Chapter 26: Bagong simula

1227 Words
Ilang araw ang lumipas simula ng mailibing ang katawang tao ko, simula noon ay hindi ko na nakita si Pavel na lumalabas sa kanyang silid, sila Babaeng banal naman at Bael ay hindi ko nakikitang pagala gala sa palasyo gaya noong unang tumapak kami na magkakasama dito. Madami ang nagbago, tila naging ghost town ang palasyo sa sobrang tahimik nito, ang dating reyna at dating hari ay nagbakasyon sa labas ng bayan simula ng mailibing ang katawang tao ko. Nag aalala na ako para kay Pavel, ilang araw na raw siyang hindi kumakain at ilang araw na raw tambak ang kanyang gawain bilang hari. Napapabayaan niya na ang kaharian, napapabayaan nya na ang sarili niya, nakakalimutan niya na isa siyang hari ngayon. Huminga ako ng malalim saka tumingin kay Cynrad na nakaupo sa harap ko, kumakain siya ng dinala niyang pagkain para sa amin. "Nakausap mo na ba siya?" Tanong ko, tumingin sa akin si Cynrad saka umiling, ibinaba niya ang hawak niyang pagkain saka pinunasan ang labi niya. "Si Lolo Gabriel, siya ang madalas na nag tutungo sa silid ni Pavel, siya rin ang sa tingin kong nakakausap ni Pavel." Sabi niya, tumango ako saka tumingin sa bintana ng aking silid. "Ikaw, kailan mo bibisitahin si Pavel?" Tanong niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. "Bakit ayaw mo na ikaw ang magtungo sa silid ni Pavel?" Dagdag niya, hindi ko alam ang isasagot, muli ko na namang naalala ang mga binitawang salita sa akin ni Pavel matapos mailibing ang katawang tao ko. "Siir."Tawag ni Pavel sa pangalan ng katawang ginagamit ko ngayon, tumingin ako sa kanyang mga mata na walang emosyon, lahat ng bisita ay nakaalis na, tumigil narin ang pag buhos ng ulan, kami na lamang ni Pavel ang natitira ngayon dito sa lugar kung saan nilibing ang katawang tao ko. "Lumayo ka muna sa akin." Sabi niya bagay na kinagulat ko, hindi ko alam kung bakit niya sinabi iyon, nasaktan ako dahil sa biglaan niyang pagsabi noon, hindi ko alam kung ano ba dapat ang magiging reaksyon ko sa mga oras na ito. "Lumayo ka muna sa akin sapagkat..."Tumigil siya saka tumingin sa malayo. "Sapagkat naaalala ko lamang sayo si Ksara." sabi niya dahilan para manghina ako. Gusto ko sabihin na ako ito, si Ksara, hindi ko siya iniwan na nasa tabi niya lamang ako ngunit wala akong lakas dahil ang nais ko.... ang nais ko ay siya mismo ang makadiskobre na ako si Ksara, na nasa katawan ako ng ibang tao, na hindi ko siya iniwan gaya ng mga sinabi niya kanina. "Gusto kong makalimutan muna si Ksara bago ituloy ang kasal natin." Sabi niya, hindi ako sumagot. "Kapag ayos na ako... saka na natin ituloy ang kasal." Sabi niya, tumango ako. "Ngunit wag mong asahan na mamahalin kita Siir." Sabi nya, nanatili akong nakatingin sa kanya, nakatitig siya sa lapida ng katawang tao ko. "Sapagkat simula noon hanggang sa ngayon si Karma parin ang nais ko." Sabi niya, hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya o malulungkot dahil nasa tabi niya lamang ako, na wala siyang alam na naririto ako sa harap niya ngayon. "Masusunod." Sabi ko, tumingin siya sa akin, saglit na katahimikan ang namutawi sa amin hanggang sa nagsalita siya. "Pinakasalan lang kita dahil yun ang gusto ng magulang ko para sa kaharian." Sabi niya. "Masusunod." Dagdag ko. "Magkahiwalay parin ang ating kwarto kahit na kasal na tayo." Sabi niya. "Masusunod." Sabi ko. "Aakto ka lamang na asawa ko kapag nasa harap natin ang mga magulang ko."  "Masusunod." Namuo ang luha ko dahil sa hindi ko alam na kadahilanan. "Iwan mo na ako."Sabi niya. "Masusunod." Tumalikod ako, sabay sa pagtalikod ko ang pag tulo ng luha ko. "Ayoko lang." Sagot ko sa tanong ni Cynrad, umiwas ako ng tingin ng makita kong nakatitig siya sa akin, huminga siya ng malalim saka tumayo. "Tara." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. "Saan tayo tutungo?"Tanong ko, "Basta, tara." Sabi niya at hinila ako patayo, nag padala naman ako sa kanya dahil kung lalaban pa ako ay baka masaktan ko lamang siya. Binawi ko ang aking kamay sa kanya saka nag lakad ng maayos kasabay niya, lumiko kami sa kaliwang bahagi ng palasyo, tahimik lang kaming dalawa, hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin hanggang sa tumigil kami sa isang silid, tumingin ako sa kanya na nakangiti. "Pasok ka."Sabi niya, kumunot ang nuo ko. "Bakit?" Tanong ko. "Basta pumasok ka." Sabi niya umirap ako. "Ayoko, sabihin mo muna kung kanino iton--"Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto at niluwa noon si tanda, nagulat ako habang nakatingin sa kanya, ngumiti ng malungkot si Tanda saka lumabas sa pinto. "Silid mo ba ito?" Tanong ko kay tanda. "Kailan ka pa lumipat ng silid?' Tanong ko, hindi niya ako sinagot sa halip ay tinuro niya ang bukas na pinto ng silid. "Pumasok ka na." Sabi niya kaya kumunot ang nuo ko. "Huh?" Tanong ko. "Pasok." Sabi ni tanda. Inirapan ko siya. "Bakit naman kita--"Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng hawakan nila Cynrad at tanda ang magkabilang braso ko saka sapilitang ipinasok sa silid na kaharap namin, agad na kumulo ang dugo ko dahil sa ginawa nila, akmang lalabas na ako sa silid ng isarado nila ang pinto dahilan para mapamura ako sa aking isip. Madilim ang paligid,  nakasara ang mga bintana at ilaw sa loob ng silid. "Tanginang matanda ito, lagot ka sakin kapag nakalabas ako dito." Banta ko saka nilibot ang aking tingin.  "Ano namang gagawin ko sa silid na ito?'Iritang tanong ko saka hinanap ang switch ng ilaw, nang makapa ko na ang switch ng ilaw ay agad kong binuksan ang ilaw saka napapikit ng masilawan ang aking mata. "Tanginang liwanag yan."Bulong ko saka minulat ang aking mata, tumingin ako sa paligid, napapalibutan ng magagandang palamuti ang silid na ito, ang mga gamit ay halatang gawa sa mamahaling materyales at mga ginto.  "Ano naman ang--"Napatigil ako ng mapadpad ang aking paningin sa isang kama, kung saan nakita kong may nakahigang isang nilalang doon, dahan dahan kong nilapitan ang kama na iyon saka hinawi ang nakaharang na tela. Bumilis ang t***k ng puso ko ng makita ko si Pavel na mahimbing na natutulog.  Napalunok ako habang nakatingin sa kanya, halatang hindi pa siya nag aahit dahil sa bigote niya na medyo mahaba na, napangiti ako habang nakatingin sa kanya, sa wakas ay nakita ko siya muli matapos ang ilang araw na nag daan. dahan dahan akong lumapit sa kanya saka umupo sa tabi niya, tahimik kong pinag mamasdan ang lalaking pinakamamahal ko hanggang sa mapadpad ang tingin ko sa kanyang mga labi, napapikit ako at huminga ng malalim. "Pigilan mo ang tukso Ksara." Bulong ko sa aking sarili saka muling tumingin kay Pavel, huminga ako ng malalim saka lumapit sa kanyang mukha para halikan ang kanyang nuo ng bigla na lamang siyang gumalaw at hawakan ang kamay ko dahilan para mapahiga ako sa kanyang mga dibdib. Napalunok ako habang nanlalaki ang aking mga mata habang nakahiga sa kanyang dibdib, yakap yakap niya ako dahilan para mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko. 'Kumalma ka Ksara.' "Karma.."Banggit niya sa aking tunay na pangalan, dahan dahan kong sinilip si Pavel at nakitang nakapikit pa siya. "Karma... mahal na mahal kita." Wika niya habang nakapikit, ngumiti ako saka muling humiga sa kanyang dibdib. "Mahal rin kita Pavel."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD