Gabi na ng makauwi si Pavel mula sa labas ng palasyo, dumiretso na siya sa kanyang silid at hindi na kumain. Huminga ako ng malalim saka binitawan ang hawak kong kubyertos. Nawalan narin ako ng ganang kumain.
"Ayaw mo na?" Tanong ni Cynrad sa akin kaya napatingin sila Bael at babaeng banal sa akin.
"Inaantok na ako." Maikling sagot ko saka tumayo, sila ang kasama sana namin ni Pavel na kumain ng hapunan kaso dumiretso lamang si Pavel sa kanyang silid kaya naman nawalan narin ako ng gana.
"Ganon ba, sige halika na, ihahatid na kita sa iyong silid." Sabi ni Cynrad kaya umiling ako.
"Kaya kong mag tungo ron ng mag isa." Sabi ko saka nag simulang mag lakad.
Narinig ko pa ang bulongan nila Bael at Babaeng banal ngunit hindi ko na ito pinansin pa.
Lumabas ako sa hapag at nag simulang mag lakad patungo saa aking silid. Nais ko munang mag pahinga sa pagkat naparami ata ang nainom ko kaninang Alak.
Pakiramdam ko ay umiikot ang aking paligid saka nasusukaa.
Peste, hindi naman ganito ang nararamdaman ko noong nasa katawang tao ko ako, bakit ngayong nasa loob ako ng katawan ni Siir ay nararamdaman ko ang ganitong pakiramdam. Peste.
Napahinto ako sa pag lalakad ng muling umikot ang paningin ko, napahawak ako sa pader na malapit sa akin saka napapikit.
"Ano't nahihilo ako ng ganito kalala?' Iritang tanong ko sa aking sarili saka muling minulat ang aking mata, muli akong nag patuloy sa pag lalakad habang naka hawak sa pader.
Muli akong napahinto sa aking pag lalakad ng makaramdam ako ng pagsikip at pag higpit ng aking paghinga.
"Binibining Siir, ayus lang po ba kayo?" Tanong ng yuniko ko na nakasunod sa aking likuran, hindi ko siya pinansin, sa halip ay nag lakad ako muli at binaliwala ang pag sikip ng aking dibdib hanggang sa mapaupo ako at mawalan ng balanse, napahawak ako sa aking dibdib ng kumirot ito at sumikip.
"Binibining Siir!" Agad na umalalay sa akin ang yuniko at ilang tagapagsilbi na kasama ko.
"Tumawag kayo ng mang gagamot." Utos ng yuniko ko sa ilang tagapag silbi na kasama namin, agad naman silang sumunod at dali daling nag lakad.
"Binibining Siir, masakit po ba--- ang ilong nyo ay nag durugo." sabi ng yuniko ko habang nakatingin sa aking ilong, agad kong kinapa ang ilong ko at tinignan ang kamay ko. Oo nga, nag durugo ang aking ilong.
"Kaya niyo po bang tumayo? aalalayan ko po kayo patungo sa inyong silid." Sabi nito, tumingin ako sa kanya, nandidilim ang paningin ko, hindi ko alam kung ano ang nangyayare ngunit nanlalabo ang aking paningin.
"A-ano nga ulit ang iyong ngalan?" Tanong ko.
"Chantria po binibini." Sagot niya.
"Chan--"Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng tuloyan ng nandilim ang paligid ko.
Pavel POV
"Kamahalan!" Napatingin ako sa pinto ng aking silid ng bigla itong nag bukas at niluwa noon ang mukha ng yuniko ni Siir.
"Si Binibining Siir po kamahalan." nag aalalang sabi niya kaya agad akong napatayo sa aking kinauupuan at biglang kinabahan.
Hindi ko alam kung bakit at kung saan nag mumula ang aking kaba, ang huling naaalala ko na lamang ay binanggit ng yuniko ni Siir ang kanyang pangalan at napagtanto ko na lamang na nasa tapat na ako ng pinto ng silid ni Siir, agad akong pumasok sa silid niya at nakita si Lolo Gabriel na nakabantay sa walang malay na si Siir.
"Anong nangyare sa kanya?" Tanong ko at lumapit sa kanila.
"Bigla na lamang daw nawalan ng malay si Siir at nag durugo daw ang kanyang ilong sabi ng kanyang yuniko." Sabi ni lolo Gabriel, tumingin ako kay Siir na walang malay.
"Kakatapos lamang siyang tignan ng manggagamot."Sabi ni Cynrad na nasa tabi ni Lolo Gabriel.
"Ano daw ang nakita sa kanya?" Tanong ko.
Huminga ng malalim si Lolo Gabriel saka sumenyas sa yuniko ni Siir na lumabas muna, agad namang sumunod ang yuniko ni Siir kaya kami na lamang ang natira dito sa loob ng silid ni Siir.
"Wala siyang sakit Pavel." Sabi ni Lolo Gabriel kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Ngunit.."Hindi natapos ni Lolo Gabriel ang sasabihin niya ng hawakan siya ni Cynrad sa balikat.
Tinignan ko lamang silang dalawa, tila nag uusap sila sa kanilang mga mata.
"Ngunit ano?" Tanong ko, tumingin si Lolo Gabriel sa akin saka ngumiti ng malungkot.
"Paumanhin Pavel, pero hindi kami ang nararapat na mag sabi sayo ng bagay na iyon." Sabi ni Lolo Gabriel kaya kumunot ako.
"Bagay na alin?" Tanong ko, hindi sumagot si Lolo Gabriel, sa halip ay siya ay tumayo at nag lakad papalapit sa akin, tinapik niya ang aking kaliwang balikat saka ngumiti ng malungkot sa akin.
"Kung ano'man ang iyong nararamdaman sa tuwing kasama mo si Siir ay yun ang paniwalaan mo." Sabi niya bagay na hindi ko maintindihan dahil masyadong malalim ang sinabi niya.
Nararamdaman pag kasama si Siir? wala naman akong nararamdaman sa tuwing kasama ko si Siir, ang turing ko lamang kay Siir ay isang kapatid, yun lang at wala ng iba.
Nag lakad na palabas si Lolo Gabriel sa silid ni Siir, kaya naman napatingin ako kay Cynrad na nakatingin kay Siir.
"Alagaan mo siya Pavel." Seryosong sabi ni Cynrad at tumingin sa akin, ito ng unang beses na nakita ko si Cynrad na seryoso.
"Alagaan mo siya gaya ng pag aalaga niya sayo." Sabi niya saka lumapit sa akin, ngumiti siya ng pagka lungkot lungkot.
"Bago pa mahuli ang lahat." Dagdag niya saka nag lakad palabas sa silid ni Siir. Ngayon ay dalawa na lamang kaming natitira ni Siir dito sa kanyang silid.
Patuloy na pinoproseso ng aking utak ang mga sinabi ni Cynrad at Lolo Gabriel, hindi ko alam kung ano ba ang nais nilang ipahiwatig at nais na ipaalam, masyadong malalim ang kanilang mga sinabi bagay na hindi ko maintindihan.
Huminga ako ng malalim saka nag lakad palapit kay Siir na nakahiga sa kanyang kama, nang makalapit na ako sa kanya ay huminga ako ng malalim saka tinitigan siya.
Bigla akong napatigil ng bigla kong makita si Ksara sa kanya, agad akong napa iling at napapikit.
"Mag pagaling ka, Siir." Bulong ko habang nakatingin sa kanya.