Mabigat. ’Yun ang una niyang naramdaman nang tuluyang magsi-alis ang mga tao sa labas ng courthouse. Wala nang flash ng camera, wala nang sigawan ng media. Tanging mahinang ugong na lang ng ilaw sa kisame ang naririnig. Selena clutched the folder in her hand, mabilis ang lakad niya sa hallway — gusto lang niyang makaalis, makalayo, huminga. Pero paglapit niya sa glass doors, may siluetang nakatayo ro’n. Damien. Hindi na siya ’yung polished at kontroladong governor na nakikita sa TV. Nakabukas ang ilang butones ng barong, gulo ang buhok, at pagod ang mga mata — parang matagal nang hindi natutulog. “Selena,” tawag nito, mahina, halos pakiusap. Hindi siya agad lumingon. Huminga lang siya nang malalim. “You shouldn’t be here. The press could see you.” “I don’t care about the press,” sa

