Chapter 23: Lamay

1301 Words
Huminga ako ng malalim bago nag patuloy sa paglalakad palapit kay Pavel na nakatalikod sa gawi ko at nakaharap sa nakaburol kong katawang tao, sa gilid nito ang mga magagarang bulaklak at mga sariwang bulaklak, sa kaliwang banda nakalagay ang pangalan na Karma. Tahimik lamang ang silid kung saan pinili ni Pavel na iburol ang katawang tao ko, siya lamang ang nag iisang naririto. "Pavel." Tawag ko, hindi sya lumingon sa akin, lumapit ako sa tabi niya saka pinagmasdan ang katawang tao ko. Nakasuot na ito ng puting magarang damit at may bulaklak na korona sa ulo, lumingon ako kay Pavel na nakatingin lang sa katawang tao ko. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya habang nakatingin sa katawang tao ko, hindi ako sumagot sa halip ay pinunasan ko ang tumulong luha mula sa kanyang mga mata, natigilan siya sa ginawa ko at napalingon sa akin, ngumiti lang ako ng malumanay saka muling binalik ang aking paningin sa aking katawang tao. "Kinalulungkot ko ang nangyare sa kanya." Sabi ko, nanatili siyang tahimik at ramdam ko parin ang titig niya sa akin. "Hindi maganda kung papabayaan mo ang sarili mo." Sabi ko, ramdam na ramdam ko parin ang pagtitig niya sa akin. "Sigurado ako na malulungkot si Ksara kung ganyan ang inaakto mo, ayaw niya na makikita kang malungkot ng dahil sa kanya." Sabi ko saka tumingin sa kanya, bumilis ang t***k ng puso ko ng mag tama ang paningin naming dalawa. "Paano mo nasabi na ayaw niyang nakikita akong malungkot, ganon na ba kayo kalapit sa isa't isa?" Tanong niya kaya natigilan ako. "Sa huling pagkakatanda ko ay ni minsan hindi pa kayo nag uusap." Dagdag niya habang nakatingin sa akin ng seryoso. Umiwas ako ng tingin saka huminga ng malalim. "Commonsense na yon." Sabi ko saka tumingin sa kanya ng seryoso.  "Kaming mga kababaihan, ayaw naming nakikita na malungkot ang mga mahal namin, ayaw namin na kami ang nagiging dahilan kung bakit sila nagiging malungkot." Sabi ko. Tumango siya saka umiwas ng tingin, muli niyang tinignan ang katawang tao ko saka huminga ng malalim.  "Hindi mo naiintidihan.... wala ka sa posisyon ko, hindi mo alam ang sakit." Sabi niya, naiyukom ko ang palad ko dahil sa sinabi niya, akmang mag sasalita na ako para sana sabihin na alam ko ang pakiramdam niya pero mas pinili ko na lamang tumahimik, ayokong lumaki pa ang gulo, ayokong pagsalitaan siya. "Sabagay..."Yan nalang ang nasabi ko, nagkaruon ng mahabang katahimikan sa pagitan namin, iniisip ko kung ano ba ang pwede ko pang sabihin sa kanya, hindi ko alam kung paano siya pasayahin sa simpleng bagay. "Oi Yuniko! halika dito bilis!" Tawag sa akin ng prinsepe ng makita niya ako, hindi arin nawawala sa labi niya ang ngiti habang naka tingin sa mga halaman, lumapit ako sa kanya at pinag masdan ang mga halaman. Wala namang kakaibang bagay sa mga ito para maging masaya ang isang nilalang, tumingin ako sa prinsepe. Ang babaw ng kaligayahan ng lalaking ito. "Tignan mo ito bilis, mamumulaklak na siya." Sabi niya habang naka tingin sa isang bulaklak. Ano namang gagawin ko kung namulaklak yan? Pag ako hindi nakapag timpi, dudurugin ko ang halaman na iyan hanggang sa mabuhol ang ugat. "Ang ganda na ng mga tanim ko." Sabi niya at tinignan ang mga halamang naka tanim sa paligid. Sa hindi ko alam na dahilan, bigla ko na lamang naalala ang mga tanim ni Pavel, napangiti ako saka napatingin kay Pavel. "Nadiligan mo na ba ang mga halaman mo?" Tanong ko sa kanya, tanda ko na araw araw tuwing umaga nakikita ko siyang dinidiligan ang mga tanim niya at kinakausap ang mga ito na para bang tao. Bigla siyang natigilan at napalingon sa akin, nakita ko ang kunot niyang nuo habang nakatingin sa akin, bigla akong natigilan ng mapagtanto ko ang tanong ko, bakit ko tinanong ang bagay na iyon? Tuwing umaga bago kami