaano, may isang nilalang pa pala ang gustong makita ako. Alam ni Cynrad ang tunay kong kataohan, na isa akong demonyo, nakita niya ang anyo ko bilang isang demonyo pero hindi siya natakot sa akin, hindi niya ako kinatakotan, lahat ay parang normal lang sa kanya, na parang isa lang akong normal na tao kung ituring niya kahit na alam niya ang tunay na ako. Mabilis na lumapit si Cynrad kay tanda, umupo ito sa harap ni tanda, hinawakan ni tanda ang nuo ni Cynrad saka pumikit at may kung anong binibigkas na salita. Habang nakatingin ako sa kanila ay biglang nanumbalik sa aking ala-ala ang pagsama sa akin ni Cynrad sa underworld.  Mahabang pakulot na sungay, mahaba at matutulis na itim na kuko, pulang malaking pakpak, itim na mahabang buntot na nahahati sa tatlo at may patulis sa bawat dulo, itim na mata, matulis na tenga, paang mala leon, at mahabang kulay puting buhok na kusang gumagalaw. Yan ang nakikita ngayun ni Cynrad. Tumalikod ako saka huminga ng malalim, kahit nakatalikod ako ay amoy na amoy ko ang takot na dumadaloy sa kanyang kaluluwa. Napapikit ako upang pigilan ang aking sarili sa pagka sabik sa kaluluwa niya. Hindi ko maaaring galawin si Cynrad, kaibigan siya ni Pavel at bahagi siya ng nakaraan ko.  Kailangan kong mag tiis.  "Ito ang dahilan Cynrad." Ang boses ko ay tila himig ng kamatayan, malayo sa boses ko tuwing sumasanib ako sa katawang tao ko.  "Naiintindihan ko kung natatakot ka sa akin, maaari ka ng umalis muli." Sabi ko saka tumitig sa kanya, nagulat siya sa biglaang pag titig ko. "Ngunit nakikiusap ako, wag mong ipaalam kay Pavel ang tunay kong pagkatao. Manatili sana itong lihim sa pagitan nating dalawa." Sabi ko, hindi siya nag salita dahil mukhang hindi pa pumapasok sa kanyang utak ang mga nangyayare. Kahit sinong tao ay matatakot kung may makakaharap silang isang demonyo.  "K-Ksara.."Tawag niya sa aking pangalan, yumuko ako saka muling tumalikod upang kahit papaano ay mawala ang takot niya. "Wala akong balak manakit,nais kong tulungan si Pavel." Sabi ko. Nag karuon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Muli kong naalala ang sagot niya sa akin nong tinanong ko siya kung anong kinakatakutan niya, ang sabi niya ay takot siyang mapunta sa impyerno. Bagay na mangyayare kung sasama siya sa akin sa lugar ni Arae.  "P-Paano ako... makakasiguradong... hindi ka mananakit kung isa kang--" Hindi niya naipag patuloy ang sasabihin niya ng lumuhod ako sa harap niya habang nakatingin sa lupa. Tila nagulat siya sa ginawa ko. Pero ito lamang ang maibibigay kong kasiguraduhan na hindi ako mananakit.  Ang mga tao, madali silang magtiwala sa kapwa nila tao, pero sa amin, hindi nila kayang mag tiwala dahil ang tingin nila sa amin ay kaaway, na siyang tunay.  "Ang mga demonyo, sa oras na lumuhod sa harap ng isang tao, bumababa ang kanilang paningin sa kanilang sarili, bagay na nagaganap sa akin." Sabi ko habang naka luhod. "Wala akong intensyon na manakit, balak ko lamang tumulong."  Nakita ko kung paano imulat ni Cynrad ang kanyang mga mata at dahan dahang tumingin sa dereksyon ko. Ngumiti ako sa kanya at agad na tumulo ang aking luha habang nakatingin sa kanya. "K-Ksara..." Tawag niya sa aking pangalan habang nakatingin sa akin. "Hindi ka ba natatakot sa akin ngayon?"Tanong ko habang nakatingin sa kanya, hindi siya sumagot at mabilis na lumapit sa akin para yakapin ako pero tumagos lamang ako sa kanya dahilan para makita ko ang pagka dissapoint sa kanyang mga mata.  "Hindi."Sagot niya sa tanong ko habang nakatingin sa aking mga mata, wala akong maamoy na pagsisinungaling sa kanyang sagot dahilan para mas lalo akong mapangiti. Bigla kong naalala ang unang sagot niya ng tanongin ko siya kung siya ba ay natatakot sa akin.  "Ngayun, kung natatakot ka sa akin. Naiintindihan ko. Maaari ka ng bumalik sa iyong katawan at bumalik kay Pavel." Sabi ko, nagulat ako ng maramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko, napatingin ako sa kanya at nakita ko na naka ngiti siya sa akin. "Oo natakot ako sayo, pero ng malaman kong ikaw si Karma, alam kong wala kang gagawing masama sa akin." Sabi niya kaya napatitig ako sa kanyang mukha. "Dahil sa nakaraan nating buhay, hindi mo kayang makita na nasasaktan ako." Bulong niya kaya napa tigil ako. "Cynrad!" Dali dali akong tumakbo sa kanyang kinatatayuan at inalalayan siya. "Ayus ka lang ba? Anong nangyare sa ulo mo? Bakit may dugo?" Alalang tanong ko sa kanya habang inaalalayan siya. Tumawa lamang siya sa akin saka hinila ako palapit sa kanya bagay na kinagulat ko. "Wala nang mang aaway sayo, Karma." Bulong nya kaya nanigas ako, napatingin ako sa kanyang mukha at kitang kita ko ang itim niyang awra. "A-anong ginawa mo?" Tanong ko, ngumiti lamang siya sa akin saka muli akong niyakap at pumikit.  "W-wag mo  ng uulitin ang kung ano mang ginawa mo Cynrad. Ayaw kong nakikita kang napapahamak o nasasaktan." Tila kidlat kung mag pakita ang ilang larawan sa aking mata. Napapikit ako at pinakalma ang sarili ko, bumuntong hininga ako at tumingin kay Cynrad na naka tingin sa akin. "A-ayus ka lang?" Tanong niya, tinitigan ko lamang siya saka tumingin sa kamay niyang naka hawak sa kamay ko, dahan dahan kong binawi ang kamay ko at nag simulang mag lakad. "Ang sabi mo, ang pinaka kinatatakutan mo ay mapunta sa impyerno." Sabi ko at napatigil sa pag lalakad, nilingon ko siya saglit. "Duon ang tungo ko upang kausapin ang isang nilalang na makakatulong kay Pavel." Sabi ko, walang alinlangan siyang lumapit sa akin habang naka ngiti. "Eh di tara na. Nang makabalik na tayo agad kay Pavel." Sabi niya kaya napa ngiti ako, nilahad ko ang kamay ko sa kanya bagay na tinignan niya. "Kahit kailan ay hinding hindi na ako matatakot sayo.... Ksara." Sabi niya habang nakatingin sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD