Pangatlong araw na namin dito sa Siargao at hindi ko alam kung hanggang kailan kami dito. Hindi naman kasi sa akin binabanggit ni Sky kung kailan ang uwi namin. Mabuti na lang at walang klase ang anak ko dahil Intramurals sa school nila. Ang inaalala ko lang ay ang trabaho ko, ang iba kong katrabaho ay nakabalik na ng maynila kahapon at kami na lang ang naiwan dito dahil sa kagustuhan ni Sky na manatili muna kami dito. Inimbita din niya sila Alisson at ang anak nitong si Ashton upang may kalaro daw si Cloud habang gumagawa kami ng kapatid nito. Puro kalokohan ang lalaking iyon pero masaya ako sa mga pinapakita niya. Naging isang mabuting asawa at ama siya sa aming dalawa ni Cloud at nagpapasalamat ako doon. Nakasandal ako sa hamba ng pinto habang pinagmamasdan silang dalawa na masayang n

