Tahimik akong bumaba mula sa aking silid patungo sa hapagkainan, mula rito sa aking nilalakaran ay naririnig ko na ang boses ni Cynrad na tumatawa, ganon rin ang boses ni Bael at Lolo Gabriel, matapos kong ipadala si Siir sa kanyang silid ay nauna na sila Lolo Gabriel rito sa hapagkainan. Bumukas ang pinto ng hapagkainan, sabay sabay silang napalingon sa gawi ko at sabay sabay na natahimik.
Nag lakad ako patungo sa upuan ko, habang nag lalakad ako ay wala akong marinig na ingay, tahimik akong umupo sa aking upuan saka pinagmasdan sila isa't isa.
"Ano't natahimik kayo?" Tanong ko habang pinag mamasdan sila isa't isa, biglang nag bago ang awra ng hapag kaya umiwas na ako ng tingin saka hinintay ang pagkain.
"Kamahalan... kinagagalak namin na makasama ka namin kumain ngayon." Wika ni Abiah kaya napatingin ako sa kanya. Batid ko na naiilang siya kaya ngumiti lamang ako.
Muli na namang namutawi ang katahimikan sa hapag hanggang sa si Cynrad naman ang nag salita.
"Kamusta ka? ayos ka na ba?" Tanong ni Cynrad. Sabay sabay silang napatingin sa akin saka hinintay ang sagot ko.
'Hindi.'
"Oo." Sagot ko at pinanuod ang mga taga pagsilbi na ihain ang pagkain namin.
"Nasaan nga pala si Siir?"Tanong ni Cynrad, tumingin ako kila Lolo Gabriel.
"Nasa kanyang silid nag papahinga." Sagot ni Bael.
"Kailan nga pala ang kasal niyo?" Biglang tanong ni Bael saka tumingin sa akin, hindi ko siya sinagot, nakita ko na siniko siya ni Abiah saka pinandilatan.
"Curious lang." Sabi ni Bael saka nag pout.
Muli na namang natahimik ang paligid, huminga ako ng malalim saka napatingin sa upuan kung saan laging umuupo si Ksara sa tuwing kakain kami. Saglit na panahon lamang yon ngunit isa iyon sa hindi ko makakalimutan na sandali kasama si Ksara.
Muli na naman ako napabuntong hininga habang nakatingin sa silya ni Ksara.
"Kamahalan, nasa harap niyo na ang pagkain." Napatingin ako kay Lolo Gabriel ng sabihin niya iyon, nakita ko nga na handa na ang pagkain sa harap ko at hinihintay nila ako na ako ang unang kumain.
Sinimulan kong hawakan ang kubyertos at sinimulang kumain, sumunod naman sila at tahimik lamang sa pagnguya ng pagkain.
"Nakakamatay ang katahimikan rito." Sabi ko kaya sabay sabay silang napatingin sa akin, nag tinginan silang apat saka sabay sabay na tumingin sa akin.
"Nais niyo po ba ng musika kamahalan?"Tanong ni Abiah, umiling ako saka muling kumain.
"Ano po ba ang nais niyo?"Tanong ni Bael, ngumiti nalang ako ng malumanay saka huminga ng malalim at pinag patuloy ang pagkain ko.
Tahimik lang kaming lahat hanggang sa matapos na ako kumain, nag paalam ako sa kanila na mauuna na akong lumabas sa hapagkainan.
Ngayon ay nag lalakad ako patungo sa sikretong hardin ko na kung saan si Ksara lamang ang may alam ng bagay na iyon, lahat ng makakasalubong kong kawal ay nag bibigay pugay sa akin, ang mga nakakasalubong ko naman na kakilala ay kinakamusta ako at nararamdaman ko ang awa na dumadaloy sa kanila sa tuwing sinasabi kong ayos lang ako.
Napahinto ako sa paglalakad ng matanaw ko mula rito ang tarangkahan ng palasyo, Muli nanumbalik sa akin ang nakaraan kung saan tumakas kami ni Ksara palabas ng palasyo.
"Tara na, may kasiyahang nagaganap sa labas."
"Yuniko saglet!" Tawag ko saka humabol sa kanya.
"Grabe ang ganda." Naka ngiting sabi ko habang nakatingin sa mga ilaw na nag sisilbing liwanag ng bayan, nag iiba ang kulay nito every 1 minute.
"Tignan mo ito Yuniko, anong bagay ito?" Naka ngiting tanong ko habang nakatingin sa kabayong may pasan na karwahe.
"Kalesa ang tawag jan."sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Kalesa?" Tanong ko.
"Bingi ka ba? Kakasabi ko lang diba? Pwede kang sumakay jan kung nais mo."
"Tara sumakay tayo!"
Napangiti ako saka tumingin sa yuniko ko na nasa likod ko, bigla ko tuloy naalala ang unang pagkikita namin ni Ksara.
"Hoi, ang kulit mo ah. Sabing tumayo ka lang."
"Mga ilang oras aabutin bago matapos maligo ang prinsepe?"
"Ano bang ingay yan Bael?" Sabay sabay silang napatingin sa akin, napansin ko kaagad ang isang babae na may maliit na sungay sa kanyang ulo, kumunot ang nuo ko habang nakatingin sa kanya ngunit ang dibdib ko ay tila hinahabol ng kabayo habang nakatingin sa kanyang mga mata.
"Ikaw ang bagong Yuniko?" Tanong ko, tumango tango ang babae kaya napakunot ang nuo ko at natawa. Himala.
"Grabe, himala ata na kumuha ng babaeng yuniko sila mama." Bulong ko saka tumingin sa kanya muli, Bakit ganito ang aking nararamdaman? puno ng kasiyahan ang aking puso.
"Osige, ikaw na ang bagong yuniko ko." Sabi ko dahilan para tumingin sila Cynrad at Bael sa akin ng masama.
"Ano?" Sabay na tanong ng dalawa.
"Pavel naman, hindi pwedeng basta basta ka nalang mag tiwala." Sabi ni Bael.
"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya, huminga ng malalim si Bael saka ako binatukan kaya napadaing ako.
"Paano kung spy yan o kaaway eh di napahamak ka? isa pa, hindi ka ba nag tataka kung bakit babae ang bagong yuniko mo? paano kung hindi pala siya pasok sa screening at isa siyang psycho na nag kukunwaring yuniko mo?" Tanong niya kaya natawa ako aat hinampas siya ng malakas.
"Hindi naman siya ganon." Natatawang sabi ko saka tumingin sa babae.
"Paano mo naman nasabi?" Tanong ni Bael.
"Kutob ko." Simpleng sagot ko.
"Sya nga pala yuniko, ito si Bael."
"At ito naman si Cynrad."
"Mga kaibigan ko." Sabi ko at ngumiti sa kanya.
"Kamahalan, may kailangan po ba kayo?" Tanong ng yuniko ko kaya muli akong nanumbalik sa kasalukuyang panahon.
Ngumiti ako sa kanya.
"Pakisabi sa kawal na ihanda ang karwahe, lilibot ako sa labas ng palasyo." Sabi ko, tumango ang yuniko ko saka nag simulang mag lakad palayo sa akin, muli ko na namang pinagmasdan ang tarangkahan.
'Kung naririto ka lang ngayon Ksara.'
Lumingon ako sa isang tagapag silbi na nasa likod ko.
"Pakitingnan nga kung gising na si Siir." Sabi ko, tumango ito sa akin.
"Kung gising na siya pakisabi na hinihintay ko siya sa tarangkahan." Sabi ko.
"Masusunod po." Sabi nito saka nag lakad patungo sa silid ni Siir.