Tahimik ang buong beer house, hindi ito ang beer house na nakagisnan ko noong unang tapak ko rito. Noon ay maingay ang paligid, malakas ang tugtog, may mga sumasayaw sa harap at may mga nag tatawanan na tao. Ngayon ay halos nasa library kami dahil sa katahimikan, lahat ay tahimik na umiinom at patingin tingin sa gawi namin ni Siir.
Tahimik rin si Siir habang nakatingin sa akin, hindi niya pa sinasagot ang tanong ko kung saan siya natutong uminom, ang alam ko ay hindi umiinom ng alak si Siir dahil sa may allergy sya sa alak, noong unang beses na sinubukan naming uminom ng alak ay namula ang buong mukha niya at halos hindi siya makahinga noon.
Kaya naman nag tataka ako kung saan niya natutonang uminom at kung bakit pwede na siyang uminom ng alak ngayon.
"Bakit hindi mo masagot ang tanong ko Siir?" Seryosong tanong ko, huminga siya ng malalim saka napalunok.
"Ilang taon na ang lumipas Pavel, ilang taon na ang lumipas at nag daan at maraming nangyare sa panahon na iyon." Sabi niya saka umiwas ng tingin.
"Sa labas ng winsoul ko natutunang uminom." Sagot niya.
"Ngunit may allergy ka sa alak hindi ba?" Tanong ko. Bigla siyang natahimik at napatingin sa akin na para bang nagulat siya sa sinabi ko.
"O-Oo."Sabi niya kaya tinitigan ko siya ng maigi. Natawa siya bigla saka may nilabas mula sa kanyang bulsa, isang maliit na supot kung saan may laman iyon na maliliit na gamot.
"Nabili ko sa labas ng winsoul, mabisang gamot upang labanan ang allergy, ang sabi sakin ng nag benta ay inumin muna ang butil na ito bago kumain ng pinag babawal na pagkain sa amin." Sabi niya kaya tumango tango ako, ngumiti siya sa akin saka muling itinago ang supot na iyon.
"Sya nga pala kamahalan, anong ginagawa natin sa labas ng palasyo?" Tanong niya, hindi ko siya sinagot. Sa halip ay pinanuod ko ang waitress na ilapag ang order ni Siir sa mesa namin.
"Wow! ang sasarap ng mga ito." Nakangiting sabi ni Siir saka binuksan ang isang alak at sinimulang salinan ang baso na nasa harap ko sunod ang baso niya.
Nakangiting tumingin sa akin si Siir saka inangat ang hawak niyang baso.
"Cheers kamahalan." Sabi niya, tinitigan ko lang ang baso niya.
"Ano ba, makisama ka naman kamahalan, narito tayo upang magsaya." Sabi niya saka inabot sa akin ang baso ko na may lamang beer, kinuha ko naman iyon saka pinatunog ang baso naming dalawa, ininom ko ang beer na nasa baso ko at nakita ko na uminom narin si Siir ng beer na nasa baso niya.
Biglang kumunot ang nuo ko habang nakatingin sa kanya. Hindi ko pa nakikita na uminom siya ng sinasabi niyang pangontra sa allergy.
Ibinaba ko ang baso na hawak ko saka akmang mag sasalita na ng siya ang magsalita.
"Grabe, ang sarap talaga ng alak ng mga tao." Sabi niya, pinanuod ko siyang kumain ng inorder niyang sisig.
Sa hindi ko alam na kadahilanan ay nawalan ako ng lakas para sabihin sa kanya na nakalimutan niyang uminom ng gamot na tinutukoy niya.
Napalunok ako at napaiwas ng tingin, bakit ganito ang nararamdaman ko? bakit pakiramdam ko ay hindi si Siir ang kasama ko, na isang malapit na nilalang ang kasama ko.
Ilang oras pa ang nag tagal bago namin maubos ang inorder niya, hindi naman ako gaanong uminom ng marami, si Siir ang uminom ng marami habang ako naman ay pulutan lang ang kinain. Natawa ako sa naisip ko, sigurado ako na kapag nakikita ako ni Ksara na pulutan lang ang ginagalaw ay aasarin niya akong bakla.
"Bakla ka ba ha?"Bigla akong napatingin kay Siir ng mag salita siya, halatang may tama na siya ng alak.
"Bakit pulutan lang ang ginagalaw mo?" Sabi niya saka sinalinan ng alak ang baso ko.
"Ayan, uminom ka." Sabi niya saka tumingin sa akin.
"Hindi ako masyadong nag ii--"
"Inom na Pavel, parang hindi mo naman nagawang uminom noon kasama ako." Napakunot ang nuo ko sa sinabi nya at napatingin sa kanya ng seryoso.
"Dali na Pavel, wala mahina ka pala eh. Bakla HAHAHAAHAH."
Nakatitig lamang ako kay Siir na umiinom ng alak at sinasabi ang mga salita na iyon, huminga ako ng malalim saka tumayo dahlan para mapatingin ang lahat sa akin, sunod na tumingin si Siir sa akin na may nakakalokong ngiti sa kanyang labi.
"Kailangan mo ng umuwi."Sabi ko sa kanya kaya mas natawa sya.
"Lasing ka na." Sabi ko, umiling siya saka hinawakan ang kaliang kamay ko saka hinila paupo sa upuan ko.
"Hindi pa ako lasing Pavel." Sabi niya saka humagalpak ng tawa.
"Walang lasing dito." Sabi nya saka uminom muli ng alak. "Ang kagaya ko ay hindi nalalasing." Dagdag niya saka natawa.
"Naalala mo ba yung dinala ko kayo dito tapos sabi ko pag uusapan natin ang mga patakaran na kailangan niyong sundin." Sabi niya dahilan para matigilan ako.
"Natatandaan ko pa na naiilang ka sa mga titig ng tao sayo noon HAHAHAHAAH tapos nalasing kayong tatlo nila Bael at Cynrad HAHAHAHAHA." naiyukom ko ang aking palad ng mag balik sa aking ala-ala ang mga sinabi niya.
Agad akong napatayo at nahampas ng malakas ang mesa dahilan para makagawa ng ingay at mapatingin ang lahat sa amin.
"Tama na." inis na sabi ko kay Siir na natigilan rin.
"Ano bang nangyayare sayo?"Inis kong tanong.
"Bakit alam mo ang mga bagay na si Ksara lamang ang nakakaalam? bakit nasasabi mo ang mga bagay na tanging isang tao lamang ang nakakaalam." Namuo ang luha ko hindi dahil sa inis na nararamdaman ko kundi dahil sa pangungulila na nararamdaman ko kay Ksara.
Hindi sumagot si Siir, tila nawala ang tama ng alak sa kanyang sistema dahil sa ginawa ko.
"Mag pahatid ka na lamang sa kawal pabalik sa palasyo." Sabi ko saka naglakad palabas ng beer house, narinig ko pa ang pag tawag niya sa aking pangalan ngunit hindi ko na siya pinansin.
Patuloy lamang sa pag lakad ang aking paa, kada tao na masasalubong ko ay gigilid at gulat na mag bibigay pugay sa akin.
Napatigil lamang ako sa pag lalakad ng makarating ako sa tapat ng pinaka malaking gusali sa bayan.
Ang gusali kung saan pinanuod namin ni Ksara ang pag lubog ng araw sa unang pag kakataon na magsakama.