Chapter 4

1228 Words
Umuwi na siya agad at baka malaman pa ni carlo kung saan saan siya pumupunta. Pagdating sa bahay ay agad siyang nagsaing ng isang basong bigas. Hinahati lang nila iyon sa kanilang dalawa at kahit kulang pa ay nagtitiis nalang dahil wala silang kakainin sa susunod na araw pag tigdalawang baso ang lulutuin. "Tuyo na naman!" maktol niya ng umuwi si carlo galing trabaho dala ang dalawang piraso ng tuyo. "Mabuti pa nga at may ulam tayo kesa sa wala" "Magkaka uti ako nito carlo!" "Wag kang kumain kung ayaw mo! Di naman kita pinipilit!" Pumasok si Ingrid sa kuwarto at doon nagdadabog na umiyak. Bwesit namang buhay to oh! Nagising siya ng may humahalik sa balikat niya. "Ano ba carlo! Buntis ako!" "Bakit ba? Asawa mo ako" sabay halik nito saking leeg. Katapos niya akong gamitin ay tinapon niya ang aking damit sa mukha at lumabas para mag sigarilyo. Humihikbi naman ako! Kinabukasan paggising ko ay wala na si carlo. Nakaramdam naman ako ng gutom kaya pumunta ako sa kusina. "Letching buhay naman to oh! Di manlang ako tinirhan ng kanin at ulam" sabay alis ko at lumabas papuntang tindahan. "Ale, makautang nga ng isang chichirya at softdrinks!" "Oh ikaw pala Ingrid? Aga aga nag softdrinks na?!" "Eh kasi naman walang sinaing sa bahay! Baka may sobra kayo jan,sakin nalang" "Ito oh," "Salamat" Katapos kumain ay humiga naman ako. Kahit papano nabusog ako sa bigay na kanin na may kasamang tocino. *** Ganun parin ang routine sa hapon. Magsasaing tapos hihintayin si carlo kung anong ulam ang dala. Nasa labas ako nun nagwawalis ng matanaw ko na si carlo. May dala itong supot. "Ito oh, may birthday kasi sa kabila kaya tinirhan kita" "Buti alam mo! Kanina pa kami gutom ng anak mo," "Magtira ka para bukas" "Ano? Kulang pa nga to sakin!" Habang nakahiga kami sa papag... "Bukas matatapos na pala ang pinagtatrabaho-an ko, sa susunod sa kabilang bayan kami kaya linggo linggo lang ako makakauwi kaya yung sweldo ko bukas tipirin mo ng isang linggo dito" Hindi naman ako sumagot bagkus nagtalukbong ako at nakatulog narin. Makakagala rin ako! sabay ngiti ko. ---------- Simula nong linggo linggo ng umuwi sa carlo ay hindi na kami sa ilalim ng tulay nakatira. Nangungupahan kami ng apartment, kahit papaano'y maka iwas din sa mga chismis at mabahong lugar. Hindi naman ibang bayan ang inuupahan namin kaya kahit apartment ay pinag-uusapan parin ng mga tsismosa sa barangay. Para din siyang squatter dahil dikit-dikit. Sa baba ang pwesto namin at sa itaas ay may nakatira rin. Kahit nga magsablay ka doon ng mamahaling panty ay ilang oras mawawala na kaya sa loob nalang ako nagsasampay pero kung mainit ang panahon ay sa labas pero binabantayan ko. Napapansin ko din sa itaas ng inuupahan namin ay maraming pumupunta doon. May nakita naman akong bata na pa akyat. "Utoy anong meron jan sa taas?" "Majongan ho" "Ahh.." Kaya naman pala kasi pasugalan. Sa inuupahan namin ay may isang kwarto, kusina,banyo at sala na diretso na pintuan palabas. Kahit papaanoy may kuryente naman kaya merong tv at electric fan. Mainit din kasi sa squatter. Mainit na nga,maingay pa! Linggo ng hapon ng magpasya akong magsimba sa siyudad. Mamaya pa namang alas otso ng gabi ang uwi ni carlo. Sout ang isang white t shirt na malaki at maong gumayak ako dala ang aking mumurahing bag sa ukay ukay na kinutkot na ng daga. Malapit lang naman ang siyudad dahil dadaan kalang sa tulay kaya pwede lang lakarin. Katapos magsimba ay pumasok ako sa mga mall at tumingin tingin pero ni piso ay wala ako kaya hanggang tingin nalang talaga ako. Nadaanan ko rin ang botique pero wala na don ang magandang