Chapter 27: Pag alaga

1884 Words
Gabi na ng mapagtanto ko na may lagnat pala siya, kung hindi ko pa nakapa kanina na mainit sya ay hindi ko pa malalaman na may sakit siya, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kung gawin. Hindi ko alam kung paano mag alaga ng taong may sakit, ang tungkolin ko noon bilang isang demonyo ay magbigay ng karamdaman, kaya hindi ko alam kung papaano ko siya aalagaan ngayon na may sakit siya. Gusto ko sana lumabas at sabihin kay tanda na may lagnat si Pavel, ang kaso ay nilock nila ang pinto kaya hindi ako makalabas sa silid na ito, bwiset na matanda. "Pavel.. Pavel gumising ka at gamutin ang sarili mo." Sabi ko habang ginigising siya,napapikit ako at pinakalma ang aking sarili, maikli lamang ang pasensya ko pagdating sa pag aalaga. "Ksara, pakalmahin mo ang sarili mo, normal lamang sa mga tao ang nagkakasakit." Sabi ko sa aking sarili saka tumayo mula sa aking kinauupuan at nilibot ang silid ni Pavel upang mag hanap ng lunas sa lagnat niya, nakita ko ang isang bimpo sa damitan ni Pavel kaya naman kinuha ko iyon saka nag tungo sa maliit niyang mesa at nilagyan ng maligamgam na tubig ang isang maliit na palanggana saka ko nilagay ang bimpo. Ganon ang nakikita kong paraan ng mga tao para gamutin ang lagnat ng isang tao. Napairap ako ng mailapag ko ang maliit na palanggana sa katabing mesa ng kama ni Pavel, napabuntong hininga ako saka napakamot sa aking ulo. "Sa paanong paraan ko sisimulan ito?' Iritang tanong ko saka umupo sa tabi ni Pavel. Ilang minuto ko munang tinitigan si Pavel na wala paring malay hanggang ngayon. "Pasaway, masyado mo kasing pinapabayaan ang sarili mo." Bulong ko saka sinimulang pigain ang bimpo na nilagay ko sa maligamgam na tubig saka dahan dahang pinahid sa kanyang ulo. Habang ginagawa ko yun ay napaka bilis ng aking puso, hindi ko alam kung ano ang nangyayare sa akin, bawat pag dampi ng balat ko sa kanyang balat ay may lumalabas na mga imahe sa aking isip na nangyare sa aming nakaraan. "Ksara." Napatigil ako sa pag punas sa kanyang nuo ng banggitin niya muli ang pangalan ko, napangiti ako at naalala ang nakaraan kung saan ayaw na ayaw kong ipabanggit sa kanya ang aking pangalan dahil sa naiirita ako. "Ksara pala ang pangalan mo, Pavel ang ngalan ko. Kinagagalak kong makilala ka." Naka ngiting sabi niya, pinag masdan ko lang siya hanggang sa lumapit sya muli sa akin dahilan para magulat ako. "Magandang umaga Ksara, sabay tayong kumain." Sabi niya kaya napairap ako. "Yuniko ang itawag mo sa akin." Sabi ko kaya tumingin ulit sya sa akin. "Bakit naman? Ayaw mo bang tawagin kitang Ksara?" Tanong niya. "Ayoko at pinag babawal ko na tawagin mo ako sa pangalan ko." Sabi ko kaya natawa siya. "Ang ganda ganda ng pangalan mo tapos ayaw mo--" "Pag sinabi kong ayoko, ayoko." Malamig kong sabi kaya natigilan siya at nag pout saka umupo sa isang upuan kaharap ang mesa na maraming laman na pagkain. "Osige, hindi na kita tatawagin sa pangalan mo." Sabi niya saka tinuro ang kaharap niyang upuan. "Ksara, anong dadalhin mo?" Sinamaan ko ng tingin si Pavel ng banggitin niya ang pangalan ko, ngumiti lang siya at napakamot sa kanyang ulo. "Pasensya na, ang ganda lang kasing banggitin ng pangalan mo." Sabi nya kaya napairap ako. Muli akong nag patuloy sa pag punas sa kanya hanggang sa ang susunod ko namang pupunasan ay ang mga kamay niya, napadako ang aking tingin sa purselas na suot niya, napangiti ako at nilabas ang purselas ko mula sa bulsa ng aking suot.  Muli kong naalala kung paano niya ito ibinigay sa akin.  "Yuniko tignan mo ito." Humarap siya sa akin at biglang hinawakan ang kamay ko dahilan para muli ko na namang makita ang ilang imahe, nagulat ako ng may isuot siyang isang purselas sa akin. Kumunot ang nuo ko habang naka tingin sa kanya na naka ngiti at naka tingin sa kulay itim  na purselas na nilagay niya sa aking kaliwang kamay, may hugis puso ito na kulay asul sa gitna, maliit lamang ito at nag iisa. "Ang ganda, tignan mo din ito."sabi niya at inangat ang kanang kamay niya, katulad yun ng purselas na sinuot niya sa akin. Dahan dahang nawala ang kunot sa aking nuo, naka ngiti siya at tumingin sa akin. "Yan, simbolo yan ng pagkakaibigan natin."sabi niya saka binitawan ang kamay ko. Napatingin ako sa purselas. Simbolo? "Simula ngayun, hindi lang yuniko ang turing ko sayo, isa na kitang kaibigan."naka ngiting sabi niya kaya napaangat ako ng tingin sa kanyang mukha na naka ngiti. Natigilan ako sa sinabi niya, naka tingin lamang ako sa kanya, hindi ma proseso ng aking utak ang sinabi niya. Bumalik siya sa pamimili ng mga bagay sa harap niya. "Simula ngayun, hindi lang yuniko ang turing ko sayo, isa na kitang kaibigan." Kaibigan. Nanatili ang titig ko sa likod ni Pavel na masayang tumitingin ng mga palamuti. Ito ang unang beses na may mag bigay sa akin ng isang maliit at simpleng bagay. Napatingin ako sa purselas na binigay niya. At ito lang din ang unang beses na may nag sabi sa akin na isa akong kaibigan. Muli kong binalik ang tingin ko sa taong iyon. Bakit ganyan ka? Bakit ganyan ang ugali mo? Hindi ako natutuwa dahil masyado kang mabait at masyado kang mapag bigay. Hindi ako natutuwa dahil pinapahirapan mo lamang ang misyon ko. Ang taong ito.... Napayuko ako at huminga ng malalim. .. may kung anong meron sa kanya na hindi ko mawari kung ano. "Yuniko, halika." Nag aalalang sabi niya kaya napatingin ako sa kanya na nakatingin sa babaeng nag titinda. Lumapit ako sa kanya. "Pasensya na po." Dinig kong sabi ni Pavel kaya napatingin ako sa babaeng kaharap namin na mukhang galit. "Ikaw lalaki, hindi libre ang mga nandito. Lahat yan may bayad naiintindihan mo ba? Binuksan mo na agad ang paninda ko eh wala ka palang pang bayad."sabi ng babae kaya napatingin ako kay Pavel na naka yuko. Kumunot ang nuo ko. Bakit hinahayaan niyang ganyanin sya ng babaeng ito? Siya ang prinsepe kaya dapat magalit siya dahil hindi siya ginagalang ng kaharap niya. Napairap ako, nakalimutan kong naka takip nga pala ang kanyang kalahating mukha kahaya hindi siya makikilala. Napatingin ako sa babae na halatang galit. "Yuniko, may ginto ka ba jan? Hindi ko kasi alam na may bayad pala ang paninda dito."sabi niya saka tinuro ang purselas ko at purselas niya. "Dalawang maliit na ginto ang katumbas ng dalawang ito, saka ito din."sabi niya saka pinakita ang mga kinuha niya. Napa irap ako. "Bakit kasi kumuha ka ng bagay na ito eh wala ka namang dalang ginto?"iritang tanong ko, natawa lang siya at nag kibit balikat. "Hindi ko naman inaasahan na may maiibigan ako dito."sabi niya saka nag pout. "Pahiram muna ako ng ginto, ibabalik ko nalang mamaya sayo."sabi niya. Napangisi ako sa loob ko. May maganda akong plano. Tumingin ako sa babae. "Kakausapin ko lang siya."sabi ko saka inakbayan si Pavel at sabay na tumalikod sa babae. "Makinig ka."sabi ko saka dumikit sa kanya. "Wala din kasi akong dalang ginto ngayun."bulong ko kaya nagulat siya at napatingin sa akin. "Hala eh paano yan?"tanong niya. Ngumiti ako sa kanya. "May naisip ako."sabi ko saka mas lalong lumapit sa kanya. "Kapag hindi na nakatingin ang babae sa atin, aalis tayo dala dala ang mga kinuha mo."sabi ko kaya natigilan siya at napatingin sa akin. "Masama yun."sabi niya kaya napairap ako. "Oo alam ko, pero wala kang dalang ginto diba? Madaming tao dito na pwedeng kunin ang mga pinamili mo kapag iniwan natin ito jan."sabi ko kaya mas lalong kumunot ang nuo niya. "Pero masama parin yun Yuniko."sabi niya saka lumayo sa akin. Huminga siya ng malalim saka tumingin sa mga hawak niya. "Ang ganda sana nila, kaso mali naman na kunin natin ito ng hindi nag babayad." Sabi niya dahilan para kumulo ang dugo ko. "Salamat." Biglang sabi niya na nakapag patigil sa akin. Dahan dahan akong tumingin sa kanya. Naka tingin siya sa akin habang naka ngiti. "Salamat kasi dinala mo ako sa lugar na ito, ito ang gabi na hindi ko makakalimutan sa lahat." Naka ngiting sabi niya, nanlaki ang mata ko ng bigla siyang lumapit sa akin at yakapin ako. Napapikit ako dahil sa mga imahe na bigla nanamang lumabas sa aking isip. Napalunok ako at agad na tinulak palayo sa akin si Pavel. Gulat siyang tumingin sa akin kaya naningkit ang mata. "Ang sabi ko diba wag mo akong hahawakan."sabi ko kaya natawa siya at napa kamot sa ulo niya. "Sorry hindi ko mapigilan, ito kasi ang unang beses na may nag dala sa akin dito."sabi niya at tumingin ulit sa tanawin. Nanatili ang titig ko sa kanya. Hindi na ako mapakali, naguguluhan na ako. Ano itong mga nakikita ko sa tuwing hahawakan niya ako o mag didikit ang mga balat namin? Ano ang mga imahe na iyun? Pakiramdam ko ay tunay ngunit paano nangyare iyon? Huminga ako ng malalim, hindi ko na dapat alamin kung ano ang mga imahe na iyon, ang pakay ko lang dito ay gawin syang masama para matapos ang mission ko,. "Sya nga pala, anong oras tayo uuwi?" Tanong niya at tumingin sa akin. "Ikaw ang bahala." Sabi ko saka kinapa ang likod ko at kinuha ang bag na dala ko kanina pa. "Oh." Sabi ko saka pabatong binigay sa kanya ang bag na agadd niya namang nasalo. "Ano ito?" Tanong niya, napairap ako. "Buksan mo ng malaman mo." Sabi ko saka humiga sa lapag at pumikit. Biglang natahimik ang paligid kaya kumunot ang nuo ko at dinilat ang mata ko saka tinignan si Pavel, naka kunot ang mata niya habang nakatingin sa laman ng bag. Napa tingin siya sa akin. "Paano mo nakuha ito?" Tanong niya habang nakatingin sa akin, natawa ako. "Ninakaw ko." Sagot ko na nag palaki  ng mata niya, natawa ako ng malakas saka napaupo. "Syempre binili ko." Sabi ko kaya dahan dahang nawala ang kunot niya sa nuo at napangiti. "Pero sabi mo wala kang dalang ginto?" Tanong niya at kinuha ang laman ng bag, napangisi ako. "Ako pa mawawalan." Sabi ko saka tumingin sa harap. "Pati itong bracelet? Yuniko naman! ilang ginto ginastos mo? babayaran kita sa palasyo." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. "Wag na, wala naman akong pake alam sa ginto." Sabi ko saka napangisi. May pumasok sa isip ko bigla. Pinag masdan ko siya na ilabas ang mga bagay na kinuha niya kanina na laman ng bag, nawala ang ngisi sa labi ko ng makita kong hawak niya ang bracelet na kagaya sa akin, napatingin siya sa kamay ko at napangiti. "Akala ko binalik mo." Sabi niya at tumingin sa akin, umirap ako. "Kapag binigay na sakin, hindi na pwedeng bawiin." Sabi ko at tumingin sa kanya na naka ngiti. Pinanuod ko siyang ilagay sa kamay niya ang bracelet,tumingin siya sa akin at pinakita ang kamay niya kung saan suot ang bracelet. "Ayan, suot ko na ulit simbolo ng pagiging magkaibigan natin." Sabi niya saka nilagay sa loob ng bag ang mga bagay na nilabas niya, pinanuod ko siya hanggang sa matapos niyang ilagay sa loob ng bag ang mga iyun, bigla siyang tumingin sa akin saka ngumiti. Hanggang ngayon... suot suot mo parin ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD