Pinalipas ko muna ang oras at saktong dumidilim na ay saka lang ako umuwi, Baka wala na doon ang Mayordoma.
Sa eskinita ay kitang kita ang inuupahan namin kaya nagtaka ako kung bakit nakabukas ang pintuan at ilaw. Umuwi kaya si Carlo?
Pagpasok ko, ang una kong nabungaran ay ang nagkalat na bote ng beer. Mga damit kong itinupi kanina ay nagkalat. Pati mga plato ay nagkabasag-basag.
“Diyos ko! Anong nangyari dito?!”
Bigla namang lumabas si Carlo na katatapos lang maligo.
“Andiyan kana pala, saan ka galing? Gabi na ahh..”
“Pumunta kasi ang Mayordoma dito kanina. Naniningil na ng utang, ehhh.. wala akong pambayad, tumakas nalang muna ako. Ikaw, bakit nandito ka? Tsaka ang kalat! Ano bang ginawa mo? May pasa kapa sa mukha!”
“Iyong kasamahan ko kasi pinagtripan ako sa trabaho, kung sino-sino ba naman daw ang mga lalaking gumamit sayo tapos inasawa kita. Tira-tira nalang daw iyong akin.”
“Pabayaan muna.. Umiwas ka nalang sa gulo.”
“Nang iinsulto kasi..”
Gumising ako ng maaga para mahandaan ng agahan si Carlo, papasok pa kasi ito sa trabaho. Sinabi ko na rin na wag nalang patulan ang mga taong walang ambag sa buhay namin.
“Carlo, sabi pala sa center kailangan ko ng magpa ultrasound para malaman kung anong gender ng baby.”
“Paano yan.. Iyong sahod ko sakto lang pambayad sa upa natin at pagkain sa araw-araw. Maghahanap ako ng mauutangan.”
“Utang na naman? Lubog na nga tayo sa utang. Dadagdagan mopa! Wag nalang!”
“Ano bang pinoproblema mo? Maghahanap nga ako para diyan sa bata. Ako na bahala.”
Pagka-alis ni Carlo ay naglaba ako ng damit. Naisipan ko pagkatapos maglaba ay pupunta ako sa dating pinagtatrabaho-an ko, baka makahiram ako doon.
Pagbaba ko palang ng traysikel ay panay chismis agad ang mga chismosa na dati naming kapitbahay.
“Uy Ingrid.. Napadalaw ka yata?”
“Bibisita lang po sa dati kong trabaho.”
“Alam mo bang ang daming naghahanap sa iyo dito. Malas mo, ang dami ng jackpot ngayon! Iyong iba mong kasamahan? Nakapangasawa na ng milyonaryo. Sayang mo.”
Hindi nalang ako sumagot bagkus tumuloy nalang sa Bar.
“Ingrid, nandito ka pala. Ang laki na ng tiyan mo. Ninang ako ha?”
“Sige ba. Si manager?”
“Ay wala. May lakad ehh.. Bakit? May sadya ka?”
“Ahhh… wala wala. Namiss ko lang siya.”
Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng bar. Ang dami na palang nagbago simula ng mag-asawa ako.
“Milyonaryo kasi ang nag sponsor dito kaya gumanda..”
“Ganoon ba? Sino?”
“Mr…. ewan nakalimutan ko. Basta mayaman na matanda. Yun na iyon!”
Nagchikahan pa kami ng mga dati kong ka grabaho bago naisipan kong umuwi na.
Hindi paman ako nakakalabas ng may pumaradang mamahalin na sasakyan. Nasilaw ako sa kintab nito kaya napaatras ako.
Lumabas ang lalaking matanda na hindi ko inaasahang makikita kong muli.
“Ohh… you are here?”
Palipat-lipat naman ang tingin sa akin ng mga kasamahan ko sa matanda. Na parang nagsasabing magkakilala kayo?
“Yes. Just visiting my friends.”
“I see. You work here?”
“Yes. When I was a teenager.”
“Are you going home? I can drive for you?”
“No thanks,”
Sobrang init sa labas. Wala parin akong mahanap na traysikel.
Umupo muna ako sa gilid at naghihintay ng masasakyan.
“I told you, I can drive you home safely.”
Dahil mag gagabi na ay wala akong choice kundi magpahatid sa matandang ito.
“I forgot to ask. Whats your name? Im Ross Smith by the way.”
“Ingrid.”
“What a lovely name. Where is your husband? Why hes not with you? Too dangerous because youre pregnant.”
“He’s on work.”
“I see.”
Nakarating kami sa eskinita ng alas siyete ng gabi. Ma traffic kasi kaya natagalan. Mabuti nalang at wala ng chismosang patambay tambay sa kalsada.
“Thanks for the ride Mr.Smith..”
“No problem. You lived here? What a house!”
“This is an apartment. You know rent a house?”
“I see.”
Bigla naman nitong hinawakan ang aking kamay. May dinukot na maliit na papel tsaka ibinigay sa akin.
“If you need anything, just call me okay?”
Tumango nalang ako at pinagmasdan ang papalayo niyang sasakyan.
Ross Smith, 81. 09054394192. 143 subdivision makati city. CEO of Foodie Products Company.
Tinago ko ito sa bulsa at pumasok nalang ng bahay.
Gumising ako ng maaga dahil babalik ako sa center para sa check up ko.
“Misis nagpa ultra sound kana ba?”
“Hindi pa ehh… wala pa kasi kaming pera ngayon.”
“Naku, kailangan iyan para makita natin ano ang kalagayan ng bata. Dapat pagbalik mo dito nakapag ultra sound na ha? Kung hindi, hindi ka pa aanakin sa hospital ng wala iyon.”
“Opo”
Naku Ingrid, kailangan mona talaga. Wag ka ng umasa kay Carlo dahil uutang lang din naman iyon.
Naghanap ako ng tindahan at nakitawag para makausap si Mr.Smith
Nasa loob ako ng isang restaurant na sa pagkakaalam ko ay ang mahal ng mga pagkain. Hindi ako bagay dito, sout ko palang na ukay-ukay ay wala ng pag-asa.
Nakita ko naman na may pumaradang sasakyan at alam kong si Mr.Smith na iyon.
“So.. why you called me?”
“Ahhmm… I just…”
“Go on. Don’t be shy.”
“I just want to borrow a money for my baby. Don’t worry I will pay for it.”
“So easy..”
Nilabas nito ang wallet na naglalaman ng id,pera at mga cards ng bangko.
“Here, take this. Buy everything what you want. You can keep it.”
“But..”
“No buts, just joined me here the whole day.”
Hindi naman ako nakatanggi dahil card ba naman ng bangko ang ibinigay sa akin. Pera lang naman hihiramin ko. Sinamahan ko nalang siya maghapon dahil nakakahiya naman kung hindi.
Katapos kumain, pinasyal niya ako sa mall at binilhan ng mga gamit pati ng baby ko. Sinamahan niya din akong magpa ultrasound sa baby ko na libre niya din.
Hindi paman kami nakakarating sa eskinita ay nagpababa na ako. Ayokong mapag chismisan ng mga kapit bahay.
“Salamat dito ahh…”
“No problem, Take care.”
“Oh Carlo hindi kaba uuwi ngayong linggo?”
“Hindi Bimboy ehh.. Mag o overtime ako, pangpa ultrasound ni Ingrid.”
“Naks! Ang sipag talaga ng kaibigan ko. Sige mauna na ako sa iyo.”
“Sige, tawag narin ako ni Sir.”
Kahit pagod ay tiniis ni Carlo mag overtime para sa kaniyang mag-ina. Yung uutangin niya sa tindahan ay konti lang para makaluwag luwag pagdating ng sweldo.
Gusto niya kasi mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang mag-ina.
Gustuhin man niyang umuwi para lang makita sila pero kailangan siya sa trabaho.
Sa susunod na linggo pag sahuran ipapasyal niya si Ingrid, kakain sa jollibee at bilhan ng mga damit ang kanilang baby.
Mahirap ang buhay pero kakayanin niya para sa asawa at anak.