damit. Nabili na yata. "Here!" Tumingala naman ako kung sino ang nagbigay ng supot. "Sayo nalang, binili ko yan para sayo" "Naku po wag na" sabay balik ko sa kanya. "Binili ko talaga yan para sayo" "Salamat naman" "May kasama kapa ba? Kain muna tayo" Hindi naman ako makatanggi kasi binili niya ang damit na gusto ko. Pumasok kami sa isang mamahaling restaurant. "Order kalang kahit anong gusto mo" "Naku ang mahal naman" "Its okay, ako naman magbabayad" sabay labas nito ng wallet niya na limpak limpak na salapi. Kulang nalang magiba ang pitaka sa kapal ng pera. "May cellphone kaba? Pahingi naman ng number mo" "Wala ho akong cellphone, cge ho mauna na ako" "Magkita tayo sa linggo. Doon parin sa simbahan." Sino ba naman ang hindi makakalingon kay Ingrid. Maganda, may magandang hubog ng katawan at makinis na balat kahit na isa pala itong bayaran. Pagdating sa bahay ay isinukat agad ni Ingrid ang damit. "Kasyang kasya lang sakin! Masout nga to pagbalik ko sa center, para naman hindi na ako pag chi-chismisan ng mga tsismosa dito sa barangay" Bigla namang dumating si carlo na may mga dalang supot. "Heto, nakapagsaing kana ba? Bumili nalang ako ng ulam" "Hala! Hindi pa, sandali" sabay hubad niya sa damit at dali-daling pumunta sa kusina. "Ano? Lintek naman! Ano bang ginagawa mo dito sa bahay? Ni pagsaing di mo pa magawa! Alam mo namang pagod ako sa trabaho kaya uuwi talaga ako ng gutom" "Pasensiya kana, naglinis kasi ako" "Naglinis? Ehh ang dami ngang alikabok!" Habang kumakain... "Nga pala, san mo nakuha yung daster na isinout mo kanina?" "Ahh... Binigay ng kapitbahay natin kasi malaki laki narin dw umbok sa tiyan ko tsaka hindi narin dw ginagamit" "Pang bago pa ata kung binigay. Ingrid ha? Wag mo akong niloloko!" "Bat naman kita lolokohin!" Mulat na mulat pa ang aking mata habang si carlo ay tulog na tulog na. Katapos lang nitong makaraos ay napagod agad at nakatulog. Hindi ko naman siya mahindi-an dahil nakapag-bibigay rin naman siya sakin. Naisip ko ang matandang kano kanina, grabe ang kapal ng pera! Pero ingrid may asawa ka ha! Wag kang masilaw sa pera. Kinaumagahan; "Alis nako, ikaw na bahala dito at mag-iingat ka" "Oo." *** Hindi parin mawala sa isip ko ang lalaking kano na maraming pera. Kinabukasan; Pumunta ulit ako sa center para magpa check up sout ang bestidang mamahalin. Di naman magkamay sa pag-uusap ang mga tsismosa sa barangay. "Ingrid umaasenso ka yata ngayon ha?!" "Oo nga naman, ganda ng bestida mo. Bagay yan sa mga mayayaman lang" "Bakit? Porke mahirap di na makapa-sout ng ganito? Eh di bumili rin kayo!" sabay pasok ko sa loob. Mga tao nga naman. Tsk! Katapos ng check ay umuwi agad ako. Nabebwesit kasi ako dun sa center dahil andon parin ang mga salut! Pagdating sa bahay ay bagsak ang balikat na umupo sa upu-an at uminom ng tubig. "Labahan na naman!" *** Katapos magsampay ay nakahinga naman ako ng maluwag. Papasok na sana ako ng may nakita akong taong nagkukumpulan sa dulo. May bata namang dumaan kaya nagtanong ako. "Utoy anong meron?" "Si mayordoma pupunta dito, maniningil dahil magtatapos na dw ang buwan ay wala pang pumunta sa kanya para magbayad" sabay takbo nito. Hala! Ano ibabayad ko? Wala pa naman ako kahit piso. Dali-dali akong pumasok sa loob at nagbihis. Pupunta ako ng siyudad. Ayoko munang maharap ang mayordoma. Patingin-tingin naman ako sa paligid at mabuti nalang ay wala pang anino na dumating. Pag-apak ng tulay ay napabuga ako ng hangin. Pano ba to? Kulang pa nga kinikita ni carlo sa trabaho tapos dadagdag pa to! Ano ba gagawin ko? Sa linggo pa uuwi sa carlo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD