Pinagmamasdan ko ang mga kawal na nakatayo sa tabi ng tarangkahan habang nasa loob ako ng karwahe at hinihintay si Siir, napabuntong hininga ako saka tumingin sa ibang direksyon.
Bakit ba ang tagal niya? Masyadong paimportante ang babaeng iyon.
Bigla akong napatigil at natawa ng maalala ko si Ksara, ang isa ding yun ay masyadong mabagl kumilos at paimportante. Napailing nalang ako habang may ngiti sa aking labi.
"Pasensya na kung natagalan." Napatingin ako sa kaliwang bahagi ko ng may magsalita, si Siir. Halatang bagong gising lamang siya at hindi pa ayos ang kanyang buhok.
"Ginising ka ba?"Tanong ko, umiling siya habang nakatingin sa akin.
" Nakakain ka na?" Tanong ko, hindi siya sumagot kaya umusog ako sa kinauupuan ko saka tinapik ang bakanteng upuan sa tabi ko.
"Umupo ka na rito, lalabas tayo ng palasyo." Sabi ko saka inalalayan siyang makapasok sa loob, nang makapasok na siya sa loob ay tumingin ako sa kanya na halatang naiilang.
"Huwag kang mailang, parang hindi natin ginagawa ito noon." Sabi ko kaya ngumiti siya sa akin, tumingin ako sa kawal na nasa harap saka tumango bilang simbolo na paandarin na ang karwahe.
Habang papalabas ang karwahe namin sa palasyo ay tahimik lamang kaming dalawa ni Siir kaya muli ko siyang tinignan.
"Sa labas ka na kumain, sasamahan na lamang kita." Sabi ko kaya tumingin siya sa akin saka tumango. Muli na naman nabalot ng katahimikan ang loob ng karwahe hanggang sa makarating kami sa bayan.
Ang mga tao sa bayan ay sinalubong ang aming karwahe na may ngiti at natutuwa dahil sa pagbisita ko sa labas, puro 'Kinagagalak naming naririto kayo kamahalan.' 'Mabuhay ang bagong hari!' ang naririnig ko.
Tumigil ang karwahe namin sa tapat ng isang kainan, nauna akong lumabas sa karwahe, agad na nag bigay pugay ang mga tao na nasa paligid, ngumiti lang ako sa kanila saka inalalayan si Siir na makababa sa karwahe. Nang makababa na siya ay agad na tinuro ng aking yuniko ang daan papasok sa isang magarang kainan dito sa bayan. Napatigil ako sa pag pasok sa kainan ng matanaw ng aking mga mata ang isang pamilyar na beer house.
Muli kong naalala ang unang beses na dinala kami ni Ksara sa lugar na iyon.
"Valony Beer House." Basa ko sa pangalan ng beer house na nasa taas non.
"Bakit nandito tayo?" Tanong ko habang nililibot ang tingin sa paligid.
"Ito ang magandang lugar para mag usap tayong apat kung ano ang gagawin natin." Sabi ni Ksara kaya sabay sabay kaming napatingin sa kanya na nakakunot ang nuo.
"Nag bibiro ka ba? Beer house ito hindi pulongang silid." Sabi ni Bael.
"Mukha bang mag pulongang silid sa labas ng palasyo?" Tanong ni Ksara kaya natahimik kami, umirap siya saka nag cross ng arms.
"Sa una lamang ang mga titig nila, mamaya maya ay mawawala na din sa atin ang kanilang atensyon." Sabi ni Ksara saka tumingin sa paligid para hanapin ang waitress na nag tatrabaho dito.
"Welcome sa Valony Beer House Ma'am and Sir. Ito po ang menu." Naka ngiting sabi ng babaeng waitress at inilapag sa mesa namin ang menu saka nag abang kung ano ang oorderin namin.
"Hindi ko alam kung ano itong mga ito."sabi ni Cynrad habang naka tingin sa menu. Parehas kaming walang alam sa bagay na ito.
"Isang case ng beer tapos isang order ng giniling na manok at isang order ng sisig niyo."sabi ni Ksara kaya napatingin kami sa kanya, grabe ang dami niyang alam, nilista naman ng babae ang sinabi ni Ksara saka naka ngiting tumingin sa kanya.
"May idadagdag pa po ba kayo?"tanong nito.
"Paki hintay na lamang po."sabi niya saka tumalikod sa amin.
"Ano?"tanong ni Ksara habang nakatingin sa amin at nakataas ang kilay nito.
"Dati ka bang manginginom?"tanong ni Bael. Umiling si Ksara.
