"Ibig sabihin, si Alada ang nasa katawan mo ngayon at hindi ikaw?" Tanong ni Cynrad sa akin matapos kong ikwento sa kanila ang nangyare kung bakit naririto ako ngayon sa kanilang harapan at wala sa aking katawan, tumango ako bilang pagsagot. Kumunot ang nuo ni Cynrad saka tumingin kay tanda.
"Kaya pala iba ang kinikilos mo." Sabi niya saka tumingin sa akin. "Ang nais kong sabihin ay, ang katawan mo. Nakakapagtaka lamang dahil ibang iba ang inaakto mo, na ang dahilan pala ay hindi ikaw ang nasa katawan mo." Sabi niya. Huminga ako ng malalim.
"Gusto kong ipaalam kay Pavel na hindi ako ang nasa katawan ko at ibang nilalang ang kasama niya pero wala akong lakas sapagkat alam ko na sa oras na malaman ni Pavel yun ay aawayin niya ang nasa katawan ko, bagay na kinakatakot ko sapagkat masyadong malakas si Alada." Sabi ko, ngumiti ng malumanay si Cynrad saka hinawakan ang aking kamay pero tumagos lamang ang kamay niya sa akin kaya natawa siya ng bahagya.
"Huwag kang mag alala, babawiin natin ang katawan mo mula kay Alada." Sabi niya, ngumiti ako.
Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanila ang tungkol sa mga nalaman ko sa aking nakaraan at sa nakaraan namin ni Pavel, hindi ko alam kung sasabihin ko rin ba ang tungkol kay Siir, at ang tungkol sa pagkamatay ni Avila. Sigurado ako na hindi na nila maiintindihan ang bagay na iyon.
"Ang kailangan nating gawin ay mapalayas ang nasa katawan mo." Sabi ni Cynrad saka tumingin kay tanda.
"Lolo Gabriel, matutulongan niyo po ba si Ksara na makabalik sa katawan niya?" Tanong ni Cynrad kay tanda, nakatingin lamang si tanda sa amin habang nag iisip, umiling siya saka huminga ng malalim.
"Patawad ngunit hindi ko kaya ang paalisin ang isang malakas na nilalang sa katawan ni Ksara." Sabi nito saka pumikit.
"Masyado na akong matanda at mahina para gawin ang ritwal ng pag papaalis ng demonyo sa katawan, Isa pa, hindi ba't sinabi mo na may tutulong sayo Ksara?' Tanong ni tanda kaya napatingin si Cynrad sa akin.
"Oo nga pala, sino ang sinabi mo na tutulong sayo?'Tanong ni Cynrad, tumingin lamang ako sa kanyang mga mata saka ngumiti.
"Hindi na mahalaga kung sino siya." Sabi ko, ayokong isiwalat ang katotohanan sa likod ng pagkatao ni Siir, maaring makasisira yun sa plano namin na talunin si Alada kung nagkataon.
"Sa ngayon ang tanging hiling ko lamang ay umakto kayong normal sa harap ni Alada at Pavel, hanggat wala pa kaming naiisip na paraan para makabalik ako sa katawan ko ay mananatiling lihim na nakausap ko kayo." Sabi ko, tumingin ako sa kanilang dalawa na nakatingin sa akin.
"Ayokong madamay kayo sa gulo namin, ang nais ko lamang ay suporta at kakampi." Sabi ko, ngumiti si Cynrad.
"Maaasahan mo ako pagdating sa ganyang bagay,"Sabi ni Cynrad habang nakangiti sa akin, ngumiti ako saka tumingin kay Tanda.
"Gagawin namin ang lahat para mapanatiling ligtas si Pavel sa tabi ni Aladaa, habang hinihintay namin ang halbang niyo ng makakatulong sayo." Sabi ni tanda, tumango ako habang nakatingin sa kanila.
"Salamat." Ilang oras pa ang inabot, nagkwentohan lamang kami tungkol sa mga naganap noong nawalan ako ng malay, hindi ko matandaan ang mga nangyare na iyon, pero agad na nanumbalik sa aking isipan ang kasunduan namin ni Babaeng banal.
Ngayun ay magisa kong tinatahak ang landas patungo sa silid ni Siir habang iniisip ang kasunduan namin ni Babaeng banal.
"Nakiki usap ako sayo Ksara, nais kong makipag kasundo sayo pero sana wag mong kuning kapalit ang buhay at kaluluwa ng mga magulang ko." Sabi niya kaya napa lingon ako sa kanya, seryoso siya sa mga sinabi niya, mukhang disidido na siyang umuwi sa kanila.
"Pakiusap Ksara." Tumingin siya sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko, napatingin ako doon saka muling binalik ang tingin ko sa mukha niya.
"Sa oras na sinabi ko ang kapalit, hinding hindi na mag babago yun." Sabi ko kaya dahan dahang bumitaw ang kamay niya sa kamay ko, napa lunok ako at napapikit. Kalahati ng buhay ko ang isusugal ko kapag nakipag kasundo ako sa kanya muli.
"G-ganon ba?" Mahinang sabi niya, agad kong hinawakan ang kamay niya. Napatingin siya sa akin, ngayun ako naman ang tumingin sa mga mata niya, isang pag mamakaawa na tingin. Bahala na, ang mga buhay ng demonyo ay nag tatagal ng ilang daang taon bago ito tuluyang mawala. Dalawang daang taon na akong nabubuhay, nabawasan ng isang daang taon ang buhay ko nang makipag kasundo ako kay babaeng banal na tulungan akong gawing masama si Pavel, ngayun, muli na naman akong makikipag kasundo sa kanya. At sa pag kakataon na ito kalahati na ng natitirang buhay ko ang mawawala.
"K-ksara, bakit ka umii--"
"Ako ang... makikipag kasundo sayo." Sabi ko kaya natigilan siya at nanigas. "Naalala mo ng gumawa ako ng kasunduan sa pagitan nating dalawa?" Tanong ko, nanatili siyang naka tingin sa akin. "Wala akong ibang kinuha sayo, wala akong hiniling na ibang kapalit sayo." Napayuko ako. "Makikipag kasundo ako sayo, dahil nais kong maging hari si Pavel."Napangiti ako sa sinabi ko.
"K-ksara..." Tawag niya sa akin, tumingin ako sa kanya. "W-Wala namang mangyayare sa akin o sayo sa oras na tinanggap ko ang pakikipag kasundo mo hindi ba?" Tanong niya, tumitig lang ako sa mata niya saka tumango bilang saagot.
"Wala, walang mangyayare sayo o sa akin." Pag sisinugaling ko, nakita ko ang pag kurba ng ngiti sa kanyang labi.
"Kung ganon... papayag ako kung ano ang iaalok mo sa akin, para maka uwi na ako sa amin at maging hari si Pavel." Sabi niya, napangiti ako. Tama lang ang gagawin ko, hindi maaapektuhan si Pavel, mas mapapadali ang pag balik namin sa winsoul.
"Kung ganon... ito ang kundisyon ko." Sabi ko at ngumiti sa kanya. "Mawawala panandalian ang sumpa sa winsoul at makakabalik tayo doon ng hindi nawawala ang mga ala-ala niyo." Sabi ko, natigilan siya.
"Panandalian?" Tanong niya.
"Masyadong malakas si Alada, tanging panandalian lamang ang maibibigay ko na palugit." Sabi ko.
"Kung ganon, kailan babalik ang sumpa?" Tanong niya. Ngumiti ako.
"Mawawala panandalian ang sumpa sa winsoul at babalik lamang kapag ang sungay ay naputol, ang buntot ay nabuwag, ang halimaw ay ngumiti at naging alikabok." Sabi ko habang hawak hawak ang kamay niya.
Napatigil ako sa paglalakad saka napatingin sa kalangitan na nababalutan ng makikinang na mga bituin.
"Panandalian." Bigkas ko habang nakatingin sa kalangitan. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nalungkot dahil sa naalala kong kasunduan namin ni babaeng banal.
Naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha habang nakatingin sa langit.
Ang nais ko lamang ay sumaya kasama si Pavel, ngunit paano ko makakamtan ang kasiyahang hinahangad ko kung pati ang tadhana ay pilit kaming pinaglalayo?
"Kay lamig ng gabi, o aking mahal." Agad akong napalingon sa aking gilid ng mula roon ay may nagsalita, agad kong nakita si Pavel na nakatingin rin sa langit habang may lungkot sa kanyang mga mata, mas lalong tumulo ang aking luha habang nakatingin sa kanyang malungkot na mga mata.
"Ang iyong pakikitungo ay nagbago na." Bigkas niya habang nakatingin sa langit.
"Ikaw ay tila nanlalamig na." Bulong niya saka napayuko.
"Pavel.."Bigkas ko sa kanyang pangalan kahit na alam kong hindi niya ako maririnig.
"Ang nais ko lamang ay.... bumalik na tayo sa dati, Karma." bulong niya at kasabay non ang pagtulo ng luha mula sa kanyang mga mata, lumapit ako sa kanya at akmang yayakapin ng tumagos lamang ako sa kanyang katawan dahilan para mas lalong tumulo ang aking luha.
"Pavel... Pavel nandito ako." Umiiyak kong sabi habang nakatingin sa kanya na tumatangis rin.
"Pavel... Pavel hindi ako yun." Bulong ko sa kanyang tenga, natigilan ako ng bigla siyang mapatingin sa dereksyon ko na tila ba nagulat siya.
"Karma.."Tawag niya habang nakatingin sa dereksyon ko.
"Pavel nakikita mo na ba ako?" Tanong ko pero hindi siya sumagot, huminga siya ng malalim saka pinunasan ang luhang tumulo sa kanyang mga mata.
"Pati ba naman dito ay naririnig kita." Sabi niya saka tumingin sa langit, para akong pinagbagsakan ng langit at lupa, akala ko ay nakita niya na ako, akala ko ay makakausap ko na ulit siya.
"Bakit ka nag bago.... Karma?"Bulong niya sa hangin habang nakatingin sa langit, tumabi ako sa kanya saka tumingin rin sa langit.
"Hindi ako nagbago Pavel."Sagot ko habang pinagmamasdan ang langit.