Pagkasara ng pinto, hindi agad gumalaw si Selena. Nakatayo lang siya roon, nakasandal sa malamig na kahoy, marahang humihinga — sinusubukang kalmahin ang sariling dibdib na tila binabayo ng mga alaala. Ang katahimikan ay nakabibingi, pero mas maingay ang tahimik na sigaw sa loob niya. You shouldn’t have let him in, Selena. Ngunit sa bawat segundo, sa bawat pag-alala ng titig ni Damien — malamig pero may apoy — napapikit siya. Hindi siya mahina. Hindi na ngayon. Pero may mga sugat talagang kahit gaano mo takpan, marunong pa ring magdugo kapag narinig mo ulit ang pangalan ng taong gumawa niyon. Lumapit siya sa bintana. Mula ro’n, tanaw niya ang mga ilaw ng lungsod — buhay, kumikilos, at parang nang-aasar. Isa ro’n si Damien. Isang liwanag na dati ay sa kanya lang nakalaan, pero ngayo

