Chapter 34: Taga pagpatupad ng batas palasyo

1114 Words
Buong magdamag ay binantayan ko si Siir, sa silid niya narin ako natulog at nag palipas ng gabi. Kinaumagahan ay hindi parin nagigising si Siir, sinipat ko ang kanyang nuo at tinignan ang kanyang temperatura. Normal lang naman ang init niya.  Napahinga ako ng malalim ng maalala ko na wala palang sakit si Siir, gaya ng sinabi ni Lolo Gabriel ay ayos lang naman daw siya. Muli akong napatingin kay Siir, kung ayos lang naman pala siya, bakit hindi pa siya nagigising? Lumingon ako sa pinto ng mag bukas ito, niluwa noon si Cynrad at Lolo Gabriel at mga yuniko nila, nakita ko ang Yuniko ni Siir na may hawak ng pagkain. "Magandang umaga kamahalan." Sabay na sabi ni Cynrad at Lolo Gabriel, nag bigay pugay sila sa akin pati ang mga tagapag silbi at mga yuniko ay nag bigay pugay sa akin. Ngumiti lang ako sa kanila saka tumingin muli kay Siir. "Hindi pa siya nagigising." Sabi ko sa kanila, lumapit si Lolo Gabriel kay Siir saka pinag masdan, ngumiti si Lolo Gabriel sa akin ng humarap sya. "Kumain ka na muna sa baba kamahalan, naruon na sila Bael at Abiah." Sabi ni Lolo Gabriel. "Kami na ang bahala kay Siir kamahalan." Sabi ni Cynrad kaya tumango ako saka muling tumingin kay Siir na wala paring malay. Tumalikod ako at nagsimulang maglakad. Habang nag lalakad ako ay naiisip ko parin ang sinabi nila Lolo Gabriel at Cynrad kahapon, hindi ko mawari kung ano ang nais nilang iparating sa mga sinabi nila sa akin kahapon.  "Kamahalan." Napatigil ako sa pag lalakad saka tumingin sa tumawag sa akin, ang yuniko ko. "Saan po kayo tutungo?" Tanong nito. "Sa hapagkainan." Sabi ko. "Ngunit naririto po ang daan patungo sa hapag." Sabi nito saka tinuro ang kaliwang bahagi ng daan. Napatingin ako sa landas kung saan dapat ako tutungo at napansin na mali nga ang aking dinadaanan. Tahimik akong nag tungo sa daan natinuro ng aking yuniko at nang makarating na ako sa hapag ay naruruon na sila Abiah at Bael. "Magandang umaga kamahalan." Sabay na sabi ng dalawa saka nag bigay galang, ngumiti lang ako sa kanila saka nag tungo sa aking upuan, naka handa na ang mga pagkain sa mesa at tila hinihintay ako nila Bael at Abiah.  "Sila Lolo Gabriel at Cynrad?" Tanong ni Bael. "Nasa silid  ni Siir." Sabi ko saka pinanuod ang yuniko ko na lagyan ng pagkain ang aking plato. "Hmm, ano nga pala nangyare kay Binibining Siir?" Tanong ni Abiah. "Nawalan raw siya ng malay kahapon." Sagot ko saka sinimulang kumain ng matapos lagyan ng yuniko ko ang aking plato. "Kamusta raw sya?" Tanong ni Bael. "Ayos naman na, ata." Sagot ko. Nag karuon ng mahabang katahimikan ang silid ng hapag, ni isa sa amin ay walang nag sasalita hanggang sa mag bukas ang pinto ng silid at niluwa noon sila Cynrad at Lolo Gabriel. "Kamahalan." Sabi ni Lolo Gabriel at nag bigay galang, umupo sa upuan niya si Cynrad habang si Lolo Gabriel naman ay nanatiling nakatayo.  "Ang hukbong samahan ng mga myembro ng bagong tagapag patupad ng batas palasyo ay hinihintay ka sa punong bulwagan, nais ka raw nilang makausap kamahalan." Sabi ni Lolo Gabriel kaya tumango ako at tumayo na, sakto tapos na ako kumain. "Kumain ka na Lolo Gabriel." Sabi ko saka nag lakad palabas ng silid ng hapag ng magsalita si Lolo Gabriel. "Sasama ako sa inyo kamahalan." Sabi nito kaya tumango ako bilang pag payag, sabay kaming nag lakad patungo sa punong bulwagan, pagkarating namin doon ay naruruon ang labing isang myembro ng tagapag patupad ng batas palasyo, seryoso ang kanilang mga awra ng ako ay pumasok. Nag sitayuan sila at nagbigay galang sa akin habang ako ay nag lalakad patungo sa aking trono. Umikot ako upang humarap sa lahat at nakitang nakayuko parin sila at hinihintay na makaupo ako. Huminga ako ng malalim saka umupo sa aking trono, pagkaupo ko ay sabay sabay silang tumayo ng maayos at umupo rin sa kanilang mga upuan. "Kinagagalak ka naming makita sa unang pagkakataon,kamahalan." Sabi ng isang tagapag patupad ng batas palasyo. Hindi ako nag silita, sa halip ay ngumiti lamang ako saka tumingin kay Lolo Gabriel na nakaupo sa harapan at nakatingin rin sa kanya. "Pinatawag niyo daw ako, ano ang inyong nais?" Tanong ko kaya nag tinginan sila saka sabay sabay na tumingin sa akin. "Kamahalan, alam namin ang pinag daanan mo nitong mga nakaraang araw." Sabi ng isa kaya tumingin ako sa kanila. "Ngunit alam mo rin na ang isang hari ay nangangailangan ng reyna at ang isang kaharian ay nangangailangan ng isang ina." Napapikit ako sa sinabi niya, alam ko na kung saan tutungo ang usapin na ito. Bakit ba sila nag mamadali na mag asawa ako? Nakakairita. "Kamahalan, ang mga tao sa bayan at labas ng palasyo ay nag tatanong kung kailan ipapakilala ang magiging reyna." Sabi naman ng isa, nanatili akong tahimik. "Ganon rin ang ilang maharlika na dayuhan, kanilang inaabangan ang pag papakilala sa magiging reyna." "Ang aking suhestyon ay, bakit hindi nalang natin ipag pabukas ang pag papakilala sa inyong mapapangasawa kamahalan?" Napamulat ako ng mata dahil sa sinabi ng isang tagapag patupad ng batas palasyo, nasisiraan na ba sya ng bait? "Nang sa ganon ay mapaparami ang atraksyon ng mga dayuhan at mananatili ang ilang maharlika sa ating bayan upang abangan ang nalalapit na kasal." Dagdag nito. "Ako ay tutol." Sabi ni Lolo Gabriel kaya nakahinga ako ng malalim, napatingin ang mga kasama namin sa kanya. "Ngunit tandang ministro, marami tayong makukuhang benepisyo kung ipag papabukas na natin ang anunsyo." "Hayaan niyo ang kamahalan ang mag desisyon ng tungkol sa bagay na iyan, ang kasal ay hindi biro gaya ng inyong mga naiisip, okupado pa ang utak ng kamahalan dahil sa pagkawala ng kanyang iniibig, kung tayo ay dadagdag sa kanyang iisipin ay makakasama ito sa kondisyon ng kanyang kalusugan." Sabi ni Lolo Gabriel. "Ngunit tandang ministro, ang salapi na ating makukuha rito ay malaki kung sakali." "Ang salapi na inyong makukuha ay kayo lamang ang nakikinabang, may naiambag ba kayo sa ekonomiya ng ating lugar? mag kano? nasaan ang resibo ng inyong mga ambag? "Inis na sabi ni Lolo Gabriel kaya natawa ako. Natahimik ang buong silid kaya naman nag salita na ako. "Tama si Lolo Gabriel." Sabi ko. Napatingin ang lahat sa akin. "Hindi pa ako handa para sa kasal ngunit kung nais ng mga tao na makilala ang magiging reyna ay kakausapin ko muna siya at tatanungin kung kailan siya pwede." Sabi ko saka tumayo. "Mag aanunsyo na lamang kami ng araw kung kailan ipapakilala ang susunod na magiging reyna, mag hintay na lamang kayo." Sabi ko saka nag lakad palabas ng punong bulwagan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD