Chapter 28: Purselas

1366 Words
Buong araw ay nasa silid lamang ako ni Pavel at binabantayan siya. Sigurado ako na tanghali na at oras na para kumain, kanina pa ako nagugutom dito at nais ko ng lumabas para makakuha ng pagkain ngunit ang lapastangan na sila Tanda at Cynrad ay nilock ang pinto. "Bwiset talaga." Sabi ko saka tumingin kay Pavel na hindi parin nagigising. Gusto ko sana pag nagising siya ay may nakahanda ng pagkain sa mesa niya, ngunit sa paanong paraan ko gagawin ang naiisip ko kung nakasara ang pinto. Wala akong ibang magawa sa silid na ito kundi ang pagmasdan si Pavel at alamin kung maayos na ang kalagayan niya. Medyo hindi na siya mainit hindi kagaya kanina na sobrang init niya. Napapikit ako ng makaramdam ako ng antok, nilibot ko ang aking tingin sa paligid upang sana ay maghanap ng mahihigaan ngunit wala akong ibang makita maliban sa nag iisang malaking kama ni Pavel kung saan siya natutulog. Isinandal ko ang aking braso sa gilid ng kama ni Pavel saka inihiga ang ulo ko at pinikit ang aking mga mata. Pavel POV Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata, ang kisame ng aking kwarto ang una kong nakita, sunod ang buhok ng isang nilalang. Kumunot ang nuo ko ng may maramdaman akong nakahawak sa aking kamay kaya naman dahan dahan akong umupo at tinignan ang kamay ko. Anong ginagawa ni Siir dito? Napapikit ako ng biglang umikot ang paningin ko. Nang maramdaman ko na ayus na ako ay muli kong minulat ang aking mga mata saka tumingin kay Siir na tulog. Napatingin rin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko, dahan dahan kong inalis ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Sa hindi ko alam na kadahilanan, bigla na lamang nanumbalik sa akin ang ala-ala ni Ksara habang pinagmamasdan ko siya. Bigla kong iniwas ang aking tingin nang maramdaman ko na namumuo na naman ang luha ko. Bakit ganito? bakit nararamdaman at nakikita ko kay Siir si Ksara?  "Hindi maganda kung papabayaan mo ang sarili mo."  "Sigurado ako na malulungkot si Ksara kung ganyan ang inaakto mo, ayaw niya na makikita kang malungkot ng dahil sa kanya." "Nadiligan mo na ba ang mga halaman mo?"   "Sigurado akong nalulungkot si Ksara dahil malungkot ka rin."  "Tahan na, natatakpan na ng kalungkotan ang mga mata mo."  "Tahan na....hindi ko kayang nakikita kang malungkot." Muli akong napatingin kay Siir na tahimik na natutulog. 'Napalunok  ako saka tumingin sa kawalan. Sa pagkakaalam ko... si Ksara ang panghuling Karma,  ilang araw na ang nakakaraan simula ng mawala si Ksara, ngunit bakit hindi pa ako nawawala?  "Sinusumpa ko, na paulit-ulit mong masasaksihan kung paano mamamatay at paano kunin ng kadiliman ang kaluluwa ng babaeng mahal mo, sinusumpa ko na kahit kailan hindi ka mamamatay hangga't  hindi sumapit ang pagkikita niyo ng pangisang daan at apat na’pong Karma sa mundo. Isinusumpa ko, na sa harap mo mismo mamamatay ang babaeng mahal mo! At pag nagkita na kayo ng pangisang daan at apat na’pong Karma, sabay kayong maglalaho sa dilim at magiiba ng landas patungo sa liwanag at dilim!" Sumapit na ang araw na nakita ko ang kamatayan ng pang isang daan at apat na'pong Karma, ngunit bakit hindi pa ako nawawala? Ang sabi ni Alada sabay kaming maglalaho sa dilim at magiiba ng landas patungo sa liwanag at dilim, ngunit bakit naunang mamatay si Ksara at hindi kami sabay? Hindi ako maaring magkamali ng bilang, si Ksara ang pang huling Karma, bakit hindi pa ako nag lalaho gaya ng sinabi ni Alada sa kanyang Sumpa? 'Gusto ko ng makapiling ka... Karma.' napangiti ako sa aking loob loob saka dahan dahang tumayo. Napatingin ako muli kay Siir na tulog parin. "Gising ka na pala." Napatingin ako sa nag salita mula sa pinto ng silid, si Lolo Gabriel. Ngumiti siya sa akin saka tumingin kay Siir na hanggang ngayon ay tulog parin. "Ako ang nag papasok sa kanya rito, pansamantala ko siyang kinulong rito kasama ka upang bantayan ka." Sabi ni Lolo Gabriel saka tumingin sa akin. "Kamusta ang pakiramdam mo?"Tanong niya. Muli akong nag lakad patungo sa damitan ko saka namili ng damit. "Ayos na ako."Sagot ko sa kanya. "Kamahalan, nakahanda na ang pagkain sa baab." Lumingon ako sa nag salita at natawa. "Masyadong pormal ang salitang 'Kamahalan' Bael." Sabi ko, natawa sya saka napatingin sa gawi ni Siir kaya muli kong binaling ang aking tingin sa mga damit ko. "Dito natulog si Siir?"Tanong ni Bael. "Hindi." Sagot ko at kumuha ng damit, tumingin ako sa gawi ni Lolo Gabriel na pinapanuod lamang ang aking kilos. "Sya nga pala, nasaan si Cynrad?" Tanong ko. "Kasama ni Abiah sa ibaba, hinihintay ka." Sagot ni Lolo Gabriel. "Susunod na ako." Sabi ko saka tumingin kay Siir. "Pakidala nalang si Siir sa kanyang silid." Sabi ko, saka tumingin kay Lolo Gabriel. "At pakisabi po pag gising niya na mag tungo siya sa punong bulwagan mamaya dahil may pag uusapan kami." Sabi ko, tumango si Lolo Gabriel bilang pag sangayon saka sumenyas sa mga kasama niya na buhatin si Siir, pinanuod ko lamang sila na ilabas si Siir sa kwarto ko ng mapansin ko na may nahulog mula sa kanyang bulsa. Agad akong lumapit sa bagay na iyon at halos kumulo ang dugo ko ng makita ko kung ano ang nahulog mula sa kanyang bulsa. Dahan dahan kong pinulot ang purselas ni Ksara na galing sa bulsa ni Siir. Bakit nakay Siir ang purselas ni Ksara? Muling nag balik sa aking ala-ala ang araw na binigay sa akin ni Ksara ang purselas na ito. "Yuniko tignan mo ito." Humarap ako kay Ksara at biglang hinawakan ang kamay niya dahilan para muli ko na namang makita ang ilang imahe, nakangiti kong isinuot sa kanya ang purselas. "Ang ganda, tignan mo din ito."sabi ko at inangat ang kanang kamay ko.  "Yan, simbolo yan ng pagkakaibigan natin."sabi ko saka binitawan ang kamay niya. "Simula ngayun, hindi lang yuniko ang turing ko sayo, isa na kitang kaibigan."naka ngiting sabi ko. "Simula ngayun, hindi lang yuniko ang turing ko sayo, isa na kitang kaibigan." Kaibigan. "Yuniko, halika." Nag aalalang sabi ko kaya napatingin sya sa akin, lumapit siya sa akin kaya napalunok ako. "Pasensya na po." Sabi ko sa babaeng may-ari ng tindahan. "Ikaw lalaki, hindi libre ang mga nandito. Lahat yan may bayad naiintindihan mo ba? Binuksan mo na agad ang paninda ko eh wala ka palang pang bayad."sabi ng babae kaya nanatili akong nakayuko. "Yuniko, may ginto ka ba jan? Hindi ko kasi alam na may bayad pala ang paninda dito."sabi ko saka tinuro ang purselas  at purselas niya. "Dalawang maliit na ginto ang katumbas ng dalawang ito, saka ito din."sabi ko saka pinakita ang mga kinuha ko. Nakita ko ang pagirap ng kanyang mga mata. "Bakit kasi kumuha ka ng bagay na ito eh wala ka namang dalang ginto?"iritang tanong nya kaya natawa lang ako at nag kibit balikat. "Hindi ko naman inaasahan na may maiibigan ako dito."sabi ko saka nag pout. "Pahiram muna ako ng ginto, ibabalik ko nalang mamaya sayo."sabi ko.  ~~. "Oh." Sabi niya saka pabatong binigay sa akin ang bag na agad ko namang nasalo. "Ano ito?" Tanong ko.  "Buksan mo ng malaman mo." Sabi niya saka humiga sa lapag at pumikit. "Paano mo nakuha ito?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya. "Ninakaw ko." Sagot niya na nag palaki  sa mga mata  ko "Syempre binili ko." Sabi niya  kaya dahan dahang nawala ang kunot  sa nuo ko  at napangiti. "Pero sabi mo wala kang dalang ginto?" Tanong ko at kinuha ang laman ng bag,  "Ako pa mawawalan." Sabi niya saka tumingin sa harap. "Pati itong bracelet? Yuniko naman! ilang ginto ginastos mo? babayaran kita sa palasyo." Sabi ko kaya napatingin siya sa akin. "Wag na, wala naman akong pake alam sa ginto." Sabi niya saka napangisi. "Akala ko binalik mo." Sabi ko at tumingin sa kanya. "Kapag binigay na sakin, hindi na pwedeng bawiin." Sabi niya at tumingin sa akin na naka ngiti. Pinanuod ko siyang ilagay sa kamay niya ang bracelet,tumingin siya sa akin at pinakita ang kamay niya kung saan suot ang bracelet. "Ayan, suot ko na ulit simbolo ng pagiging magkaibigan natin." Sabi ko, Bakit.... nasayo ang purselas ni Ksara, Siir?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD