Dahil sa sigaw ni Cynrad, nagkaruon ako ng lakas para iwan at lumabas sa katawan ni Siir, dali dali akong lumapit sa aking katawan na ngayon ay karga karga ni Pavel habang bakas sa kanyang mukha ang pag aalala.
Narinig ko na sumigaw ang reyna at nakita ko na sinalo ng dating hari ang katawang tao ni Siir ng ako ay umalis doon, nakita ko na inalalayan nila ito at inihiga sa mahabang upuan.
"Karma... Karma anong nangyare?" Tanong ni Pavel habang karga ang katawan ko, umupo ako sa tabi niya saka ngumiti.
"Babalik na ako sa katawan ko." Sabi ko habang nakangiti kay Pavel na hindi ako nakikita ngayon, hinawakan ko ang katawang tao ko saka nag focus at sinubukang pumasok sa katawan ko, pero ilang minuto ang nakakalipas ay hindi ako tinatanggap ng katawan ko, kaya naman minulat ko ang aking mga mata saka tumingin sa katawan ko na karga karga ni Pavel.
"Tawagin niyo ang mga manggagamot!" Sigaw ni Pavel dahilan para mas lalong mataranta ang nasa paligid.
"Anong nagyayare? b-bakit hindi ako makabalik sa katawan ko?" Tanong ko saka muling sinubukang bumalik sa katawang tao ko pero gaya ng nauna ay hindi parin ako tinatanggap ng katawan ko, agad na dumaloy ang kaba sa aking dibdib dahil sa biglaang hindi pag tanggap ng katawan ko saa kaluluwa ko.
"Anong nangyayare?" Mangiyak ngiyak na tanong ko saka muling sinubukang bumalik sa katawan ko pero wala paring nangyayare.
"Ksara..."Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko, mula sa likod ko nakita ko sila tanda at Cynrad na nakatingin sa akin saka tumingin sa katawang tao ko.
"Anong nangyayare?" Tanong ko pero hindi sila sumagot, maya maya pa ay nahawi ang mga taong nakapaligid sa amin dahil sa biglaang pagdating ng mga mang gagamot.
Pinanuod kong ihiga nila ang aking katawan sa malamig na sahig habang si Pavel naman ay nararamdaman ko ang takot na nananalaytay sa kanya.
"Anong nangyayare? bakit ayaw akong tanggapin ng aking katawan?" Tanong ko kila Cynrad at Tanda.
"Subukan mo ulit Ksara." sabi ni Cynrad kaya tumango ako saka lumapit sa katawang tao ko at muling sinubukang pumasok sa loob pero wala paring nangyare.
"Ano? bakit kayo tumigil?!" Sigaw ni Pavel sa mga manggagamot ng tumigil sila sa ginagawa nila.
Halos lahat ng bisita ay nanunuod lamang sa kung ano ang nangyayare, lahat sila ay walang kaalam alam sa nangyayare, tahimik ang paligid at tanging ang munting hikbi ni Pavel ang naririnig.
"M-Mahal na hari..."Kinakabahang tawag ng isang manggagamot kay Pavel bago ito tumingin kay Pavel.
"W-wala na po siya." Mas dumoble ang katahimikan ng marinig namin ang sinabi ng mangagamot.
"Anong sinasabi mo? nandito ako." Sabi ko. Muli ko ulit sinubukang pumasok sa aking katawan pero wala paring nangyayare.
"A-anong sinasabi mo?"Kunot nuong tanong ni Pavel sa manggagamot na nag sabi noon sa kanya.
"W-Wala na po ang pulso niya." Kabadong sabi ng manggagamot.
"Imposible.."Mahinang sabi ni Pavel saka sunod sunod na pumatak ang luha niya.
"Imposible yang sinasabi mo.... PAGALINGIN NIYO SIYA ANO BA HINDI BA'T MGA MANGGAGAMOT KAYO?!"sigaw ni Pavel sa kanila.
"P-Patawad." Sabay sabay na sabi ng mga manggagamot dahilan para mapaupo ako sa kinatatayuan ko.
"Imposible.."Rinig kong sabi ni Pavel saka niyakap ang katawang tao ko.
"Karma... Karma gumising ka.. Karma.." Umiiyak na sabi ni Pavel habang yakap ang katawang tao ko, naramdaman ko ang pag tulo ng luha ko habang pinapanuod si Pavel na gisingin ang katawang tao ko na wala ng buhay.
"P-Pavel nandito ako.."Umiiyak kong sabi habang nakatingin sa kanya.
"Pavel.."Muling tawag ko kahit na alam kong hindi niya ako maririnig.
"Ksara, bumalik ka muna sa katawan ni Siir." Dinig kong bulong ni Cynrad na ngayon ay nasa tabi ko.
Wala akong lakas para mag tungo sa katawan ni Siir, nanlulumo ako dahil wala na ang katawang tao ko, madaming mga bagay ang tumatakbo sa isip ko gaya na lamang ng ano na lamang ang mangyayare sa akin ngayong wala na ang katawang tao ko?
"Ksara, bumalik ka na muna sa katawan na iyon." Muling bulong ni Cynrad kaya naman buong lakas akong tumayo at nag lakad patungo sa katawan ni Siir na pinapaypayan ng reyna at inaalalayan ng ilang mga manggagamot.
"Ano bang nangyayare?" Dinig kong tanong ng reyna habang patuloy sa pag papaypay sa katawan ni Siir, muli akong pumasok sa katawan ni Siir at muling minulat ang aking mga mata, napatingin sa akin ang mga taong malapit sa akin ng umupo ako.
"Siir iha, ayos ka lang ba?" Tanong ng reyna ngunit hindi ko siya pinansin, sa halip ay agad akong tumayo at nagtungo sa tabi ni Pavel na umiiyak habang yakap yakap ang katawang tao ko.
"Karma... mahal ko... imulat mo ang iyong mga mata pakiusap." Umiiyak na sabi ni Pavel habang yakap yakap ang katawang tao ko, nakita ko na tumingin sa akin si Cynrad at tanda pero hindi ko sila pinansin sa halip ay umupo ako sa tabi ni Pavel at niyakap siya.
Dama ko ang lungkot sa kanyang katawan habang yakap yakap siya, wala siyang pakealam kung yakap ko sya, tumulo ang luha ko habang nakayakap kay Pavel na walang tigil sa pag iyak habang hawak hawak ang katawang tao ko.
Masaya ako sa pagkat muli ko na siyang nayakap, sa pagkat muli akong naging malapit ng ganito sa kanya, ngunit malungkot ako sa pagkat nakikita ko siyang malungkot at nasira ang dapat ay magandang araw niya, nasira ang selebrasyon ng pagka hari niya, at nalulungkot ako sa pagkat wala siyang kaalam alam na naririto ako.
"Karma.." Tawag niyang muli sa tunay na pangalan ko.
"Tahan na.."Bulong ko habang yakap siya. "Huwag ka ng umiyak... naririto lamang ako... hindi kita iniwan." Bulong ko dahilan para matigilan siya at dahan dahang mapatingin sa akin, patuloy lang ang pag agus ng luha ko habang nakatingin sa kanyang mga mata na nakatitig sa akin, hinawakan ko ang pisngi niya at pinunasan ang kanyang luha.
"Mahal na hari.." napukaw ang atensyon niya ng magsalita ang ilang kawal na kakarating lamang.
"Paumanhin ngunit kailangan na namin dalhin ang katawan niya sa ligtas na lugar." Sabi ng kawal habang naka luhod sa harap ni Pavel, umayos ako ng upo at pinunasan ang luhang tumulo mula sa aking mga mata.
Narinig ko ang pag anunsyo ni Bael na tapos na ang kasiyahan at maaari ng umuwi ang mga bisita, tinulongan siya ni babaeng banal na mag pauwi ng bisita habang si Cynrad naman ay kinakausap ang dating hari at reyna na walang kaalam alam sa mga nangyayare, iniangat ko ang tingin ko ng tumayo si Pavel.
Walang emosyon ang kanyang mga mata at mukha habang nakatingin sa mga kawal.
"Pakiingatan." malamig na sabi ni Pavel saka muling tumingin sa akin, nag iwas ako ng tingin saka tumayo.
"Siir iha." Lumapit sa akin si Tanda. Laking pasalamat ko ng gawin niya iyon dahil hindi ko alam ang gagawin ko dahil sa mga titig ni Pavel sa akin.
"Tara na sa silid mo iha, sasamahan na kita." Sabi ni tanda kaya tumango ak at muling lumingon kay Pavel na nakatingin sa akin, nakita ko na nilapitan siya ng bagong yuniko niya at kinakausap pero nanatili sa akin ang kanyang paningin.
"Ksara... mag uusap tayo." bulong ni tanda kaya naman umiwas na ako ng tingin kay Pavel saka sumama kay Tanda patungo sa silid ni Siir.