lumabas noon sa winsoul para hanapin si tanda ay lagi kong tinatanong kung nadiligan niya na ba ang mga halaman niya. "Paano mo nalamang may mga halaman ako?" Tanong ni Pavel na nakatingin sa akin. Tumingin ako saa mga mata niya saglit saka ngumiti. "Nasabi sa akin ng reyna na may mga halaman ka at lagi mo itong dinidiligan tuwing umaga, saka kinakausap na parang tao." Nakita ko ang pamumuo ng luha ni Pavel kaya naalarma ako. "B-bakit.. may nasabi ba akong hindi maganda?" Tanong ko ng makita ko ang pag bagsak ng kanyang mga luha. "Si Ksara lang ang may alam ng tungkol sa aking mga halaman." Sabi niya kaya napahinto ako at napalunok. "Hindi alam ng aking mga magulang ang tungkol sa mga halaman ko dahil nasa tagong lugar ang mga ito.... kaya sa paanong paraan nasabi sayo ng aking ina ang tungkol sa bagay na wala naman syang alam?" Tanong niya habang pumapatak ang kanyang mga luha sa kanyang mata.  Sa mga oras na ito, hindi ko alam ang sasabihin ko kaya naman tumalikod na ako s kanya saka napalunok. "May pupuntahan pa pala ako, paalam."Sabi ko saka akmang mag lalakad na palayo sa kanya ng hawakan niya ang kaliwang kamay ko dahilan para bumilis ang t***k ng puso ko at makita ang ilang mga nagyare sa nakaraan kong buhay. Namuo ang luha ko dahil gaya ng dati, kapag nag didikit ang aming mga balat ay may nakikita akong mga bagay na naganap sa nakaraan. "Karma.."Banggit niya sa tunay kong pangalan, nanatili akong nakatalikod sa kanya habang hawak hawak niya ang aking kamay. "Si Karma lamang ang nakakaalam sa bagay na iyon." Tila nawasak ang puso ko, hindi niya sinabi kung may nakita din siyang mga imahe ngayong hawak niya ang kamay ko. Ibig bang sabihin noon ay wala siyang nakita, natawa ako saka humarap sa kanya na may pekeng ngiti, kinuha ko mula sa pag kakahawak niya ang aking kamay. "Siguro nag kataon lang na alam ko rin ang bagay na iyon." Sabi ko, nakita ko ang mga titig niya na may kakaibang kahulogan, yumuko ako bilang pag bibigay galang sa kanya. "May pupuntahan pa ako, kamahalan." Sabi ko saka tumalikod mula sa kanya. Agad na tumulo ang luha ko habang nag lalakad palabas sa silid kung saan kami ngayon naruruon, akmang bubuksan ko na ang pinto ng silid ng kusa itong bumukas at niluwa noon si babaeng banal na maga ang mata at wala sa sariling pumasok sa silid, ng lagpasan niya ako ay narinig ko pa ang pag bulong niya sa pangalan ko habang nakatingin sa katawang tao ko. "K-Ksara...."Malungkot niyang tawag sa pangalan ko ng makarating siya sa gawi ni Pavel, sinundan ko ng tingin si babaeng banal at nakita ko kung paano niya yakapin ang katawang tao ko habang umiiyak, mula sa kinatatayuan ko ay damang dama ko ang lungkot na dumadaloy sa kanyang katawan. "K-Ksara... gumising ka jan... bumangon ka... may... may gagawin pa tayo." Umiiyak niyang sabi habang yakap yakap ang katawan ko, napaiwas ako ng tingin saka muling tumalikod, akmang mag lalakad na ako ng muling magsalita si Babaeng banal. "A-Ang sabi mo kapag nawala ka makakalimutan ka naming lahat at babalik ang sumpa... bakit... bakit naaalala ka pa namin ngayong wala ka ng buhay?" Umiiyak niyang sabi dahilan para mag tangis ang bagang ko.  "H-Hindi ako naniniwalang patay ka na..... kaya gumising ka." Sabi nito, agad na tumulo ang luha ko, muli akong humakbang palabas sa silid ng makasalubong ko naman si Bael na maga rin ang mga mata at papasok sa silid kung saan ako lalabas, hindi niya ako pinansin, sa halip ay nag tungo rin siya sa gawi kung saan naruruon ang katawang tao ko. "Ksara.."Malungkot na tawag ni Bael sa aking pangalan, naiyukom ko ang aking palad dahil sa mga nararamdaman kong lungkot na dumadaloy sa kanilang mga katawan. Hindi ko inaasahan na ganito ang kanilang mararamdaman sa oras na nawala ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD