Chapter Twenty
Lunch with Lopez's feels like a one subject on our class na ayaw ko. It's like hindi ito natatapos at ang bagal ng oras. I've been sitting here for hours but in reality it's only been like 20 minutes.
"I'm glad that we did have a opportunity to eat lunch like this," sambit ni Mama habang naka ngiti ito.
"I'm shocked nga noong tinawag mo ako asking for a family lunch," sagot naman ni Mrs. Lopez ay sinulyapan niya ako. Bahagya naman akong tumango kahit nahihiya ako.
Kanina pa ako tapos kumain, sina Mama lang ang hindi pa tapos dahil nag-uusap sila. I'm just hoping na mag-ask na si Rean na umalis kami dito para mag-usap. Mas gusto ko na siyang maka usap kaysa makinig kina Mama dito.
"Ma, can you excuse us?" Napalingon ako kay Rean ngayon. Kanina ko pa siya hinihintay na ipagpaalam para makaalis na ako dito sa dinning room.
"I think it's better for the two of you go there," sagot naman ni Mama at tinignan niya kaming dalawa ni Rean.
Dahan dahan naman akong tumayo sa kinauupuan ko at nag-bow muna ako bago tuluyang umalis. Habang naglalakad ako palabas ng bahay namin ay nararamdaman ko na nakasunod sa akin si Rean. Alam ko naman na susunod ito sa akin kaya tuloy tuloy din ako sa paglalakad. Sa likod bahay na lang siguro kami mag-uusap.
Meron kaming mini garden sa likod ng bahay, at baka doon na lang kami mag-usap ni Rean. Pagdating namin sa garden ay umupo ako sa isa sa mga benches.
"So tell me what do you want to talk about Rean," pagsisimula kong magsalita noong maka upo na rin sita sa aking harapan.
"Why did you suddenly ignore me Alisa? I was so confused when you texted me and I can't even reach you out," sambit ni Rean habamg nakatingin siya sa akin. Sinubukab ko namang iwasan ang mga tingin niya sa akin.
"I don't think we should continue talking Rean," sagot ko sa kanya. Hindi ko talaga siya kayang tignan ngayon sa kanyang mga mata.
"Why? Did I do something wrong? Did I offend you or something?"
"No, Rean. Gosh you never did something to offend me. It's just some circumstance-"
"Is this about your sister?"
Nagulat naman ako sa kanyang sinabi, alam niya ba ang tungkol doon? Obviously, narinig kong nagmamakaawa si Ate Marina sa kanya eh.
"Yes, I don't want to continue hurting her."
"Wala kang kasalanan sa tungkol sa amin ng kapatid mo Alisa. It's all her fault kung bakit gano'n ang nangyari," mahinang sagot nito sa akin. Now I'm eager to know what happened to them.
"What do you mean?" takang tanong ko sa kanya habang naka kunot ang aking noo.
"I kind of know what is the reason why you are ignoring me. It's your sister right?" Rean said. I just gave him a confused look right now dahil sa sinabi niya.
"Rean I'm so confused right now."
I honestly don't know what he's talking right now. Anong alam niya na si Ate Marina ang dahilan kung bakit ko siya iniiwasan. Ano bang meron sa kanilang dalawa ni Ate Marina that he had to say that.
"Marina. Before I started talking to you, she said something bad about you. It's like hindi niya gusto na makausap tayo," pagsisimula ni Rean mag kwento.
"She did that before noong nagkaroon din ako ng bagong kaibigan. She would purposely let them hear that she's calling me while begging na siya na lang. I know na yun ang narinig mo kaya mo nasabing huwag na tayong mag-usap. The next day after mong sinend sa akin ang texg na yun ay naging maayos na kausap muli si Marina."
I can't believe what Rean is talking about right now. It's like he's talking about a stranger, it's like I don't know kung sino ang kinukwento niya ngayon. Parang hindi iyong ang Ate Marina ko, hindi naman siya gano'n eh. Hindi gano'n ang ugali ng kapatid ko, pero bakit sa kwento ni Rean ibang iba siya.
"You are just making that up," hindi ko makapaniwalang sabi kay Rean.
"I'm not. You can ask about her to our circle of friends Alisa," sambit naman ni Rean at inabot sa akin ang phone niya. Dahan dahan ko naman itomg kinuha at tinignan ang screen, nakita ko na nasa groupchat ito.
"No. I'm gonna talk to her Rean. I don't want to talk behind her back," sabi ko dito at inabot ko pabalik sa kanya ang phone niya.
"I wisg ganyan din ang mindset niya sa'yo Alisa."
After my conversation with Rean I really don't know what to feel right now. Hindi ko alam kung kaya ko pang makausap si Ate Marina tungkol sa nalaman ko. Although I want to talk to her ay hindi naman ako pinapansin nito. Madalas din siyang wala sa bahay at hindi namin nakakasabay na kumain dahil sa mga sunod sunod na blind dates nito.
Mabilis na lumipas ang mga araw, sa sobrang dami ginagawa sa sc ay hindi ko na napansin ang araw. Ber months started to come by that it means more vacation and chances of seeing Daxon.
"Ma can I stay at Eretria sa bakasyon?" tanong ko kay Mama habang nag di-dinner kami ngayon.
"How about doon tayo mag christmas?" suggest naman ni Papa ngayon. Parang nagliwanag naman ang mga mata ko sinuggest ni Papa kay Mama. All we need to do now is wait for Mama to agree.
"You want to celebrate christmas sa Eretria?" Mama looked at Papa now with a big question mark on her face.
"Ayaw mo ba? I want to visit Lola's grave din sana sa november," sagot naman ni Papa kay Mama.
Oo nga pala sa Eretria naka libing sina lola, our great grandparents. But our Grandparents are still alive naman, nasa ibang bansa nga lang sila. Papa rarely visit his grandparents dahil sa Eretria naka libing ang mga ito
"We can naman. I wanted to visit mamita din," sagot ni Mama kay Papa. And I can't stop myself from smiling right now.
Sana ay bumilis pa lalo ang paglipad ng mga araw. Sobrang excited na ako sa pagbabakasyon namin sa Eretria. Although I'm a little bit anxious to meet Daxon dahil kasama si Mama. Maybe I can ask Yuri to cover us up? Or maybe Kuya Lev?
"Ate Alisa you are here na!" maligayang bati ni Yuri sa akin bago niya ako yakapin.
"Napapadalas ka ata dito ngayon Alisa," ani naman ni Kuya Lev bago niya halikan ang ulo ko.
"Si Papa kaya nag-suggest na magpunta ako dito. Atsaka you don't want to see me ba Kuya Lev?" tanong ko naman kay Kuya Lev and acting sad with matching pouting pa.
"Basta ako Ate Alisa I like you being here. Just don't mind Kuya Lev hind naman valid ang opinion niyan dito," pang-aasar naman ni Yuri kay Kuya Lev.
Just like what I wished, Days went by quickly and here I'm at Eretria for our vacation. Nauna akong nagpunta dito kaysa kina Mama dahil mayroon pa silang one week na business trip sa Bohol. That's why nauna na akong magpunta dito.
"Talaga ba Yuri? Ikaw nga pabigat lang dito sa bahaye eh!" pang-aasar naman pabalik ni Kuya Lev kay Yuri. Umiling na lang ako sa kanilang dawala, I really like how they can tease eachother like that.
Iniwan ko naman silang dalawa sa baba na naghahabulan at umakyat na ako sa taas. Kailangan ko din maligo at magpahinga dahil napagod ako sa biyahe. Since ako lang mag-isa ay nagpahatid na ako gamit ang van namin. At ayaw ko din ng chopper dahil mas gusto ko ang view ng dinadaanan by land.
Pagdating ko sa aking silid ay naligo ako at pagtapos at nagsuot na ako ng pantulog. Hapon palang naman pero dahil matutulog ako ay baka gabi na ako magising kaya naman nagsuot na ako ng pantulog. Bago naman ako humiga ay naka-recieved ako ng text, napangiti naman ako ng makita kong galing ito kay Daxon.
From Dax;
You think matatago mo sa akin na andito kana sa Eretria? Perya tayo mamaya?
Hindi ko muna ito nireplayan itinabi ko muna ang phone ko sa side tablet ko at natulog na ako. Natulog ako na may ngiti sa aking mga labi dahil sa text niya.
Nagising naman ako dahil sa sunod sunod na pag-vibrate ng aking phone. Tumingin naman ako sa bintana napansin ko naman na madilim na at mga ilaw sa labas ang nagbibigay liwanag sa labas. Umilaw naman ang phone ko at nakit ako ang 'Fast food buddies' na lumitaw sa screen ko. It must be our group chat sa SC
Ellie: Tara kain tayo sa labas.
Dame: G! Let's go!
Reese: Nasa mall na ako, see you here siguro.
Me: Pass. Nasa Eretria ako.
Ellie: What? nandyan ka at hindi mo kami niyaya?
Dame: Napadalas ang pagpunta punta mo diyan ah!
Reese: Eretria? sa ibang bansa ba yan? I never heard that place.
Hindi naman ako nakapagreply sa kanila dahil biglang lumitaw sa screen ko pangalan ni Daxon. Mabilis ko namang sinagot ang tawag niya sa akin.
"Hello? Did I wake up?" Daxon asked with his low voice.
"Nope, I was up five minutes before you called," I answered him in a quiet voice. Ewan kung bakit ko ginagaya ang boses niya ngayon.
"Have you seen my text?"
"Yep, do you still want us to go?"
I heard a bedsheets shuffling from the other line, he must be on his bed too.
"Ikaw ba gusto mo pumunta? or you want to take a rest muna?"
Napailing naman ako kahit alam kong hindi naman niya makikita ang aking ginawa. "No, nakapag pahinga naman ako."
"Okay, wait for me there."
"See you!" At pinatay ko na ang tawag.
Mabilis naman akong tumayo mula sa aking higaan at nagbihis ako. Kumuha ako ng isang white string strap square fitted top and a black track pants. The top reaches above my belly button while my track pants waist band is only below my bellybutton. Tinignan ko naman ang sarili ko sa full length mirror ko dito sa kwarto. Mukha namang maayos ang suot ko, hindi naman siya masagwang tignan.
Kinuha ko naman ang kulay white platform shoes ko mula sa kahon. After dressing up I fix my hair, I put it in a half ponytail. I did put some lipbalm dahil medyo nag-dry ang labi ko dahil malamig na. Noong matapos na akong mag-ayos ay kinuha ko na ang wallet at phone ko nabago ako bumama.
Pagbaba ko ay nakita ko si Kuya Lev na nanonood ng tv sa sala.
"Aalis ka rin ba?" tanong nito sa akin noong makita niya.
"Magpupunta kami ni Daxon sa peryahan," sagot ko kay Kuya Lev at naglakad ako palapit sa kanya.
"Baka magkita kayo ni Yuri sa peryahan niyan. Nagpaalam din siya na magpupunta doon eh."
"How about you Kuya Lev wala kang lakad?"
"Meron kaya lang mamaya pa. Mag-iingat kayong dalawa ni Yuri ha? If something happened call me ha?"
"Ikaw din Kuya Lev mag-iingat ka ha?" Humalik naman ako sa pisngi nito bago ako lumabas ng bahay. I plan to wait for Daxon sa tapat ng gate namin.
Paglabas ko naman sa mula sa malaking gate namin ay naaninag ko ang ilaw ng isang motorbike na papalapit sa akin. At ilang minuto pa ay huminto ito sa harapan ko. Noong una ay kinakabahan pa ako ngunit noong iniabot nito sa akin ang isang helmet ay saka ko lang narealize na si Daxon ito.
"I still can't drive our cars kaya let's just use my motorbike. Okay lang ba sa'yo?" tanong nito sa akin at tinaas ang kanyang helmet para marinig ko siya ng maayos.
"Hindi pa ako nakasakay ng motorbike. Safe ba sumakay diyan?" alangan tanong ko. We usually use cars kasi kapag umaalis, at never pa talaga akong nakasakay ng motorbike.
"It's safe Alisa come on. I will drive slowly para hindi ka matakot," sambit naman ni Daxon sa akin. Dahan dahan ko namang kinuha ang helmet at sinuot ito.
"How to ride this?" tanong ko sa kanya noong masuot ko na ang helmet.
"You can just seat sideways but it's not that safe. You can ride it the way I'm sitting right now. Nakasakay ka na ba sa mga kabayo? Kagaya lang nun ang way ng pagsakay," pagpapaliwanag ni Daxon sa akin. Tumango naman ako sa kanya at dahan dahan na sumkaya sa motorbike niya.
Noong makasakaya na ako ay humawak ako sa kanyang balikat ngunit noong pinaandar niya ito ay nagulat ako. Napayakap ako bigla ng mga mahigpit sa kanyang bewang at isinandal ko ang aking ulo sa likod niya. May sinasabi ito ngunit wala akong ibang marinig kundi ang t***k ng puso ko.
~~