Sarah's Pov.
Huminga ako ng malalim at napasandal sa kinauupuan ko. Nag kukwenta ako ng Pang gastos namin at Kulang pa ito para sa isang buwan budget ang kinita ko. Tumingin ako sa kalendaryo at natanaw ko ang binulugang araw para sa darating na Audition.
"BLAGG!!,"
Nabalikwas ako ng tayo. nag mumula yon sa kwarto ng Ama ko. Nag alala ako at mabilis na natungo sa silid niya,
" Pa!," Gulat ko ng makita ang Ama ko na nakahandusay sa Lapag at may Lumabas na maputlang Dugo sa kaniyang Bibig. Ito ang pinaka nakakatakot na ayaw kong mangyari.
Nasa Hospital kami kung saan ang Doctor ay kagaya din namin nilalang. Sulyap itong Pangisi-ngisi sa akin at nag iiling. Iniinsulto niya ako dahil sa kaniya ko lang nagagawa makalapit dahil sa kalagayan ni Papa.
"I Told you that I am your only way, Miss. Witch," Pang aasar pa niya. Huling kita namin ay ginawa ko siyang Daga. Galit na galit sa akin si Papa hindi ko maiwasan maubusan ng pasensiya sa Bampirang Doctor nato!.
kalahating oras ang lumipas ng pinakita sa akin ang Resulta sa pag eexamine kay Papa at gaya ng dati ito parin ang kaso sa sakit niya. Kulang sa Nutrition ang Dugong iniinom niya.
"Kompleto naman ang Binibili kong Blood bank!," Inis kong sabi ng sinundan ko si Dr. Wilson sa mismong Opisina niya. Nagtangal ito ng medical Blazer niya at isinampay. Bahagyang bumakat ang mga mauscle nito sa medyo hapit na white polo.
"Are you sure the Blood you buy from him is Safe?," Natahimik ako at napa iwas ng Tingin.Nung una kasi ay hindi kona kinaya ang presyo na Binibili kong dugo sa Hospital ng lalaking ito kaya paunti unti lang, ngunit hindi na nasasapat yon kay Papa. kaya nag hanap ako ng paraan para makabili ng mura at maka suply ng dugo para sa Ama ko.
" I know the reason Sarah," Lumapit sa akin ito at naka ngising aso.
"I already told you the only way," Singhap akong umirap dito. alam ko ang gusto niyang mangyari.
"Hindi ako mag papakasal sa mukang Daga!," Ganting sagot ko.
Naawang ito at tila naasar sa sinabi ko. Hindi naman totoo sa paningin ko na muka siyang daga, sa katanuyan nga ay napaka guwapo nito at makisig. Yon nga lang isa itong nilalang na mapang Hangad. Alam niya ang kapangyarihan meron ako at gusto niyang gamitin yon. Iniipit niya ako sa sitwasyon ni Papa para mapayag ako sa gusto niya.
"Baby!," Muntikan akong ma out of balance ng may humawi sa akin likuran. May impaktang bigla nalang sumulpot at sumampa ng karga kay Dr. Wilson, sinalubong niya ito ng halik. para siyang Bagback na nakasabit sa itsura nyang yon.
" Imiss you. why don't you answer my call," malanding sabi niya. singhap akong nag iiling at lumabas na sa opisinang yon. masyado ng nakakadiri na ang nakikita ko sa sumunod na eksena.
Pumasok ako sa silid na nakalaan kay Papa. malungkot akong pinag masdan ito habang nag papahinga. naupo ako sa tabi niya at hinawakan ang malamig niyang kamay. hindi ko makakalimutan ang huling init na naramdaman ko sa kanila ni Mama.
BACK TO PAST SARAH 10Yr. old
"Shh.." Sinyales sa akin ni mama para hindi makagawa ng Ingay. tinatanaw niya si Papa na nag Papahinga. ngiti akong tumango sa Ina ko kinarga niya ako at inilayo sa bahay namin para mag ensayo.
