Ilang araw ang lumipas simula ng huli kong makita si Cynrad at makausap, buong araw ng paghihintay ay nasa silid lamang ako ni Siir gaya ng aming usapan. Matapos ang ilang minutong panunuod namin ni Pavel sa langit noong nakaraan ay nag desisyon na akong magtungo sa silid ni Siir na siya namang nag hihintay sa akin sa silid.
Nag usap kami tungkol sa plano na gagawin namin at tungkol sa mangyayaring kasiyahan dito sa palasyo, ngayong araw gaganapin ang kasiyahan na sinasabi ni Siir na magaganap.
Pinanuod ko lamang si Siir na ayusan ng kanyang mga alalay, base sa kanya, ngayon ang araw na itinakda upang ihalal na bagong hari si Pavel, ngayon ipapasa ang korona at trono sa kanya bilang hari.
Masaya ako para sa kanya dahil sa wakas ay nagbunga na ang pagsasakripisyo ko para sa kanya, masaya ako dahil unting oras na lamang ay magiging hari na siya.
Nawala ang ngiti sa labi ko ng biglang pumasok sa aking isip ang usapan namin ni Siir noong isang araw tungkol sa plano na gagawin namin. Muli akong napatingin kay Siir na nakatingin sa gawi ko.
Umiwas ako ng tingin saka naglakad palabas ng kanyang silid, sa labas ng kanyang silid matatanaw agad ang langit na nababalutan ng ulap, sa baba makikita ang malaking hardin ng kaharian, doon gaganapin ang kasiyahan mamaya pag natapos na ang paglipat ng korona.
"Ilang araw na lamang ay ililipat na ang korona kay Pavel." Bungad ni Siir ng makapasok ako sa kanyang silid, tumingin ako sa gawi niya na nakaupo sa kanyang upuan kaharap ang salamin.
"Base sa pagpupulong kanina, ipapakilala ako bilang mapapangasawa ni Pavel." Dagdag niya kaya nag seryoso ang awra ko, tumingin sya sa aking gawi.
"At ipapakilala ni Pavel ang katawan ko kung nasaan si Alada ngayon bilang babae ng hari."Sabi niya kaya napakuyom ang aking palad dahil sa sinabi niya.
"Sa ilang araw na pag hihintay bago ilipat ang korona kay Pavel hindi ka muna mag tutungo sa katawan mo o mag papakita kay Alada."Sabi niya saka nagpatuloy sa pag susuklay ng buhok.
"Batid ko na nag tungo ka sa matandang ministro kanina at batid ko na humingi ka ng tulong sa kanila." Sabi nya saka tumingin sa akin.
"Ang plano natin ay... sa oras na ipakilala ako ni Pavel bilang kanyang asawa... ipapahiram ko sayo ang katawang tao ko."Napalingon ako sa kanya matapos niyang sabihin yun.
"A-Ano?"Tanong ko.
"Ipapahiram ko ang katawang tao ko sayo bago ako ipakilala ni Pavel bilang kanyang mapapangasawa." Ulit niya.
"B-Bakit?' Tanong ko, huminga siya ng malalim saka tumingin sa akin at tumayo mula sa kanyang kinauupuan.
"Dahil susubukan kong magpakita kay Alada sa oras na ipakilala siya bilang babae ng hari." Sabi niya kaya natahimik ako, nakita ko ang ngisi sa labi ni Siir.
"Titignan ko kung ano ang reaksyon niya sa oras na makita niya ako." Dagdag niya.
"Tapos?"Tanong ko, nag lakad siya patungo sa kanyang kama kaya pinanuod ko na ayusin niya ito saka muling humarap sa akin.
"Tapos ay gagamitin ko ang aking kapangyarihan para palabasin si Alada sa iyong katawan, kapag nagawa ko na ang bagay na iyon ay saka ka na lilisan sa aking katawan at babalik sa iyong katawan."Sabi niya.
"Pero paano ka?" Tanong ko, nawala ang ngiti sa kanyang labi saka muling naglakad patungo sa salamin at tinitigan ang kanyang repleksyon.
"Sa oras na nilisan ko ang katawang ito, hindi na ako makakabalik pa." Sabi niya kaya natigilan ako at nag tungo sa harap nya.
"Anong sabi mo? ngunit papahiramin mo ako ng katawan mo kahit na alam mong hindi ka na makakabalik?" Tanong ko habang nakatingin sa kanyang mga mata.
"Kagustohan ko rin na ipahiram sayo ito Ksara."Sabi niya saka muling tumingin sa kanyang repleksyon.
"Panahon na para lisanin ang katawan na ito, Yumao ang may ari ng katawan na ito anim na taon na ang nakakalipas, dahil sa kasunduan namin nagawa kong makapasok sa katawan na ito at bigyan ng buhay."Sabi niya saka tumingin sa akin.
"Dadalhin ko si Alada sa lugar kung saan kami mag tutuos, kapag nanalo ako, babalik ako sa aming mundo upang kalabanin sila Ama at ina at mamumuno doon." Sabi niya saka ngumisi.
"At kapag ako na ang namumuno, sisiguraduhin ko na papaalisin ko si Alada sa aming mundo." Sabi niya saka tumingin sa akin.
"Kapag nagawa ko yun tapos na ang ating kasunduan." Sabi niya, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.
"Sisiguradohin ko na magbabayad si Alada sa pag paslang kay Avila." Sabi niya, bigla kong naramdaman ang galit sa kanyang sistema dahilan para mas lalo akong matahimik,.
"Salamat." Bigkas ko kaya napatingin siya sa akin, natawa siya saka umiling.
"Huwag mo isipin na tinutulongan kita, may kasunduan ako kaya tutupad ako sa kasunduan." Sabi niya saka umiwas ng tingin, napangiti ako at bigla na lamang lumapit sa kanya para yakapin, nagulat siya sa biglang paglapit ko sa kanya pero dahil isa lamang akong kaluluwa ay tumagos lamang ako sa katawang tao niya.
"Ano bang ginagawa mo?" Tanong niya habang may nakakadiring tingin sa akin.
"Nais lamang kitang yakapin." Sabi ko, umirap siya saka lumayo sa akin.
"Huwag ka ng umasa tao." Sabi niya kaya natawa ako.
Ilang minuto na lamang ay ipapahiram na sa akin ni Siir ang kanyang katawan, kinakabahan ako, ito ang unang beses na makaramdam ako ng kaba.
Nakita kong lumabas na ang mga alalay ni Siir mula sa kanyang silid kaya muli akong pumasok doon at naabotan si Siir na pinagmamasdan ang kanyang sarili sa repleksyon ng salamin.
"Bigyan mo ako ng unting panahon para sulitin ang katawan na ito." Sabi niya habang nakatitig parin siya sa kanyang repleksyon.
Dama ko na may pagsisisi siya dahil aalis na siya sa katawang tao niya. Huminga ako ng malalim.
"Kung hindi ka handa na--"
"Naging matalik kong kaibigan ang taong nag mamayari sa katawan na ito." Kwento niya kaya naitikom ko ang aking bibig.
"Sya ang kauna unahang tao na hindi natakot sa akin noong unang nagkita kami." Dagdag niya, nakita ko ang ngiti sa kanyang mga labi, totoo ang mga ito.
"Nagtagal ang aming pagkakaibigan sa loob ng ilang taon, ngunit ng dahil lamang sa isang lalaki ay nagkalamat ang aming pagsasama." Sabi niya at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Mas pinili nya ang makasama ang lalaking iyon kesa sa sundin ang habilin ng kanyang mga magulang na wag sumama sa lalaking iyon, hindi ko siya masisisi dahil alam ko kung gaano niya kamahal ang lalaking iyon." Dagdag niya saka tumingin sa akin. "Para siyang ikaw... na kahit bawal ay gagawa ng paraan para lang makasama ang lalaking ninanais." Sabi niya saka huminga ng malalim saka umiwas ng tingin.
"Pero isang araw, nagkasakit ng malala ang lalaking iyon at walang mga doctor ang kayang magpagaling sa sakit ng lalaking iyon, kaya lumapit si Siir sa akin at nakipagkasundo na pagalingin ang lalaking iyon kapalit ang kanyang katawan." Dagdag niya, ramdam ko ang lungkot sa kanyang mga binibigkas.
"Hindi ako pumayag sa kanyang nais ngunit nagbanta si Siir na papaslangin niya ang kanyang sarili sa oras na mawala ang lalaking kanyang ninanais."Sabi niya at nakita ko kung paano mamuo ang luha sa kanyang mga mata, dama ko ang lungkot na kanyang nararamdaman ngayon.
"Kaya naman pinagaling ko ang lalaking kanyang iniibig, hanggang isang araw... bigla na lamang namatay ang lalaking iyon... Buntis noon si Siir ng mawala ang lalaking kanyang iniibig, nakita ko kung paano mag luksa at mapabayaan ni Siir ang kanyang sarili. Hanggang sa nakita ko na lamang ang kaluluwa niya na nakatitig sa akin at umiiyak habang karga ang kaluluwa ng batang pinag bubuntis niya." Sabi niya saka pinunasan ang kanyang luha.
"Yun ang araw na namatay siya.... at yun din ang araw na nakuha ko ang katawan na ito sa kanya."Kwento niya saka tumingin sa akin. "At ngayon... ngayon ang araw na lilisan ana ako sa katawan na ito... papatahimikin ko na ang katawan ni Siir." Sabi niya habang nakatingin sa akin. Nakita ko kung paano tumulo ang luha sa kanyang mga mata, dahan dahang lumisan si Mira sa katawan ni Siir na agad ko namang pinasukan.
Sa isang iglap, pag dilat ng aking mga mata... bumungad ang malungkot na pag mumukha ni Mira sa akin habang nakatitig sa akin.
"Ngayon ko lamang muli nakita ang katawan ni Siir na buhay habang nasa anyong demonyo ako." Nakangiting sabi niya habang nakatingin sa akin.
Umikot ako paharap sa salamin at pinagmasdan ang aking sarili sa repleksyon nito.
Nasa loob na ako ng katawan ni Siir, nasa loob na ako ng katawan na ipinagkatiwala sa akin ni Mira.