Ksara POV
Tahimik kong pinag mamasdan ang tanawin dito sa taas ng isang gusali sa labas ng bayan kasama ang prinsepe.
Manghang mangha siya sa makulay na tanawin dito sa taas, napairap ako. Ang sakit kaya sa mata ng mga ilaw, maganda kung mga apoy ang naririto at madaming sumisigaw na mga kaluluwa ng tao na humihiling ng tulong.
"Ganito pala talaga kaganda dito."naka ngiting sabi ni Pavel kaya napatingin ako sa kanya, naka ngiti siya habang nakatingin sa tanawin.
Naningkit ang mata ko, kawawang nilalang, ngayun lang nakapunta dito.
Bigla siyang tumingin sa akin kaya umiwas ako ng tingin, narinig ko ang pag tawa niya kaya napairap ako. Lagi bang natatawa ang isang ito? Ano naman ang nakakatawa? Baliw na ba siya?
"Salamat." Biglang sabi niya na nakapag patigil sa akin. Dahan dahan akong tumingin sa kanya. Naka tingin siya sa akin habang naka ngiti.
"Salamat kasi dinala mo ako sa lugar na ito, ito ang gabi na hindi ko makakalimutan sa lahat." Naka ngiting sabi niya, nanlaki ang mata ko ng bigla siyang lumapit sa akin at yakapin ako.
Napapikit ako dahil sa mga imahe na bigla nanamang lumabas sa aking isip. Napalunok ako at agad na tinulak palayo sa akin si Pavel. Gulat siyang tumingin sa akin kaya naningkit ang mata.
"Ang sabi ko diba wag mo akong hahawakan."sabi ko kaya natawa siya at napa kamot sa ulo niya.
"Sorry hindi ko mapigilan, ito kasi ang unang beses na may nag dala sa akin dito."sabi niya at tumingin ulit sa tanawin.
Nanatili ang titig ko sa kanya.
Hindi na ako mapakali, naguguluhan na ako. Ano itong mga nakikita ko sa tuwing hahawakan niya ako o mag didikit ang mga balat namin?
Ano ang mga imahe na iyun? Pakiramdam ko ay tunay ngunit paano nangyare iyon?
Huminga ako ng malalim, hindi ko na dapat alamin kung ano ang mga imahe na iyon, ang pakay ko lang dito ay gawin syang masama para matapos ang mission ko,.
"Sya nga pala, anong oras tayo uuwi?" Tanong niya at tumingin sa akin.
"Ikaw ang bahala." Sabi ko saka kinapa ang likod ko at kinuha ang bag na dala ko kanina pa.
"Oh." Sabi ko saka pabatong binigay sa kanya ang bag na agadd niya namang nasalo.
"Ano ito?" Tanong niya, napairap ako.
"Buksan mo ng malaman mo." Sabi ko saka humiga sa lapag at pumikit.
Biglang natahimik ang paligid kaya kumunot ang nuo ko at dinilat ang mata ko saka tinignan si Pavel, naka kunot ang mata niya habang nakatingin sa laman ng bag. Napa tingin siya sa akin.
"Paano mo nakuha ito?" Tanong niya habang nakatingin sa akin, natawa ako.
"Ninakaw ko." Sagot ko na nag palaki ng mata niya, natawa ako ng malakas saka napaupo.
"Syempre binili ko." Sabi ko kaya dahan dahang nawala ang kunot niya sa nuo at napangiti.
"Pero sabi mo wala kang dalang ginto?" Tanong niya at kinuha ang laman ng bag, napangisi ako.
"Ako pa mawawalan." Sabi ko saka tumingin sa harap.
"Pati itong bracelet? Yuniko naman! ilang ginto ginastos mo? babayaran kita sa palasyo." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Wag na, wala naman akong pake alam sa ginto." Sabi ko saka napangisi. May pumasok sa isip ko bigla.
Pinag masdan ko siya na ilabas ang mga bagay na kinuha niya kanina na laman ng bag, nawala ang ngisi sa labi ko ng makita kong hawak niya ang bracelet na kagaya sa akin, napatingin siya sa kamay ko at napangiti.
"Akala ko binalik mo." Sabi niya at tumingin sa akin, umirap ako.
"Kapag binigay na sakin, hindi na pwedeng bawiin." Sabi ko at tumingin sa kanya na naka ngiti. Pinanuod ko siyang ilagay sa kamay niya ang bracelet,tumingin siya sa akin at pinakita ang kamay niya kung saan suot ang bracelet.
"Ayan, suot ko na ulit simbolo ng pagiging magkaibigan natin." Sabi niya saka nilagay sa loob ng bag ang mga bagay na nilabas niya, pinanuod ko siya hanggang sa matapos niyang ilagay sa loob ng bag ang mga iyun, bigla siyang tumingin sa akin saka ngumiti.
"Alam mo ikaw palang ang kaibigan ko na nag dala sa akin dito."Sabi niya. Hindi ako nag salita, wala naman akong sasabihin kaya mas pinili ko nalang na manahimik. Saka wala din naman akong pake alam kung ako ang unang nag dala sa kanya dito.
"Sila Bael at Cynrad, lagi nila sinasabi sa akin na delikado ang pag labas sa palasyo dahil sa mga taong hindi namin kilala, baka may gawin silang masama sa akin kaya lagi nilang pinapaalala na wag na wag akong lalabas."Kwento niya. Narinig ko ang pag tawa niya.
"Pero mukhang mali sila dahil mababait ang mga nasasakupan namin." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Walang nangyare sa akin ngayun kaya naman nakakasiguro ako na walang masasama sa mga nasasakupan namin." Sabi niya.
"Jan ka nag kakamali." Sabi ko kaya napatingin sya sa akin, tumingin ako sa ibang dereksyon.
"Tama sila, hindi mo pa kakilala ang mga tao dito kaya wag kang mag titiwala basta basta." Sabi ko.
Hindi siya sumagot kaya tumingin ako sa kanya.
"Pakitang tao lang ang iba sa kanila, malay mo nasa harap mo lang pala ang taong mag lalagay sayo sa kapahamakan." Sabi ko kaya natawa siya.
"Sinasabi mo ba na ilalagay mo ako sa kapahamakan?" Natatawang tanong niya kaya natawa ako.
"Ano ba sa palagay mo?" Tanong ko. Natigil siya sa pag tawa at ngumiti sa akin.
"Hindi." Sagot niya kaya nawala ang ngiti sa labi ko. Unti unting nag seryoso ang mukha ko habang nakatingin sa kanya.
"Sa tingin mo, mapag kakatiwalaan ba ako?" Tanong ko habang nakatingin sa mga mata niya, mababasa ko kung napipilitan lang siya sa sagot niya o nag sisinungaling siya.
Ngumiti siya sa akin habang hindi inaalis ang tingin sa akin.
"Oo naman, para sa akin, mabait ka at mapag kakatiwalaan." Sabi niya, biglang dumilim ang paningin ko, napapikit ako at pinakalma ang sarili ko.
"Ang sama mo!"
"Wala kang puso!"
"Demonyo ka!"
"Isa kang salot!"
Narinig ko ang mga sigaw ng mga taong pinaparusahan ko sa impyerno at sa lupa.Minulat ko ang mata ko at tumingin ng seryoso kay Pavel.
"Wag mong sabihin sa akin yan dahil hindi mo pa ako kilala." Malamig kong sabi.
"Pero yun ang nararamdaman ko, isa kang mabait na--"
"SABING HINDI AKO MABAIT!" biglang sigaw ko kaya natigilan siya, nagulat siya sa ginawa ko. Tumayo ako at tumalikod sa kanya, nararamdaman ko na ang yabag ng mga kaibigan nya.
"Wala akong puso at hindi ako mabait kaya wag mo ng uulitin na sabihin sa akin yan." Malamig kong sabi.
Napangiti ako ng mag balik sa aking ala-ala ang unang beses na dinala ko so Pavel dito sa malaking gusali sa labas ng alasyo habang nakatingala sa tuktok ng building kung saan nakatayo roon si Pavel at nakatingin sa tanawin.
Yun ang kauna-unahang pagkakataon na may nagsabi sa akin na isa akong mabait na nilalang. Bagay na kinagalit ko pa noon dahil sa nasanay ako na puro negatibo lamang ang naririnig ko.
Huminga ako ng malalim saka tumalikod mula sa dereksyon ni Pavel.
"Tara na kawal." Sabi ko sa kawal na nakasunod sa aking likuran.
"Ang kalahating hukbo ng kawal ay papuntahin niyo rito upang bantayan si Pavel." Sabi ko saka nag simulang mag lakad papunta sa karwahe.