Ginuhitan ni Mama ang Puno bilang dagdag Palatandaan uli sa gagawin ko kailangan ko pa-angatin ang bato ng hindi hinahawakan.
" Sige pa Anak kaunti pa!," Pang susuporta sa akin ni Mama habang kinakaya kong pataasin ang bato. Hingal akong napaupo ng magawa kong mapataas ang bato at umabot yon lagpas sa palatandaan ni Mama.
" Ang galing muna Anak," Dagdag pa niya at pinupunasan ang aking pawis. palihim namin ginagawa ito dahil hindi talaga pumapayag si Papa. hindi ko maintindihan dahil sa tuwing hindi ko sinasadya na gamitin ko ang kapangyarihan ko ay nag gagalaiti na ang Ama ko sa galit at tila takot na takot.
" At saan kayo Pupunta!," Nanlaki ang mata namin ni Mama ng Biglang sumulpot si Papa. Papunta sana uli kami sa Pag eensayo. Matalim ang tingin ni Papa sa Ina ko.
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo! gusto mo ba talaga tayong mapahamak!," Sigaw nito kay Mama.Inilagay niya ako sa kaniyang likuran para harapin si Papa.
"At anong gusto mo gawin ko mag antay kung paano tayo mapapatay! hindi ko hahayaan mangyari sa anak ko yo'n, kailangan niya magawang maipagtangol ang sarili niya," Nandilim ang muka ng ama ko at mariin hinawakan ng mahigpit sa Balikat si Mama.
"Walang mangyayaring masama kung magagawa nyong itago ang kapangyarihan meron kayo!," Yugyog niya sa Ina ko.
"Naturingan kang Bampira! pero duwag ka! Paano ka nakaka siguro na ligtas tayo sa gusto mo mangyari ha! kailangan matuto ni Sarah. Alam mong kamatayan na ang nag aantay sa kaniya!,"
Salitan akong napapatingin sa mga magulang kona nag tatalo. wala naman silang ibang pinag aawayan kundi ang pag gamit ng kapangyarihan meron ako. Ilan sandali pa ay nakaramdam ako na parang may naka Titig sa akin.
"Mama!" Mabilis akong nanakbo sa Ina ko at yumakap sa kanyang likuran. Takot na takot ako dahil nakita ko ang nag kikislapan pares na mga mata. Natigil ang mga magulang ko sa pagtatalo at mabilis nila akong niyakap ng makita nila ang mga nilalang na kanina pa nag mamatyag sa amin. Tumaas ang balahibo ko ng maramdaman ang presensyang lakas ng mga magulang ko.
Sa isang Iglap may sumugod na sa amin. Mabilis pa sa kidlat ang ginawa ni Papa ng Ito ay Ihinambalos niya. Inilayo ako ni Mama.Halos hindi ako makapaniwala sa Pag iiba ng anyo ni Papa. Napunit na ang damit nitong suot ng biglang lumaki ang katawan niya. Napapalunok ako nag mag mistula siyang higante sa laki. Kumabog ang dibdib ko ng Humarap siya sa direksyon namin.Namumula ang gilid ng mata niya at napaka putla ng kulay. Nag litawan din ang kaniya pangil ng mag salita siya.
"Ano pa bang! inaantay mo Mari, dalhin muna si Sarah sa Capsula!" Sigaw nito. Habang nakikipaglaban sa mga umaatake sa amin.
Mahigpit akong hinawakan ni Mama at bigla hindi kona naramdaman ang mga paa ko sa lupa. Napansin ko ang braso ng ina ko na lumaki rin at lumapad ang pangangatawan ng akoy nakayakap dito. Hindi ko siya magawa tingnan ng maayos dahil sa mahigpit niyang kulong sa akin. Bumaba kami sa Lugar na ayaw na ayaw ko. Lalo akong ayaw bumitaw sa kaniya ng makita ang Capsula na Ipanang kukulong sa akin ni Papa. Nang hihina ako sa loob ng capsulang ito kahit madalas niyang sinasabi na diyan ako ligtas sa oras ng sakuna.
"Ayaw ko Mama!" Iyak ko ng Pinag pipilitan akong Ipasok ng Ina ko sa loob. Lumuluha din siyang ginagawa sa akin ito dahil alam niyang ayaw ko sa loob. Natigil kami ng May magkasunuran Lumapag sa likuran namin. Dahan dahan na'tayo ang Ina ko. Tatlong lalaki na kakaiba rin ang Anyo. Para silang mga halimaw na nanlilisik ang mga mata sa amin.
"Pasok sa loob!,"Huminto ang Hikbi ko ng marinig ko ang tuno ni Mama sa akin na galit. "Ma-"
"Sinabing Pumasok ka sa Loob!" Dugtong pa niya. Natakot ako at mabilis na pumasok.Basang basa ang pisngi ko ng luha sa sobrang bugso ng sakit. Mabilis na isinara ni Mama ang Transparent na Capsula. tanaw ko ang labas . " Anak hindi galit si Mama" Maamo niyang sabi at umiiyak " Mahal na mahal kita" Huli niyang sabi Bago siya Nagbago ng Anyo.
Nag umpisa akong manghina at manlabo ang aking mga mata. "Mama!" Hiyaw ko ng makita siya na ang Lumalaban. Isa para sa Tatlong mga halimaw.Humanga ako sa galing niyang kumilos. kita ko sa mga nakakasagupa niya na nahirapan sila sa Ina ko dahil sa kapangyarihan niyang kung paano siya umatake. Biglang tumilapon si Mama sa Capsula kung saan ako naroon.
"Ma" Paos kong sigaw ng makita ko siyang nanghina gawa ng pagkabagsak niya. hinagilap ko sa aking paningin ang may gawa nito sa kaniya. Isang Babae na hindi nanalayo kay Mama ng anyo. Nalilisik ang mga mata niyang nakatingin sa amin.
"Sa pag kakataon ito, Hindi na kayo makakatakas pa! kayo ang malaking Banta sa mga buhay namin!"
"Hindi kami ang malaking Banta sa buhay ninyo! kundi kayo mismo! Nasisiguro ko na wala sa Anak ko ang Sumpa!"
"Lapastangan katalaga! walang ibang sisihin sa Pangayayaring to kundi kayo! KAYO na Bumuo sa batang yan! at Para sa kaligtasan ng lahat kailangan nyong mamatay!
Napitlag ako ng may biglang maliwag na tumama sa Capsula at sa lakas no'n tumama ang katawan ko sa bawat sulok ng kinalalagyan ko. Alala kong hinanap ang Ina ko. nakita ko silang nag lalaban ng Babae at Halos patas silang nag sasagupaan. Parehong nagsasalitan ng Patama ng lakas. Hindi ko mahabol ng mga mata ko ang kinikilos nilang pawala wala gawa ng kinokontrol ng capsulang ito ang lakas ko kaya ako nanghihina.
"Mama!" Nanlaki ang mata ko ng makita ang Ina ko na Lumagapak. Pilit kong binubuksan ang Capsula ngunit ito ay matigas para buksan. Iyak na ako ng Iyak ng Pinagtutulungan na nila si Mama bawat gulpi at bugbog at nag tatalsikan dugo mula sa kaniya ay Bumabaon sakit sa Dibdib ko.
"HUWAG!" Pigil hininga ako ng makitang Umibabaw ng Upo ang Babae sa likuran ni Mama ng ito ay nakadapa na. Hinila niya ang buhok nito. Nagtatangis ang mga ngipin ko ng makita kung Paano Ipinilit ihiwalay ang ulo ng Ina ko sa kaniyang Katawan. Tulala akong nakatitig sa pangyayari. Bitbit ng Babae ang Ulo ni Mama at lumapit sa direksyon ko. Ang mga luha ko na tuloy tuloy nalang sa Pag-agos hindi ko inaalis ang paningin ko sa kaawang muka ng Ina ko. Kuyom kamao ako nakaramdam ng galit at wala na akong kakayahan na Pigilan pa ito.
Nanlilisik akong tumingin sa Babae na siyang Pumaslang sa Mama ko. Uminit ang buo kong katawan ng Itinaas pa niya ang ulo ni Mama para ipakita sa akin.
"HA!!!!!," Sa sobrang galit ko ay nawasak ko ang capsula. Hindi ko alam kung saan galing ang lakas na bigla nalang Umusbong sa akin. Basta ang alam ko lang sobrang sakit awang awa ako sa Ina ko. Kita ko sa mga taong Pumatay kay Mama ang Pag kabigla. Sunod sunod nila akong Inatake at sa galit na kumakawala sa akin ay Ibinunton ko ang lahat ng lakas ko. Lalo nasa Babaeng pumatay kay Mama.
Nanlilisik akong nakatuon sa kaniya matapos ko mapatay ang tatlong halimaw nayon.kita ko man sa muka niya ang Pag kagulat sa ginawa ko sa mga kasama niya ay Hindi ito natinag.
"Hindi kana talaga dapat mabuhay-" Hindi kona pinatapos pa ang sasabihin niya ng walang hirap ko siyang Pinugutan ng Ulo. Lumipad yon Pabagsak sa paanan ko. walang awa ko itong tiningnan at mariin dinurog ng tapak. Luhod akong naiyak at nanghina "MAMA!"
BACK TO PRESENT
Naalipungatan ako ng makatulog sa tabi ni Papa. kunot noo ako ng makitang nag aayos ang Ama ko ng gamit at nag bibihis. " Pa? hindi kapa magaling" Sita ko sa kaniya. Blangko ang muka nito na hindi ako pinasin at patuloy parin sa pag aayos.
" Ayos lang ako, hindi na tayo dapat mag tagal pa rito dahil alam mo ang hihingiin nilang kapalit" Anya niya sa akin. Yumuko ako kay Papa alam kong hindi rin siya pabor sa gustong mangyari ni Dr. wilson.
"Pasensiya na Pa, wala kasi akong maisip na pedeng pag dalhan sayo ng Hospital kundi dito lang" Sagot ko rito. Alam kong pag kakaguluhan lang si Papa kung sa Hospital ng Tao ko siya dadalhin.
"Pa? Ano kaya kung Bumalik nalang muna tayo roon sa FURA para makabawi ka ng lakas," Humina ang boses ko sa huli kong sinabi ng tingnan ako ng mabigat ni Papa.
"Naririnig mo ba yang sinasabi mo!,"
" Pero Pa, kahit papaano may lakas ka roon. Hindi muna kailangan uminom ng Iba't ibang dugo rito para lang mabuhay. Nakikita ninyo po ba ang Itsura nyo ngayon sa dati? para na ho kayong buhay na bangkay," Lakas loob kong sabi sa kaniya.
Simula ng mamatay ang aking Ina ay Nagawa akong ilayo ni Papa at napunta kami sa ganitong Lugar at para lang mabuhay kami ay nambibiktima si Papa ng Tao. Hindi naman ganoon kasama ang aking Ama. kaya Pinilit rin niyang alamin kung paano mamuhay ng walang pinupurwisyo. Nagtrabaho siya para makabili ng Blood bank. Doon nag umpisa na makilala niya ang Hospital nila Dr. Wilson, ang pamilyang lang ito ang higit na makakaintindi sa sitwasyon namin ni Papa.
Hindi ako kinibo ni Papa sa gusto ko mangyari na umuwi kami sa dati namin tinutuluyan. Malabo talaga na mapapayag ko siya tungkol dito. dahil mukang kahit ikamatay na niya hindi na kami babalik pa roon.