Chapter 21: Luksa

1308 Words
Huminga ako ng malalim bago pumasok sa isang malaking kwarto kung saan nakalagay ang labi ng katawang tao ko, tahimik ang paligid, walang taong naririto, tanging ang katawang tao ko lamang ang naririto kasama ang ilang katawan ng mga kawal na namayapa. Tumingin ako sa kasama ko, nakatitig rin sila sa aking katawan bago sila tumingin sa akin.  "Subukan mo ulit Ksara." sabi ni tanda, tumango ako saka lumabas sa katawan ni Siir na agad na sinalo ni Cynrad ng mawalan ito ng malay, muli kong hinawakan ang katawang tao ko na nasa harap ko saka nag focus upang makapasok sa loob, pero gaya lamang ng nangyare kanin ay hindi ako tinatanggap ng katawan ko. Tumingin ako sa dalawang kasama ko saka umiling. "Ayaw talaga." Bulong ko, huminga ng malalim si tanda saka sumenyas na bumalik na ako sa katawan ni Siir kaya naman agad ko itong ginawa, kanina matapos ang nangyari sa hardin ay dinala ako nila tanda sa silid ni Siir at doon nila ako kinausap, nag tanong siya kung bakit naririto ako sa katawan ni Siir, bagay na pinaliwanag ko sa kanila. Agad naman syang naniwala sa aking sinabi. Pinaliwanag ko sa kanya na matagal ng patay si Siir, at tanging ang kaluluwa lamang ni Mira ang nag papabuhay sa katawang ito, bagay na ipinasa sa akin ni Mira upang ako naman ang makagamit sa katawang ito. Sinabi ko rin ang tungkol sa kasunduan na naganap sa pagitan nila Mira at Siir noon, maging ang kasunduan namin ni Mira at ang plano namin ni Mira. Lahat ay sinabi ko kay Tanda, hindi ko alam kung nasaan ngayon si Alada at Mira, ngunit sigurado ako na ginagawa na ni Mira ang balak niya. "Ayon sa mga manggagamot, lason ang kinamatay ng katawang tao mo." Sabi ni tanda kaya tumingin ako sa kanya. "Mawawala narin ba ako?" Tanong ko, Umiling si tanda habang nakatingin sa akin. "Anong mangyayare sa akin?" Tanong ko. Natatakot ako na baka mawala na lamang ako ng hindi nalalaman ni Pavel ang tunay na nangyare sa akin. "Hindi ka mawawala Ksara." Sabi ni tanda saka huminga ng malalim. "Katawang tao mo lamang ang namatay, hindi ang kaluluwa mo at diwa." Dagdag niya, tumabi si Cynrad sa akin. "Ibig sabihin... buhay pa si Ksara pero isa na lamang siyang kaluluwa?" Tanong ni Cynrad. "Parang ganon." Sagot ni tanda. "Hanggat hindi namamatay ang diwa ng isang demonyo hindi rin mamamatay ang kaluluwa nito." Dagdag ni tanda, napatingin ako sa katawang tao ko. "Sa paanong paraan nalason ang katawang tao ko?" Tanong ko. "May isang ideya na bumubuo sa aking utak, posibleng sinadya ng sumanib sa katawan mo na uminom ng lason." Sabi ni Cynrad kaya napatingin ako sa kanya.  Bigla ko rin naisip na pwede nga iyong mangyare. Kilala ko si Alada, ayaw niya na may ibang masaya maliban sa kanya. "Lolo Gabriel, hindi ba't patay na ang katawan ni Siir? bakit sa katawan ni Siir nakakasanib si Ksara? bakit sa katawan niyang tao na namatay na rin ay hindi siya makasanib?" Tanong ni Cynrad bagay na pinag tataka ko rin. Tumingin ako kay Tanda na nakatingin sa katawan ko at malalim ang iniisip. Nanalaytay ang katahimikan sa pagitan namin. "Siguro dahil sa kasunduan na ginawa ni Mira at Siir noon." Sagot ni tanda. "Hindi ba't nasabi mo na nakipag sundo si Siir kay Mira noon kapalit ang katawan nya? posibleng yun ang nagiging dahilan kaya nagagamit ni Ksara ngayon ang katawan ni Siir, na kahit patay na ito ay nagkakaruon muli ng buhay kapag may isang kaluluwa na sumanib." Paliwanag ni Tanda. "Kung ganon... hindi ko na talaga magagamit ang katawang tao ko?" Tanong ko, huminga ng malalim si Cynrad at biglang hinawakan ang kaliwang kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kanya.  "Kailangan na lamang natin tanggapin ang bagay na iyon." Sabi ni Cynrad saka tumingin sa akin, tumingin ako sa kanyang mga mata na nakatitig sa akin, naputol lamang ang pagtitinginan namin ng makarinig kami ng pag bukas ng pinto ng silid kung saan naruruon kami, sabay sabay kaming tatlong napalingon sa nagbukas ng pinto at mula sa kinatatayun ko ay nakita ko si Pavel na natigilan habang nakatingin sa aming tatlo. Bigla siyang napatingin sa kamay namin ni Cynrad na magkahawak saka umiwas ng tingin dahilan para bawiin ko ang kamay ko mula sa pag kakahawak ni Cynrad dito. "Pavel.."Agad akong pinigilan ni Cynrad na lumapit kay Pavel, nanatili ang tingin ko kay Pavel na walang emosyong nag lalakad palapit sa katawang tao ko, tila nahati ang puso ko ng lagpasan niya lamang ako, dahan dahang umukit sa aking  mga mata ang lungkot saka lumingon sa kanya na ngayon ay hawak hawak na ang kaliwang kamay ng aking katawang tao. "Anong ginagawa niyo rito?" Malamig niyang tanong habang nakatitig sa katawang tao ko. "Kamahalan." Tawag ni tanda saka lumapit kay Pavel. "Ikinalulungkot namin ang nangyare kay Ksara."  Sabi ni Tanda kaya napatingin si Pavel kay tanda, isang tingin na nangingilatis.  "Hindi ko alam kung totoo ba ang nararamdaman mong lungkot." Malamig na sabi ni Pavel kay tanda dahilan para matigilan si Tanda. "Pavel.."nag babantang tawag ni Cynrad kay Pavel. Lumingon si Pavel kay Cynrad na nasa tabi ko, nag tama pa ang aming mga paningin bago siya mag salita. "Nakakaramdam ba talaga kayo ng lungkot?" Tanong niya kay Cynrad, biglang tumahimik ang silid, gusto kong punasan ang luhang tumulo sa kanyang mga mata ngayon lamang. "Kase ako hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko."Sabi niya saka tumingin sa katawang tao ko, agad na namuo ang luha ko habang nakatingin sa kanya. "Pakiramdam ko buhay pa si Ksara... pakiramdam ko buhay pa si Karma pero habang nakatingin ako sa kanyang katawan nawawalan ako ng pagasa na baka isa lamang itong masamang panaginip." Malungkot niyang sabi. "Nakakaramdam ba talaga kayo ng pighati ngayon?" Tanong ni Pavel sa dalawa habang nanatili ang kanyang tingin sa aking katawan.  "Kasi ako.... hindi ko alam." biglang pumiyok ang kanyang boses habang sinasabi yun. "Gusto kong maniwala sa pakiramdam ko pero nawawalan ako ang pagasa dahil sa nakikita kong reyalidad." Sabi ni Pavel, tumulo ang luha ko dahil sa sinabi niya. Pavel buhay pa ako, naririto lamang ako sa likod mo, gusto ko sanang sabihin yan ngunit hindi ko kaya, wala akong lakas para sabihin yun dahil alam ko naman na mahirap paniwalaan ang bagay na iyon. "Iho, kailangan nating tanggapin ang katotohanan, sigurado ako na kapag nakikita at naririnig ka ni Ksara ngayon ay malulungkot siya." Sabi ni tanda, napatingin siya sa akin habang sinasabi niya ang mga bagay na iyon. "Ang tagal ko siyang hinintay." Malungkot niyang sabi. "Ngayon mukhang mauulit na naman ang lahat, mukhang hahanapin ko na naman siya." Malungkot niyang sabi, lumapit si tanda kay Pavel saka niya ito niyakap. "Napapagod na ako..."Makahulogan niyang sabi kaya mas lalong tumulo ang luha ko.  "Gusto ko na rin mag pahinga." Tila winasak ang puso ko dahil sa binitawan niyang salita.  "Gusto ko na mag pahinga sa tabi nya." Umiiyak niyang sabi habang yakap yakap sya ni tanda, napatakip ako ng bibig para pigilan ang pag hikbi ko. Hindi ko kaya na nakikita ko siyang ganito kalungkot. "Ilang daang taon ko na siyang hinihintay."Umiiyak na sabi ni Pavel kay tanda, hindi nag sasalita si Tanda, tanging pakikinig lamang ngayon ang kanyang ginagawa habang yakap yakap si Pavel. "Kung maibabalik ko lang ang panahon.... kung kaya ko lang bumalik sa nakaraan... hindi na ako makikipag kasundo sa demonyo... hindi ko na sana ginawa yun para hindi na siya nahihirapan." sabi niya kaya napailing ako, alam ko na sinisisi niya na naman ang sarili niya ngayon. "Pang ilang kamatayan na ito ni Karma na nasasaksihan ko." parang batang sabi ni Pavel habang umiiyak sa bisig ni tanda. "Tahan na... malungkot rin si Ksara ngayon." Sabi ni tanda at inalo si Pavel na patuloy parin sa pag iyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD