What: Organization
Chapter 16
Kyther's POV
I'm so tired to the point na kahit I don't want to shout on her I still did, I have no control whenever I feel tired. No one does, i think. Hindi biro yung naka harap namin ni Ava kanina, I feel sorry for Adelaide. I know I make her scared.
She saw my blood, at wala din akong ibang choice kung hindi ang sigawan siya dahil alam kong magtatanong pa siya and I don't want her to be involved, its too messy and complicated. And I feel guilty on shouting on her. Talagang sinksik niya lang ang sarili niya sa gilid ng sasakyan at hindi gumawa ng kahit na anong ingay buong byahe. I really want to start a conversation and to apologize on what I did pero ayoko Nang pahabain pa ang usapan.
Dumaretsyo na siya pababa ng makarating kami sa kanila. At ganon din naman ako pinaandar ko na ang sasakyan ko pero ilang bahay palang ang nalalagpasan ko ng huminto ako, tanaw padin ang bahay nila. I want to go back and say sorry but I stop myself. Maybe that's the best thing to do.
When I arrived at our house sunod sunod na naman ang mga salitang nilalabas ni mommy. Natataranta niyang pinalabas ang emergency kit namin sa bahay.
"When you would like to stop! Look at you! Can't you see yourself, stop acting like a hero!" she shouted again like I was standing outside the house. Duh I hear her very clearly!
Nakatayo siya alsa harap ko habang nakapamaywang na pinapanood ang paglilinis ni Aling Nitz ng sugat ko.
Napangiwi ako ng maramdaman ko ang diin sa pagdampi niya ng alcohol sa sugat. But instead of me my mom shout and flinched at the same time like she was the one who get stabbed.
Yeah I stabbed by the enemy.
"Aling Nitz be careful!" suway ni mommy sa naggagamot ng sugat ko.
"Pasensya na sir" nginitian ko lang siya at tinanguan para mag daretsyo na sa ginagawa, I want this to be done already. I want to kay on my bed and think how to say sorry to Adelaide, I've never done such thing before.
Hindi naman na lingid sa kaalaman ni mommy ang tungkol sa problema ni Ava. I told her everything ng isang beses na nangyari din ito. At first ofcourse she confronts Ava. Ilang beses na niyang sinabi sa akin na huwag na akong makisali sa mga ganitong bahay at sumunod ko naman iyon, hindi ako sumali.
Pero dahil nga gusto ko ng makapag kakaabalahan noon naipit na din ako sa ganitong sitwasyon hanggang ngayon. At hindi ko naman pinag sisisihan iyon dahil nakakatulong ako sa mga kaibigan ko.
"O, anong balak mo dyan? Pag katapos gumaling uulitin mo ulit?! Kyther when would you'll going to start listening to me, I'm your mom!" nanatili naman siyang nakatayo sa harapan ko. Ngayon ko na nararamdaman ang kirot ng sugat ko at hindi nakakatulong ang mga sermon ni mommy.
"Mom can you please stop" mahinahon kong saad habang nakangiwi, ngayon ko palang nararamdaman yung hapdi nung sugat.
Hindi ko kasi namalayan na meron na palang tao sa kaliwa ko habang nakikipag suntukan padin ako sa nasa harapan ko. Sa dami nila kanina ay hindi na kinaya ni Ava kaya naman laking pasasalamat ko ng tawagan niya ako.
Hindi lang naman basta isang rayot ito. Hindi simpleng away kabataan. Kailangang ni Ava ng ruling at hanggang kaya ko tutulungan ko siya. Dahil siya lang ang tumulong sa akin noong panahon na kailangan ko din ng tulong.
"You want me to stop?! Huh? Not me! You! Ikaw ang tumigil!" pinanlalakihan niya padin ako ng mata. She's so annoying. But I know where she's coming from. Hindi naman talaga ito biro. Malalaki ang mga kalaban namin at alam kong iyon ang dahilan kung bakit nag aalala talaga siya ng lubos. Pero may tiwala ako kay Ava at sa kakayahan niya, hindi lang siya basta secretary ng Book Club mas higit pa siya doon.
"Aling Nitz I think I can handle my self, thanks" tumayo na ako at dinala ang mga gamit ko sa kwarto, minadali ko lang ang pag imis ng sarili at humiga na.
"Uh! I'm so tired!" I groan in frustation. I was about to reach my phone pero naramdaman ko agad ang sakit sa kaliwang braso ko.
Nang makuha ko ang cellphone ay nag type agad ako ng text message for Ava.
To, Avamazing:
How are you?
I wait for minutes bago tumunog ang cellphone ko.
From, Avamazing:
I'm fine, thank you. HAHAHA not joking I'm fine, thank you.
Nakangiti pa ako nang mabasa iyon, though I know she's fine. I scroll at my social media account after that and do some stalking in Adelaide's account. Wala naman siyang masyadong pics kung meron man kasama niya ang mga kaibigan at kapatid niya. She's really not into social media.
I zoom in the picture and stare at her face until I feel my eyelids get heavy.
Nang magising ako ay bumaba na ako sa kusina dahil sa pagkalam ng sikmura ko.
I saw Aling Nitz cooking dinner. Nanatili ako sa may kitchen island counter at pinagkasya ang sarili sa isang tub ng graham dahil gustom na gutom na talaga ako.
"Sir, malapit na itong matapos hintayin niyo na at baka sumakit ang tyan nyo" saad niya habang patuloy sa pag halo ng niluluto niya.
"I'm fine Aling Nitz" saad ko patuloy padin sa pagkain.
"Sir nga pala kanina habang naglilinis ako sa kwarto niyo nakita ko yung cellphone niyo, pasensya na a. Pero ang ganda nang batang iyon bagay kayo" napangiti ako at nabitawan na ang kutsara at tumingin kay Aling Nitz. Is she talking about Adelaide? Oo nga pala nakatulugan ko na iyong pag tingin sa picture ni Adelaide.
"You think so Aling Nitz?" napatigil na talaga ako sa pagkain dahil nakuha niyon ang atensiyon ko.
"Oo naman! Napakaganda niyong batang yon syempre naman gwapo din kayo" ngayon naman ay isinasalin na niya ang mga pagkain dahil tapos ng magluto.
"I like her" nakangiti kong saad now I can confidently say that I like her.
"Edi sabihin niyo na baka maunahan pa kayo diyan sige, malamang ay madami ding nanliligaw sa kaniya" napaisip ako sa sinabi niya at naalala ko ang pag aligid ni Elecor at Vince kay Adelaide. I don't exactly know how Elecor gets mostly all ladies in our school and I know Vince too well.
"I don't think she likes me" I said confuse, bumagsak din ang balikat ko. Kitang kita ko ang takot sa kaniya ng masigawan ko siya.
"Kayo? Hindi magugustuhan? Nako naman yung anak ko nga e patay na patay sa inyo." nakangiting saad niya habang pinaghahandaan ako ng pagkain.
Alam ko din ang tungkol sa anak niya, but she's just 14 years old she's indeed a baby.
"Sir, kung gusto mo talaga siya edi sabihin niyo na total e nakamove on ka naman na sa ex mo" nilalagyan niya ng pagkain ang plato ko habang sinasabi niya iyon.
"Pano nalang kung bukas makalawa e maunahan kayo edi heart broken ka na naman. Gusto ko lang sabihin e kung talagang gusto niyo ang isang tao edi patunayan niyo. Wag nyong sasabihin kung pwede kayo manligaw" tumigil siya pagkasabi niyon dahil nagsalin siya ng tubig sa baso. At ako naman habang hinintay mapuno iyon ay abang na abang. "Hindi niyo yun kailangan itanong pano nalang kung nahihiya siyang umoo edi wala na suko na, syempre kailangan nyo pading patunayan na gusto niyo talaga siya." tuluyan na siyang natapos sa paghahain niya sa akin. Humarap siya at nginitian ako.
"Base lang naman yan sa experience ko sir. Hindi siya nagsabi sa akin na liligawan niya ako basta na lang siyang nagdadapa ng regalo sa bahay nag bibigay ng bulaklak at kung ano ano pa" nakangiting aniya pa.
"What if ayaw niya talaga sakin" nanlumo ako sa isipin na nasigawan ko din siya kanina. "Tapos nasigawan ko pa siya kanina, she is so close in crying at wala manlang akong nagawa" nakababa na ang tingin ko I feel so guilty at the thought na halos paiyak na siya kanina.
"Nabigla lang yun sayo, at base din naman sa itsura niya e mukhang soft hearted talaga siyang bata. Patunayan niyo nalang na sobrang nagsisisi kayo sa nagawa nyo. Gusto din kayo nun panigurado" binigyan niya pa ako ng naninigurong ngiti.
Hindi katulad ng ibang babae si Adelaide hindi siya tulad ng iba na halata agad kapag gusto ang isang tao. Kaya naman parang napapaisip ako kung nagugustuhan niya ba ako. Malamang ay hindi, pero ayaw kong isipin iyon. Pero paanong hindi ko iisipin iyon nasigawan ko siya kanina, nakita niya kung oaano akong nagalit sa ibang member ng club ano pang iisipin niya? Ano pang gugustuhin niya sa akin?
"Sige na kumain ka na at iwan nyo nalang yan diyan dadalhan ko nalang din ng pagkain ang mommy mo sa kwarto niya" naisip ko tuloy si mommy alam ko naman na nag aalala lang siya sa akin.
"How's mom any way?" tanong ko habang kumakain.
"Ayun at nag kulong sa kwarto dahil hindi naman daw kayo marunong makinig sa kaniya." saad ni Aling Nitz.
"Ahm. Leave that food there na lang ako na lang po ang magdadala sa kwarto niya I want to apologize to her also"
"Ganoon ba? Sige sir" tumango naman ako at nag patuloy na siya sa pag alis.
Nang matapos ako sa pagkain ay dinala ko na ang pagkain ni mommy sa kwarto niya.
"Mom. Here's your food" dahan dahan kong saad habang nilalapag iyon sa bed side table niya.
"Just leave the food on the table. Thanks" sagot naman niya habang nakatutok padin ang mata sa laptop habang ang kalahati ng katawan ay nakahiga at ang Kalahari naman ay nakasandal sa head board.
"I know you're just worried so I am here to apologize. But you also need to because you re so annoying" seryosong saad ko.
"What did you say?" she close her laptop and look at me intently. "Me?" tinuro oa niya ang sarili niya. She's now starting to over react.
"As you've said I am concerned so its normal to have a reaction like that and what do you expect me to act? To react? Huh?" And she's now starting to nag. "I am your mother Kyther!" A mom card again.
"I know" sagot ko naman.
"Yes you should! And how does every mom reacts on that situation? Her son got stabbed! Hello!" Umayos pa talaga siya ng upo para lang masermunan ako.
"What do you expect me to be huh? Okay fine you got stabbed I can find you other arm other shoulder. Buy it to some random stores out there and attach it to your body. Be chilled because I am annoying as fuck." sunod sunod na aniya.
"Okay fine I'm sorry" napakamot pa ako sa batok ko. "S. O. R. R. Y. Sorry pinag aalala kita. But still hindi ko naman ginusto din yun" I stop when she reach for me and hug me.
Ginusto kong sumali sa organization na iyon nila Ava noong panahon na feeling ko ay wala akong masama. Sounds so dramatic but that's the truth. High school life aint funny. Hahanap at hahanap ka ng paraan para masabi mo na hindi ka iba at may kinabibilangan ka.
I am only child, my father left us, my mom suffered and did not think about me. Pressure on my mom's family on me does not helping. They want me to take over on what they might be leave when they die.
I found Ava's group they look happy. They have themselves. And I want something like that. Inalam ko lahat at sinabing gusto kong sumali doon. Ava talked to me and know my reason. She just laugh at me. Akala ko mabigat na problema na ang kinakaharap ko, pero mababaw pa para sa kaniya iyon. At the end, hindi niya ako pinayagan na makasali doon.
"Son. I am sorry I'm just concerned I can't loose you, ikaw na lang ang meron ako. I love you, be much more careful next time. Well I hope there is no next after this." I forgot I am not the only one suffering in this situation, I forgot about mommy. And that's why I hate my Dad.