"Good morning, my love." Nagising ako dahil sa mainit na hiningang dumadapo sa leeg ko. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko pero kusa itong pumipikit ulit. Antok na antok pa ako dahil sa pagod ko kagabi. "Wake up, love." Ramdam ko ang halik niya sa balikat ko habang ang braso niya ay marahan ang ginagawang pagpisil sa bewang ko. Nakayakap sa akin si Sky habang nakatalikod ako sa kanya. Napangiti ako ng lihim ng maalala ang ginawa namin ni Sky. Alas tres na yata ng madaling araw kami nakatulog dahil wala siyang kapaguran. Pagod na pagod na ako pero parang hindi siya nawawalan ng lakas. Ang huli ko na lang na naaalala ay natulugan ko siya sa sobrang antok at mabuti na lang talaga at hindi nagising ang anak namin lung hindi ay maaabutan kasi sa ganoong ayos sa sala. Nanlaki ang mata