"Naririnig ko lang yun minsan sa pinsan ko."Sabi niya kaya tumango tango kami, so mangiginom ang dati kong yuniko? grabe.
"Ksara, bakit ka naman omurder ng beer?"tanong ko.
"Bakit? Diba tubig yun?"tanong niya. Luh?
Ilang minuto ang lumipas ng dumating ang order ni Ksara. Pinanuod namin na ilapag ng waitress ang order ni Ksara sa mesa namin.
"Ngayun pwede na tayong mag usap."sabi ni Ksara kaya napa tingin kami sa kanya.
"Dapat matinong pagkain na lamang ang inorder mo kesa dito."sabi ni Bael at inirapan si Ksara, hindi naman siya pinansin ni Ksara, nakita ko na kumuha ng beer si Ksara at binuksan ito.
"Minsan lang ito, kaya wag na kayong maarte."sabi niya at tumingin sa amin.
"Gaya ng sabi ko, dapat nating kalimutan muna na tayo ay mula sa palasyo."sabi niya at inangat ang beer na hawak niya habang naka tingin sa amin..
"Cheers?"tanong niya habang naka angat ang kamay sa ere. Naka ngiti kong kinuha ang alak na nasa harap ko saka pinatunog ang baso namin. Tama si Ksara.
"Nais ko uminom ng alak." Napatingin ako kay Siir na nasa tabi ko at nakatingin rin sa Beer house na tinitignan ko, huminga ako ng malalim saka nilampasan siya.
"Kumain ka nalamang ng normal na pagkain." Sabi ko at akmang papasok na sa loob ng magarang kainan ng hawakan ni Siir ang kamay ko dahilan para mapatigil ako at mapatingin sa kanya.
"Mas nais kong uminom ng alak, Pavel." Bigla akong nakaramdam ng kuryente ng sabihin niya ang aking pangalan, hindi ko alam kung bakit bigla nalamang ako naluha ng marinig ko ang pag banggit niya sa aking pangalan. Sabay noon ang pagbalik ko sa nakaraan kung saan unang beses tinawag ni Ksara ang pangalan ko.
Napatingin ako sa kamay ni Siir na nakahawak sa kamay ko, bigla akong napalunok at binawi ang kamay ko saka nag lakad patungo sa dereksyon ng beer house.
"Kamahalan, saan po kayo tutungo?"tanong pa ng aking yuniko ngunit hindi ko siya pinansin.
Ako na mismo ang nag bukas ng pinto beer house, pagkapasok ko ay ginala ko ang aking paningin, halos lahat ng tao sa loob ay saakin nakatingin at nagkaruon ng katahimikan.
"Kamahalan, anong ginagawa niyo rito?" Tanong ng isang lalaki at akmang lalapit sa akin ng mag sipasukan ang mga kawal ng palasyo at pinalibutan ako.
Lumingon ako kay Siir na nasa tabi ko na, may ngiti siya sa kanyang labi habang nakatingin sa isang dereksyon.
"Tara doon tayo." Sabi niya at bigla akong hinila palapit sa isang upuan, natigilan ako ng mapagtanto ko na dito rin ang pwesto namin dati nila Ksara nang una niya kaming dalhin dito.
Nakangiting umupo si Siir saka tumingin sa akin, umupo lang din ako sa tapat niya, itinaas niya ang kanyang kaliwang kamay at naga tawag ng waitress dahilan para maalala ko sa kanya si Ksara.
"Welcome sa Valony Beer House Kamahalan. Ito po ang menu." Naka ngiting sabi ng babaeng waitress at inilapag sa mesa namin ang menu saka nag abang kung ano ang oorderin namin.
Napatingin ako kay Siir ng ngumiti lang siya sa babae at biglang nag salita.
"Isang case ng beer tapos isang order ng giniling na manok at isang order ng sisig niyo."sabi ni Siir dahilan para matigilan ako at mapatitig sa kanya ng husto.
Ganong putahe rin ang inorder ni Ksara noon para sa amin.
"May idadagdag pa po kayo?" Tanong ng waitress kay Siir, nakangiting umiling si Siir kaya naman umalis na ang babaeng waitress para asikasuhin ang order namin.
Biglang napatingin si Siir sa akin at dahan dahang nawala ang ngiti sa kanyang labi.
"Bakit ganyan ka makatitig?" Tanong niya. Huminga ako ng malalim saka sumandal sa upuan ko at tinitigan siya ng seryoso.
"Sa paanong paraan mo natutunang uminom ng Alak Siir?" Tanong ko sa kanya kaya natigilan siya.