Chapter 18: Bagong Hari

1166 Words
Maputing balat, mahaba ang itim na buhok at naka suot ng damit na pang maharlika. Yan ang nakikita ko ngayon sa aking repleksyon sa salamin, muli akong tumingin kay Mira na nakatitig sa akin habang nakangiti. "Magkita na lamang tayo mamaya." Sabi niya kaya kumunot ang nuo ko.  "Saan ka pupunta?" Tanong ko. "Hahanapin si Alada at pag aaralan ang kilos niya." Sagot niya saka biglang nawala sa harap ko, ngayon ay ako na lamang ang mag isang naririto sa kwarto, muli akong tumingin sa salamin at huminga ng malalim.  Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko mamaya kapag nakita ko si Pavel, hindi ko alam kung yayakapin ko ba siya agad o ano, nais ko na agad lumabas sa silid na ito para puntahan siya at mayakap. "Siir?" Napalingon ako sa pinto ng bigla itong bumukas, niluwa noon si Cynrad at Bael na nakangiting nakatingin sa akin, maya maya pa ay dahan dahang nawala ang ngiti ni Cynrad sa labi niya habang nakatingin sa akin. "Ksara.."Banggit niya sa aking pangalan, lumingon si Bael sa kanya saka siya siniko. "Ano bang sinasabi mo? Si Siir yan hindi si Ksara." sabi ni Bael saka muling tumingin sa akin. "Hanap ka na ng reyna, mag sisimula na ang pag papasa ng korono." Sabi ni Bael, tumango ako. "Susunod na lamang ako." Sabi ko habang nakatingin kay Cynrad. "Sige, Cynrad alalayan mo siya, pupuntahan ko lamang si lolo Gabriel." Sabi ni Bael saka tinapik si Cynrad sa kanyang balikat at nag lakad. Huminga ako ng malalim saka tumingin kay Cynrad. "Cynrad.." "Anong ginagawa mo jan sa katawan ni Siir?" Tanong niya habang nakatingin sa akin ng seryoso. "Mahabang kwento Cynrad, ang mahalaga ngayon ay--" "Anong ginawa mo kay Siir?" Tanong niya kaya natigilan ako. Iniisip niya ba na may ginawa ako kay Siir? Huminga ako ng malalim saka kinuwento sa kanya ang kinuwento sa akin ni Mira, noong una ay ramdam ko na hindi siya naniniwala sa akin pero sa huli ay naniwala na rin siya sa akin dahil sinabi ko na mamaya, mababawi ko na ang katawan ko. "Kung ganon, ang sinasabi mong tutulong sayo ay si Mira na kapatid ni Alada?" Tanong niya habang kami ay nag lalakad patungo sa lugar kung saan gaganapin ang paglilipat ng korona kay Pavel. "Oo." Sagot ko. "Mabuti kung ganon ay makukuha mo na ang katawan mo mamaya." Nakangiti niyang sabi pero nawala rin iyon. "Ngunit nakakalungkot lamang dahil matagal na palang namayapa si Siir." Sabi niya kaya natahimik ako. Nang makarating kami sa lugar kung saan ipapasa ang korona ay umupo na ako sa upuan katabi ng reyna. "Siir Iha, napakaganda mo ngayon." Sabi ng reyna saka ako niyakap, napangiti ako ng pilit. "S-salamat." Sabi ko, ang awkward dahil hindi ko alam kung ano ba ang iaakto ko sa harap nila. Nakapwesto kami ngayon sa taas kung saan lahat tanaw namin, ang mga tao sa baba ay purong mahaharlika na inimbitahan upang masaksihan ang pagpapasa ng korona kay Pavel habang sa harap naman ay naruruon na ang mag papasa ng korona kay Pavel at ang korona na ipapasa sa kanya, hinanap ng aking mga mata si Pavel pero wala pa siya.  "Nasaan na ba si Pavel?" Tanong ng reyna kaya napatingin ako sa kanya, lumingon ito sa hari na hatabi niya. "Malamang ay kasama niya na naman ang baabeng yuniko na iyon." Sabi ng hari kaya napayukom ang kamao ko.  Nag patuloy sila sa pag uusap tungkol kay Pavel hanggang sa bumatingaw ang kampana dahilan para mahilo ako at manghina, hindi ko alam na may kampana sa lugar na ito. Nag sitayuan ang mga tao sa baba kaya agad na hinanap ng mata ko si Pavel na siyang nag lalakad papasok sa loob patungo sa harap, agad akong napangiti habang nakatingin sa kanya. Kaya ng dati, nakangiti ang mga labi  niya ngunit ang mga mata niya ay sinasabi kung gaano siya kalungkot. Nakasuot siya ng pormal na kasuotan na panghari, napaka kisig nya ngayon, natutuwa ako dahil sa wakas ay magiging hari na siya.  Nag sipalakpakan ang mga tao habang nag lalakad si Pavel patungo sa harap, hindi mawala ang ngiti sa aking mga labi habang nakatingin sa kanya. Maya maya lang ay nasa harap na si Pavel at tumigil na sa pag palakpakan ang mga tao. Nakangiti si Pavel habang nakaharap sa taong gagawa ng seremonya habang pinapasa sa kanya ang korona. "Ngayong araw... masasaksihan ng mga mamamaya ng winsoul ang pagkakaruon ng bagong hari." Sabi ng taga seremonya, may alalay ito sa likod niya na dalawang lalaking naka puti, ang isa ay hawak ang korona at ang isa ay hawak ang tela na inilalagay sa bagong hari. "Pavel Eloso, ang panganay na anak ng dating hari na si haring Eloso ay binibigyan ng katungkulan bilang isang mataas na ranggo sa buong lalawigan at bansa ng winsoul." Sabi nito, naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha habang nakatingin kay Pavel na nakatayo sa harap. Masaya ako para sa kanya. "Pavel Eloso, bilang isang maharlika na magsisilbing gabay at tagapamahala ng bansa, ikaw ay makikilala at igagalang ng lahat, mahirap man o mayaman, maharlika man o hindi, dukha man o hindi, lahat ng nilalang na nakatapak sa lupain ng winsoul ay kikilalanin ka bilang panglabing walong hari ng winsoul." Sabi nito, lumapit ang lalaking may hawak ng korona kay Pavel. "Tatanggapin mo ba at pag lilingkuran ang bayan ng winsoul ng buong puso at dangal?" Tanong nito ,ngumiti si Pavel saka tumango. "Bilang pangwalong hari ng winsoul papanatilihin ko ang kapayapaan at pagkapantay pantay ng lahat." Sagot ni Pavel. "Kung ganon, ikaw Pavel Eloso, dating prinsepe ng winsoul kingdom ay ngayong idinidiklara bilang panglabing walong hari ng winsoul na gagabay at poprotekta sa lahat ng nasasakupan, ng buong puso at buong dangal." Sabi nito saka kinuha ang korona sa lalaking katabi nito, lumuhod si Pavel sa harap saka inilagay ng lalaki ang hawak niyang korona sa ulo ni Pavel, sunod na lumapit ang lalaking may hawak na tela. "Ang korona ng kapayapaan at tela ng karangalan, ikaw na ngayon si Haring Pavel, ang panglabing walong hari ng winsoul kingdom." Sabi ng lalaki ng maisabit niya kay Pavel ang tela, tumayo si Pavel saka nakangiting humarap sa mga tao, nagsitayuan ang mga tao habang nakangiting pumapalakpak para kay Pavel na isa ng hari. Napatayo rin ako at pumalakpak dahil sa tuwa na aking nararamdaman. Sa wakas, isa ka ng hari, Pavel. Nawala ang ngiti sa aking labi ng makita ko kung saan nakatingin si Pavel, sinundan ko ang dereksyon kung saan siya nakatingin at mula dito sa aking kinatatayuan, nakita ko si Alada na naka tayo lamang at hindi naka ngiti, hindi siya pumapalakpak gaya ng mga taong nasa paligid niya dahil nakatingin lamang ito sa gawi ni Pavel kaya naman muli akong napatingin sa dereksyon ni Pavel at mula rito sa kinatatayuan ko ay nakita ko si Mira na nakatingin kay Alada habang nasa tabi siya ni Pavel na walang kamalay malay. Mukhang... nagsisimula na ang plano ni Mira. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD