Malakas ang bugso ng ulan, nakikiayon ang kalangitan sa nararamdaman ng mga taong nasa harap ko ngayon at umiiyak habang nakatingin sa katawang tao ko na ilang minuto na lamang ay ililibing na.
Hanggang ngayon ay ramdam ko ang lungkot na nararamdaman ni babaeng banal at Bael lalo na si Pavel na hindi umaalis sa tabi ng katawang tao ko. Huminga ako ng malalim saka tumingin kay Cynrad na may hawak ng payong at pinapayongan ako.
"Masakit para sa akin na makitang umiiyak si Pavel." Bulong ko, tumingin siya sa akin saka ngumiti ng malumanay.
"Ito ang pangalawang beses na makita ko siyang umiiyak." Sabi ni Cynrad kaya tumingin ako sa gawi ni Pavel na labis ang hinagpis habang nakatingin sa katawang tao ko.
"Una ay yong akala naming tatlo ay patay ka na." Sabi ni Cynrad dahilan para maalala ko ang pangyayaring iyon.
Mula dito sa aking kinatatayuan ay nakita ko sila Pavel at Cynrad kaharap ang katawang tao ko na may mga bulaklak sa paligid.
Kumunot ang nuo ko.
"Ano namang ginagawa ng mga engot na iyan?" Tanong ko habang naka tingin sa kanila.
"Parang kahapon lamang ay masaya pa tayong apat." Malungkot na sabi ni Bael habang naka tingin sa aking katawan.
"Biglaan ang nangyare." Sabi naman ni Cynrad, nakita kong lumapit si Pavel sa katawang tao ko at hinawakan ang kamay ko.
"Bakit mo naman kami agad iniwan?" Tanong ni Pavel kaya napa kunot ang nuo ko, iniisip ba nila na patay na ako? Napapikit ako ng maalalang wala ang kaluluwa ko sa katawang iyon kaya malamang titigil ang pag hinga ko at pag t***k ng puso ng katawang iyon.
Akmang mag lalakad na ako palapit sa katawan na iyon ng makita ko ang mga naka paligid na anghel kila Pavel na para bang binabantayan nila ang tatlo maging ang katawang tao ko.
Sabay sabay silang lahat na napatingin sa akin dahilan para titigan ko din sila.
"Isa kang kahihiyan!"
Muli kong naalala ang sinabi sa akin ni ina kanina. Hindi ko maikilos ang katawan ko palapit sa katawang tao ko, nakatitig lamang ako sa mga anghel na nakatingin din sa akin, walang emosyon sa kanilang mukha kaya hindi ko masabi kung may balak silang saktan ako o ano.
"Bumalik ka na saamin.... Ksara." Nabaling ang atensyon ko kay Pavel na umiiyak habang hawak hawak ang kamay ko.
"Yung sinabi mong ipabinyag ang pangalan na iyon... nagawa na namin, kaya bumalik ka na sa amin Ksara, hindi namin alam kung paano kami mag uumpisa kung wala ka." Dinig kong sabi ni Pavel kaya napa ngiti ako, nagawa pala nila ang bilin ko. Ngayun, wala na akong problema sa batang paslit na iyon.
Bigla akong nakaramdam ng lungkot habang nakatingin kay Pavel na pinapayungan ng bagong yuniko niya.
Sumenyas ako kay Cynrad na lalapit ako kay Pavel kaya naman tumango siya at inalalayan akong mag tungo sa tabi ni Pavel.
Ramdam ko ang lungkot kay Pavel ng hawakan ko ang kamay niya, meron na namang mga imahe ang nakita ko ng hawakan ko ang kamay niya, hindi siya lumingon sa akin dahilan para masaktan ako.
"Sigurado akong nalulungkot si Ksara dahil malungkot ka rin." Sabi ko kaya napatingin siya sa akin, dahan dahang bumaba ang titig niya sa kamay kong nakahawak sa kamay niya.
"Tahan na, natatakpan na ng kalungkotan ang mga mata mo." Sabi ko, tumingin siya sa katawang tao ko.
"Lagi niya nalang ako iniiwan." Sabi niya dahilan para masaktan ako sa sinabi niya, biglang nanumbalik sa ala-ala ko ang mga nangyare sa nakaraan, kung paano ko siya iwan ng magisa, kung paano siya naging malungkot.
"Hindi ko... hindi ko natupad ang sinabi ko sa kanya noong kami ay magkasama pa." Malungkot niyang sabi, tumingin ako sa katawang tao ko habang nakikinig sa sinasabi ni Pavel.
"Ang sabi ko liligawan ko siya ng pormal kapag nakauwi kami rito, tapos kapag sinagot niya ako... aalokin ko agad siya ng kasal para wala na siyang kawala." Namuo ang luha ko sa sinabi niya, bigla kong natandaan ang mga sinabi niya sa akin noon habang nag lalakad kami pabalik dito sa winsoul.
Yun rin ang unang beses na nahalikan ko siya sa kanyang labi.
"Pag dating sa palasyo, pormal na kitang liligawan." Biglang sabi nya kaya nawala ang masama kong titig sa kanya. Naka ngiti siya habang sinasabi yun.
"Tapos kapag sinagot mo ako, aalukin agad kita ng kasal para wala ka ng kawala." Sabi niya saka tumingin sa akin. "Tapos kapag naging hari na ako, ikaw ang magiging reyna at gagawa tayo ng mga anak natin tapos mamumuno tayo sa winsoul. Papamunuan natin ito ng maayus at mapayapa." Naka ngiting sabi niya. Dahan dahang nag init ang mata ko dahil sa sinasabi niya.
"Tapos, papalakihin natin ang mga anak natin ng maayus, hanggang sa tumanda tayo at magkaruon ng sariling pamilya ang mga anak natin. " Excited na sabi niya.
"Tapos hanggang kabilang buhay, susundan kita. Tapos sa susunod nating buhay ikaw parin ang pipiliin ko. Wala ng iba." Bigla akong tumigil sa pag lalakad dahil sa sinabi niya. Agad siyang napatingin sa akin at nanlaki ang mata.
"U-umiiyak ka, bakit ka umiiyak? Oi ayaw mo ba ng sinabi ko?"tanong niya at agad na pinunasan ang luha ko. Napa ngiti ako at umiling, agad kong hinawakan ang kamay niya saka tumingin sa mata niya ng seryoso habang lumuluha.
"Gusto." Sagot ko kaya natigilan siya at nanlaki ang mata.
"I-ibig sabihin g-gusto mo din ako?" Gulat na tanong nya. Hindi ako sumagot, sa halip ay hinila ko siya palapit sa akin saka niyakap. Napa pikit ako at nag patuloy sa pag iyak.
Gustong gusto kong mangyare lahat ng sinabi niya. Gustong gusto ko siya. Gustong gusto kong makasama siya hanggang sa kabilang buhay.
"Gustong gusto kong makita kang masaya. Kaya gusto kong mag hanap ka ng ibang babae maliban sa akin. S-sya nalang ang mahalin mo." Lumuwag ang pag kakayakap ko sa kanya saka ako dahan dahang kumalas, natulala siya sa sinabi ko kaya naman kinuha ko ang pag kakataun na iyon upang punasan ang luha ko.
"A-ano? P-pero ikaw ang gusto kong--"
"Hindi ko kayang ibalik sayo ang pag mamahal mo Pavel." Pag sisinungaling ko, kitang kita ko ang pang hihina niya sa sinabi ko.
"Mag patuloy na tayo sa pag lalakad. Malapit na tayo sa Barrier ng bayan." Malamig na sabi ko at naunang mag lakad sa kanya.
Napa lunok ako at muling naramdaman na may umagos na luha mula sa aking mata kaya naman agad ko itong pinunasan at taas nuong nag lakad. Naramdaman kong sumunod siya sa akin.
"Ksara--"
"Hindi ito ang oras para pag usapan ang nararamdaman mo." Sabi ko, naramdaman ko ang kamay niyang hinawakan ang kaliwang braso ko saka pwersahan akong iniharap sa kanya.
Nanlaki ang mata ko ng dumampi ang kanyang malambot na labi sa aking labi, tila nanigas ang aking katawan at nanghina ang aking tuhod, may kung anong nag wawala sa aking dibdib at sa aking tyan dahil sa ginawa niya.
Napa pikit ako at binalik sa kanya ang halik bagay na siya naman ang nagulat. Agad akong kumalas at lumayo sa kanya. Nakatingin lamang siya sa akin na para bang hindi niya inaasahan na hahalikan ko siya pabalik.
"Humalik ka pabalik. Ibig sabihin kasinungalingan ang sinabi mo kanina at may gusto ka talaga sa akin." Sabi niya at unti unting kumurba ang ngiti sa kanyang labi.
"Ano naman? Hindi yun mahalaga." Sabi ko. Natawa siya.
"Mahalaga yun, kasi may gusto ka din sa akin." Natatawang sabi niya.
"Kahit na may gusto ako sayo, hindi parin tayo pwedeng mag sama." Sabi ko kaya natatawa siyang umiling. Nag simula na akong mag lakad na sya namang sumunod sa akin.
"Bakit naman? Dahil ba sa magiging hari ako at isa ka lamang normal na tao?"tanong niya. Tumingin ako sa kanya.
"Hindi." Sagot ko.
"Eh ano?"tanong niya.
Dahil isa akong demonyo at isa kang tao. Dahil bilang na lamang sa daliri ko ang tagal ng buhay ko.
"Dahil ayoko." Sabi ko kaya naningkit ang mata niya.
Napahawak ako sa aking labi ng maalala ko ang bagay na iyon, nanatiling nakawak ang isang kamay ko sa kamay ni Pavel hanggang sa sinimulan na ang paglilibing sa katawang tao ko, huminga ako ng malalim saka pasimpleng inilagay sa aking bulsa ang purselas na kinuha ko sa katawang tao ko, tumingin ako kay Pavel at labis ang kanyang pagiyak kaya naman hinila ko siya palapit sa akin saka niyakap.
"Tahan na....hindi ko kayang nakikita kang malungkot." Bulong ko habang yakap siya.