7

1623 Words
WALANG pakialam si Faith kung mukha man siyang tanga. Kulang na lang ay magpatalon-talon pa siya sa tuwa sa labis na saya. Mabilis niyang nailigpit ang mga gamit sa mesa niya. Eksaktong alas singko ay lumabas na siya ng opisina at tinungo ang elevator. At balewala ang sayang nakapinta sa mukha niya nang makarating siya sa lobby. Higit pa sa doble ang pumalit doon nang makita nga niyang naghihintay roon si Patrick. At kung hindi lang siya biglang na-conscious, malamang na tinakbo na rin niya ang ilang dipang pagitan nila. Pero hindi na rin siya nakapagpigil. Nang ganap siyang mapalapit dito, siya na ang tumingkayad para dampian ito ng halik sa mga labi. God, she missed him. Kauna-unahang pagkakataon iyon na talagang hindi siya napanatag dahil sa misunderstanding nila. And now that she had seen him again, ngayon niya lalong natanto kung gaano niya ito kamahal. Magkahawak-kamay na tinungo nila ang parking. Nang makasakay roon, kaagad siyang kinabig ni Patrick at siniil ng halik. She was half-expecting the kiss. pero ang hindi niya inaasahan ay ang libong sensasyong kaagad na sasalakay sa buong pagkatao niya. Mariin, malalim at mapanaliksik ang halik na iyon. Bumubura sa lahat ng hindi magandang pakiramdam na naranasan niya nitong mga nakaraang araw. Tila walang nangyari. Ang buong puso at isip niya ngayon ay parang idinuduyan dahil sa masarap na paggalaw ng labi at dila nito sa kanya. Habol nila ang kanilang mga paghinga nang tapusin ang halik na iyon. Pero alam ni Faith, hindi pa iyon totoong tapos. Kilala niya si Patrick. Alam niya ang kahulugan ng kislap na nakikita niya sa mga mata nito. At ganoon din naman ang ngiting sumilay sa mga labi nito.  “Gagabihin na naman ba ako, sweetheart?” Siya na ang kusang nagtanong. He winked at him. “Kailangan nating bumawi pareho, Faith. We have to talk.” Matapos nitong ikambyo ang sasakyan ay inabot ang kanyang kamay at pinisil iyon. “And we have to make up for the lost time. I miss you so much.” ***** NAUNA ANG MALAKAS na dikta ng pangangailangan ng kanilang katawan. Pagkapinid pa lamang ng pinto ay agad nang nagtagpo ang kanilang mga labi. Minsan pa ay nawalan ng lakas ang mga tuhod ni Faith. Minsan pa ay natangay siya ng kakaibang magneto ni Patrick. Hinayaan niyang halos madurog siya ng mahigpit na yakap ng kasintahan. Hinayaan niyang ang mga galaw ng kanilang katawan, ang bawat haplos sa isa’t isa ang mas makapagpadama sa bawat isa kung gaano naging miserable ang dalawang araw na lumipas. Daig pa nila ang tuyong dayami na naitsahan ng apoy. Mabilis silang nagliyab. Sa sandaling oras ay nagawa nilang maabot ang kasiyahang dulot ng pag-iisa ng kanilang katawan. “Oh, God, Faith, I missed you so much,” humihingal pang bulong sa kanya ni Patrick habang tila ito man ay nawalan ng lakas at nanatili sa kanyang ibabaw. Pinaglandas niya ang mga daliri sa buhok nitong basa ng pawis. “I missed you too, sweetheart. I love you.” Kinintalan siya nito ng halik sa kanyang mga labi at tumabi ng higa sa kanya. Ang kamay ay nanatiling nakapulupot sa kanyang bewang. “I love you too, Faith.” Then silence. Tila kapwa sila naubusan ng sasabihin. “Sasama ka ba sa mama mo sa America?” lakas-loob na tanong niya bagaman ikinatakot din niya na marinig ang isasagot nito. “Sino ang nagsabi sa iyo?” tugon ni Patrick. “Sasama ka ba?” tanong niya uli at tinitigan ito. Umiwas ng tingin si Patrick at nagpakaba iyon sa kanya. “Ayokong iwan ka, Faith. Hindi ko kaya.” “Ibig sabihin, hindi ka sasama?” pangungulit pa rin niya. Isang buntong-hininga ang ginawa nito. “The truth is, hinayaan ko si Mama na ayusin niya pati mga papers ko. Hindi naman kasi iyon titigil hangga’t hindi ako sumusunod sa gusto niya.” Bumiling ito ng higa paharap sa kanya at hinaplos ang mukha niya. “Pero nakikisakay lang ako. Sweetheart, wala akong balak na mahiwalay sa iyo.” “N-nakausap ko sa phone noong isang beses ang mama mo. Makikipagkalas ka na raw sa akin. Mas maganda raw ang opportunity mo sa America—” “Sshhh,” putol nito sa sasabihin pa niya. “Huwag kang maniwala kay Mama. Look into my eyes, Faith. I love you. Hindi kita iiwan.” At para sa kanya ay sapat na nga ang intensidad ng mga salitang iyon para mabura ang mga pagdududa niya kay Patrick. Bigla ay parang nakadama pa siya ng pagkapahiya. Bakit ba siya nabagabag nang husto gayong heto si Patrick sa tabi niya at ilang ulit na sinasabing mahal siya? Mas dapat na pagtiwalaan niya ang salita nito sa kesa sa sinasabi ng mama nito na mula’t sapul naman ay matabang na ang pagtingin sa kanya. Kumilos siya at hinalikan ito. “I love you so much, Patrick. Hindi ko makakayang mawala ka sa akin.” Niyakap siya nito. “Kahit anong sabihin ni Mama, huwag kang maniniwala. Si Janica ang gusto niya para sa akin kaya nasasabi niya iyon. Pero ikaw ang mahal ko. I’m going to marry you someday, Faith. Wala akong pakialam kung tatanggapin ka ni Mama o hindi pagdating ng araw na iyon. Basta mahal kita.” Nangilid ang mga luha sa mata niya. “Thanks, Patrick.” “Don’t thank me, sweetheart. Just love me back.” “I always do. And I will forever.” Hinalikan din siya nito. “I’m sorry for the last two days, Faith. Alam ko, may mga misunderstandings tayo. Nasabi ni Yolly na ilang beses kang tumawag sa bahay.” Napailing ito. “Si Mama, kulang na lang ay gawin niya akong personal niyang alalay para lang ma-monitor niya ang mga kilos ko. Isinasama ako sa kung saan-saan nilang lakad kahit hindi naman ako kailangan kung tutuusin. Pinagbigyan ko lang sila tutal naman ay ilang araw lang naman dito si Janica. Bukas nga ay babalik na siya sa States. Si Mama, sa isang linggo ay balak na ring bumalik sa States. Ang alam niya ay sasama ako but she’s wrong. Hindi ako sasama sa kanya.” Napakasarap sa pandinig niya ang mga pangungusap na iyon ng kasintahan.“Nagpunta ka daw sa bahay sabi ni Mama.” Tumango ito. “Wala ka naman. Umuwi na lang tuloy ako at sumama na rin kina Mama na manood ng concert. Kasama mo si Jude?” Hindi siya agad makatango kahit hindi rin naman niya magagawang magkaila. “N-naghihintay ako ng tawag mo, Patrick. Ang sama-sama ng loob ko kasi hindi ka tumatawag. Eh, si Jude naman nangungulit na kumain kami sa labas at manood ng sine. Wala namang masama doon, di ba? Sumama na rin ako.” Tumigas ang anyo ni Patrick. “Sigurado ka bang walang gusto sa iyo ang lalaking iyon?” “Patrick, magkaibigan lang talaga kami.” “Ikaw, sigurado akong kaibigan ang turing mo sa kanya. Eh, siya, kaibigan nga lang ba ang turing niya sa iyo?” Yumakap siya dito. “Nagseselos ka kay Jude, ano?” “Hindi ko lang talaga maialis ang pagdududa sa lalaking iyon.” “Sa makalawa na ang labas ng resulta ng board exam,” wika niya na sadyang iniba ang paksa. “Makakapasa ka, sweetheart.” “I hope so. Ginawa ko naman talaga lahat ng pagre-review at preparations at mas lalo na iyong madaming prayers. Pero siyempre, nakakakaba pa rin,” amin nito. “Makakapasa ka,” mas positibong wika niya. “At kapag nangyari iyon, ako na ang magiging pinakamasayang tao sa buong mundo.” “Ako, hindi pa ako sasaya kung ganoon lang,” sabi naman ni Patrick at buong ningning ang mga matang tinitigan siya. “Magiging triple ang saya ko kung pakakasalan mo ako.” “Three years from now pa iyon,” kunwa ay kaswal na wika niya pero kinikilig din. “Paano kung pagkapasa ko sa board exam, magpakasal na tayo?” Nanlaki ang mga mata niya. “Seryoso ka ba, Patrick?” “What if I am?” Napaawang ang mga labi niya, hindi agad makapagsalita. “Sweetheart, ano kaya kung magpakasal na nga tayo? May trabaho na rin naman ako ngayon. At huwag kang mag-alala. Bubukod tayo. Kaya na ng ipon ko na makapagsimula ng pamilya.” “Bakit, Patrick? Bakit parang bigla ka yatang nagmadali? Paano iyong mga plano natin?” “Plano pa rin naman iyon. Ayaw mo ba na magkatulong nating isasakatuparan ang mga planong iyon? Hindi ko na yata mahihintay ang tatlong taon pa. Kakausapin ko ang mama mo. Magsasabi tayo na magpapakasal na tayo.” “Pero paano ang mama mo?” may pangambang wika niya. “Magpapakasal muna tayo sa huwes. Wala na siyang magagawa kapag ganoon. Isa pa, kilala ko naman si Mama. Sa una ka lang naman aayawan noon. In time, matututuhan ka rin niyang tanggapin. After all, ikaw ang pinili ko over Janica.” “How about you, Patrick? Wala ka nga bang gusto kay Janica?” Tumawa ito nang mahina. “Faith, sweetheart, walang-walang-wala.” Kumilos ito para hapitin siya. “Ito ba namang itsura kong ito, babaling pa sa iba? Iyong-iyo lang ako, Faith. I’m so in love with you.” Inabot nito ang wallet at isang litrato ang inilabas doon. “See this, sweetheart. Picture ko iyan noong five years old ako. Ganyan kaya ka-cute ang magiging anak natin?” Anak natin. Para siyang kiniliti. “Hindi, dapat mas cute diyan,” nakatawang sagot niya. He kissed her again. Ang halik na nagsimulang banayad ay nagsimulang magkaroon ng kakaibang diin. Lumalim at naging mas maalab hanggang sa magsilbing mitsa para minsan pa ay ulitin nila ang ritwal ng pag-iisa ng kanilang katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD