"Yuniko! buti nalang nandito ka n--sino ka?" Bungad sa akin ng isang lalaki na kasing tangkad ko, may itim na mahabang buhok na hanggang balikat niya, singkit na mata, matangos na ilong at pulang labi.
Napangisi ako sa loob loob ko. Ang isang ito, matalino pero manloloko ang mga magulang, ang tanging kasalanan na naamoy ko sa kanya ay pagkainggit.
"Nasan ang dating yuniko?" Tanong ulit nito.
"Ksara ang pangalan ko, ang pinsan ko umalis na at ako ang pumalit bilang bagong yuniko ng mahal na prinsepe." Sabi ko, mula sa likod niya ay sumilip ang isa pang lalaki na medyo singkit din ang mata, sakto lang ang haba ng buhok at mas malaki sa amin unti.
"Isa kang babae, hindi ba dapat lalaki ang yuniko ng kamahalan?" Tanong nito sa lalaking nasa harap ko, tumingin ito sa akin. " Pasok ka ba sa screening ng mahal na hari at reyna?" Tanong nito. Tumango tango ako bilang sagot, kumunot ang nuo nito.
"Himala, kumuha sila ng isang babaeng yuniko." Bulong niya, ang isang ito naman ay may pagka mangmang, ngunit tuso sa pag sisinungaling. Hindi na ako mag tataka kung makikita ko ito sa lugar ko pag oras niya na.
"Sige, pumasok ka na." Sabi ng lalaking kasing tangkad ko, biglang humarang ang lalaking nasa likod nito at pinag masdan ang sungay ko.
"Ang panget ng taste mo sa head band ah." Sabi nito saka tumingin sa mata ko.
"Nasa banyo pa siya, ilapag mo muna ang pagkain niya jan at hintayin siyang lumabas sa banyo niya." Sabi nito at saka ako pina daan, gaya ng sinabi niya, nilapag ko ang pagkain sa isang mesa saka tumingin sa buong kwarto ng prinsepe.
Ang pangit ng kulay, masyadong masakit sa mata. Hindi ba nag sasawa ang mga taong ito sa pag gamit ng mga matitingkad na kulay?
"Hoi, bakit ang kulit mo? tumayo ka lang jan at hintayin ang prinsepe, bakit ka umupo sa kama ng prinsepe?" Tanong ng lalaking kasing tangkad ko.
"Ngayun lang ata siya naka kita ng ganitong kalaking kwarto." Sabi ng isa.
"Hindi rin." Sabi ko kaya kumunot ang nuo nila. "Mas malaki at mas malawak ang kwarto ko kumpara dito." Sabi ko kaya nagulat sila. "Sa sobrang lawak at laki, may lugar pa kayong dalawa don." Sabi ko at ngumiti sa kanila.
Halatang hindi nila na gets ang sinabi ko kaya natawa lang ako.
"Ano bang sinasabi mo? isa ka lang hamak na yuniko kaya imposibleng mas malaki pa sa kwarto ng prinsepe ang kwarto mo." Sabi ng isang lalaki kaya natawa ako saka tumayo at nag lakad para libutin ang paligid.
"Hoi, ang kulit mo ah. Sabing tumayo ka lang." Inis na sabi ng kasing tangkad kong lalaki.
"Mga ilang oras aabutin bago matapos maligo ang prinsepe?' Tanong ko sa kanila.
"Ano bang ingay yan Bael?" Napatingin kami sa nag salita mula sa isang pinto dito sa loob ng kwarto, mula don ay lumabas ang target ko na naka tuwalya ang kalahating katawan habang may mga tumutulo tulo pang mga tubig sa kanyang katawan at basang buhok.
Ang target ko, narito na sa harap ko. Ngayun mag iisip nalang ako kung ano ang unang ituturo ko sa kanya para maging masama siya.
"Sya nga pala yuniko, ito si Bael." Sabi ng prinsepe habang nakaturo ang kamay sa lalaking mas matangkad sa amin ng isang lalaki. Tumaas lang ang kilay nito.
"At ito naman si Cynrad." Sabi niya at tinuro ang lalaking mahaba ang buhok at kasing tangkad ko. "Mga kaibigan ko." Sabi nito at ngumiti sa akin, ngumiti lang ako ng pilit.
"Ang ganda, tignan mo din ito."sabi niya at inangat ang kanang kamay niya, katulad yun ng purselas na sinuot niya sa akin.
Dahan dahang nawala ang kunot sa aking nuo, naka ngiti siya at tumingin sa akin.
"Yan, simbolo yan ng pagkakaibigan natin."sabi niya saka binitawan ang kamay ko.
Napatingin ako sa purselas. Simbolo?
"Simula ngayun, hindi lang yuniko ang turing ko sayo, isa na kitang kaibigan."naka ngiting sabi niya kaya napaangat ako ng tingin sa kanyang mukha na naka ngiti.
Natigilan ako sa sinabi niya, naka tingin lamang ako sa kanya, hindi ma proseso ng aking utak ang sinabi niya. Bumalik siya sa pamimili ng mga bagay sa harap niya.
"Simula ngayun, hindi lang yuniko ang turing ko sayo, isa na kitang kaibigan." Kaibigan.
Natigilan ako at napatingin sa kamay ko kung saan isinuot ni Pavel ang purselas na binigay niya sa akin, simbolo ng pagkakaibigan namin. Wala ito sa kamay ko, muli akong napatingin sa katawang tao ko na iniiyakan nila Bael at babaeng banal.
Naruruon ang purselas, sa paanong paraan ko ito makukuha kung nakabantay si Pavel sa katawang tao ko?
Natigilan ako ng muli kong makita si Bael na niyakap ang katawang tao ko. Muling bumalik sa aking ala-ala ang magagandang pinagsamahan naming dalawa.
"Pinaupo ko siya jan, sabi ko samahan niya ako kumain." Sabi ni Pavel.
"ANO?!"gulat na tanong nila Bael at Cynrad saka sabay na tumingin sa akin, nag kibit balikat lang ako saka tumingi nA sa prinsepe na naka ngiti.
"Bakit siya inaya mo? kami na kaibigan mo hindi? ang unfair!" Iritang sabi ni Bael at tumingin sa akin ng masama.
"Alam niyo kasi, may sarili naman kayong kwarto at pagkain, ang mga yuniko ay laging naka buntot sa aming maharlika at walang permanenteng silid kaya naman niyaya ko siya na kumain dahil alam kong hindi pa siya kumakain." Sabi ni Pavel saka tumingin sa akin.
"Kain na tayo." Sabi niya habang naka ngiti.
"Geh." Sabi ko saka tinitigan siya, kumunot ulit ang nuo ko ng naka ngiti lamang siya sa akin at parang nag aabang.
"Lagyan mo ng pagkain ang plato niya." Inis na bulong sa akin ni Cynrad kaya napatingin ako sa prinsepe na nakatingin sa akin habang naka ngiti.
"Ganon?" Tanong ko.
Ngumiti ako sa prinsepe, bakit ko naman ang sisilbihan ang nilalang na ito?
Kinuha ko ang malapit na pagkain sa akin saka sinimulang kainin, nanlaki ang mata nila Bael at Cynrad habang si Pavel naman ay nawala ang ngiti sa labi.
"Ano bang ginagawa mo?" Iritang tanong ni Bael sa akin. Ngumiti ako sa prinsepe saka pinakita ang kinagatan kong pagkain.
"Masarap ito, try mong kunin at kainin." Sabi ko at muling kumagad, laglag ang panga nila Bael at Cynrad dahil sa sinabi ko.
"K-kunin?" Tanong ni Pavel, mukhang nasanay siya na ang mga yuniko ang nag lalagay ng pagkain niya sa plato niya.
"May kamay ka diba? anong silbe niyan kung di mo gagamitin?" Tanong ko habang naka ngiti dahilan para mas lalong magulat ang tatlo.
Asa siyang pag sisilbihan ko siya. Ako dapat ang pinag sisilbihan at hindi ang mga kagaya niyang mahinang nilalang.
"T-tama nga naman." Utal niyang sabi saka kinuha ang pagkain na malapit sa kanya, napa ngisi ako ng makita ko na hindi siya sanay sa pag kuha.
Bigla rin pumasok sa aking isip ang tungkol sa nakaraan namin ni Bael, nakaraan kung saan kasama ko sila sa una kong buhay.
"Karma, bilisan mo kukuhanan na tayo ng larawan!"
"Teka lang, wala pa naman si Bael eh!"
"Grabe na miss niyo agad ako, si Cynrad inaabangan ko pa saglit lang."
"Tayo muna Karma."
"Eto na papunta na ako!"
"Okay, tingin sa kamera, 1,2,3."
"Patingin kami."
"Ang cute naten dito."
"Ang ganda mo talaga Karma."
"Madaya di nangsasama!"
"Ang bagal niyo kaya."
Mas lalong tumulo ang luha ko ng maalala ko kung gaano kami kasaya noon nong dinala ko sila sa beerhouse.
"Hoi, ubusin mo yan!" Halatang may tama na si Bael, natawa ako sa loob ko at pinag cross ang paa ko.
"Hoy Yuniko, bakit hindi ka umiinom ha?" Tanong ni Cynrad dahilan para mapatingin sa akin ang dalawa.
"Umiinom ako, nakarami na nga ako eh."sabi ko sabay turo sa mga boteng wala ng laman.
Totoong nakarami na ako ng nainom, habang sila, wala pa sa kalahati ay tinamaan na agad sila.
"Ksara ang sabi mo, mag uusap tayo sa kung anong dapat natin gawin."sabi ni Pavel na naka sandal sa balikat ni Bael.
"Hmm, oo nga. Hinintay ko lang na maalala niyo, ayokong masira ang masayang oras nyo kanina."sabi ko saka ngumiti sa kanila.
"Hayst, ang dami mo pang sinasabi, sabihin mo nalang kung ano ang mga rules na ipapatupad mo."sabi ni Cynrad at muling tumagay ng alak.
Pinag cross ko ang aking braso saka sumandal sa upuan ko.
"Una, bawal niyo akong hawakan."sabi ko kaya nag katinginan silang tatlo at sabay na natawa, dahilan para maasar ako sa kanila.
Ano bang nakatatawa sa sinabi ko?
"Hindi ka naman namin hinahawakan eh, si Pavel lang ang humahawak sayo."sabi ni Cynrad.
"Saka bakit naman kita hahawakan? Baka mamaya ay may bacteria ka mahawaan mo pa ako."sabi ni Bael na natatawa. Napa irap ako.
"Basta, malinaw na sa inyo ang unang rule."sabi ko.
"Bakit ba ayaw mo na hinahawakan ka?"tanong naman ni Pavel na nag patigil sa akin.
Bakit nga ba? Syempre dahil may kung ano anong mga larawan ang nakikita ko sa tuwing hahawakan niya ako.
"Sunod na Rule, susundin niyo kung ano ang sasabihin ko."sabi ko, hindi ko sinagot ang tanong ni Pavel.
"May magagawa ba kami sa part na yan eh ikaw ang mas may alam sa bayan."sabi ni Cynrad.
"Pangatlo, kailangan niyong isang tabi ang pagiging maharlika niyong tatlo."sabi ko kaya napatingin sa akin si Bael.
"Bakit naman?"tanong niya.
"Sa palagay mo ba ay ikabubuti niyo pag nalaman nila na galing kayo sa loob ng palasyo? Maaaring mag kagulo at malagay sa panganib ang mga buhay niyo."sabi ko na kinatahimik niya. Napa irap ako.
Dapat pala hindi yun ang sinabi ko, ano bang pake-alam ko kung malagay'man sa panganib ang mga buhay nila? Eh yun nga ang nais ko. Mali ako sa part na yun.
"Pang-apat, iwas iwasan niyo ang pagiging maarte lalo ka na Bael." Sabi ko na kinatawa nila Cynrad at Pavel, masama akong tinignan ni Bael at nag cross arms.
"Hindi nakakaganda sa isang lalaki ang pagiging maarte. Kumilos ka ng naayun sa kilos ng isang tunay na lalaki." Dagdag ko.
"Nakakasakit na ang mga sinasabi mo ah." Sabi niya kaya napa irap ako.
"At pang huli..." Natigilan ako ng wala na akong maisip na ibang rules na pwedeng idagdag.
"Ano naman ang pang huli?" Tanong ni Pavel, napatingin ako sa kanya at muling naalala ang mga nakita ko ng hawakan ko ang larawan na nasa basement.
"Hindi kayo pwedeng.... mahulog sa akin." Sabi ko, sandaling tumahimik ang tatlo at biglang natawa sila Bael at Cynrad habang si Pavel naman ay nakatitig lamang sa akin.
"Seryoso? As if naman magkaka gusto kami sayo eh hindi ikaw ang tipo naming babae." Sabi ni Cynrad.
"Mabuti." Sabi ko saka umirap. "Hindi din naman kayo ang tipo kong lalaki, mga isip bata." Sabi ko saka muling uminom ng alak.
Ano't yun ang lumabas sa aking bibig? Napatingin ako sa gawi ni Pavel na naka pikit na habang naka sandal ang ulo kay Bael.
"Tignan mo itong lalaki na ito, nawalan na ng malay." Sabi ni Bael at tumawa. Hindi ko inalis kay Pavel ang aking titig. Ilang minuto ang lumipas ng sumunod na nakatulog si Cynrad habang si Bael naman ay papikit na ang mga mata.
Nakalimutan kong gawin ang plano kong guluhin ang lugar na ito, masyado akong nawili kakatingin kay Pavel.
"Hoi Yuniko." Mahinang sabi ni Bael at tinuro ako, ngumiti siya saka natawa. "Tungkol sa huling... huling rules mo." Sabi niya at pinatong ang braso sa mesa saka tumawa. "Hinding... hindi ka namin magugustuhan... kahit kailan." Sabi nito sabay nawalan ng malay. Nakatingin lamang ako sa kanilang tatlo.
"Mabuti." Bulong ko saka huminga ng malalim.
Hindi ko inaasahan na.... ganito sila maapektohan kung sakaling nawala ako.