Nakatitig lamang ako sa dereksyon ni Alada kung saan nakatingin lamang siya kay Mira, kita ko mula sa kinatatayuan ko na gulat na gulat si Alada habang nakatingin sa dereksyon ni Mira.
Ngayon ay nasa malawak na hardin na kami upang ipagdiwang ang bagong hari ng Winsoul. Katabi ko parin ang reyna at hari, kami ay nakatayo sa harap habang si Pavel naman ay hindi ko makita, kung nasaan siya ay hindi ko alam.
Hindi kalayuan sa kinatatayuan ko ay nakatayo rin si Alada na nasa loob ng katawan ko habang si Mira naman ay nakatayo sa tabi ng fountain.
"Siir, handa ka na ba?" Tanong ng reyna kaya napalingon ako sa kanya, tumango ako, nasabi niya kasi kanina na ipapakilala nila ako bilang mapapangasawa ni Pavel at susunod na magiging reyna.
Muli kong binalik ang tingin ko sa dereksyon ni Alada ngunit wala na siya roon, huminga ako ng malalim saka hinanap si Pavel, hindi ko siya matagpuan kanina pa simula ng kami ay magtungo dito sa hardin ng winsoul.
Maya maya pa ay nakita ko na si Pavel na nag lalakad habang nakasunod sa likod niya sila Bael at Cynrad, Ngumiti ako habang nakatingin kay Pavel na tumingin sa dereksyon ko, pero agad din siyang umiwas ng tingin dahilan para dahan dahang mawala ang ngiti sa labi ko, nakita ko na kumaway sa akin si Cynrad kaya naman ngumiti ako ng pilit habang nakatingin sa kanya.
Pinanuod kong umupo si Pavel sa tronong nakalagay sa gitna, habang si Bael naman ay nagtungo sa gawi nila Tanda at babaeng banal, si Cynrad naman ay lumapit sa akin habang may ngiti sa kanyang mga labi.
"Saan kayo nag tungo?" Tanong ko sa kanya.
"Hinahanap niya si Ksara." Sabi niya kaya napatango ako. "Ang ibig kong sabihin ay ang katawan mo." Sabi niya, tumingin ako sa kanya.
"Nakita ko si Alada, mukhang sinisimulan na ni Mira ang plano niya." Sabi ko, tumango si Cynrad.
"Nakita ko rin siya kanina habang nakatayo si Pavel kanina matapos ipasa ang korona sa kanya." Sabi niya saka tumingin sa paligid bago muling tumingin sa akin.
"Kapag may nangyaring hindi maganda, kami na ni Lolo Gabriel ang bahala sayo para makabalik ka sa katawan mo." Sabi nya kaya ngumiti ako.
"Ang mga mata ni Pavel, bakit ang lulungkot nila?" Tanong ko, huminga siya ng malalim.
"Sa tingin ko ay nag away sila ni Alada, laging ganon ang nakikita namin ni Bael sa kanya." Sagot niya.
"Siir, ija, halika na." Napalingon ako sa tumawag sa akin, ang reyna. Oras na para ipakilala nila ako.
Tumingin ako kay Cynrad. "Tawag na ako ng reyna." Sabi ko, tumango siya saka ngumiti, nag lakad na ako palapit sa reyna na katabi ang dating hari.
Sa pamamagitan ng pag batingting ng kutsara sa wine glass na hawak ng reyna ay nakuha niya lahat ng atensyon ng mga bisitang naririto, maging ang atensyon ni Pavel na naka upo sa kanyang trono ay napatingin sa dereksyon namin ng reyna.
"Magandang araw sa inyong lahat." Nakangiting bati ng reyna habang may ngiti sa kanyang labi.
"Ngayon, masaya nating ipinagdiriwang ang pagkakaruon ng bagong hari sa ating kaharian, nais ko lamang sabihin na masaya ako para sa aking anak na si Pavel dahil sa wakas ay isa na siyang ganap na hari na gagabay sa ating kaharian." Sabi ng reyna, nilibot ko ang tingin ko upang hanapin si Alada at mula sa gitna ng maraming tao ay naruruon siya, nakatayo habang masamang nakatingin sa akin, ngumisi lamang ako bilang pangaasar sa kanya.
"Ngunit ang isang hari ay nangangailangan ng isang maalagang reyna at maunawaing asawa na magsisilbing ina ng kanilang nasasakupan." Sabi ng reyna saka hinawakan ang kamay ko dahilan para mawala ang ngisi sa labi ko ng tumingin ang mga tao sa akin.
"Kaya naman, naririto sa tabi ko ang susunod na magiging reyna at mapapangasawa ng haring Pavel." Pakilala ng reyna dahilan para mag bulongan ang mga tao habang may ngiti sa kanilang mga labi.
"Siya si Siir Vega, ang kanyang pamilya ang pinakamalapit na kaibigan ng aking asawa, gaya ko, isang mabuti, maunawain at maasahan na babae si Siir, tamang tama upang maging reyna at asawa ng aming anak." Sabi ng reyna kaya ngumiti ako sa mga tao dahilan para mag palakpakan silang lahat, dama ko na nais nila na ako ang maging reyna at maging kabiyak ni Pavel, maliban sa isang nilalang na nasa gitna habang nakatingin ng masama sa akin.
"Unting oras nalang." Boses iyon ni Mira na bumulong sa akin, mas lalo akong ngumisi kay Alada ng makita niyang nasa tabi ko si Mira.
Mula rito ay dama ko ang galit at inis na nararamdaman ni Alada.
"Sa ikalawa ay gaganapin ang kasal nila ng ating bagong hari." Nakangiting sabi ng reyna dahilan para mas lalong umingay ang paligid dahil sa mga taong masaya para sa amin.
"May anunsyo rin ako." Napalingon kami sa gawi ni Pavel na nakatayo sa kanyang trono at seryoso ang kanyang awra.
"Ang hari ay nararapat lamang na may reyna, ngunit paano kung ang hari ay may nais na iba at hindi iyon ang reyna?" Tanong ni Pavel dahilan para matahimik ang lahat habang nakatingin sa kanya, dahan dahang nawala ang ngisi sa labi ko dahil sa sinabi nya, mukhang seryoso nga na nais niyang ipakilala si Alada bilang kanyang babae.
"Hindi ako sangayon na ako ay ipapakasal sa aking kaibigan, oo naiintindahan ko na iniisip lamang ng aking ina ang makakabuti para sa palasyo pero ngayon iisipin ko naman ang kasiyahan ko." Sabi ni Pavel dahilan para mag bulongan ang mga taong naririto ngayon.
"May isang binibini akong nais pakasalan at hindi si Siir yun." Biglang nalungkot ang aking sistema dahil sa sinabi niya, oo hindi ako si Siir, pero nakakalungkot lamang dahil wala siyang kaalam alam na ako ang naririto sa katawan na ito at hindi ako ang naruruon sa katawan ko.
"Ang binibining nais kong pakasalan ay isang yuniko, tutol ang aking mga magulang sa bagay na iyon dahil sa paniniwala nila na hindi makaktulong sa isang hari ang magkaruon ng isang reyna na galing sa yuniko." Sabi ni Pavel dahilan para magsibulongan ang mga tao rito.
"Paano si Siir?"
"Isang Yuniko? kahihiyan ang bagay na iyon."
Nag simulang mag tanong ang mga tao, ramdam ko ang hiyang dumadaloy sa katawan ng reyna at dating hari na nasa tabi ko.
"Karma, yan ang pangalan ng babaeng nais kong makaisang dibdib, pero dahil sa kanyang posisyon sa palasyo ay madaming hindi sangayon sa pag iisang dibdib namin." Sabi ni Pavel, nakatingin lamang ako sa kanya, umaasang sana ay malaman niya na ako ang nasa katawan na ito ngunit malabo.
"Kaya naman sa unang pagkakataon, si Karma ay gagawin kong babae ko habang kasal ako kay Siir." Seryosong sabi ni Pavel dahilan para matahimik ang paligid.
Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak, masakit para sa akin dahil wala siyang kaalam alam sa sitwasyon ko.
"Ahhhhhh!" Sabay sabay kaming napalingon sa sumigaw, lahat ng atensyon ay napukaw ng sigaw na iyon, mula sa gitna nakita namin na nag kakagulo kaya naman may mga kawal na nag tungo doon upang hawiin ang mga tao at ng mabawasan ang mga taong nasa gitna ay kitang kita ko ngayon ang katawang tao ko na walang malay dahilan para mapababa ng trono si Pavel ng di oras at tumakbo patungo sa katawan kong walang malay, nasaan ang kaluluwa ni Alada at Mira?
"Ksara! ngayon na!" napatingin ako sa sumigaw at nakita si tanda na nakaalalay sa katawan kong walang malay.