"Ang tagal ko siyang hinintay."
"Ngayon mukhang mauulit na naman ang lahat, mukhang hahanapin ko na naman siya."
Umihip ang malamig na hangin, tahimik ang paligid at tanging ang tubig lamang sa sapa ang nagbibigay ingay sa paligid. Naririto ako ngayon sa sapa, sa labas ng kaharian ng winsoul, dito ako dinala ng mga paa ko kanina, pumarito muna ako para makapagisip ng ilang bagay, para magpahangin at para ilabas ang lungkot na nararamdaman ko.
"Napapagod na ako..."
Ako rin Pavel, pagod na pagod na.
Tumulo ang luha ko habang nakatingin sa kawalan, muling umihip ang malamig na hangin.
"Gusto ko na rin mag pahinga."
Gusto ko na rin magpahinga Pavel, gusto ko na rin magpahinga sa kapayapaan.
"Gusto ko na mag pahinga sa tabi nya."
"Ilang daang taon ko na siyang hinihintay."
Ilang daang taon ko na hinihiling na makasama ka Pavel, ilang daang taon ko na pinapangarap na makasama ka at mamuhay ng payapa.
"Kung maibabalik ko lang ang panahon.... kung kaya ko lang bumalik sa nakaraan... hindi na ako makikipag kasundo sa demonyo... hindi ko na sana ginawa yun para hindi na siya nahihirapan."
Napapikit ako sa muling pagihip ng hangin, hindi ko alam kung ano ang mangyayare sa akin ngayong wala na ang katawang tao ko, patay na ang katawang tao ko pero ang diwa't kaluluwa ko ay buhay parin.
"Pang ilang kamatayan na ito ni Karma na nasasaksihan ko."
Kitang kita ko kung paano bumagsak ang katawan ni Karma kay Pavel na nanlalaki din ang mga mata. Muling tumulo ang mga luha ko dahil sa madilim na sinapit ni Karma.
Dahan dahang hinawakan ni Pavel ang mukha ni Karma habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata. "K-Karma..." Mahinang tawag ni Pavel sa babaeng hawak hawak niya, napa takip ako sa aking bibig ng makita ko kung paano kunin ni Alada ang kaluluwa ni Karma sa harap mismo ni Pavel.
Biglang sumagi sa aking isip ang nakita ko sa aking nakaraan, mga nakaraan na wala akong natatandaan, mga nakaraan na tanging si Pavel lamang ang nakakaalam at nakakasaksi, mga nakaraan na paulit ulit akong namamatay sa harap ni Pavel.
Nasa harap ako ng umiiyak na Pavel habang yakap yakap ang duguang katawan ng batang Karma. Napatingin ako sa paligid at nakita ang mga taong naka tingin kay Pavel.
"Tumawag kayo ng tulong pakiusap! habulin niyo ang naka sagasa kay Karma!" Umiiyak na sabi ni Pavel ngunit wala ni isa ang naka galaw o kumilos na tao dahilan para maiyukom ko ang palad ko.
"TUMAWAG KAYO NG TULONG ANO BA?!" sigaw ko pero walang nakakarinig sa akin, napatingin ako kay Pavel na umiiyak.
"Ano nga ulit ang pangalan mo?" Tanong ng matanda kay Pavel.
"Pavel, Pavel ang pangalan ko." Sabi ni Pavel sa matanda, ngumiti ang matanda kay Pavel. "Ako si...nakalimutan ko ang pangalan ko." Sabi ng matanda kay pavel, natawa si Pavel at hinawakan ang kamay ng matanda.
"Karma, ikaw si Karma." Naka ngiting sabi ni Pavel kaya napatingin ako sa matandang kaharap niya, napa awang ang bibig ko ng makita ko ang kaluluwang nasa loob ng katawan ng matanda. Ang pangatlong Karma.
Gaya ng nauna, pinanuod ko muli si Pavel na alagaan at patawanin ang matanda, hanggang sa dumating ang araw na mamamaalam na naman si Karma, dala ng katandaan ay nanghina na ang katawan ng matandang Karma, habang si Pavel naman ay walang nag babago sa itsura. Hindi siya tumatanda. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa aking mata ng makita ko kung paano muling yakapin ni Pavel ang wala ng buhay na katawan ng Pangatlong Karma.
"Ako si Pavel." Sabi ni Pavel sa babaeng kaharap niya, ngumiti ang prensesa sa kanya saka nilahad ang kamay nito.
"Ako si Prinsesa Hasmin, salamat sa pag ligtas mo sa akin." Naka ngiting sabi nito kay Pavel.
" Walang ano 'man Karma."
"KARMA!" napalingon ako sa likod ko ng marinig ko ang sigaw ni Pavel, Napa lunok ako ng makita ko si Pavel na tumatakbo palapit sa duguang katawan ni Hasmin, may suot suot itong mga kalasag at may hawak na spada, napatingin ako sa paligid, magulo ang palasyo at sira sira na ang mga pader nito, nag kalat din ang mga patay na bangkay sa paligid.
"Karma! Karma imulat mo ang mata mo pakiusap! Karma! wag mo akong iwan!" Napatingin ako kay Pavel na umiiyak habang hawak hawak ang katawan ni Hasmin. Tumaas ang balahibo ko habang naka tingin sa dalawa.
"Karma pakiusap, wag mo ako iwan ulit, paki usap imulat mo ang mga mata mo." Napa upo ako habang naka tingin sa dalawa.
"Karma, pakiusap, Karma...KARMA!" umiiyak na sigaw ni Pavel habang yakap yakap ang patay na katawan ni Hasmin.
"Ksara." Napalingon ako sa tumawag sa akin, si Tanda. Seryoso ang kanyang awra habang nakatingin sa akin. "Anong ginagawa mo rito? Kanina ka pa namin hinahanap?" Tanong niya, ngumiti ako ng malungkot saka tumingin sa sapa.
"Nag lalabas ng sama ng loob." Sabi ko saka, naramdaman ko na lumapit siya sa akin saka huminga ng malalim ng nasa tabi ko na siya.
"Nakaburol na ang katawang tao mo sa palasyo." Sabi niya, hindi ako sumagot sa halip ay bigla na lamang tumulo ang luha ko.
Nagkaruon ng mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Anong... anong sa tingin mo ang mangyayare sa akin tanda?" Tanong ko habang nakatingin sa sapa. Naramdaman ko na lumingon siya sa akin.
"Ako ang... ako ang panghuling Karma na hinihintay ni Pavel." Sabi ko habang nanatiling nakatingin sa sapa. "Noong nakita ko ang nakaraan ko saka ko lamang naintindihan ang sakit na nararamdaman ni Pavel sa tuwing mamamatay ako sa harap niya." Kwento ko.
Nanatili siyang tahimik.
"Nakita ko kung paano niya ako hanapin at kung paano niya sisihin ang sarili niya sa tuwing namamatay ako." Sabi ko saka pinunasan ang luhang tumulo sa aking mga mata. Hindi ko ata kaya na makita ako ni Tanda na umiiyak ngayon.
"Ilang minuto bago magbagong taon sinusulat niya sa kanyang palad ang pangalan ko ng sa ganon pag mulat niya ng kanyang mga mata ay maaalala niya parin ako." Sabi ko saka napalunok.
"Ngayon naaalala na ni Pavel ang lahat.. binalik ni Alada ang mga ala-ala niya simula sa unang Ksara hanggang sa huling Ksara na nakasama niya bago ako, nararamdaman ko sa kanyang katawan ang lungkot at pagod, ang sakit at pighati, gusto kong... gusto kong alisin yun sa katawan niya." Sabi ko.
"Huwag kang mawalan ng pagasa Ksara." Sabi ni tanda kaya napalingon ako sa kanya, ngumiti sya sa akin saka tumingin sa sapa.
"Ang ang tunay na pag mamahal galing sa puso ng isang tao ay hindi mawawala, makikilala niya kung sino ka kahit nasa ibang katawan ka." Sabi ni Tanda, nanatili akong nakatingin sa kanya.
"Ikaw ang huling Karma hindi ba?"Tanong niya saka tumingin sa akin.
"Iparamdam mo sa kanya ang pagmamahal mo habang naririto ka pa, habang nasa katawan ka pa ni Siir, habang buhay pa ang diwa mo. Huwag kang sumuko hanggang sa makilala ka niya bilang si Karma na nasa katawan ni Siir." Sabi niya. Ngumiti siya sa akin saka muling tumingin sa harap.
"Huwag mo sasabihin sa kanya na ikaw si Karma, hayaan mo na siya ang makatuklas noon kagaya ng kung paano ka niya nahahanap noon." Sabi niya. Tumingin ako sa harap saka huminga ng malalim.
"Kaunting panahon na lang din ang natitira sa akin." Sabi ko, napangiti ako ng mapait, tama si Tanda, kahit na nasa ibang katawan ako kailangan kong iparamdam kay Pavel na mahal ko siya hanggang sa mapagtanto niya na ako si Karma.
"May kahilingan ako sayo tanda." Sabi ko saka tumingin sa kanya na napatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya saka huminga ng malalim.
Wala akong oras na dapat sayangin bago pa mahuli ang lahat para sa amin.